ABROAD - " ANO ANG EPEKTO SA BUHAY NG TAO"

rose's picture

ABROAD- " PAGBABAGO SA BUHAY NG TAO"

Ano nga ba ang salitang ABROAD? Diba yan ang salita kapag nagtatrabaho tayo sa labas ng ating bansa , nagtatrabaho sa abroad?Bakit Parang malaki ang nagiging epekto sa buhay ng tao kapag nakakapag abroad na? ano ba meron sa abroad? Maraming bagay ang meron sa abroad katulad nalang ng pagtatrabaho sa abroad, dollar earning, riyals or dinars, or yen earning tayo kapag nagtatrabaho tayo sa abroad. At minsan ang pagtatrabaho natin sa abroad ay nagbibigay ng malaking pagbabago sa ating buhay , nagbibigay din ng magandang buhay at kinabukasan sa ating mga mahal sa buhay.

Bakit nga ba maraming tao ang nagbabago na kapag nakakapag abroad na? katulad nalang ng halimbawa nung nasa pilipinas siya matiyaga siya mag-lakad at marunong siyang sumakay ng jeep , pero nung nakapag abroad at umuwi ng pinas hindi na marunong sumakay ng jeep at wala ng tiyagang maglakad, isa pa si nena na taga provinsya nung nasa pilipinas simple lang manamit at walang bisyo magalang sa kanyang magulang, nung naka abroad at umuwi ng pilipinas aba si nena social na manamit laging labas ang clivage , naninigarilyo na at palamura na at take note englesera na si nenang probinsyana, isa pa nung nasa pilipinas siya mabait siya at nakakausap mo ng maayos at nalalapitan mo aba nung nag abroad na at umuwi ng pilipinas naglalakad na parang walang nakikita at kapag kinakausap mo pretending na hindi ka kilala, isa pa nung nasa pinas siya kinakain niya kahit ano kahit bagoong inuulam niya, tuyo , galunggong, mga gulay kahit ano kinakain nung nakapag abroad na namasukan bilang DH at nakapag-asawa ng ibang lahi at umuwi ng pinas sasabihin may alergy ako hindi ako kumakain niyan at kung mag-utos laging nakasigaw. Minsan marami na rin sa atin na kapag naka abroad na kahit Pilipino kaharap nasa pilipinas na panay English pa, para sa akin oo kailangan natin iimprove ang pagsasalita natin ng English pero ilagay naman natin sa lugar na kahit nasa probinsya ka panay salita mo pa rin ng English, yan ang problema minsan sa ating Pilipino minsan nakakalimutan na natin kung saan tayo galing, makapag trabaho lang tayo sa ibang bansa nakakalimutan na natin kung sino tayo at saan tayo galing.

Dapat matutu tayong lumingon sa ating pinang-galingan huwag tayong mag pa impluwensya sa ibang lahi, yan ang naoobserbahan ko sa karamihan na nakakapag abroad. ako sa tagal ko ng umaalis or nag aabroad masasabi ko na wala pa ring nababago sa akin, inaapak ko pa rin ang aking mga paa kung saan ako nanggaling , hindi ko kinakalimutan ang pinang-galingan ko, yan din minsan ang dahilan kaya hindi umaasenso ang mga Pilipino ang ugaling payabangan na minsan kahit baon na sa utang makapag yabang lang. Ang inggitan at Siraan. Kaya sana kung bigyan tayo ng pagkakataon ng diyos na makapag abroad huwag natin hahayaan na mabago tayo, gawin lang natin yan upang makapagtrabaho tayo at kumita para mabigyan natin ng magandang kinabukasan ang ating pamilya. Minsan naiinis lang ako sa mga taong kwento ng kwento nagtatrabaho dito nagpapaalila sa ibang lahi tapos kapag nagkwento sasabihin na mayaman sila sa pilipinas at di katulong sila sa bahay nila, minsan may nakausap ako kwento ng kwento ng ganyan isa lang sinabi ko sa kanya bakit ka nandito kung mayaman ka at di katulong sa bahay, bakit nandito ka nagtatrabaho sa restaurant at pinag sisilbihan ang ibang lahi at bakit nandito ka nagpupunas ng mga lamesa na yan kung mayaman kayo sa pilipinas.
Bakit nakikipag away ka ng dahil sa maliit na tip na binibigay sa iyo. Bakit iniwan mo ang 2 anak mo tapos nandito ka na nagpapaalila sa maliit na sweldo.

Minsan kailangan natin magpakatotoo sa ating sarili huwag tayo mag pretend ng bagay na imposibleng mangyari, huwag nating ikahiya kung ano at sino tayo, iyan minsan ang nagiging dahilan kaya tayo nagbabago ang pagkalimo't sa pinang-galingan natin. Kaya ang nagiging resulta kapag uwi ng pilipinas puro kayabangan ang gagawin, yan lang ang ugali ng mga pinoy ang hindi nawawala ang payabangan.

Minsan marami din ang nasisirang pamilya kapag abroad ang asawa, isang halimbawa lang ang isang babae na may 3 anak sa pilipinas kung iisipin mo maganda ang trabaho ng kanyang asawa , nagtatrabaho sa barko pina padalhan siya ng sobra sobra ng kanyang asawa, nag abroad ang girly pumasok sa isang restaurant at tinanggap ang maliit na sahod.

Bakit anong dahilan niya bakit pa siya umalis?

No. 1 Kasi gusto niya tumakas sa responsibilidad ayaw na niyang mag-alaga ng bata,

No. 2 Hindi pa siya sawa sa kanyang pag-kadalaga kaya nung nakaalis kaliwa't kanang labas at pakikipag boyfriend ang ginagawa,

No. 3 Sasabihin niya magyayabang na namasyal lang sa america na ang totoo nagtatrabaho siya at nagpapaalila

No. 4 Ayaw na niya ang buhay sa pilipinas kaya kahit sobra sobra ang padala sa kanya ng kanyang asawa umalis pa rin at tiniis kahit mawalay na sa kanyang mga anak. Yan ang mga taong hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganyang tao na maganda na ang buhay sa pilipinas nakukuha pang iwanan ang kanyang mga anak at asawa para sa maliit na kikitain niya sa ibang bansa.

Kaya kung malalaman natin ang Rate ng mga Broken family yan ay yung mga OFW na may mga pamilya sa pinas lalo na kapag babae ang nag- abroad, maraming pamilyang nasisira kapag sila'y nagkakahiwalay. Kaya napakalaki ang nagagawa ng pag-aabroad sa buhay ng tao. Iba't ibang bagay ang nababago, nababago ang sarili, nababago ang buhay, nababago ang pananaw, nababago ang pamilya, nababago ang ugali.

At minsan din na ang mentalidad ng mga tao sa pilipinas mga kamag-anakan kapag sinabing abroad akala nila tumatabo ng pera ang kanilang mga anak or asawa, akala nila kapag hingi nila isang click lang ng kamay nandiyan na may pera na, akala nila kapag abroad madali lang kitain ang pera, akala nila na abroad malaki ang kinikita, maraming expectation ang mga tao sa pilipinas kapag abroad ang anak or ang asawa or ang kamag-anak, dahil hindi nila alam kung ano merong buhay sa abroad. Hindi nila alam kung ano dinadanas ng kanilang mga anak sa abroad, or asawa or kamag-anak. Marami din nagtatagumpay sa Pag-aabroad at marami din naman nabibigo yung umuuwing luhaan. Kaya ako bilang nag-aabroad isa lang ang natutunan ko ang pagpapahalaga sa maliit na kinikita, pagtulong sa pamilya, pagpapakatotoo sa sarili, at ang hindi pagkalimot kung saan ka nang-galing, at ang higit sa lahat ang pananalig sa diyos .

rdm 12/12/07