A Love Story: JONSDMUR PROUDLY PRESENTS

jonsdmur's picture
| | | |

a love story

Kahit na nagmumukhang tanga
Kahit na sinasaktan ako
Umiiyak ako dahil sa 'yo
Heto pa rin ako
Halos baliw sa 'yo

Masakit palang makita ang minamahal mo na may ibang kasamang lalaki. Masakit pala kahit pa sabihing wala na kayo.

Nakaramdam ng kirot ang aking puso habang pinagmamasdan ko silang sumasayaw. Magkalapit ang kanilang mga katawan at sadyang nakapulupot ang kanilang mga kamay sa bawat isa. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Bakit patuloy pa rin akong nasasaktan kahit wala na kami?

Dahil mahal... mahal na mahal kita
(dahil mahal na mahal kita)
Hindi ako matatakot, mahihiya
Anuman ang sabihin nila
Dahil mahal kita
Dahil mahal... mahal na mahal kita
(dahil mahal na mahal kita)
Gagawin ko ang lahat
Pangako mo lang 'di ako iiwan
Dahil mahal (dahil mahal kita)
Mahal na mahal kita

Nasasaktan ako sa aking nakikita. Nasasaktan ako habang nakikita ko silang masaya. Pakiramdam ko unti-unting namamatay ang aking puso.

Natigilan ako nang may isang babaeng humawak sa aking balikat. Malinaw na nakikita ko ang matinding kalungkutan sa kanyang mga mata.

"J-Jenny?"

"Pwede mo ba akong isayaw?" wika nito habang ang dalawang kamay ay sadyang ipinatong sa aking magkabilang balikat.

Wala akong nagawa kundi ang sumabay sa tugtugin. At hindi ko maikakaila na hindi ko pansin ang babaeng kasayaw ko dahil ang aking mga mata ay nakapako sa dalawang taong naging bahagi ng aking buhay. Si Carmela at si Christian, dalawang taong nagbigay ng sakit sa aking damdamin. Dulot nila ay kirot sa aking puso.

Lumipad ang aking paningin sa babaeng kasayaw ko nang maramdaman kong humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking balikat. Nagkasalubong ang aming mga mata. At doon ko lamang napansin ang mga luhang umaagos.

The tears touched my broken heart. Bakit parang pinapakalma nito ang aking puso?

Ewan kung bakit ba hindi ka pa nadadala

Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya

At ewan ko nga sa'yo parang balewala ang puso ko

Ano nga bang meron siya na sa akin ay di mo makita

Pilit kong sinasalubong ang kanyang mga mata subalit ang mga ito ay kusang umiiwas. Ayaw salubungin ang mga mata kong nangungusap. Kumalas siya sa pagkakahawak mula sa aking balikat at tumakbo palayo sa akin.

Dito nagsisimula ang aking kwento. At tulad ng dati hindi ko masasabing isa itong nobela o maikling kwento. Isipin n'yo na lang na nasa harapan n'yo ako at masayang nag-kwekwento dahil ito ang kwento ng buhay ko. Ang kwento ng aking pag-ibig....

Jonsdmur Proudly Presents: A love story.....

"Ayyyyyyyy!" malakas na sigaw ni Carmela nang humalik ang alon sa kanyang mga paa. Sabay kaming napatayo sa malaking batong aming inuupuan. Napahawak siya sa aking kanang balikat. At nagtama ang aming mga mata. Habang masuyo ko siyang sinisilayan ay hindi niya napigilan ang pagkurba ng isang ngiti sa kanyang mga labi. The smile is different. Pinapasaya nito ang aking puso.

Pinagmasdan namin ang buong paligid ng Virgin Island, ang isa sa pinakamagandang lugar sa Iloilo. I was enjoying the cool morning breeze sa dalampasigan. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka pumulot ng ligaw na kabibe at itinapon iyon sa dagat sa abot ng aking makakaya.

Nahagip ng aking paningin ang bagong silang na araw. The sunrise symbolized our love. Nagbibigay ito ng pag-asa sa isang pag-ibig na walang hanggan.

Lumipad ang paningin ko sa babaeng minamahal ko. Hinawakan ko siya sa kamay at napatingin siya sa akin. Matagal kaming nagkatitigan at ang mga titig na iyon ang siyang kumiliti sa aking puso.

"Oops, umaambon," aniya.

Lumakas ang ulan pero nanatili kaming nakaupo sa tabing dagat. Hindi namin alintana ang buhos nito. Pakiramdam ko natutuwa ang ulan at ang dagat sa nangyayari sa aking buhay. Natutuwa sila dahil kasama ko ang babaeng naging bahagi ng aking buhay.

Inakbayan ko si Carmela at sumandig siya sa aking dibdib saka tahimik naming pinagmasdan ang malawak na karagatan. At doon lamang namin nabatid na kami na lang ang tao sa batuhan habang nilalabanan ang malakas na buhos ng ulan.

Masaya ako habang nagkakalapat ang aming katawan. Naamoy ko ang mahaba at mabango niyang buhok. Nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan.

"Kapag tumila na ang ulan pumunta na tayo sa cottage," wika niya.

"Carmela....." malambing kong tugon. Nahuli ko ang kanyang mga mata. At wala na siyang nagawa dahil nabihag ko ang mga mata niya. Lalo kong inilapit ang aking mukha at akma ko siyang hahalikan.

"Huwag!" pagtutol niya.

Hindi ko na ipinilit ang aking kagustuhan. Sapat na sa akin ang mayakap siya habang nilalabanan namin ang malakas na buhos ng ulan. At pareho naming nilalabanan na huwag magpatangay sa agos ng dagat.

"A-ano kaya ‘yon?"

Sa sinabi niya ay napatingin ako kung saan napako ang kanyang paningin. Isang malapot na bagay ang aking nakita.

"B-baka tae?" naguguluhang sagot ko sa kanya.

"Baka hindi naman....."

"Hindi! tae ‘yan," tugon ko saka lumapit ako sa bagay na iyon. "Tae kaya ito?" sabay hawak dito. "Ay, tae nga!"

Sabay kaming napahagikgik sa nangyari. Marahil tama nga ang sabi ng iba. Kapag in-love nagiging tanga.

Hinugasan ko ang aking kamay sa tubig dagat. Lumapit ako kay Carmela subalit tumakbo siya palayo sa akin.

"Huwag kang lalapit baka mabaho pa kamay mo," wika niya sabay takbo.

Natawa ako sa sinabi niya sa akin. Hinabol ko siya. At para kaming mga batang paslit na masayang naghahabulan. Hindi namin ramdam ang lamig ng hangin na dumadampya sa aming katawan. At hindi namin alintana ang malakas na buhos ng ulan.

Naabutan ko si Carmela at mahigpit ko siyang niyakap. Nabihag ko siya. Muling nagtagpo ang aming mga mata. Masuyo ko siyang tinitigan hanggang sa unti-unting naglapat ang aming mga labi.

Oops! Teka lang! Sa mga panahong ito ay hindi pa kami. Sa madaling salita hindi ko pa siya nobya. Paano ba nagsimula ang eksenang ito?

Love Begins:

Nakilala ko si Carmela dahil sa isang kaibigan. Ang totoo sa isang blind date na naganap.

"Parating na si Carmela. Konting hintay na lang," sabi ng kaibigan ko sa kabilang linya. Ibinalik ko ang aking cellphone sa aking bulsa saka muling iginala ang aking paningin sa buong paligid ng restaurant.

Napangiti ako nang may nasilayan akong isang magandang babae. Simple lang ang ganda niya. Kayumanggi pero masasabi kong may dating. Sa tingin ko kamukha siya ni Jodi Sta. Maria, isang talent ng abs-cbn na hinahangaan ko sa kanyang husay sa pag-arte.

"Miss, ikaw ba si Carmela?" walang pag-aalinlangang tanong ko. Napatayo ako sa aking inuupuan at iniabot ko sa kanya ang aking kanang kamay.

"Yes? ako si Carmela," tugon niya sa akin na hindi pinansin ang aking kamay.

"I'm Jon! Alam mo masaya ako dahil nakilala kita."

"Ah, sige mauna na ako sayo," aniya saka akmang tatalikod.

"Wait!" pahabol ko.

"Yes?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"May blind date tayo, hindi ba?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay. "I'm Jon. Ako ang blind date mo."

Nagulat ako nang may sumigaw sa likuran ko. Isang matandang babae na mukhang matrona. Sa gulat ko ay bigla na lang akong napanganga.

"Jon, It's me! I'm Carmela," wika ng matandang babae sabay kendeng na lumapit sa akin.

Shit! Napag-tripan yata ako ng tropa. Ito ang aking blind date? Huwag naman!

Kapangalan lang pala ng magandang babae ang matandang babae. Grabe! Pakiramdam ko namula ang buo kong katawan.

Natigilan ako. Natahimik ako. Lumilipad ang aking paningin sa dalawang Carmela. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa sobrang hiya. Si Carmelang mukhang matrona ang aking tunay na blind date. Oh, hindi!

Nakahalata si Lola kaya umalis na lang ito. Kinausap pala siya ng aking tropa. Akala niya buong puso akong papayag sa gusto niya. Pansin niyang hindi ko alam na katulad niya ang ka-date ko. Ayaw daw niya ng pilitan kaya aalis na lang siya. Wala na akong nasabi kundi..... Salamat po!

Malaki ang pasasalamat ko sa nangyari. Nakilala ko ang tunay na Carmela ng buhay ko. Nalaman kong iisang unibersidad lamang ang aming pinapasukan. At higit sa lahat kilala niya ang best friend kong si Cherry.

Lumipas ang mga araw ay lubos kong nakilala si Carmela. Pinahanga niya ako sa taglay niyang pambihira. Minahal ko siya hindi dahil sa maganda siya. Ewan ko, pero aaminin kong pinatibok niya ang aking puso.

Isang imbitasyon ang aking natanggap mula kay Cherry. Isang outing sa Virgin Island. Sumama ako hindi dahil maganda ang lugar. Sumama ako dahil alam kong kasama si Carmela. It's my chance! At hindi ko dapat palampasin pa.

Hapon na nang makarating kami sa isang beach resort. Inihanda namin ang aming sarili para sa isang night swimming. Masayang naligo hanggang sa naiwan na lang kaming dalawa ni Carmela sa tabing dagat.

Bumuhos ang malakas na ulan. Heto ako at hinahabol ang babaeng mahal ko. Basang-basa na kami ng ulan. At masayang naghahabulan sa dalampasigan. Bawat halakhak, bawat sulyap, bawat tibok ng puso ay sadyang mahalaga. At doon ko lamang napatunayan na umiibig na talaga ako.

The Courtship:

Makalipas ng dalawang araw mula nang mag-night swimming kami ay kinausap ako ni Cherry. Inusisa niya ako tungkol kay Carmela. Mahal ko ba raw ang kaibigan niya? Seryoso ba raw ako? Tahimik lang ako pero alam kong lumulundag ang puso ko sa tuwa at nagsasabing Yes! Yes! Yes! Kahit ako mismo ay hindi ko nagawang pakalmahin ang aking puso.

Natameme yata ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko kay Cherry ang nararamdaman ko. Hmmmm! Naisip ko wala namang masama kung sasabihin ko kaya ang isinagot ko.

"OO, mahal na mahal ko siya." Napatayo ako at tumalikod. Laking gulat ko nang makitang nasa likuran ko si Carmela. Natutop niya ng dalawang kamay ang bibig niya. Narinig kaya niya ang sinabi ko? Ngayon, alam na niya na mahal ko siya.

Lumapit ako sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata. "T-tama ang narinig mo. Love kita," utal kong sabi sa kanya.

Isang malakas na hiyawan ang aming narinig. Mga tuksuhan ng mga kaibigan namin. Nakita kong namumula na ang pisngi ni Carmela sa sobrang hiya. Ako? Tuwang-tuwa sa panunukso ng mga kaibigan namin.

Siguro nakatulong ang panunukso dahil lalo kaming naging malapit ni Carmela. At makalipas ng tatlong buwan.

"Kailan mo ba ako sasagutin?" tanong ko sa kanya.

"Pinag-iisipan ko pa kasi," sagot niya.

Natahimik ako. Naalala ko ang nangyari sa dalampasigan. Naalala ko ang mainit na tagpo sa aming dalawa.

"Mahal kita? May nararamdaman ka ba sa akin?" muli kong tanong.

Tumingin siya sa aking mga mata. Ilang saglit binawi niya. Hinawakan ko ang kanyang malambot na kamay. "I love you!" wika ko sa kanya.

Kumurba ng isang ngiti ang kanyang labi. Binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "Oo," tipid niyang sagot.

Natahimik ako sa narinig ko. Hindi ako katulad ng iba na bigla na lang magtatatalon sa tuwa. Pakiramdam ko puso ko ang lumulundag sa tuwa.

The relationship:

Ibinigay ko ang lahat. Naging tapat ako sa kanya. Aaminin kong naging masaya ako sa pagsasama namin. Ang totoo siya ang dahilan ng lahat nang pagbabago sa aking buhay. Lahat ng ayaw niya sa akin ay pinipilit kong baguhin. Hanggang sa dumating sa punto na buong pagkatao ko na ang dapat kong baguhin.

Hindi ko na i-kwe-kwento ang masayang love story namin. Doon na lang tayo sa drama. At kung saan natapos ang masasayang pag-iibigan namin. Simpleng tao lang ako. Ako ang tipo ng lalaki na simple lang ang dating. Simple lang ang porma, simple lang ang pinapangarap.

"Jon, nakikita mo ba ang mga lalaking ‘yon?" Napatingin ako sa grupo ng mga kalalakihan. Ang mga suot nilang damit ay masasabing ma-porma. Naka-polo, naka-gel ang buhok at maraming style ang kasuotan. "Ganyan ang gusto ni Carmela," wika ni Cherry habang kumakain kami sa isang restaurant.

Mula sa simpleng t-shirt ay napalitan ng polo-shirt. Natuto akong mag-gel ng buhok. Ewan ko, pero gusto ko ang new look ko. Naisip ko kailangan siguro maging gwapo ako sa paningin ng lahat. Kailangan ba na ma-porma ang kasuotan?

Nagbago ang pananamit ko mula ng maging kami ni Carmela. Ang totoo pati sa ugali. Isa akong silent type na lalaki. At dahil kay Carmela natuto akong maging komedyante paminsan-minsan.

Aaminin ko hindi ako kasing-gwapo ng ibang lalaki kaya maraming nagsasabi na hindi kami bagay. Siguro alangan ako sa kagandahan niya.

"Maganda ang babae pero pangit ang lalaki," sabi ng isang babae sa kanyang kasama.

Hindi ko na pinansin pa ang narinig ko. Eh, ano naman kung hindi kami bagay. Ang mahalaga nagmamahalan kami.

Lumipas ang isang taon. Masasabi kong masaya ako. Masaya ako sa mga alaala namin. Naramdaman ko na masarap ang may minamahal. Hanggang sa dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan.

"Ang totoo walang nararamdaman sayo si Carmela. Sinagot ka niya dahil sa akin. Sinabi kong kailangan ka namin. Noong una hindi sincere ang pakikipag-kaibigan ko sayo. Naisip kasi namin na matutulungan mo kami sa mga suliranin namin." Huminga siya nang malalim. "Tan, maniwala ka pinagsisihan ko lahat nang ginawa namin. Kaibigan na turing ko sayo," lintanyang wika ni Cherry sa akin.

Nakaramdam ako nang panghihina sa mga oras na ito. Pakiramdam ko sinasakal ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa aking natuklasan. Akala ko totoo lahat ng mga nakikita ko. Akala ko may nagmamahal na sa akin.

Sinagot ako ni Carmela dahil sa kondisyon nila ni Cherry. Makakatulong ako sa mga lakad nila. Sa bibig mismo ni Cherry nagmula ang katotohanang ginamit lang nila ako. (Akin na lang iyon kung ano at paano ako ginamit hihihihiih).

Kinausap ko si Carmela at ipinagtapat niya sa akin ang lahat. At doon ko natuklasan na mas masakit pala kapag sa kanya ko narinig ang katotohan. Saan ba ako nagkamali? Bakit nila ginawa sa akin ang bagay na ito?

"Aaminin ko wala akong pagtingin sayo noon. Sinagot kita dahil napilitan lamang ako, pero maniwala ka minahal na kita," wika ni Carmela.

Maniniwala pa ba ako? Dapat pa ba akong maniwala?

Natahimik lamang ako sa sinabi niya sa akin. Nasa puso ko pa rin ang sakit dulot ng mga pangyayari.

Makalipas ng isang lingo ay naging maayos ang lahat. Pilit kong inunawa ang mga pangyayari. At handa kong kalimutan ang lahat at magsimula sa bagong bukas. Akala ko matatapos na ang lahat pero nagkamali ako. Naabutan ko siya sa klase na may kasamang lalaki. Magkatabi sila sa upuan at masayang nag-uusap. Lumapit ako at hindi nagpahalatang nasaktan sa mga nakikita ko.

Nalaman kong pinsan ni Cherry ang lalaki. At dahil sa kakulitan ko ay napaamin ko si Cherry.

"Oo, nililigawan ng pinsan ko si Carmela. Huwag kang mag-alala hindi naman siya type ni Carmela."

Paano kung type niya? tanong ko sa aking sarili.

Simula sa aking natuklasan ay naging iba na ang aking pag-uugali. Lagi na akong nagseselos sa mga lalaking nakakasama niya. Nakakaramdam ako ng inis kapag naririnig kong crush niya si ano, type niya si kuwan. Bakit kailangan pa nilang iparinig sa akin?

"Ikaw naman! Crush lang naman," pagbibiro ni Cherry sa akin.

Natatawa ako sa mga pangyayari. Naisip ko masama ba ang magselos kung may dahilan naman?

Buwan ng Octubre ay nagkaroon ng fiesta sa bayan nina Carmela. Inihanda ko ang aking sarili. Sinabihan ako nina Carmela at Cherry na huwag na akong sumama sa kanila sa araw ng disperas. At sa araw na lamang ng fiesta ako pumunta. Sumang-ayon ako sa plano. At wala sa isip ko na may dahilan pala ang lahat.

Sa araw ng fiesta ay minabuti kong sa umaga pumunta. Lumiban ako sa klase. Akala nina Cherry sa gabi ako pupunta. Masaya ako habang tinatawid ko ang kalsada papunta sa bahay nina Cherry. Napansin ko sa mukha niya ang labis na pagkabigla nang makita ako.

"Akala ko mamaya ka pa pupunta?" tanong sa akin niya sa akin.

Nalaman kong naroon pala ang pinsan ni Cherry. Hindi nila ako pinapunta kasi nandoon daw ang nanliligaw kay Carmela. Nagalit ako sa natuklasan ko at kinausap ko si Carmela.

"Lagi mong sinasabi na seloso ako. Ngayon, sabihin mo sa akin wala ba akong karapatang magselos? Wala ba akong karapatang magalit? Mahal mo ba ako?"

Hindi nakasagot si Carmela. Napansin kong may mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Hinawakan ko siya sa kanag kamay.

"Mahal kita. Gusto mo na bang tapusin ang relasyon natin?"

Napatingin siya sa akin. Umiling ang kanyang ulo tanda na hindi siya sang-ayon. Ayaw niyang maputol ang relasyon namin. At dahil sa nangyari lumambot ang aking puso at muling kinalimutan ang lahat.

After 6 months:

Isang taon at kalahati na ang aming relasyon. Maraming alaala ang nagpaligaya sa akin. Unang Valentines date hindi ko makakalimutan. Isang singsing ang ibinigay ko sa kanya. Aaminin kong pinaligaya niya ako.

Nakaramdam ako ng pagmamahal mula sa kanya pero ewan ko ba hindi ko mawaglit ang nakaraan. Hindi ako naniniwalang ako ang mahal niya. Sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang lalaki nagseselos ako. At alam ko naman na minsan tama ako.

"Tan, crush lang naman niya," sambit ni Cherry.

Lagi na lang ito ang naririnig ko? Crush lang? Bakit ko pa kasi nalalaman? Kasalan ko bang magselos kung alam ko na ang lalaking pinaseselosan ko ay crush niya? Si Richard, si Anthony, si Lester.... Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Hindi ako nakatiis kinausap ko si Carmela. Gusto kong malaman kung mahal niya ako. Lagi niyang sinasabi na kahit papaano ay nahulog na ang loob niya sa akin. Aaminin kong hindi ako naniniwala.

December 23, Christmas party namin sa boarding house. Maaga pa lang ay bumili na ako ng panreregalo ko. Hindi sa exchange gift kundi para kay Carmela. Isang teddy bear ang binili ko. Isang teddy bear na para sa kanya na mula sa aking puso.

Pumunta ako sa dorm nina Carmela. Iniabot ko sa kanya ang regalo ko. Nabakas ko sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan. Niyaya ko siyang lumabas para kumain pero tumutol siya. Sabi niya mamayang gabi na lang daw kami mamasyal at kumain.

Minabuti kong dumaan sa dorm nina Cherry. At hindi ko inaasahan ang matutuklasan ko. Sa bibig niya mismo nanggaling na may lakad si Carmela kasama si Richard. Pinagbigyan lang daw ni Carmela dahil mapilit si Richard. Huwag na lang daw akong mag-alala dahil wala naman daw gusto si Richard kay Carmela.

Uminit ang ulo ko sa nangyari. At sa unang pagkakataon nagsisigaw ako sa dorm nina Cherry. Natigilan na lamang ako nang makita kong nasa harapan ko na si Carmela. Pumasok kami sa loob at nag-usap kami.

"Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

Tahimik lamang siya. Nakikiramdam at nakikinig sa mga sinasabi ko. Ibinuhos ko na lahat ng mga hinanakit ko sa relasyon namin.

"Minahal mo ba ako?" tanong ko uli sa kanya.

Humarap siya sa akin. "Oo, minahal kita, pero ayaw mong maniwala."

Nakagat ko ang labi ko sa sinagot niya sa akin. Pinaliwanang ko sa kanya ang mga nararamdaman ko. Umamin siya sa akin na may lakad nga sila ni Richard pero wala naman daw namamagitan sa kanila. Kaibigan lang niya si Richard. Hindi niya sinabi sa akin dahil raw baka mag-selos ako.

Dumating sa punto na hindi ko na nakaya pa ang sakit na nararamdaman ko. hindi ko alam kung sino ang tama sa amin. Hindi ko alam kung sino ang nagkulang. Hindi ko man lang namamalayan na binibigkas ko na ang mga katagang....

"Okay lang ba sayo na tapusin na natin ito? Napapagod na ako."

Tumulo ang mga luha ko habang nakikipag-hiwalay ako sa kanya. Lalo akong nakasaktan nang pumayag siya sa kagustuhan ko.

"Bago tayo maghiwalay. Gusto ko lang malaman kung totoo bang minahal mo ako?"

Isang ngiti ang sinagot niya sa akin. Minahal daw niya ako. Pumayag daw siya na maghiwalay kami dahil nahihirapan na rin daw siya sa takbo ng relasyon namin.

After Break-up:

Sinisi ako ng mga kaibigan namin sa nangyari. Bakit daw hindi ako naniniwala na mahal na ako ni Carmela. Bakit daw ako nakipaghiwalay?

Malungkot ang pasko pero pinilit kong maging matatag. Nawalan ako ng komunikasyon sa mga kaibigan ko. Naisip ko kailangan kong mag-move-on. Umiwas ako at pinilit kong mabuhay ng normal.

Akala ko madali lang ang lahat. Nagkamali ako dahil mahirap palang kalimutan ang pag-ibig na nararamdaman. Muli kaming nagkita ni Carmela. Naging magkaibigan muli kami. At dahil lumipat ako ng unibersidad ay madalang na lang kaming magkita. Sa mga text messages kami muling nagtatagpo. Mga sweet messages ang pinapadala namin sa bawat isa.

Masaya ako. At alam kong muling nabuhay ang nararamdaman ko sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na handa na akong makipag-balikan sa kanya.

Isang lingo akong hindi nagparamdam kay Carmela. Isang lingo akong naghanda sa araw ng pagbabalikan namin. Lubos akong umaasa sa mas matibay na pag-iibigan naming muli.

Pumasok ako sa loob ng unibersidad. Natuwa ako nang makita ko si Cherry. Gusto ko sanang sabihin na gusto kong makipagbalikan kay Carmela pero hindi ko nagawa.

"Balita ko okay na kayo ni Carmela. Friends na kayo," wika ni Cherry sa akin.

Napangiti lamang ako sa sinabi niya sa akin. Lumipad ang aking paningin nang makita ko si Carmela. Nakangiti sa akin.

"Kumusta?' simpleng bati niya sa akin. Nagulat ako nang may isang lalaking lumapit sa kanya. "Si Christian boyfriend ko," dugtong niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pakiramdam ko sinampal ako nang ubod ng lakas.

"Isang linggo na sila. Sa text lang naman niya sinagot si Christian," sabi ni Cherry.

Lihim kong pinagmasdan sina Carmela at Christian habang naglalakad palayo sa amin. Parang piniga ang puso ko nang makita kong inak-bayan ni Christian si Carmela.

Masakit palang makita ang ganitong eksena.

Niyaya ako ni Cherry na kumain. Pinakilala niya ako sa kanyang bagong kaklase si Jenny. Simple lang si Jenny. Masasabi kong maganda siya sa kanyang simpleng kagandahan.

Pumunta kami sa isang restaurant at hindi ko akalain na kasama pala namin sina Carmela. Napansin ko rin na suot pa rin niya ang singsing na bigay ko.

"Alam mo Tan, handa nang makipag-balikan sana sayo si Carmela. Ang tagal mo kasi. Kakasagot lang niya kay Christian," pabulong na sabi sa akin ni Cherry.

Mahal na raw ako ni Carmela. Ang totoo hindi ko alam kung maniniwala ako. Aaminin ko masakit. Mas masakit....

Masakit habang nakikita ko silang masayang nag-uusap. Masayang kumakain. Masayang nagtatawanan. Masakit palang makita ang mahal mo kahit pa sabihing wala na kayo.

Second chance:

Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Kinausap ko si Carmela. Gusto kong malaman ang tunay na nararamdaman niya sa akin.

"Minahal kita pero hindi ka naniwala. Hinintay ko ang pagbabalik mo. Akala ko hindi ka na babalik. Isang linggo kang hindi nagparamdam hanggang sa nakilala ko si Christian."

"Mahal kita at hindi nagbabago ang nararamdaman ko." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Pumapayag ako na maging dalawa kami sa puso mo. Huwag ka lang mawala."

Natigilan siya sa sinabi ko. At kahit ako ay hindi makapaniwalang masasabi ko ang mga katagang ito. Ang alam ko gagawin ko ang lahat maging bahagi lamang ako ng buhay niya.

Nalaman ni Christian ang totoo. Ang totoo para lang kaming naglalaro. Ang pikon siya ang talo. Pero bakit walang napipikon?

Fiesta uli sa bahay nina Cherry. Disperas nasa bahay na nila si Christian kasama si Carmela. Sa araw ng Fiesta ako dumating. Nakaramdam ako ng pagod kaya sinabihan ako ni Cherry na matulog muna sa loob ng kwarto niya. Pumayag ako, naisip ko magpupuyat ako kaya kailangan ko munang matulog. Laking gulat ko nang pumasok ako sa loob ng kwarto. Nakahiga si Christian. Gising at parang matutulog rin.

Wala na akong nagawa kundi ang mahiga sa kama. At sa madaling salita magkatabi kami ni Christian. Pareho kaming hindi makatulog. Pareho kaming nakikiramdam sa bawat isa. Hanggang siya na rin ang bumasag sa katahimikan.

"Tol, alam kong mahal mo si Carmela. Ikaw ang X niya diba?" tanong niya sa akin.

____ ina mo! Mura ng aking isipan.

"O-oo, tama ka! Ako nga. Mahal ko siya hanggang ngayon," sabi ko sa kanya.

"Alam mo, pareho lang tayo. Huwag kang mag-alala kung gaano mo siya kamahal. Doble ang ibibigay ko sa kanya. May the best man win!"

Natigilan ako sa sinabi niya. May the best man win? Nobya na niya si Carmela. Panalo na siya. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya nasabi ito pero siya na rin ang nagsalita.

"Sinabi niya sa akin na pumapayag kang dalawa tayo sa buhay niya." Napatingin ako sa kanyang mga mata. "Pumapayag ako. Dalawa tayo sa buhay niya."

Hindi ko alam na darating sa buhay ko na para akong nakikipaglaro ng bahay-bahayan. Hindi ko akalain na ang lalaking karibal ko ay makakasama ko sa loob ng isang kwarto. At halos lahat ng mga tao sa paligid ay nagtataka.

"Nakakatuwa naman silang dalawa. Hindi man lang nagtatalo kahit magkaribal," usap-usapan sa labas ng bahay.

Love Game:

Sa larong ito masasabi kong ako ang kawawa. Isa akong saling pusa sa laro namin. At lumalabas na ako ang pampagulo sa relasyon nila. Pinilit kong maging masaya kahit sa kabila ng lahat alam kong kalungkutan ang aking nadarama.

Isang araw pumunta ako sa bahay nina Carmela. Pinapasok ako ng kanyang Nanay. Kilala na ako sa lugar nila dahil minsan na akong nakapunta sa kanilang bayan. At masaya ako dahil alam kong hindi ako nakalimutan ng kanyang Ina. Pakiramdam ko welcome na welcome ako sa pamilya niya.

Akala ko magiging masaya ako pero nagkamali ako. Nagitla ako nang biglang lumabas si Christian sa isang kwarto.

"Dito natulog si Cris," sabi ng nanay ni Carmela saka iniabot sa akin ang isang baso ng juice.

Sapat na sa akin ang matauhan ako. At doon ko naisip na sa larong ito ako ang talo. Wala na akong nagawa pa kundi ang tanggapin ang katotohanang wala na akong pag-asa.

Mabigat ang mga hakbang ang aking ginawa palabas ng bahay nila Carmela. Hindi ko inaasahan na hahabulin niya ako. Naabutan niya ako sa gate ng kanilang bakuran.

"H-hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin. Alam kong alam mo na ang lahat. Oo, si Cristian ang pinili ko. Jonathan, ikaw na yata ang pinakamabait na lalaking nakilala ko, pero hindi ko kayang dayain ang sarili ko," sabi niya sa akin.

Tumalikod na lamang ako para ikubli ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Lumakad siya paharap sa akin.

"Bakit?" tanging nasambit ko.

Doon ko lamang naintindihan ang lahat. At doon ko rin nalaman ang mga kahinaan ko. Hindi ako kasing yaman ni Cristian. Hindi ako kasing gwapo niya. Mapalad siya nasa kanya na ang lahat.

Minsan nagiging basehan din ang pamilyang pinagmulan. Ayaw rin ng mga magulang niya ang isang tulad ko na umaasa lamang sa padala ng isang OFW. Ninais nilang may mga ari-arian na ang mapapangasawa ng kanilang anak. Aaminin kong nasaktan ako at nanliit sa aking sarili. At mas dobleng sakit ang naramdaman ko nang sabihin niya sa akin ang...

"May hika ka kasi, hindi naman pwedeng alagaan kita pagdating ng araw."

Para akong namatay sa mga oras na ito. Pakiramdam ko nakakadiri ako. Pakiramdam ko isa akong basahan na wala ng linis na maipagmamalaki. Isang basahan na gutay-gutay na at wala ng gustong gumamit.

Saan ako nagkamali?

Kasalanan ko ba kung ganito ako?

Lumipas ang mga araw ay dala ko pa rin ang sakit ng kahapon. Hindi ko inaasahan na may isang babaeng magiging bahagi ng aking buhay. Si Jenny.

Siya ang naging sandigan ko sa aking kalungkutan. Alam niya ang lahat sa amin ni Carmela. Siya ang naging sandalan ko sa lahat ng sakit na aking nadarama.

After 5 months: Fiesta Disco Night

Masakit palang makita ang minamahal mo na may ibang kasamang lalaki. Masakit pala kahit pa sabihing wala na kayo.

Nasasaktan ako sa aking nakikita. Nasasaktan ako habang nakikita ko si Carmela at si Christian na masayang nagsasayaw. Pakiramdam ko unti-unting namamatay ang aking puso.

Natigilan ako nang may isang babaeng humawak sa aking balikat. Malinaw na nakikita ko ang matinding kalungkutan sa kanyang mga mata.

"J-Jenny?"

"Pwede mo ba akong isayaw?" wika nito habang ang dalawang kamay ay sadyang ipinatong sa aking magkabilang balikat.

Lumipad ang aking paningin sa babaeng kasayaw ko nang maramdaman kong humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking balikat. Nagkasalubong ang aming mga mata. At doon ko lamang napansin ang mga luhang umaagos.

Pilit kong sinasalubong ang kanyang mga mata subalit ang mga ito ay kusang umiiwas. Ayaw salubungin ang mga mata kong nangungusap. Kumalas siya sa pagkakahawak mula sa aking balikat at tumakbo palayo sa akin.

Hindi ko na nagawang habulin si Jenny. Naagaw ang atensyon ko sa dalawang taong naging bahagi ng buhay ko. Nakita kong tumigil sila sa pagsasayaw. Umalis si Carmela para pumunta ng restroom. At sa hindi ko alam na dahilan ay nilapitan ko si Christian.

May gusto ka saking mahal
May balak kang agawin sya
Itsura pa lang sakin lamang ka na
Ligawan mo sya siguradong magwawagi ka

Aaminin kong nasasaktan pa rin ako. Aaminin kong ramdam ko ang matinding kabiguan.

Nakikiusap ako sayo, nagmamakaawa
Kunin mo nang lahat sa akin
Wag lang sya

Oo, inaamin ko sa mga oras na ito gusto kong makiusap sa kanya. Pero hindi ko nagawa. Naisip ko tama nga ang iba, dapat na akong mag-move-on.

"Salamat, minahal mo siya. Sabi mo dati doble ang pagmamahal mo sa kanya. Sa tingin ko triple ang pagmamahal ko sa kanya..... dahil hindi siya mawaglit sa isipan ko kahit alam kong hindi naman karapat-dapat," sabi ko saka tumalikod na akong umalis sa lugar na iyon.

Masyado kong dinamdam ang gabing ito. Ang totoo wala akong bisyo. Hindi ako marunong manigarilyo at uminom ng alak. At sa kauna-unahang pagkakataon ay natikman ko ang mga bagay na hindi ko hilig.

Pakiramdam ko tumalab sa utak ko ang espirito ng alak. Hinang-hina akong umuwi ng dorm. Hindi ko akalain na makakasalubong ko si Jenny. Ramdam ko ang pag-alalay niya sa akin hanggang sa makarating kami ng kwarto.

Basang-basa ako ng pawis. Inutusan niya akong magpalit ng damit.

"Hindi mo kaya? Gusto mo ako na?" wika niya sa akin.

Dito nagsimula ang bagong kabanata ng aking buhay. Isang babaeng masasabi kong tunay na kaibigan. Sa kanya ko naranasan ang isang pagmamahal. Inalagaan niya ako noong may sakit pa ako. Hindi siya nandiri kahit alam niya na may hika ako. Masasabi kong mapalad ako at nakilala ko siya.

Sa mga panahong ito aaminin kong magulo ang aking utak. Nahirapan akong kalimutan ang bakas ng nakaraan. Hindi ko naramdaman na may isang taong nasasaktan. May isang taong nagmamahal sa akin.

"Mahal mo pa ba siya?" usisa sa akin ni Jenny.

"Aaminin kong nahirapan akong kalimutan siya," sagot ko sa kanya.

Ipinagtapat sa akin ni Jenny ang tunay na nararamdaman niya sa akin. Umiibig na siya sa akin. Siguro naging bulag ako at hindi ko masyadong naramdaman. Sa lahat ng nangyari sa amin ay tanging pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya. Hindi ko pwedeng dayain ang aking puso.

Masakit nang mawala sa buhay ko si Jenny. Pakiramdam ko dalawang tao ang nawala sa akin. Isang kaibigan at isang nagmamahal. Bakit kapag wala na ang isang tao doon mo pa matutuklasan na may nararamdaman ka rin pala?

Ako lang yata ang lalaking nagpakipot ng ganito? Hihihihihi

Hinanap ko si Carmela subalit wala na siya. Hindi ko siya mahagilap. Nalaman ko sa isang kaibigan na kusang lumayo si Jenny para hilumin ang sugat na nilikha ko.

Makalipas ng isang taon nabalitaan ko na lamang na may anak na siya at may isang mabuting asawa.

Sa nangyari sa aking buhay. Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang?

After several years:

Marami ang nagtatanong. Okay na ba ako? Oo naman! Super drama naman kung hindi pa. Sa ilang taon na nakaraan marami na akong nakilalang babae. At maraming kaibigang babae akong nakilala. Iba sa kanila muntik ko ng minahal. Pinigilan ko ang aking sarili dahil ayaw ko nang masaktan pa. Isa pa naramdaman kong wala rin silang pagtingin sa akin. Minsan naman nababawasan kapag nakikita nila kung ano ang wala sa akin.

Hindi ako mahirap magmahal. May pakiramdam din ako. Ang hinahanap ko lang naman ay isang babaeng magmamahal sa akin. Isang babaeng tanggap kung ano at meron ako. At hindi ko akalain na meron pa palang isang babaeng magmamahal sa akin.

Akala mo hindi ko nakita
Maligaya ka 'pag ako ay masaya
Akala mo hindi ko naisip
Na kasama ako sa iyong panaginip
Bawat sabihin ko
Alam ko nakikinig ka
Akala mo siguro hindi ko nakita

Akala mo hindi ko pansin
Akala mo hindi ko alam
Mahal mo nga ako kahit hindi mo man sabihin
Akala mo hindi ko napansin

Akala mo hindi ko naririnig
Tibok ng puso mo't kaba ng dibdib
Akala Mo hindi ko nadarama
Na kasama ako sa lungkot at saya

Kapag kailangan kita
Dumarating ka
Akala mo siguro hindi ko nakita

Akala mo hindi ko pansin
Akala mo hindi ko alam
Mahal mo nga ako kahit hindi mo man sabihin

Akala mo hindi ko pansin
Akala mo hindi ko alam
Mahal mo nga ako kahit hindi mo man sabihin

Akala mo hindi ko napansin
Akala mo gano'n lang yon
Alam ko 'yon kahit noon
Akala mo hindi ko napansin

Kung hindi man tayo para sa isat-isa at tayo ay paghiwalayin ng tadhana. Sana huwag kang magdamdam... dahil ako nagpapasalamat na nakilala kita... kung hindi man tayo sana maging okay ka lang...

At kung tayo man ay sadyang tinadhana... isa na lang ang masasabi ko...

As we grow older together,

As we continue to change with age,

There is one thing that will never change....

I will always keep falling in love with you.

Salamat for loving me.....

Sadyang makulay at mahiwaga ang pag-ibig. Sabi nila kapag may nawala may darating... kung hindi man ngayon malay mo pagdating ng panahon.

Salamat sa inyong lahat.....

jonsdmur....

 My other life story:

http://www.filipinowriter.com/jonsdmur-proudly-presents-my-life-plus-ofw...

jonsdmur

jonsdmur

Ito na yata ang pinakamahirap na kwentong naisulat ko... mahirap kasi.. mahirap balikan ang nakaraan... hindi ko alam kung paano ko isasalaysay ang nakaraan ng aking pag-ibig.. mahirap pala...

 


AttachmentSize
love story2.jpg65.6 KB

Wow! Sensational!

Sige, aabangan ko yan, Jons.  Haay, yung cover pa lang, parang tearjerker na ah.  hehehe.  Okay yan Jons, kasi pag naikukuwento mo na, kasabay nun ang paghihilom ng sugat. 

Gudlak!  May your emotional journey bring us a work of art! :) 

Ruthie

antoneli's picture

Kaya mo 'yan 'tol...

Agree ako kay Ruthie...

Aabangan namin ito!

jonsdmur's picture

Salamat po Ms. Antoneli

Naisip ko po talaga na tama ang komento sa itaas. Baka kapag na i-kwento ko na ay tuluyan ko ng makalimutan ang sakit ihhihihihihi.

Meron namang present love story sa kwento. Medyo nahirapan ako sa pagsusulat. Sa teknikal at pagsasalarawan ng nakaraan.

Masaya po ako at inaabangan nyo rin po ang kwento ko.

God bless po.

Jonsdmur

jonsdmur's picture

To my idol Ruth

Salamat po. Ang totoo nakakaramdam ako ng pait sa dibdib habang sinusulat ko ang love story ko. Nahirapan po talaga ako sa pagsasalaysay. o, kay hirap balikan ang nakaraan hihihihihi.

Natutuwa po ako at inaabangan nyo po ang kwento ko.

Salamat po...

antoneli's picture

katarsis 'yan para sa iyo,

obra maestra mo naman para sa amin. Kaya kailangan talagang tapusin

jonsdmur's picture

Tapos na po siya.. inaayos

Tapos na po siya.. inaayos ko na lamang po. Salamat po sa pag-abang.

jonsdmur

antoneli's picture

Sandali na lang naman pala...

Sige hala go!

Ako ang bilib sa yo, Jons!

Alam mo, bilib ako sa yo kasi gumagawa ka ng hakbang para gamutin ang mga sugat ng nakaraan.  I'm sure maganda ang kalalabasan nito kasi IT'S YOUR STORY. :) Exciting ito!

Write and write like there's no tomorrow.  Sana kasabay ng paghulma mo (o pagrebisa, kung tapos mo na ito) ng nakakaantig-damdaming obra ay ang paghilom na rin ng iyong mga sugat.  Mabuhay ka! 

Ruthie

jonsdmur's picture

Tama po kayo sa ilang

Tama po kayo sa ilang komento ninyo.. kapag natapos ko ng isulat o naikwento gagaan ang aking pakiramdam... naka-move-on na naman ako hihihi... Ingat po palagi... God bless!

Jonsdmur

Melanie Quilla's picture

Yown! Nag-emote!!!

Ang cute ng design ng pic ha.. talagang hindi mo tinantanan iyong green shadow ng dalawang labidabs! hehehe... Sabi ko sa iyo eh. pang-lab story iyon...hehehe...

Hindi ka naman siguro ngumangawa habang sinusulat ang love story...hehe. 

Medyo pang-Maalaala mo Kaya na naman siguro ang kwento na ito... Ayos ang linya dun sa pic... 

 Sige, itodo na ang emote!

Ingatski,

melay 

Agree ako kay Melay!

Ayos na ayos yung linya dun sa cover.  :) 

Ruthie

rom26factolerin's picture

buti ka pa

 

 wala bang launching ito? hehe...

buti ka pa nakakasulat ng ganito ako hanggang ngayon may kahirapan pa ring isa letra ang mga nangyari e. yun ata lagi ang dilemma ng isang manunulat ang ihiwalay ang sarili niya sa obra niya.

kaya ngayon nagdesisyon akong gumawa na lang ng kakaibang istorya malayo sa karanasan ko sa buhay.

pasabi kung kelan launching ha, makadalo hehe...

 

 

 

www.blah-blahblogs.com

talulot's picture

frend ayos toh!

jon,

mukhang dibdiban na ah. ang ibig sabihin daw ng paglalahad ng nakaraan ay handa nang humakbang sa kinabukasan......

hmmmm.......

aabangan ko itoh! inspire ka nanaman ah... (wink wink) 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

frend ayos toh!

Siguro tama ka heheheeh... I remember that woman but I dont remember the feelings anymore.... heheheheh

Musta ang study? Sana lumabas na ang first album mo featuring ur first single Tugon hihihihi

Have a great day

jonsdmur

talulot's picture

ang tugon hehehe

iyon talaga ang una mong gustong single hehehe!

finals na bro!!! prayers!!!

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

Salamat po. Ang totoo

Salamat po. Ang totoo mahirap talaga isulat ang nakaraan lalo pa kung may pait ang mga pangyayari. Malapit na po.. Editing na lang po ginagawa ko.

Nice day!

Jonsdmur

Adlesirc's picture

hi jon!

thanks sa message last night =)

isa ako sa mga nag aabang nito.

more power!

jonsdmur's picture

Thnks din sayo adlesirc..

Thnks din sayo adlesirc.. musta na.. hope ur okie.. sana maibigan mo itong kwento ko... ma emote me now eh hihihihi

jonsdmur

jonsdmur's picture

Sa lahat nang nagbasa...

Sa lahat nang nagbasa... medyo kinulang sa edit sa bandang gitna at ending.. ayusin ko po mga next day... salamat sa lahat...

Ito ang aking buhay pag-ibig.. sadyang pinalitan ang mga pangalan at lugar...

Jonsdmur

antoneli's picture

di ko pa tapos basahin...

isinisingit ko lang kasi ang pagbabasa sa obra mo.
Pero salamat na rin sa pagbabahagi ng iyong sarili!

jonsdmur's picture

Thnks po Ate Antoneli

Salamat po sa oras na naibigay ninyo.. I'm feel so lucky kasi binibigyan nyo po ng oras ang aking akda... isinulat ko po ang nakaraan at lumuwag na ang aking pakiramdam... sa tunay na buhay talagang madrama yan... hindi ko po masyadong nagawa sa kwento kasi naiiyak ako huhuhuhuhu! Kaya iyan lang ang kinalabasan...

Salamat po talaga... God bless po...

Jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

whooooo, ashtheeegggg

walanjo, cover pa lang eh.

Ayos ah. Eto yong design na pinagtalunan niyo ni ate melay di ba? hehe. Mukhang mas bagay nga siya sa love story.

 

Kahit na nagmumukhang tanga
Kahit na sinasaktan ako
Umiiyak ako dahil sa 'yo
Heto pa rin ako
Halos baliw sa 'yo

Senting-senti ang linya ah. Nagdradrama ka na naman ngayon ha. hehe.

 

Saka ko muna babasahin ito kapag nakauwi na ako. Nasa duty kasi ako.

  Siya hanggang dito na lang.

 <(='.'=)>

eloi

jonsdmur's picture

hindi naman.. ang totoo

hindi naman.. ang totoo hindi ko nagawang madrama... sa tunay na buhay sadyang napakasakit ng mga eksena...

Hindi ko makakalimutan ang nagsama kami ng karibal ko sa isang room.. one day at one night pa... yung huli after the first disco... dedmahan lang.. pero nagkita kami ni Christian sa manila.. at nagkumustahan kami... hindi ko na tinanong kung kumusta na sila...

Lumipat ako ng unibersidad sa nangyari... sa ibang school nagkaroon ako ng bagong buhay.. pero muli kaming pinagtagpo... naging close uli... hanggang sa handa na akong makipag balikan sa kanya... then yun may bf na pala siya... 

Kay hirap kalimutan ang mga eksena na tatlo apat kami magkakasama.. kasi barkada niya barkada ko din... minsan o madalas nagkikita kami,,,

About Jenny... siningit ko lang siya sa kwento... friends lang talaga ang turing ko sa kanya... she called me manhid sa situation... siya ang unang babaeng nag alaga sa akin... kaya masaya ako... after ng lahat nawala rin siya...

Ngayon okay na ako... hihihihihi sadya kong pinalitan ang mga names at lugar... sabihin nating 80% ang totoo... pero 100% ang concept ng story... ang ganda nga ng mga names na napili ko... christian.. naisip ko lang yan....

salamat sa iyong pagbabasa mamaya ihihihhi

Ingats sa duty

jonsdmur

 

antoneli's picture

ate na lang, jon...

sa wakas! Natapos ko rin. Bago ko basahin ito ay naging curious din ako sa kung paano mo ilalahad ang love story mo. Kahit na-edit na at sabi mo ay di madrama, tigib na tigib pa rin ng emosyon at sa aking kalooban lumuluha ako habang nagbabasa. At nabaghan din dahil di ka pumasok sa kadalasang stereotype ng isang lalaki. Lumihis ka nguni't di ibig sabihin na abnormal ka. Bagkus, nagpapakatotoo ka lang sa iyong sarili. At di tulad ng iba na kailangang ang imahen ay 'tough' palagi.

May balak ka bang maging romance novelist? Maraming romance novelist na lalaking gumagamit lang ng pen name.
Dadaigin mo pa ang ibang babae sa pagsusulat ng romances.

Nakaka-relate talaga ako sa iyo dahil may anak akong may hika. Masakit talaga kapag ayaw sa iyo dahil sa mga bagay na hindi mo na mababago tulad ng iyong anyo (maliban na lang kung magpa-plastic surgery ka at bakit mo naman gagawin iyon) pagkakaroon ng hika na talagang dadalhin mo hanggang pagtanda. Kung ayaw sa iyo dahil sa pera, nagbabago naman ang estado natin. Maaaring bukas ay higit ka pang mayaman kay Christian. At mapalad ka pa rin dahil may nagmahal sa iyong Jenny kahit hindi mo minahal.

Naniniwala akong darating din ang babaeng para talaga sa iyo. Malay mo, tagarito rin sa Filipinowriter.com.
Bagay din nga pala rito sa akda mo na ang background music ay One Last Cry.

Salamat nga pala sa pm mo. - ate mae ann

jonsdmur's picture

Salamat Ate Mae Ann

Una sa lahat nagustuhan ko ang pagkakasulat po ninyo ng komento para sa akin. Pangalawa, natutuwa po ako at nagustuhan nyo po ang kwento ko. Pangatlo, sa oras na ibinigay ninyo sa pagbabasa at sa komento ninyo sa akin.

Pangarap ko po ang maging romance novelist. Sa tingin ko marami pa po akong dapat matutunan. Balang araw sana matupad din po ang aking pangarap.

Nagpapasalamat ako sa site na ito at sa mga kaibigang nakikilala dahil habang tumatagal marami na rin po akong natututunan at nabibigyan ako ng pag-asa.

Tama po kayo na sadyang mahirap kung ayaw sayo dahil sa mga bagay na hindi na mababago. Nagpapasalamat rin ako at humihingi ng patawad sa mga nagmahal sa akin na hindi ko nabigyang halaga.

Sabagay, naniniwala rin ako na baka may dumating na... o, baka di ko pa napapansin, o baka napansin ko na...

Nakakatuwa naman po yung one last cry.. tama nga po kayo mukhang bagay talaga ihihihhihihi

Salamat po... I'm happy at nadagdagan ang aking mga ate sa site na ito... Sa lahat ng mga ate maraming salamat po sa inyo.

God bles us always!

Jons

antoneli's picture

walang anuman 'yun...

giving begets giving, Jon. Sa mga komento mo nababasa kong hindi ka selfish na tao at natututo rin ako sa iyo.

Pansinin mo at nariyan lang sa tabi-tabi he he...

Ilang taon ka na nga Jon? Kung okay lang sa iyong sagutin? Baka 'yung mga akala mo ay ate mo ay mas bata pa sa iyo. Ako talaga ay ate na.

jonsdmur's picture

Ang totoo medyo may edad na,

Ang totoo medyo may edad na, na medyo bata pa naman hihihihihi depende sa kaharap... kung bata kaharap ko kuya ako hihihihihi

Nasa 26 na rin me... medyo bata lang po isip ko ihihhihi kung 25 pa lang po kayo.. wag nyo me tawagin kuya ihihihihhihi

Sa looks din po kasi mukha rin lang me nasa 22 waaaaaaaaaaa!

Sana nga po nasa tabi tabi ang aking new love storySmile

Salamat po...

jons

ang ganda, idol!

thnx sa pag-share ng buhay pagibig mo, parang nakita ko ang sarili ko sayo.

salamat nman at nlaman kong d ako nagiisa na naging tanga sa pagibig, hehehehe.

akala ko script ng MMK ang binabasa ko eh, ang ganda ng pagka2gawa.

thnx again, aabangan ko ung susunod ha!

jonsdmur's picture

To Bong1259

Salamat sa iyong pagbabasa at komento. Sadyang mahirap ang kalagayan ko sa mga panahong ito. Ngayon, na-rialized ko na baka dalawa kaminng nagkulang sa mga pangyayari.

Kaw naman wag na idol hihihihihi.. ang totoo hindi ako bilib sa pagkakasulat ko... para kasing nakulangan ako... marami pa kasing eksena na madrama ang hindi ko na nailagay...

Paano mo nasabing naging tanga ka sa pag-ibig? Alam mo kahit ako hindi ko rin nararamdaman na tanga ako sa mga araw na iyon... sa huli ko lang natuklasan...

Kadalasan mga babae ang nagiging bida sa hiwalayan. Kasi lalabas na mga lalaki ang nanloko... noong ako ang nakipag break sa kanya sa akin ang sisi... sa akin ang kasalanan... ginawa ko yon kasi nahihirapan na ako sa situasyon... sa pagseselos? May dahilan naman kung bakit?

Salamat at naka-relate ka.. akala ko nagiisa lang rin ako heheheheh

Masaya ako kasi sinabi mong maganda ang pagkakagawa...

Sa baba ng story may old post ako o link ng post.. life story ko noong bata pa ako.. at about ofw...

Salamat talaga bro!

Jonsdmur

aireen's picture

hmmm.. aus din pala ang

hmmm.. aus din pala ang lovestory mo Jon eh!!!!

Pero ang sad part dun... tanggihan ang pag-ibig mo just because may hika ka... napapaisip tuloy ako.. sana naman wag mangyari sa unico ko ang nangyari sau.... Dahil lang sa may hika ang isang tao..

Dahil if ever mangyari rin sa kanya yun... hmp! humanda ang babaeng yun.... hehehehe

cheers...:)

 

jonsdmur's picture

uo nga he.. alam mo siguro

uo nga he.. alam mo siguro kung ilalabas sa maalaala mo kaya ang buhay ko malamang 'HIKA' ang episode title hihihihihihi

Minsan kasi nandidiri ang girls kapag alam nilang may hika ang boys... hindi naman lahat... kadalasan kasi un ang nangyari sa akin.. pakiramdam ko ang dumi dumi ko hihihihihihi.... pero mapalad ako kasi kahit papaano may mga babaeng nagmahal sa akin... dati nililihim ko na may hika ako... ngayon hindi na... kasi kapag nilihim pag natuklasan minsan may turn off....

Ewan ko... pero ngayon bawat kilala ko sinasabi ko na na may hika ako... kahit sa work ko sinabi ko na.. ngayon lang nila nalaman... Minsan kasi sa medical exam di lumalabas resulta ng hika ko... lalo na kung walang atake... clear ang xray... parang nakatago ang hika ko.... hindi nakikita minsan...

Sa awa naman ng diyos kahit papaano di na kasing lala ng dati ang hika ko... nakukuha na sa gamot at need na lang ng proper medication...

Salamat friend sa iyong pagbabasa... gards uli sa iyong son...

Have a great  day!

Ang swerte naman ng son mo.. nadyan ka tagapag tanggol niya hihihihi

 

lam mo idol ang babaw ng

lam mo idol ang babaw ng dahilan nya para talikuran ka, kung mahal ka talaga kahit cno ka pa tatanggapin ka nya. Kahit ano pa ang karamdaman mo dapat tanggap nya, dapat d na lang nya sinabi un o kaya nagisip muna sya ng ibang dahilan sensya na ha kaka-badtrip kase ung ganun eh.

kahit ala kang bilib sa sinulat mo basahin mo na lang ang mga comment nmin sayo cgurado bibilib ka na, hehehehe.

MABUHAY KA IDOL!!!

jonsdmur's picture

Siguro nga tama ka pareho

Siguro nga tama ka pareho tayo ng pinagdaanan. Ramdam ko sa mga salita mo na may hinanakit ka rin sa past...

Minsan di natin nararamdaman na nagiging tanga na pala tayo sa pag-ibig pero minsan nagbibigay ng aral. Kahit binigay mo na lahat mukhang kulang pa rin sa kanya...

Wag na idol kaw naman heheheh

Salamat talaga bro... mabuhay ka rin...

Adlesirc's picture

JONATHAN!

tapos ko na syang basahin. nagprint ako ng copy at binasa ko sya habang nagdidinner last night. =)

nakakalungkot naman yung nangyari sayo.. tama ka, hindi ka nila masisisi kung bakit ka seloso. kasi MANLOLOKO sila! mga SINUNGALING. sa opinyon ko, (wag ka sanang masasaktan) hindi ka talaga nya minahal.

kung mahal ka ng isang tao, wala nang "IFS" and "BUTS". everything is "inspite of".

makakahanap ka ng iba pa..

thanks for sharing your story.  

 

jonsdmur's picture

Touch naman ako diyan..

Touch naman ako diyan.. talagang pina-print mo pa para mabasa... okay ba ang dinner habang binabasa ang story ko ihhihihihi

Yon talaga ang main story dati.. they told me na maniwala ako na minahal niya ako... hindi kasi ako naniwala buhat sa natuklasan ko... lagi nilang sinasabi na minahal na raw ako...

Sabagay may point ka...

Sana makahanap na hihihihi

Mas thnks sayo kasi binasa mo...

Have a great day!

Jons

Hindi mo kami binigo, Jonsdmur!

Salamat sa pagbabahagi mo ng iyong kuwento.  Salamat sa pagbabahagi ng iyong buhay...

Napaka-honest at napaka-sincere ng iyong pagkukuwento at hindi ako nahirapang intindihin ito.  Pinakita mo sa magandang pamamaraan kung saan ang pinanggagalingan mo at dahil dito, tumatak sa isipan ko ang isang bagay:  Boys do cry, too and the world is in a state of equilibrium pa rin hehe. 

Kung isang pelikula, sana ang gumanap ay si John Lloyd, ano sa tingin mo? :

 

Ruthie

jonsdmur's picture

Ako po dapat magpasalamat

Ako po dapat magpasalamat dahil isa kayo sa sumubaybay sa kwento ko. Salamat po talaga... hindi lang sa pagbabasa at komento pati na rin sa support kasi pinapalakas nyo loob ko.

At sino kaya leading lady ko ihhihihihihi? Nakakatuwa naman kung si John lloyd gaganap heheheeh

Salamat po talaga.... God bless po!

Jons

Go John Lloyd!

Magaling si John Lloyd, lalo na sa mga "api" roles, gaya yung movie nila ni Bea, yun bang magbestfriends sila mula nung bata?  Haay kahawig nun ang istorya mo, hmm.... I hope gaya nun, maging maganda rin ang ending ng love story ng buhay mo.

Leading lady, hmm sabi nga ni Ate Mae Ann, keep your eyes wide open, malay mo, may mag-audition para sa role galing dito mismo sa site, dba?  Hihihi.  Good luck! 

Ruthie

jonsdmur's picture

Re-Go John Lloyd!

Kala ko sasabihin ninyong kamukha ko si john lloyd hihihihihihi humaba kasi tenga ko hihihihihi

Nabalitaan ko po yan... box office po yata ang movie nila... Sino kaya mag-aaudition ihhihihihi

Sana may next love story na me ihihihhihihi kapag naging okay aba! ninang na kayo ihhihihihihi

Jons

dyeppri's picture

Komento lang po ito...

Tunay nga na bago mo tuluyang makalimutan ang nasirang pag-ibig ay kailangang hukayin muli sa baul ang sakit na dulot ng nakaraan. Ukitin muli ang mga tanong na hindi nakahagilap noon ng kasagutan....at baka sa pagtatangkang ito sisibol ang pagkakaunawa na hanggang duon lamang talaga.Mahirap talaga ang ma-bitin at naiiwan kang lumalambitin sa isang bangin ng mga katanungan.Kailangan mong bumitiw sa baging...makaranas ng isang pagbagsak sa lupa at duon ka pa lamang muling makakatayo.

---------------------

sa istorya naman po.(alam ko namang magaling ka ng writer kaya hindi na kita pupuruhin pa.ito na lamang ang sa akin..)

"Masakit palang makita ang minamahal mo na may ibang kasamang lalaki. Masakit pala kahit pa sabihing wala na kayo." binigay mo agad ito sa prelogo

"Dito nagsisimula ang aking kwento. At tulad ng dati hindi ko masasabing isa itong nobela o maikling kwento. Isipin n'yo na lang na nasa harapan n'yo ako at masayang nag-kwekwento dahil ito ang kwento ng buhay ko. Ang kwento ng aking pag-ibig...."--->dito sinabi mong masaya kang magkwe-kwento.

Nahugot agad dito ang katanungan (na siyang magiging pinakasandigan ng istorya) ko na papano siya nakapag move on? Iyan ang hinanap ko Jonds na hindi ko nakita.Nag-ending siya na tinalakay lang ang mga pasakit sa "XGF  at  Xfriend". Wala ang resolusyon at bahala na ang langit.Ngunit isinaalang-alang ko na lamang na totoong kwento ito ng buhay mo kaya baka may part 2 pa. 

Dagdag pa: naging predictable masyado sa pagbibigay mo ng hint sa unang bahagi kayat parang iniintay ko na lamang matapos habang binabasa ko ito.Mabuti na lamang at magaling kang kwentista kaya't naisalba mo ang pagkamainipin ko.

Titulong: A love story ---duda rin ako tulad ng nasabi ng iba kung minahal ka nga ba niya. Naniniwala akong ang Love o pagmamahal ay kailangang nagmumula sa dalawang puso dahil kung iisa lamang ay mapapagod ito (kagaya mo, selos ang binunga nito)at mauubos ang pagmamahal.Hindi ka sigro niya minahal (baka?) kaya't para sa akin ay hindi mo ito love story-- bata ka pa naman kaya't darating pa ang masasabi mo talagang love tory mo!Kapag nangyari iyon isang tawag mo lang sa akin, inuman na tayo! yehey...

<ako lamang po ito.pananaw ko lamang iyan sa kaibigan ko sa site na ito.Kasangga ko na iyan si Jonds kaya okiy lang na komentuhan ko siya diba tol?ahihihiCool ...twink...salamat..

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

dyeppri's picture

ako ulit...

ay nakalimutan ko hindi ka pala umiinom...shet!(pano 'yun e mahal pa naman ang pamasahe diyan sa inyo???tskkk.)'di bale tuturuan kita 'tol.ako bahala tsaka natin kakatayin ang iba pa nating mga gawa.ahihihi. Coolbye...twink.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Una sa lahat salamat

Una sa lahat salamat bosing.... hehehehe

Sa sinasabi kong masaya akong nag-kwe-kwento ewan ko lang... Sa personal kasi kapag nag-kwento ako masaya ako kahit pa malungkot ang sinasabi ko... tanda ko nga pinagalitan ako ng lolo ko kasi nag-kwento ako na may namatay eh nakangiti ako... inside syempre sad ako.....

Pansin ko nga na parang di lumabas na nag-move on ako.. ang totoo kahit ako hindi ko alam kung paano ako nag-move on.... at kung naka-move on na ba talaga ako? After na naisulat ko ito medyo gumaan ang pakiramdam ko... at nakatulong yun....

About sa love story na titulo.. siguro kasi siya ang unang minahal ko.. bago siya love team love team lang... nang makilala ko siya doon ako umibig talaga... doon ako naging seryoso naks! heheheheh

Sabagay parang love story pa ni carmela kung nasa point of view niya ihihhihihi.. salamat sa iyong komento... yong la traidora nabaon na sa limot heheh sabagay lam ko naman na busy ka... pero na edit ko na ang iba na pang published may malaking pagbabago...

Kailan pala uwi mo dito? Sige inom tayo... gatas na lang sa akin... masustansiya pa...

Salamat sa iyong komento... ikaw pala kuya ko dito.... yong rubber shoes ko ha

OKay na okay ang komento.... ikaw pa... Idol din kita....

Yung picture o cover para sa presents un hihihihihihi kapag nagkaroon... baka nga may part 2...

Jons

Melanie Quilla's picture

o yan, comment na ako ha

kahapon ko pa ito nabasa pero di ako nag-comment kaya eto babawi ako...

sa paraan ng pagsasalaysay ng kwento, walang duda may pinaghugutan ng emosyon...siyempre, buhay mo ito  kaya may emotional attachment talaga...

tungkol sa nangyari, masasabi ko lang, no offense pero sa tingin ko, hindi ka minahal ng carmela na iyon...siguro natutunan din niya na mahalin ka pero di un nagtagal tulad ng binigay mo sa kanya. pag ganon sa palagay ko hindi iyon love kasi may dahilan siya kaya ka niya minahal. kunbaga, pilit... eh ang hinog nga daw sa pilit, hindi totoo ang tamis. sa selos issue, di kita masisi, may fault kasi ung babae...

nanghihinayang ako kay jenny talaga... siya sana ung babago siguro dapat sa mundo mo kaso pinaglagpas mo...

payong kaibigan lang... sa susunod talaga wag mo na intayin mawala pa iyong isang tao bago ma-realize na special siya... kasi gaya nga ng sabi ko sau noon,  masasaktan ka lang at masasaktan mo rin ang taong iyon.

mukhang di ka pa totally moved-on...pero siguro nasa process ka na ng "Art of letting Go" hehehe...

wala akong masyadong alam sa love kasi wala naman ako love... ung mga sinabi ko, galing lang iyon sa sulok ng utak ko...ganyan kasi way ko ng pagpapayo noong peer counselor pa ako...

Geh Ingats!

melay 

jonsdmur's picture

Salamat sa iyong komento....

Salamat sa iyong komento.... CoolSmileSurprised

Sabagay medyo may point ka rin... marahil tama ka...

Bakit naman wala kang masyadong alam sa love?

Siguro hindi na mero siguro naka move on na rin.. tagal an yon hehehehe  kapag naalala lang... pero nakalimutan ko na damdamin ko sa kanya....

Ilang jenny pa kaya dadaan sa buhay ko? Sino ang lalayo at sino ang mananatili? yan ang aking aabangan...

Salamat sa iyong komento... para sa akin hindi kompleto kung wala ang komento mo....

Keep in touch!

Jonsdmur

eloisa marie hernandez's picture

yehey! nabasa ko

yehey! nabasa ko rin!

 Talagang kita ang emosyon sa sinulat mo kuya.

Ang akin lang, grab the chance kung sino man yung taong tinutukoy mo sa huling part ng story habang mahal ka pa niya. (tsk, tsk drama ko talaga)

 Baka magsisi ka kuya. Wala lang, nasabi ko lang yon. Kasi napapagod din ang tao. Yung una mong pinalagpas si Jenny. Huwag mo nang hayaang may makalagpas pang isang totoo.

 

Kaya go,go fight.

Ilibre mo ako ng choco mucho. (nagdemand?)

Chocolate! chocolate! chocolaaaaatttteeee!

Tagal ko ring nagbakasyon dito sa filipinowriter. Bukas na kasi finals namin tapos may duty pa nong mga nakaraang araw kaya hindi ako makatyempo dito sa site. O ayan nabasa ko na obra mo. hehe. Yow!

Ipagdasal niyo sana pagpasa ko sa finals. huhu.

 

<(='.'=)>

eloi

 

 

jonsdmur's picture

Salamat nabasa mo na...

Salamat nabasa mo na... okay ba pagkakasulat ko?ano masabi mo sa mga talata o salita na ginamit ko?

Sabagay may point ka... ihihhihihi

Good luck sa exam mo.. kayang kaya mo yan.. ikaw pa.... saka na choko kapag pasado ka na... kita tayo kapag nagduty ka na rito...

 JOndmur

eloisa marie hernandez's picture

Sabi mo yan ha? Bibigyan mo

Sabi mo yan ha? Bibigyan mo ako ng choco mucho. Sige kitakits na lang kapag duty na ko next week.

May point ako? . kaya grab the chance. hihihi. I am the light. I am the way.. hehe.

ibabalita ko na 'to kay kuya Spike! Joke lang. Tsismosa talaga ako. tsk, tsk.

Yung flow ng story, ayos na ayos. Kaya lang yong sequence medyo nahilo ako. Gusto ko yung banat mo sa unang part. saka sa huli. Naks. Grabe ka! ang laki kuya ng inim-prove mo. Idol!

<(='.'=)>

eloi

 

 

 

 

 

jonsdmur's picture

Ano ang na-improve

Ano ang na-improve hihihihihi?

Speechless....Cool

Jonsdmur