3 BROTHERS {INITAN }

|

                                                                                                   

Ng hapon habang nakatayo si ana sa kanilang bakuran ay biglang nagulat ito ng nakitang dumating ang kanyang dating asawang lasing "oh antonio anong ginagawa mo dito baka makita ka ni alejandro alam mo naman yun baka ano pa ang magawa niya sayo"                                                     

"wala akong pakialam kung gusto mo tawagin mo at magpatayan kami dito"       

"ano ba talaga ang gusto mo" 

"saan ang anak ko sabihin mo kung ayaw mo ng gulo" 

"wag mo akong tatakutin baka makalimutan na pagkatapos mong iwan ng ilang taon ang anak mo na walang pakialam basta basta mo nalang hahanapin dito "

"aba syempre naman eh anak ko yun o sige kung aaw mo siyang ibigay bigyan mo nalang ako ng pera dahil kung ayaw mo hindi ako madadalawang isip na kukunin ang anak ko"

"tingnan mo na hoy wala kang makukuha sakin kahit anong gagawin mo" samantala habang nagaaway ang dating mag-asawa ay nakatingin naman sa di kalayuan ang anak nilang si jeff

"ganon pala ah sige tingnan mo kung ano ang tapang ko " na biglang pumasok sa bahay at pinaghahalughog ang mga kagamitan

"tama na kung pwede lumabas kana"

 "tumahimik ka"na biglang tinulak si ana pero biglang dumating si alejandro at sinuntok si antonio at nagkagulo sila pero ng natumba si antonio ay nakita nitong bumunot si alejandro sa kanyang tagiliran kaya dali daling tumakbo si antonio pero naabot ito ng nala at tumambag nalang kay jef ang kanyang amang duguan habang nakasilip ito sa pangyayari at isang alala nalang sa kanya ito hanggang sa paglaki niya na habang kinukwento niya sa isang kaibigan "baka akala ni rafael hindi ko palalampasin ang ginawa ng ama niya sa ama ko diyan siya nagkamali"

 "eh anong balak mo diba matagal nayun at maganda na naman ngayon ang buhay mo sa piling ng mga tiyahin mo kaya ano pa ang plano mo  at diba hangang sa ngayon kulong parin ang step father mo dahil natalo sila sa kaso "

"buti nga siya kulong lang ang natikman niya dahil kung di mahaba ang pasensya ko baka ako na mismo ang pumatay sa kanya "

"ewan ko sayo bro kalimutan mo nayun at burahin sa isipan mo.At siyaka magkapatid kayo ni rafael kaya dapat  ibura mo ang tanim ng galit mo hindi ka ba naaawa sa inay mo na hanggang ngayon doon parin sa mental

"buti nga sa kanya wala namang siyang ginawang mabuti at isa pa walang kapakapatid sakin.Kaya ibahin mo ako sayo at wag kang magpakita sakin ng ilang araw dahil baka ano pa ang magawa ko sayo at wag mo akong itulad sayo na tarantado pwe" agad umalis 

ITUTULOY

LOREDO GARILVA JR.

17 FROM ILOILO PASENSYA NA KUNG MAIKLI  SORRY GANITO LANG MUNA  AT AKING PAALALA NA ANG KWENTO NATO AY ISA SA MGA NAISULAT KO NA SARILING GAWA KO AT SANA SUBAYBAYN NIYO ITO AT  ANG SUSUNOD KO PANG MGA KWENTO AT ANG STORY NATO AY  MAAKSYON AT ASTIGAN PERO MERON DIN NAMANG KUNTING ARAL AT PANGAKO SA SUSUNOD AY MAY ISUULAT NA TIYAK MAPUPULUTAN NIYO NG ARAL THANK YOU


dyeppri's picture

Paalaala po lamang...

Kung ang wikang Ingles ay may roong tamang grammar sa mga salita at gayundin naman ang wikang Tagalog.Ito ay may balarila at gumagamit ng tamang balangkas. Ito ay nahahati sa apat na paksa ang Palátitikan, Palábigkasan, Paláugnayan, at Palásurian.

huwag itong ipagsawalang bahala.salamat po...Cool...

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Hindi pa ako gaanong bihasa

Hindi pa ako gaanong bihasa sa pagsulat ng mga short stories pero tulad ng mga komentong natatanggap ko na kadalasang sinasabi sa akin ay itama ang mga salitang ginagamit. Ang mga wastong gamit ng mga salita...

Sa kwento mo: kung ito ang unang bahagi ng kwento masasabi kong may kulang sa simula. Hindi mo gaanong napakilala ang mga tauhan lalo na yung bida sa kwento.

Kung 3 brothers ang titulo nito lumalabas na sila ang bida ngunit hindi ito masyadong napakilala sa kwento. Ang simula ng kwento ay binigla sa isang aksyon.

Natutuwa ako kasi 17 ka pa lamang at tubong Iloilo ka rin. Ituloy tuloy mo lang ang pag basa at pagsulat at marami kang matututunan.

Kung may time ka basahin mo ang nobela kong Doon lang Chapter one at makikita mo doon ang mga komento sa akin. Basahin mo lang baka may makuha kang aral..

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nag aaral para sa aking mga isinusulat.. mahirap pag aralan ang balarila pero kapag nasimulan mo na at nasa puso mo ito madali mong makukuha...

Maraming salamat sayo... sa isang nobela sabi nila importante rin na marunong mag kwento ang nagsusulat... sa katulad mo at bata ka pa... malaya mong na ikwekwento ang nasa isipan mo.. konting aral sa mga salita at magiging mahusay ka na...

Salamat

jonsdmur

dyeppri's picture

apir jonds apir!

tumpak ka dyan 'dong sa sinabi mo sa kababayan mong to!

--->paki-ayos po ng tamang gamit ng mga salita.tnx

hindi lang mensahe ang mahalaga...mahalaga rin kung papano mo ito isinagawa. ahihihi! 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

pasensya na

salamat sa mga payo sensya na sa inyo 1rst time kase at siyaka matagal ko ng nagawa ang kwentong to kaya medyo nakalimutan ko habang pinopost dito at hindi ko sinunod ang kwentong tona siyang isinulat ko noon sa bond at ilang beses ko ring itinama yun  para maging maganda ang paggamit ng mga salaysay  and i hope tama yun gusto ka man sanang maging magustuhan ito ng mga makakabasa pero naging ganito na per di bale marami pa namang pagkakataon at try ko nalang na maitama at iedit ang isinulat kung to thankz pala sa payo lahat naman ng paraan gagawin ko para maging magaling na writer balang araw

Magandang Tanghali. Ako ay nakikiraan lamang.

Mas-maayos tignan kung ang iyong kwento ay hindi naka-bold ang mga ka-unang-unang bahagi nito. At marahil kinakailangan nito ng pag-mamasid sapagkat ang dami ng maling balarila. Itinuloy ko po ito ayusin para makatulong sa iyong paghihirap.

Quote:
Ng hapon habang nakatayo si Ana sa kanilang bakuran, ay biglang na-gulat ito ng nakitang dumating ang kanyang dating asawang lasing.

"O! Antonio, ano'ng ginagawa mo dito? Baka makita ka ni Alejandro alam mo naman 'yun. Baka ano pa ang magawa niya sayo." <Maaring mag-lagay ka ng pananalaysay ng pamamahayag ni Ana kay Antonio>                                                    

"Wala akong paki alam! Kung gusto mo, tawagin mo at magpatayan kami dito!"       

"Ano ba talaga ang gusto mo?" 

"Saan ang anak ko? Sabihin mo kung ayaw mo ng gulo." 

"'Wag mo akong tatakutin. Baka nakalimutan mo na na pagkatapos mong iwanan ng ilang taon ang anak mo, wala ka ng paki alam? Tapos basta-basta mo nalang hahanapin dito?"

"Aba, syempre naman eh, anak ko yun.  O sige... kung ayaw mo siyang ibigay, bigyan mo na lang ako ng pera dahil kung ayaw mo, hindi ako mag-dadalawang isip na kukunin ang anak ko!"

"Tingnan mo na!" <Maaring mag-lagay ka ng pananalaysay ng pamamahayag ni Ana kay Antonio>  "HOY! Wala kang makukuha sa akin kahit ano pa ang gawin mo!"

  Habang nag-aaway ang dating mag-asawa ay nakatingin naman sa di kalayuan ang anak nilang si Jeff.

"Ganon pala," <Maaring mag-lagay ka ng pananalaysay ng pamamahayag ni Antonio kay Ana>   "Ah, sige... Tignan mo kung ano ang tapang ko."

Biglang pumasok sa bahay at pinag-hahalughog ang mga kagamitan

"Tama na! Kung p'wede ba? Lumabas kana?!"

 

  Kinabubuti na bigla ang pag-pasok sa problema ang kwento dahil wala itong arte- na kung sa iba ay kailangan pa ng ilang pahina upang ma-intindihan ang sitwasyon ng likas. Sana may natutunan ka sa aking tuligsa.

Paalam!