2:30 P.M.(Bago Mag Alas-tres)

dyeppri's picture
| |

Sa pag-aagaw ng dilim sa liwanag ay

tila ako isang manok na nagbabalanse sa

rumurupok na sanga at tinatantya

kung gaano kalalim ang babagsakan

kapag tuluyang pumikit ang mata.

 

Sapat na ba ang ginagawang paghalik

ng butiki sa lupa tuwing hapon

gayong pagpatay naman sa gamo-gamo

ang paraan niya upang mabuhay?

 

Kakaawaan ba ng ama ang anak nito

gayong kinain niya ang kapatid na

gagamba? Mas mainam na raw ito

kaysa iba pa ang lumapa sa kanya.

 

Kung may mapagpipilian lang sana...

 

 

dyeppri

dyeppriLaughing