a NEWBIE cooking tips

 

TUNA ADOBO

Ingridients:

1 kl. tuna (sliced into cubes)

2 pcs.  onion (tidbits) (note: di masyado malaki)

2 pcs. garlic (tidbits)

3 pcs. sibuyas dahon ( sliced in small cubes )

2 pcs. red pepper ( sliced pahaba )

1/2 tsp. paminta (crushed)

1 cup toyo ( kahit ano )

1 cup suka ( kahit ano )

1 tsp. asin

1/2 tsp. asukal

1 cup cooking oil ( kung kulang dagdagan lang)

(note:puwede niyo ring lagyan ng mga artipisyal na pampalasa)

 

direction:

Una ilagay muna ang mantika(dapat mainit na ang mantika yung umuusok na ng kunti). Pag-umuusok na ilagay na ang mga sumusunod : onion, garlic at red pepper.( haluin ng mabilis ng di masunog o umitim ang mga sangkap)

Pag nag brown na o golden brown ang onion ilagay na kaagad ang tuna( sa paglagay nito hinaan ng kunti ang apoy) haluin ng maayos at ng sumiksik ang lasa ng mga na unang sangkap sa tuna.

Pagna halo na ng maayos ay ilagay na ang sumusunod: toyo, suka, asin at asukal. ( tikman niyo kung ok na ang lasa at baka gusto niyo pa dagdagan ng suka, toyo, asin o asukal ( nasa inyo kasi yan kung nasarapan na kayo

Kung lumalabas na ang masarap na amoy nito hinaan niyo pa ang apoy ( yung pinaka mahina ok na or yung sunod sa pinaka mahina)

maghintay ng 5 minuto pagkatapos ay ilagay na ang paminta pagkatapos nito ay maghintay na naman ng 5 minuto

Pagkatapos nito ay ilagay agad ang sibuyas dahon at maghintay ng 1 minuto at pagkatapos nito ay puwede na itong i serve ( baka i-serve niyo pati angpan na nilutuan niyo ha!

yun lang well nilagay ko lang yan siya para naman maka share ako hehehe!

ito kasi yung niluto ko ng bumisita ang gf ko ay x-gf na pala gusto niya talaga ang luto ko! hehehe