A different kind of love (Part 3 of 5)

           

            Kinabukasan ay nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa nakatabing na kurtina ng bintana.

            Walang sing sarap ang magising sa umaga ng kayakap ang taong kumukumpleto sa ‘yo.

            Sinulyapan ko ang orasang maliit sa table na katabi ng kama.

            Mag aalas otso na, nilingon ko si Jadie. Himbing na himbing parin ito sa pag tulog. Ang ganda-ganda nito, animo'y isang prinsesa. Ang itim na buhok nitoy malayang nakalatag, habang ang iilang hibla naman ng buhok nito'y tumatabing sa namumula nitong pisngin, marahil dahil iyon sa init mula sa sikat ng araw na tumatama sa mukha nito kaya ito namumula ng ganoon..

            Na pag desisyonan kong wag na lang gisingin si Jadie, masyado ata itong na pagod kahapon.

            Tumayo ako mula sa kama saka lumapit sa bintana para ilatag ang nakatabing na kurtina .

            Nang ilalatag ko na ang kurtina ay napa tigil ako ng masilayan mula sa bintana  ang may kalawakang ubasan ng Papang, di ko inaasahan ang pag babagong iyon ng proyektong ubasan ng Papang na noo'y inaakala kong ititigil na nito dahil sa malaki ang nailulugi nito kesa sa kinikita sa pag papalakad ng ubasan.

            Naiiling na inilatag ko ang kurtina, saka muling lumapit sa kama para kintalan ng halik sa pisngi ang nahihimbing paring si Jadie,  bago bumaba.

            Matapos palitan ang suot kong pan tulog ng polong kulay rosas na mataas ang mangas at ng maong na kulay itim na hangang tuhod ay bumaba na ako.

            Iyon ang tamang kasuutan kapag bibisita sa ubasan ng Papang.

            Nasasabik na rin akong pag masdan ang pagbabago sa ubasan nito, ang masilayan ang nursery at lalong-lalo na ang animo'y  malaking eroplanong Wind Mill ni Papang na s'yang bumubumba ng tubig mula sa ilalim ng lupa upang punuin ang tangke ng tubig na pumupuno sa Fish Pond ni Papang.

            Papababa na ako ng hagdan nang mapahinto ako, nasa salas ang lalaking dahilan ng pag kasira ng  mood ko kagabi. Si Alex.

            Ang pag kakaupo nito'y di na tinag ng yabag ng sapatos kong papababa sa hagdan. Nag babasa nga pala ito ng News Paper. Naisip ko mabuti na rin ‘yon para di na kami mag karoon pa ng pag kakataong mag usap.

            Pag kababay, dumiritso ako sa kusina.

            "Lourding, saan ba nakalagay ang tinapay at..."

            "Ate Elay, m-magandang umaga po" sa halip ay bati ni Lourding sa akin na tila nagulat.

            "Magandang umaga din," nangingiting bati ko, sa nag iisang anak ng aming katiwala.

            "May kailangan ho kayo?"

            "Ah, e Oo. ‘Yong keso at tinapay gagawan ko kasi si..."

            "si Jadie ng breakfast in Bed?"

            "A-alex,"

            Bigla na lamang sumulpot mula sa likuran si Alex. Noon ko lang napansin ang suot nito, naka baby blue na polo shirt ito, na naka tupi ang mangas habang ang pang ibaba naman nito'y kupas na maong.

            "Ang cute ko no?" ngising anya nito.

            Saka lang ako bumawi ng tingin mula sa pagkatitig rito. Di na 'ko nag abala pang humarap sa kanya. Lumapit ako sa dining table at di ko inaasahang susunod din ito.

           Gumilid ito sa Dining table at marahang hinila ang silyang kaharap ng iniupuan ko, iniwan nito ang hininging tinapay at keso na s'ya sanang gagawin nitong sandwich para sa akin.

           Naka pangalumbaba itong umupo saking harap, walang imik akong tinitigan sa mukha na tila ba sinusuri ang bawat angulo ng aking pagkatao. Saka ito napa higit ng hinga sa paraang tila ba may mabigat na dalahin sa dibdib, saka napa buga ng hangin.

            "E-elaine, gusto mo ng Juice?"

            Umiling ako.

            "Ah, e. Gusto mong mamasyal?"

            Muli akong umiling

            "Ako na lang kayang tumuloy n'yang ginagawa mo, mag almusal ka....."

            "Alex...enoguh , OK!!!Ano ba ‘to, question and answer portion?"

            "Is it about what happened last night? Look I admit it, ok... I'm a little drunk and. I didnt.."

            "Look Alex I dont need your explanation, what you did last night was unforgivable,..just...just..God leave me alone!!!!"

            Pag ka sabi noo'y, mabilis ko na s'yang tinalikuran saka agad na pumanhik sa itaas, pabalik sa silid, pabalik kay Jadie.

            Bago buksan ang pinto para pumasok, ay pinahinahon ko na muna ang sarili ko, sinira na ni Alex ang mood ko kagabi, di ko ito hahayaan sirain na man nito ang umaga ko.

            Nang makahuma ay pumasok nako sa kwarto.

            Nadatnan kong gising na at tahimik na naka tunghay sa bintana si Jadie.

            "I didn't notice your dad is raising grapes in his farm. It looks wonderful,"

            Narinig kong anya nito ng puno ng pag kamangha.

            Marahan kong inilapag sa kalapit na mesa ang tray kung saan nakalagay ang agahan nito, saka lumapit rito, ng makalapit ako'y masuyo nya akong hinapit para ikulong sa mainit nyang yakap.

            Ang sarap ng samyo ng hangin. Parang ang sarap manatili sa ganoong posisyon, kahit habang buhay, bastat an doon sya at yakap-yakap ako.

            "Are you going there?" mababa ang boses na untag ni Jadie sa pag tahimik ko.

            Marahang kumalas ang  bisig nito sa pag kakayakap sa akin, nang lumingon sa direksyon namin ang Papang na noo'y tanaw naming abala sa pag mamasid sa ubasan at sa pag tuturo sa mga ilang magagawang noo'y abala rin sa pag sunod sa ipinag uutos ng Papang.

            Ngumiti akot' ginantihan ng kaway si Papang, ng tila binabati kaming kinawayan nito, sa unang umaga namin ni Jadie na mag kasama sa Farm.

            "Yeah, I'll go and see the changes,"

            "Can I come," nananabik si Jadie habang walang tigil sa pag ganti ng kaway sa mga mangagawang kumakaway ng pag bati rito. "People are so nice, would you mind if I'll come with you?"

            "But.."

            "Please?"

            "W-well are you sure," nag aalangan talaga ako.

            May pag ka maputik ang makitid na espasyo na nag sisilbing daanan sa ubasan , dahil sa tubig na dumidilig sa mga ubas, mula sa mga tubong sadyang ipinagawa ng papang na naka konekta sa maliit na tub na pinupunan ng tubig ng Flowing na ipina sadya rin ng Papang. "Jadie, its..."

            "Come on, I'll be fine."  Nakita ko sa mga mga mata nito ang kagustuahan masilayan ng malapitan ang ubasan ng Papang.

            "Ok," napa higit na lamang ako ng hinga " Wear the same dress like this OK," imnuwestra ko ang kamay pa tungkol sa suot ko, parang bata na nasisiyahan itong tumango.

            "Is this my breakfast?"

            "Yeah," tumango ako sa pagitan ng pag yakap mula sa likuran ni Jadie.

            "So sweet of you,"

            "You always do that for me though,"

            "Thanks," humarap ito sa akin saka ikinulong ang mukha ko sa palad nito. Kasunod noon ang pag sayad ng malambot n'yang labi sa sarili kong mga labi.

            "Maybe I'll do that always. I love the reward,"

            "Silly head"

            "Maybe I'll just ask Lourding to help you dress up. I'll wait for you ouside OK,"

            Pamamaalam ko ng marinig kong tinatawag ang pangalan ko ni Mamang mula sa labas.

            "Elay!! Elay!!" Si Mamang naman, kakahiya.

            "Eylay?"

            "It's nothing, Just don't mind my Mom OK."

            "OK"

            Mabilisan na akong bumaba matapos pakiusapan si Lourding na tulungang mag hagilap ng tamang maisusuot si Jadie para sa pag lilibot nito sa ubasan.

            Napa tampal ako sa noo ng madatnan si Mamang na naka tingala sa matayog na punong manga.

            "Ay bunso!!! Tamang-tama, di ba't paborito mo ang hilaw na mangga? Ayan pinapakuha ko," walang patid akong pinupog ng halik ni Mamang."Hmmm baby ko"

            "Mamang..Ma..mang. Awat na"

            Nag papasalamat ako't tumigil na si Mamang sa pag halik sa pisngi ko, tahimik akong tumabi  kay Mamang at naki tingala narin.

            NAkakatakam nga naman ang mga mangga. Nakikisalo narin ako ng bigla akong mapatigil ng mapag sino ang nakikisali sa pag salo ng mangga.

            "Jadie?!!! Aray!!!" Di ko na ilagan ang itinapon pababa na mangga ng tauhang pina akyat namin sa itaas.

            "Oh, baby are you OK."

            Biglang sumabat naman si Mamang

            "You know Jadie, we use to call our bunso, Baby..."

            "Yeah Baby...Baby Damulag," hirit ni Ate Louvine na nooy may dalang isang baso ng kung anong inumin.

            Si ate Louvine ang pinaka malakas mang asar sa aming apat.

            Tinapunan ko s'ya ng masamang tingin.

            "B-baby D-damowlag" nahihirapang bigkas ni Jadie.

            Gamuntik ng mabulunan si Ate Louvine nang pa slang na bangitin ni Jadie, ang kadalasang tukso ng mga kapatid ko sa akin.

            "Louvine, itigil mo na yang pag inom n'yan." Sa halip ay saway ni Mamang sa walang patid na pag lagok ni Ate Louvine ng weird na inumin nito.

            "Ano ba yan?," naiinis paring usisa ko. Habang hinahayaan si Jadie na himas himasin ang namumula kong noo.

            "Wala sis, wala" parang timang na tumatawa sa pagitan ng pag sasalita si Ate Louvine.

            Maya-maya pa ay walang humpay na ang pag tawa nito ng walang dahilan.

            "Mamang na bubuwang na ata si Ate Louvine?"

            "Ayan. Na sobrahan na ng alak," biglang sulpot sa eksena ni Ate Rachelle, na maagap na inagaw ang basong lalagyan ng inumin ni Ate Louvine.

            "Alak yan gawa sa katas ng tubo, alam mo naman ang ate Louvine dinadaan sa pasimpling pag inom, ang in-denial na pag ka miss nya sa Fiance n'yang busy sa trabaho sa maynila."

            "A-nong Mishhh, sinong Mish. Sinong nanalo ng Mish Earth...Mish...Mish Eartworm??" parang nawawala ata sa huwisyo si Ate Louvine. Malakas na ata ang tama.

            "Hay naku ang aga-aga, ipasok mo na nga yang ate Louvine mo Rachelle," utos ni Mamang at inakay na nga ni Ate Rachelle si Ate Louvine Papasok sa bahay.

            Kami naman ay iginiya ni Mamang papuntang ubasan.

            Kung saan tanaw ko na tila ka agapay ni Papang sa pag tatrabaho sa ubasan si Alex.

            Naisip ko, kung naroon iyon. "Paano ko maililibot si Jadie sa ubasan ng hindi naiilang sa presensya ni Alex?"

            Nahihintakutan ako sa posibilidad na gumawa na naman ito ng eksena, eksena kung saan wala akong choice kundi ang mag mistulang puppet na naman na sunod-sunuran sa bawat nais n'yang ipagawa.

 

 

Itutuloy....


ilyana's picture

Thanks Pinx.

Inaabangan ko na rin to, parang komiks na nag aabang ng kasunod. Yun bang ini imagine ko sino makakatuluyan talaga ni Elaine? heheheh

 

galing mo ah? ur half my age, pero mas magaling kang gumawa ng kwento kesa sa akin, hehehe.

 

Sige aabangan ko pa ang mga susunod na kabanata...

VladAmarath's picture

nasaan na yung part 4 at

nasaan na yung part 4 at 5????????????????????/