1
Pag-asa
Pag-asa
Pag-asa
Bawat isa sa atin ay nagtataglay ng napakahalagang karakter, ang pagkakaroon ng pag-asa.
Lahat sa atin ay nabibigo, nagdurusa, nasasaktan at nawawalan ng dahilan kung bakit kailangan pa nating mabuhay. Ngunit hindi ba natin pinagtatakhan kung bakit sa bawat hinagpis at pag-iyak natin ay nakakahanap tayo ng kakaibang dahilan kung bakit dapat pa natin ipagpatuloy ang paglalakbay natin. Kung bakit sa bawat hampas ng unos at bawat pagguho ng ating mundo ay parang nagkakaroon tayo ulit ng panibagong lakas para tumayo at buuin ang mga nasirang pangarap.
Ito ay dahil sa pag-asang taglay natin sa ating puso. Pag-asang binigay ng Diyos upang di tayo mawalan ng gana sa mga bagay na hindi natin maintindihan at pilit naglulugmok sa atin sa kalungkutan at pagkabigo.
Mabigo man tayo paulit-ulit, mawala man lahat ng bagay na sa ating opinyon nagdudulot sa atin ng ligaya. Umalis man sila at iwanan kang nagtataka at nag-iisa, isipin mo laging may pag-asa.
May pag-asa ngayon, bukas at sa mga darating na araw.
Sabi nga nila nag-iiba ang lahat, at nawawala sa atin ngunit ang pag-asang nag-aapoy sa ating puso'y hindi mapapanglaw at patuloy itong magbibigay init at liwanag upang muli mapagpatuloy natin ang paglalakbay natin sa buhay.


