A different kind of love (Part 1 of 5)

            Heto na ‘yon the awaited moment of truth.

            Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, habang papalapit na kami sa aming destinasyon.

            Ini-imagine ko na ang samut saring ekspresyon ng mga tao, sa pag dating ko, sa pag dating  naming dalawa.

            Isang Welcome Party ang inihanda ni Mamang para sa pag dating ko.

            Ayoko sanang may ganoon pang, magarbo na pag sasalo-salo, kasi noon pa ma'y ayoko na ng ganoong klase ng pag diriwang lalo na’t ako ang dahilan.

            Lagi ay gusto kong pam pamilya lang ang selebrasyon, ‘yong tipong ako lang, ang mga kapatid ko, sina mamang at papang lang, ang mag kakasamang mag diriwang.

            Ayoko kasi ng maingay, ayoko ng plastik na pakikibati sa mga bisita, at ang pakikiharap sa mga tao.

            Pero mapilit si Mamang, sa maliit na Farm namin sa San Rafael napiling idaos ni Mamang ang magarbong Welcome Party na Pinaghandaan pa raw nito.

            Ang isiping pinaghandaan nga ni Mamang ang Welcome party na ‘yon ang s’yang dahilan kum bakit di na ako tumutol pa, isa pa ayokong ma-disappoint  si Mamang , at naisip ko ‘yon na ang tamang pag kakataon.

            Napalingon ako sa gawing iyon ng kinauupuan ni “Jadie” ng mahigpit n’yang ginagap ang palad kong noo’y nanginginig.

            Lumapit s’ya at marahan akong hinapit para  isandal ng mapayapa ang ulo ko sa kanyang balikat.

            “Everythings will be alright,OK”

            Nag patianod ako.

           

             Husto na naming narating ang aming destinasyon.

            Na pa higit ako ng malalim na hininga, saka mag kasabay kaming bumaba sa sasakyan ni Jadie.

            Saka naman napa tuon ang pansin ng mga tao sa labas ng Farm sa aming kinatatayuan ng hustong nakababa kami mula sa Kotse.

            Bakas ang pag ka mangha sa mga mata ng mga tao na nakatuon ang pansin, hindi sa akin kundi sa taong kasama ko.

            Ang pinsan kong si Floria agad ang lumapit para salubungin kami.

            Gusto kong matawa sa pag tatakang namutawi sa mga mata ng pinsan kong si Floria ng malingunan nito si Jadie

            May katangkaran kasi si Jadie, mga 5’6 ang tangkad, maganda ang hubog ng katawan, maputi’t makinis at animoy artista kung mag damit.

            Pag hanga naman ang ekspresyong bumakas sa mukha ng mahal kong pinsan nang sa akin naman napadako ang tingin nito.

            Di ako kagandahan at aminado ako doon. 5’4 lang ako, may kaputian rin kung ikukumpara sa natural na pilipina at may katamtamang sukat ng katawan.

            Pero alam kong malaki na nga  ang ipinag bago ko sa loob ng apat na taong lumipas mula ng lisanin ko ang lugar na ‘yon.

            “Sina Mamang at Papang?”

            “A-andoon.”

            Nag patiuna sa pag lalakad ang pinsan kong si Floria na noo'y sumisingit ng lingon-likod sa pagitan ng pag hakabang nito, wari’y nag tataka sa kung sino ang kasama kong dumating.

            Sumalubong sa amin, ang kumpol ng mga taong ang iba'y kilala ko at ang iba nama'y bago saking paningin.

            Napa suyod ng tingin sa kabuuan ng Farm, si Jadie. Saka namamanghang napa bulong.

            “What a wonderful place,”

            Napa sukbit ang kamay n’ya sa braso ko. Matamis na ngiti ang iginanti ko.

            Dama ko ang unti-unting pag balik ng normal na pag tibok ng puso ko, si Jadie lang ang kapanatagan ko, s’ya lang.

            Ilang hakbang pa at naaninag ko na mula sa aming kinatatayuan ang bulto ni Papang, na noo’y nakikipag huntahan ng kuwneto sa mga kumparee nito, isa sa kumpol ng bisitang kausap nito ay ang kagawad ng naturang nayon ng San Rafael.

            Pansamantala akong nag paalam kay Jadie, para lapitan si Papang.

            Marahang tumango naman si Jadie na agad na nakahanap ng makakausap at makakasundo sa kumpol ng mga taong noon nga’y di ko pa nakita at nakilala.

            “I can manage, don’t worry,”

            Likas na kay Jadie ang pagiging socialite nito na s’ya namang di ko taglay, pero kahit papaano ay hindi naman naging hadlang ang pagkakaiba naming ‘yon para mas mag kalapit kami.

            “Papang,” nakangiting bati ko mula sa likuran ng Papang na noo’y humahagalpak ng tawa sa birong pinawalan ng isa sa kausap nito.

            Ganon na lamang ang bigla ni Papang nang ako ang malingunang tumawag rito.

            “Sus mi, Anak ko!!!” agad akong inakap ng mahigpit ni Papang. Dama ko ang pananabik sa yakap nito.

            Sa aming apat na mag kakapatid ay ako ang maituturing na pinaka Junior ng Papa ko kung di nga lang ako pinanganak na babae.

            Lagi akong isinasama ni Papang noon sa mga lakad nito, kung minsa’y isinasama n’ya akong mangaso, mamisikleta o kaya nama’y kasama n’ya akong nag mimintena ng maliit na ubasang proyekto nito sa Farm naming ‘yon.

            Gumanti ako ng yakap kay Papang.

            “Aba'y ako ba e walang yakap?!” untag ng tinig mula sa likuran naming ni Papang.

            Napalingon ako.

            “Mamang!!!”

            Nananabik akong niyakap ni Mamang at walang tigil akong pinaghahalik sa pisngi saka walang patid na ginulo ang mahabang buhok kong noo’y hinayaan kong nakalugay lang.

            Pinakilala ako nina Mamang at Papang sa bawat bisitang aming madaanan, ang huling grupo ng bisita na aming dinaanan ay ang kumpol ng mga co-teachers ng mamang ko, ilan roon sa pinakilala sa akin ay mga binatang guro ng iskwelahan kung saan nag tuturo si Mamang, walang sing higpit ang pag hawak ng mga binatang guro sa tuwing nag kakadaop ang palad ko sa mga palad na inilalahad ng mga ito.

            Di maiiwasang napapabulalas ng papuri ang mga bagong kakilala.

            “Ke ganda naman po ng dalaga niyo,” anya ng isang binatang guro, na noo'y hawak hawak parin ang palad ko.

            Marahan kong kinalas ang palad ko mula sa pa kakahawak nito at saka pormal na ngumiti bilang pasasalamat sa pag puri nito.

            Noon pa ma'y di ako napapaniwala ng mga ganoong papuri, kesyo maganda raw ako o kung ano pa man, dahil lagi ay hindi totoo ang dating noon para sa akin.

            Matapos akong maipakilala sa lahat ng bisita ay inakay ako papasok sa bahay namin doon sa Farm, ni Mamang.

            Napamangha ako, pag pasok sa bahay, malaki na ang ipinag bago sa loob.

            Naging masyado akong busy noon sa pag aaral sa kolehiyo sa siyudad kung kaya't di ako nakakasama sa tuwing napapabisita sina mamang sa Farm naming ito, noon pa mang bata ako ay pinamamahalaan na ng  mag asawang sina Mang Norbing at ng  asawa nitong Si Aling Mirna ang bahay naming iyon sa Farm.

            May ikalawang palapag na ang bahay at higit na mas malapad kesa noon.

            “Gulat ka ano?” anya ni Mamang, nang sumilay ang pag kamangha sa aking mga mata habang pinapasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng bahay, na sa hinuha ko’y kayang ukopahin lahat ng bisitang meron kami sa gabing iyon.

            “Dito ho ba matutulog ang mga bisita?”

            Pa gabi na, kung hindi sa Farm namin matutulog ang mga bisita ay tiyak na kanina pa umuwi ang mga ito.

            Nag aagaw na ang liwanag at dilim ng kami'y dumating kanina.

            “Ay naku, OO. Teka lang, Lourding!!!!”

            Pag tawag nito sa pangalang iyon ay isang batang babae ang lumapit sa amin.

            “Siya nga pala, panganay ‘to nina Mang Norbing at Aling Mirna,” pag papakila ni Mamang sa batang babae,”Ay Lourding pagabi na, pasinagin mo ng mga ilaw,”

            Matapos ang utos ni Mamang ay agad ng umalis si Lourding sa aming harapan matapos akong ngitian. Kasunod niyon ay ang pag ilaw ng mga bombilya sa labas.

            Nasa itaas na ako, sa ikalawang palapag ng bahay. Sa silid kung saan daw naroon ang sarili kong kwarto ng mapag pasyahan kong pag masdan ang kabuuan ng Farm sa nakabukas na bintana ng silid.

            Namangha ako, ang mga ilaw na kakasindi lang ang nag paliwanag sa kabuuan ng bahaging iyon kung saan tila may pinasadyang bulwagan sina Mamang at Papang.

            “Mamang,” tawag ko kay Mamang na noo’y umaasiste sa kasambahay na umaayos ng gamit ko saking maletang dala.

            “Mapilit ang Papang mo e, alam kong ayaw mo ng ganyan. Dahilan ng Papang mo’y nais n’yang maging espesyal ang pag babalik mo, kung kayat nag plano s’ya ng sayawan na gaganapin mamayang hating gabi, mahaba-habang pag diriwang ito anak, pasensya na, si Papang mo kasi..”

            “Di ho OK lang,”

            “O s’ya maiwan na muna kita, marami pang bisitang iistimahin, darating pang mga ninang at ninong mo, ang lola't lolo mo, mga pinsan mo, at marami pang iba,”

            Humalik saking pisngi si Mamang saka bumaba na para umistima ng mga bisita.

            Bumalik naman ang paningin ko sa bulwagan kung saan mamaya ay gaganapin ang sayawang pinlano raw ni Papang.

            Nakita ko si Jadie, kausap ang ilang dalagita na namamangha rito.

            Napalingon sa direksyon ko si Jadie saka matamis na ngumiti, na ginantihan ko rin ng matamis ring ngiti.

            Kumumpas ang kamay nito na tila ba gusto akong pababain.

            Ilang saglit pa ay bumaba na nga ako, saka ko lang naalala na di ko pa pala naipapakilala si Jadie kina Mamang at Papang, sa mga kapatid ko at sa mga Bisita.

            Na hagilap ng aking paningin ang nakatalikod na si Jadie na tila ba may kausap na kung sino.

            “Hey,” untag ko kay Jadie. Kinintalan ko s’ya ng masuyong halik sa pinsingi, “I’m sorry my mom…”

            Tila na putulan ako ng dila ng makilala ang kausap nito.

            Inilahad ng aming kaharap ang kamay nito.

            “It’s nice to see you again Elaine, sa tinagal-tagal ng pag hihintay ko,” anya ng lalaking  kausap ni Jadie.

            Di ko magawang pakilusin ang katawan kong tila sinimento sa di inaasahang tagpong iyon.

            Nag hari ang mahabang katahimikan, saka tila naisipang magsalita ni Jadie upang basagin ang kakaibang tensyong nag hahari sa pagitan naming tatlo.

            “He said he was your bestfriend,”

            “Yeah her Bestfriend,” mapait na sabad ni Alex.

            Si Alex ang lalaking kaukausap ni Jadie kanina. Si Alex ang lalaking una’t huling lalaki sa buhay ko na hinayaan kong makapasok sa kaibuturan ng aking pag katao, ang taong hinayaan kong pasukin ang pribado kong buhay at ang taong walang pasabi kong binura sa pahina ng aking pag katao dahil sa di inaasahang pangyayari.

            Sa pagkakalapat ng aming paningin ni Alex, ay bigla ang pag balik ng nakaraan.

            

          Naalimpungatan ako sa isang mainit na dampi ng labi sa aking pisngi at pag higpit ng yakap ng aking katabi.  

        “Hmmm ,” nakapikit kong ungol.           

       “Good morning angel,” bati ni Alex           

        Bahagya pa akong nagulat nang ang mamulatan sa aking tabi ay si Alex at hindi ang taong laman ng aking isip mula pa kagabi.           

         Natawa si Alex sa tila pag ka gulat ko.           

        “Mukha ba akong multo?”           

         Sa halip na sumagot ay inot-inot akong bumangon mula sa kama, habang ang hubad na katawa'y tinatabingan lang ng puting kumot.           

       “I can’t believe that I’m your first Elaine. Pananagutan kita.”

         Ang sasabihing iyon ni Alex ay di ko inaasahan.           

        Namumutlang nilingon ko si Alex.            

       “Y-you gotta be kidding me Alex,”   Lumapit si Alex sa akin suot ang sinserong ekspresyon sa mukha.           

      “I’ll take good care of you, I’ll be all you need Elaine. Magiging maayos ang lahat” masuyo nitong hinaplos ang pisngi ko, saka ako hinapit para yakapin.            

        Napa pikit na lamang ako nang madama ang pag kintal nito ng halik sa aking noo.            

      “How I wish na hahayaan mo akong maging parte ng buhay mo, nang higit pa sa isang kaibigan. Papakasal ka ba sa akin?,”           

       Bigla ang pag kalas ko sa pagkakayakap ni Alex. Di ko inaasahan ang sasabihin nito.           

       Di ko alam kung pano ipapaliwanag rito ang lahat sa paraang hindi ito masasaktan, pero naisip kong mas mabuti pang ilahad dito ang reyalidad.           

     “A-alex what we did last night isn’t that unusual. Huwag kang mag alala di naman kita pipiliting panagutan ako kung sakali mang…kung sakaling mabuntis ako, that thing that had happen to us doesn’t mean anything, as a matter of fact that’s just a one…”           

      “One night stand?!!. I can’t believe this!!! Pinaniwala mo ko kagabi na I’m more than a friend to you!!! Then you’ll tell me this!!!” napapa sabunot sa buhok na singhal ni Alex.           

       Ang inakto nito ang tila pulang ilaw ng babala para sa akin, babalang nag sasabi na kelangan ko ng putulin ang  kung ano mang namamagitan sa aming dalawa ni Alex.           

       Masasaktan ko s’ya. Di na dapat pahabain pa ang kahibangan meron kami, kung kayat ipinasya kong iwan s’ya sa araw ding iyon kung saan ang araw na muli s’yang makita ay di ko inaasahan.           

       Nag sisisi ako kung bakit ko hinayaan mangyari ang yugtong iyon na naging dahilan ng pag kawasak ng relasyong meron kami ni Alex.           

      Masyadong magulo ang isip ko noon, kung kayat nag aya akong makipag inuman kay Alex.           

     Wala akong mapag labasan ng sama ng loob sa nang lalabong relasyon namin noon ni Jadie ng taong noon pa may nilaanan ko na ng espesyal na lugar sa puso ko,  kung kayat nag pasama ako kay Alex sa bahay na tinitirhang kong mag-isa sa subdivision noon para may malabasan ako ng sama ng loob, sa di inaasahang pakikipag kalas ni Jadie sa dahilang di nito magawang sabihin noon.            

      Di ko inaasahang may mangyayari sa amin ni Alex, Ok lang sana iyon dahil si Alex ang s'yang naka una sa akin, at ang lahat ay di nangyari kung tumutol ako, ang nag pasira ng lahat ay ang pagtatapat ni Alex na may pag mamahal itong iniuukol ng palihim para sa akin, pagmamahal na di ko kayang suklian dahil sa, si Jadie ang s’yang mahal ko. 

            Agad ang balik ng reyalidad sa akin ng bumulong si Jadie.

            “Baby are you OK?,” himig nag aalalang bulong ni Jadie sa akin.

            Tila na gising naman ako sa marahang  pag yugyog ni Jadie sa balikat ko. Saka ko lang napansin na wala na pala si Alex sa aming harapan.

            Inaya akong maki pag usap sa mga bisita ni Ate Rica ng mag kita kami sa loob ng bahay.

            Si Ate Rica ang panganay kong kapatid, di ko pa nagawang ipakilala rito si Jadie bilang taong may malaking kaugnayan ngayon sa buhay ko.

            Ang alam lang ni Ate ay kaibigang matalik ko si Jadie na nasa pinas lang para mag bakasyon.

            Iyon din ang pag papakilala ko kay Jadie sa dalawa ko pang kapatid na sina Ate Louvine at Ate Rachelle.

            Sa bawat pag papakilala ay tinititiggan ko si Jadie sa paraang humingi ng paumanhin, umaamot ng pang unawa,.. at sa paraan ng pag titig ni Jadie alam kong naiintindihan n’ya ang kinalalagyan ko.

            Nasa loob na kami ng bahay ng muli kong makita si Alex, at nabigla ako ng mapag sino ang kausap nito. Si Papang.

            Sa paraan ng pag-uusap ng dalawa’y tila matagal ng magkakilala ang mga ito.

            Ano bang dahilan ni Alex sa pag babalik nito, anong kaugnayan n’ya sa papa ko? Bakit andito s’ya ngayon sa San Rafael gayong sa Maynila ko ito na balitaang nag tatrabaho? Anong binabalak n’ya? Alam n’ya na kaya ang dahilan kung bakit ko s’ya nilayuan? Alam na kaya ni Papang kung sino si Alex sa buhay ko?

 

 

 

 

 

 

Susubukang ituloy.......


ilyana's picture

tapusin ko later after kong magreply muna sa lahat.

Aabangan ko ito Pinx, gusto ko itong mga true to life blog..

Nang makilala ko na rin kayong lubusan..

…★.......★........★.......★.........★.......★.......★

"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."

---------------♥ILyAna♥-----------------

ilyana's picture

tinapos kona...

…★.......★........★.......★.........★.......★.......★

"ANG GANDA NG PGKAKA KWENTO MO ELAINE;SANA DINISCRIBE MO RIN HITSURA NI ALEX; ABANGAN KO MGA SUSUNOD PA HA,PARANG POCKETBOOK...

Ate :)...

Fiction po 'to, sa Lit Section sana 'to, di ko lang alam pa'no i-post...pero tenxu sa pag babasa susubukan ko pa tapusin..Wink!!!Tenxu ulit!!!

ilyana's picture

fiction??

Naku, sa pagkakakwento mo, akala ko tru to layp na...dibale, aabangan ko parin, parang tagalog pocketbook eh... Galing mong bata ka... …

 

 

★.......★........★.......★.........★.......★.......★

 

 

"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."

 

 

 ---------------♥ILyAna♥-----------------

jonsdmur's picture

Gay Story ba? May Gay Fiction kasi sa taas....

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Siguro sa next chapter pa lalabas ang mga revelation... maganda... kung bago lang kitang kilala parang sasabihin ko rin na totoong buhay mo ito... sige abangan ko next part nito.... at mukhang may aabangan sa next part

Na miss ko an rin ang mga akdang pam pocketbook ang istilo....

jons