A 90's NERD STORY Part 6
Normal 0 MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman";}
13
Ayan na pala s’ya! Bumubili na naman ng Philip…
Miss, may five pesos ako dito… – (epal naman ako)
Hinde… ‘wag na. – supalpal ako dun!
An’sama naman kasi ng banat ko. ‘Di naman kasi kami magkakilala tapos aalukin ko ng limang pisong pambili ng Philip.
Okey na sana, eh! Kinausap n’ya ‘ko… kaso ang pangit ng banat ko! Ninerbyos tuloy ako… pinapawisan na ‘ko ng malamig.
Ba’t ko ba naisipang sabihin ‘yun!? Itong walang-hiyang palaka na ‘to ang may kasalanan, e!
Hawak n’ya ang wallet n’ya; naghahanap s’ya ng barya.
Nakatitig ako sa muk’a n’ya. Ina-analyze ko kung pikon na s’ya… at kung pa’no s’ya mapikon. Atat kasi s’ya sa Philip.
Umupo ako sa may bangko na halos nangangatog pa ang tuhod. (‘Wag lang sana n’yang mahahalata na kabado ‘ko.)
Nag-iisip na naman ako kung anong mga p’wedeng mangyari at kung ano ang gagawin ko kung mangyayari nga.
Pa’no kung tanungin n’ya kung ba’t ako nangangatog?
Sasabihin ko: Kasi… nakakita ‘ko ng malaking palaka! Tingnan mo! Ayun, oh! An’laking palaka! Ahyee!!!
?
.
.
.
(Oo na… corny na.)
.
.
.
Napagod ‘ata s’ya sa kakahanap ng coins kaya naupo s’ya sa kabilang bangko.
(Wala na ‘yan. Asa ka pang may mahalungkat ka pang pangyosi.)
!!!
Biglang Umuga ‘yung tindahan!
.
.
.
TRUCk!!!


