1234 I love you(A love story)

eaudefrancois's picture
| |

Si Henry ay isang lalaking nagtratrabaho sa isang kumpanya sa

Makati. Nagbago ang kanyang buhay nang makilala niya si Dianne.

Nagtratrabaho si Henry bilang manager at boss.

1. 1 thing, 1 way

"Late na ako sa work." sabi ni Henry matapos niyang umorder ng kape.

Nakabangga niya ang isang babae at natapunan niya ng kape ang

babae. Dumating siya sa opisina at nagpahinga ng onti.

"Oo nga pala may ininterviewhin ako!" Naghanda si Henry at may

pumunta na sa kanyang  room para sa interview.

"Good morning." sabi ni Henry sa babae. at biglang nakita ni Henry

ang mantsa sa damit nung babae. Naalala ni Henry yung taong

natapunan niya ng kape. Nagsorry siya.

"Ah sorry sa nangyari kaninang umaga. Ibigay mo na lang sakin yung

resumé at bukas you can start." Nakita niya ang pangalan ng babae.

Siya si Dianne. Graduate ng finance at sa magandang school

gumraduate.

Kinabukasan....

Nakita niya si Dianne pumasok na sa kumpanya nakasabay niya sa

elevator si Henry.

"Hello." ang sabi ni Henry kay Dianne. "Hi" sagot naman ni Dianne

nagkwentuhan sila ni Henry at patanung tanong si Dianne tungkol sa

kumpanya. "Eto yung human resources....." pinapakita ni Henry kay

Dianne yung mga iba't ibang departamento ng kumpanya.

Lunchtime...

Niyaya ni Henry si Dianne na maglunch

"Dianne lunch tayo." Sabi ni Henry kay Dianne. "Sige ba." Sagot ni

Dianne.

Naging magkaibigan sila.

Naging magtextmate din sila at lagi si Henry ang karamay ni Dianne

sa mga problema niya.

"Henry... Yung Boyfriend ko kasama siya ng Bestfriend ko." Tinext ni

Dianne si Henry. Ang sagot ni Henry

"Ok lang yan. Hiwalayan mo na yang boyfriend mo at sampalin mo

bestfriend mo. Nakikidawdaw kasi sainyo ng boyfriend mo eh. Wag ka

nang umiyak"

Kinabukasan nagabsent si Dianne sa work.

Pinuntahan ni Henry si Dianne sa bahay at nakita niya na

nagtatangkang magpakamatay si Dianne at bibigtiin niya ang sarili

niya.

"Dianne wag!"

"Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang mawalan ng bestfriend. Pinagpalit

niya ako sa Boyfriend ko."

Niligtas niya si Dianne....

"Nandito lang ako babantayan kita."

"Talaga? Pramis ah.. walang iwanan." Umiiyak na sinabi ni Dianne.

Binantayan ni Henry si Dianne.

2.  2 do, 2 say

2 mths later. Matagal na silang naging magkaibigan ni Henry at parang

nagkakagusto at nagiging sweet na sila sa isa't isa.

"Dianne." "Henry" Sabay nilang sinabi "May gusto akong sabihin sayo"

"May gusto akong sabihin sayo" sabay ulit nilang sinabi. "I Love you" "I

love you" Sabay nanaman!

"So tayo na?" tanong ni Henry.
"Oo" sagot naman ni Dianne. 

Naging sila na.

Naging sila for 3 years at nag_____(3)

3. 3 words
At sila ay nagpakasal. Nagpakasal sila. Nagmove na si Dianne sa

place ni Henry and they live together. Lagi silang sabay pumapasok sa

work.

Dumating ang araw...
"Hon...Ok lang ba na pumunta muna ako sa Japan kasi namatay yung

mom ko. Iiwan muna kita." Pinayagan ni Henry si Dianne kasi naaawa

siya. Nakita niya ang kanyang luha na tumutulo at problemadong

problemado. Umalis muna  si Dianne for 3 months siya doon.

Nahilo at nahimatay si Henry. Isinugod si Henry sa Ospital. Binilinan ni

Henry na wag sasabihin kay Dianne ang mga nangyari. Ang sabi ng

doktor kay Henry may Leukemia siya at kailangan niyang magpakemo

therapy. Nakita ni Dianne na medyo matamlay si Henry.

"Hon ba't matamlay ka?" 
"Ah wala lang to. Kamusta Japan?"
"Ok naman. Ayon nakamove on na sa pagkamatay ng mom ko."

Nalaman rin ni Dianne yung sakit ni Henry at inalagaan niya si Henry.

Pumasok si Dianne sa trabaho at pabalik balik siya sa bahay.

Hindi na kaya ni Henry ang Kemo therapy kaya itinigil na niya ito.

Nagpacheck up na si Henry sa Doktor at ang sabi ng doktor 3 linggo

nalang ang itatagal niya sa mundo.

The last day....

Noong nagising si Dianne nakita niya si Henry natutulog na sa kamay

ng diyos. Umiyak siya.

"Henry..Salamat....Salamat sa pagiging parte ng aking buhay. Hindi

kita makakalimutan. I love you."

4. 4 you.......and that's what I'll do

Inilibing na si Henry. Umuwi na ng bahay si Dianne at may nakitang

CD na may nakalagay. For Dianne... Nakita ni Dianne ang mga

unforgetable memories nilang dalawa ni Henry. At sa huli nakita niya

ang mukha ni Henry at nakarecord ang kanyang sinasabi sa CD na

iyon at ang sabi:

"Honey.. Siguro patay na ako nang napanood mo ito. First of all gusto kong magsorry sayo dahil pinangako ko na walang iwanan pero ngayon hayaan mo proprotektahan pa rin kita. Dito lang ako sa tabi mo lagi kaya wag kang magalala. Dianne..Salamat....Salamat sa pagiging parte ng aking buhay. Hindi kita makakalimutan. I love you." Kinantahan din ni Henry si Dianne sa video. Ang kantang ito ay kinanta ng Plain white t's

There's only
1 thing
2 do
3 words
4 you
I Love you

There's only
1 way
2 say
....those
3 words and that's what I'll do

I Love you.....

Umiyak si Dianne. habang sinasabi niya ang I love you. Nakapagmove on din siya ngunit hindi na siya umibig muli.

"Siguro hindi na ako iibig. Si Henry na ang first and last ko."
                                                                                     -Dianne

Nagandahan lang ako sa kanta ng Plain white t's kaya isinulat ko itong storya na to. :)