A Superhero Coloring Book
Pinilit kong 'di ilagpas
sa guhit bawat kulay
na nagbibigay hininga
sa'yo.
Isang direksyon
lamang ng linya
ang pagkulay sa imahe
mong sasagip sa mundo
nitong libro.
Sinunod ko ang mga ito
dahil sa takot
na sa 'di mo pagiging perpekto,
'di ka tanggapin
ng mundo mo.
Sinusunod ko ang mga ito
dahil sa takot
na sa 'di nito pagiging perpekto,
'di ako tanggapin
ng mundo ko.
Naisipang isulat matapos payuhan sa pagkukulay ang nakababatang pinsan.
Hindi n'ya kailangang sundin ang itinanakda ng lipunan dahil gumagawa s'ya ng sarili n'yang katotohana't mundo.
Hindi ko ito naisip.
Re: hm..kulay?
Uy! Ikaw ulit! Hehehe...
Saan ko nakukuha ang mga ideya ko? Hmmm... Sa kahit saan talaga e. Karanasan ko at ng mga kaibigan ko, pag-ibig na ayos at sablay, lipunan, sa mga nakikita, sa relihiyon, asaran (sa asaran nag-ugat ang tulang Regla, mababasa mo rin s'ya dito) at kung saan saan pa talaga.
Para sa tulang ito, naging inspirasyon ko yung pinsan ko habang nagkukulay sya ng Power Puff girls nya na coloring book. Pinayuhan ko kasi sya na 'wag lumagpas sa linya, isang direksyon ng guhit lang, sundan yung tamang kulay, etc. Tapos, parang ang sabi n'ya sakin, gusto raw nyang ganun dahil iba naman yung Power Puff n'ya sa Power Puff ng nasa TV.
Tama.
Galing doon, hinaluan ko na lang ng konting kontextong lipunan.
Ayun.
Parang ang haba ng reply ko a. Hehehehe.
Maraming salamat ulit teenay sa panahon, pagbabasa at pagkokomento!
\mm/
Ingat.
Steady.
Peace, Love & Rock N' Roll



hm..kulay?
sa'n mo nakukuha ang mga ideya mo?
sa kurso kong architecture, normal na sa'kin
ang paglagpas ng kulay
lalo na kapag watercolor ang gamit
kong medium.
Madalas magalit ang mga prof ko,
pero ginagawa ko parin iyon nang paulit-ulit.
Sa tingin ko,
tama ka,
wala silang pakialam,
dahil ang tunay kagandahan ng isang bagay
ay hindi nakikita sa mga matitingkad na kulay na ginamit
kundi, ang bagay mismo ang maganda na pinaglilinang lang
ng mga naglalarong kulay na inilagay mo.