ADDICT SA CHAT
May isang babae akong kakilala,
Luningning ang tawag ko sa kanya.
Libangan ay makipagchat mula umaga,
abutan ng takip-silim tuloy pa rin siya.
Walang paki-alam abutin man ng gutom,
walang tayuan,
"computer" ang tambayan niya.
Akala mo'y isang leong masiba-
lahat ng ka-chat chinichika,
mapa-ingles o tagalog ay game siya.
Kapag naman tinanong ng asl niya,
ang sagot ay 22/f/phils (aba! aba!)
ang totoo'y trentay nueve na.
Hay... si Luningning kong kaibigan
hayun ngayon ay naloloka.
Isa kasing malaking pagkakamali niya,
ang pag-sign out ay kinalimutan pa.
Ang malas naman, dumating bigla ang asawa
pumuwesto sa harap ng kompyuter at nagpahinga.
Isang mensahe bumulaga sa kanya
etong si lalake nagulantang sa nabasa,
dahil sa mga katagang nakita--
" hey babe i miss u..let's chat 2mro .i'll wait ok?
bad trip si kabiyak, sa nadiskubre today.
Asawa'y nagalit tuloy kay Luningning,
umalis ng bahay gabi na'y wala pa rin.
Hindi na makalusot huling huling ang loka,
yahoo id kasi niya nakatiwangwang, naka-open pa.
Lahat tuloy ng ka-chat niya nakita ng asawa.
ANG DAMI, humigit kumulang na sa trenta,
ibat-ibang pangalan karamiha'y lalaki pa.
Patay kang bata ka!, papaano na.
Si Luningning na addict
mahirap nang magtakip,
kailangan na lang ay matuto siya
wag nang ulitin nang asawa'y matuwa na.
Wala kasing importansiya ang mga chika
kung relasyon ay mawawalang saysay pa
dahil lamang sa pakikipag-chat-chatang
walang ka kwenta- kwenta.
bow...
Ito ay hango po sa totoong buhay. Ang susunod na nangyari ay hindi ko pa rin alam, saka na ninyo malalaman kapag nai-kwento na sa akin ng aking matalik na kaibigan hehe. Salamat.
bato-bato sa langit ang tamaan 'wag magagalit...
ndi msama tama!
ibang usapan na kasi kapag ang isang bagay na ginagawa mo ay sobra na diba? ung msmang epekto hindi mo makikita sa umpisa but later on aabutin dn ng karma...kya ingat lng.
korek k dyn...
korek k dyn...
agree
hay naku meron pa nga nagpapalit palit ng gender makapanloko lang pero ano nga bang pakialam ko di ba? lahat ng sobra mali at nakakasira di lang ng ulo pati ng buhay tingnan mo yang si lunigning di ba kanta yan?
oo yta... sa totoo lang ndi
sa totoo lng ala nmn msma sa pag-chat e bsta nsa lugar. nasasa tao dn kung mnsan un. ndi na libangan ang dating s knla isa nang kahibangan...
hay naku
maraming nasisirang relasyon dahil sa chat-chat na iyan, parang tulad iyan ng text text na kapag nahuli eh nagiging mitsa ng hiwalayan... ako, hindi ako mahilig magchat...ang ka-chat ko lang ay mga kilala ko...pag di ko kilala. di ko ina-add. parang sa text...kapag di ko kilala ang nag-text, di ko nire-reply-an...
Ingatski,
melay
ay buti kpa. c luningning
ay buti kpa. c luningning ms. frendshp eh lht in-add! wlang kapares un kala mo bampira lalabas ng kwarto gabi na hahaha! (nadudumi lng cguro o naiihi kaya tatayo s kinauupuan kkatuwa noh!).
may mga ganon talagang tao
nagkataon lang siguro na hindi ako ganon... may best friend ako ang hilig naman niya eh makipag-textmate...
ako kasi, mas gusto kong personal na kilala ko iyong tao bago ko siya maging chat mate o textmate.. mas okay 'yon... lam naman natin ang mundo ngayon, lalo na ang mundo ng worldwide web...maraming manloloko... that's reality.
mga manloloko dyan
mga manloloko dyan naku! bato-bato sa langit kahit na ikaw ay magalit sasabihin ko na sau "pls. ika'y magbago"
to:luningning
frend, aba tigil na... awat na! kaw din nasa huli ang pagsisisi.
wow, may nabasa din akong ganito..
_ im the author of my life_
ganda ng gawa mo ah,, hehehe.. sa palagay ko nga totoo nangyayari to. dami na nasirang relasyon dahil diyan. mas matindi pa yan sa pagkakaroon ng textmate, kasi sa chat pwede mo makita yon ka chat mo. gamit lang eh webcam.. hay,, wawa naman yun lalaki, ngayon girl na ang nangangaliwa...
Tnx daiz08
naku hindi naman masyado maganda ito hehe..natuwa lang akong gawin ito nung nagkaproblema ang friend ko dahil nga sa pagka-addict nya sa chat. Kawawa lalo yung babae kasi nawalan na ng tiwala yung asawa niya sa kanya.
Salamat sa pagbasa. God bless.
Ang pangit ng tulang
Ang pangit ng tulang ito.
Halaw ito sa kantang "Si Annie Batumbakal."
Nalulong si Annie sa pagdidisco hanggang sa nagkaluko-luko ang buhay niya.
(Hindi pangit ang kantang ito, ha?)
Lumang tema ang karay-karay ng napakapangit na tulang ito ni love.
Sana naman, ang mga lumang tema ay inilalahad sa isang sariwang pamamaraan:
Iyon bang parang ngayong oras mo lang narinig kahit kahapon pa iyon umaalingawngaw.
Grabe superlative ang ginamit mo bro
NAPAKAPANGIT (Todo ang description, uhmmmm, parang wala ng paraan pa para maimprove kasi napaka ang ginamit)
Kuya pwede po bang sumali sa workshop nyo, mukhang bihasang bihasa kayo sa aspeto ito ah!!
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
igalang si maestro--ipagtayo ng rebulto!
ganyan talaga spike feeling kasi ni Jon nasa workshop pa siya at tayo ang mga estudyante nya. nakaranas kasi ng matinding pambabalasubas at panlalait yan sa mga nagturo sa kanya. kinalkal ng husto ang pagkatao nya sukat na nilabas ng bituka niya sa puwet pinadaan at ibinalik sa bunganga niya. kayat sa matinding pagnanais na makapag higanti narito siya ngayon at inuupakan ang makita niyang di pasok sa panlasa niya.
para iyang battered child. dahil sa tindi ng pangugulpi sa kanya nung bata siya dala-dala nya pa rin ito hanggang magka pamilya siya at mga anak naman niya ang ginugulpi niya.
feeling superior e akala niya magpapasalamat ang mga tao dito sa FW sa mga pagtatama niya ang kaso halatang-halata naman na gusto niyang gayahin lamang ang mga panlalait na ginawa sa kanya ng mga "maestro" niya. sa pag aakalang magiging maestro din ang anak ng pulis na ito na may ugaling pulis din kahit sa larangan ng pagsusulat.
walang puwang ang sinumang "feeling superior" dito. di bale nang di ako magsulat pero di ako titigil hanggat hindi tumitigil si Jon E. Royeca sa panlalait sa mga gawa ng mga taga rito. susundan ko lahat ng comment at post niya kung marunong siyang umupak---->mas marunong akong bumanat!Tutal sinabi niyang mamamatay-tao ako e.
hanggat may internet connection ako uupakan ko yan hahahaha!
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Oo nga bro
Mukhang may galit ata sa inyo si Jon eh pati na rin kay Love, kay J.Luna, pati na rin kay Dap.
Ewan ko rin, okay naman sya dati eh, nagtataka lang ako parang nag-iba talaga ang ihip ng hangin sa kanya.
Basta parang may galit nga ata sa inyo!!
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
nasusupalpal kasi palagi
e kasi nga supalpal lagi siya sa amin. sa pilit niyang pagpapatanggap ng mga idea niya na di naman kayang lunukin namin, kasi nga gusto niyang yung mga natutunan niya sa workshop na sinasabi niya i apply dito. oks lang kung talagang magaling siya payag ako kahit manlait pa siya basta ba may matutunan ako kaso ampaw din naman siya e.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Hindi pa ako nakadadalo
Hindi pa ako nakadadalo ng anumang workshop, kahit kailan.
Wala pa ring nakapanlalait sa mga akda ko, o nanlait sa akin sa isang workshop.
Hindi ako parang binaboy na bata. Matamis ang naging kabataan ko.
Ikaw pa lang ang mura nang mura sa akin nang ganyan. Ikaw na isang taong tumanda na nang ganyan, e, parang walang pinagkatandaan.
Matanong lang: Kayo po ba si G. Ed Roa?
tanga ka lang talaga
e tanga ka talaga Jon E. Royeca, ikaw mismo ang nagsasabi at nangangalandakan dito tungkol sa mga workshop na dinaluhan mo na kung saan matindi ang kritisismo at batikusan, ikaw din ang nagsabi na "mistulang workshop" na ang site ito, ngayon itinatanggi mo ang lahat? wala ka ngang kwentang kausap. di ka nga dapat iginagalang --- kaya't mapapansin mo sa lahat ng tao dito IKAW lang ang sinasabihan kong tanga at gago, at hindi pagmumura yun, kasi yun talaga ang tunay na kalagayan mo. ang mura ay ito--PUTANG INA MO! pero ang tanga at gago ay tunay na kalagayan mo na nababagay sa iyo.
wala akong paggalang sa iyo mula ng sabihan mo akong mamamatay tao. at deserve mo lang lagi na bastusin, ipinapangako ko sa iyo na lagi kitang babastusin kasi yun lang ang tanging bagay sa iyo sa mga kagaguhan mo. makakaasa ka dyan.
at isa pa ewan ko ba sa sobrang katangahan mo, di mo na alam kung sino si Mr. Ed Roa at ako. tanga ka talaga.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Kapag ang bata, tinawag
Kapag ang bata, tinawag na "gago" at "tanga" ang kalaro niya, sinusupil iyon ng kanyang mga magulang. Pagmumura kasi iyon, e.
Ewan ko lang sa pamantayan mo.
Ala-Eli Soriano iyang kritisismo mo. Be original.
Si Mr. Ed Roa kasi, seems to be a respectable man, being the brother (?) of the late Mr. Pete Roa, an institution in local television broadcasting. Mr. Pete Roa was also the husband of Mrs. Boots Anson Roa, who was once a Philippine ambassador to US (appointed by Pres. Marcos).
Your words tell the difference.
to be honest
oo tama yun kapag ang bata at may tinawag na gago at tanga sawayin mo kasi malamang di pa alam ng bata ang tamang gamit nun.
ang tamang gamit ng gago at tanga ay ang iukol ito sa talagang gago at tanga tulad mo.
kapag ang isang tao ay tinawag mong gago at tanga tapos di naman talaga siya gago at tanga--malaking pagkakamali yun.
pero kung si Jon E. Royeca ay tinawag mong gago at tanga---tama yun!
kasi gago at tanga talaga si Jon E. Royeca. nagsasabi ka lamang ng tama sa kinauukulan, di pagmumura yun.
kapag mabango ang bulaklak--sabihin mo "ang bango!"
ang tae--sabihin mo "ang baho!"
ang gago at tanga--sabihin mo "ang talino mo!" (tama ba yun?)
ang gago at tangang tao kapag sinasabihan ng gago at tanga--hindi niloloko at sasabihing matalino sya gayung hindi naman. lalo mo lang dinadagdagan ang panlalait sa kanya kung kabaligtaran ang sasabihin mo.
kaya't bilang pagiging matapat sa iyo, sinasabihan kitang gago at tanga kasi yun ka talaga.
kaya't isang katangahan din na kaladkarin pa dito sa usapang ito ang pangalan ni Mr. Ed Roa. na wala namang kinalaman sa kagaguhan mo.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Ala-Eli Soriano ang mga
Ala-Eli Soriano ang mga pinagsasabi mo.
Huwag mo siyang gayahin.
Kasi, nakademanda ngayon ng rape 'yang pastor na 'yan. Nang-rape ng lalaki.
Baka mademanda ka rin ng pangre-rape ng lalaki.
Maging original ka naman.
Like, write about a
Like, write about a necrophilic man?
Huwag naman. Pang-siraulo
Huwag naman.
Pang-siraulo ang mga ganyan.
Lollies! xD
It's cool though. I read this comic/manga titled, Parasite or Kiseijyu in Japanese. It has this graphic scene where a necrophiliac man shows us the kind of life he leads.
I was shocked but intrigued at the same time. I love that manga! I have the whole series ... sad part is, a rat ate volume 2, the turning point in the story. I was so mad, I thought, "WHAT DID I DO TO DESERVE THAT??? NOT EVEN A SCRAP OF THE BOOK IS LEFT!" I could image the rat laughing in the tunnels of our old house.
hobby mo talaga mang hila
hobby mo talaga mang hila ng pangalan ng ibang tao dito sa kagaguhan mo. anong pakialam ko kay eli soriano at pati si Mr. Ed Roa hinihila mo din dito.
o asan na ang maikling kwento mo? i post na at nang magkaalaman kung tanga ka ba o gago o takot ka lang? asan na ang bayag mo? bakit wala kang sagot sa hamon ko?
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Magaling si Mr. Ed Roa
Idol ko si Mr. Ed Roa, dito sa site.
Nung nagpost ako ng about Kurt Vonnegut, ang ganda ng comments niya. Very positive. Cool siya, at ang ganda ng choices niya sa literature.
He posted his essay about Kurt Vonnegut's death in my blog/forum, and I was really touched whern he said:
"At last a kindred soul. I thought I was the only Vonnegut fan in blogsphere. Vonnegut, McCullers, Kafka et al was during my time but you don't sound my age."
He is a really cool guy.
Unlike Jon E. Royeca.
excuse me..pasingit lang po
Haba na naman neto baka maging blockbuster na naman ire! baka magkalabasan na naman ng ideya sa baul hehe. Huwag nyo na masyadong dibdibin ang tulang ito. Sige na nga sasang-ayon na ako, napaka-pangit po talaga nito at walang kakwenta-kwenta kaya nga plastik talaga ng taong magsasabing ito'y maganda hehe(patay lagot na ako kay daiz...joke lang daiz-pananaw at panlasa mo 'yan daiz kaya iginagalang kong talaga, salamat.) O ayan , hindi na po ako nag-object at nag-react ng sabi nila'y "pagalit", baka masamain na naman ng iba. Sa akin po, isang kwelang-tula lamang at hindi naman talaga seryoso. E kung pangit sa inyo, eh di pangit! Kung maganda , eh di maganda! ay sus, problema ba'yun.
Ngayon, kahit tumuwad ako dito at lumuwa ng balyena, hindi ko naman kailangang ipagpilitang maganda at kahanga-hanga 'tong gawa ko, kasi nga kanya kanyang panlasa talaga 'yan. Marami talagang mas magaling sa tula. Alam ko marami pa akong kahinaan at kamalian dito.
Naalala ko na may nabasa din akong ganitong klaseng kwelang-tula na likha ni Joey de leon. Nailathala din iyon sa isang kilalang pahayagan at nabasa ng maraming tao. Ang nilalaman ng obra niya ay tungkol sa pagpapa-retoke at kung anu-ano pa. Siguro sa iba isa iyong basura, kaya lang kahanga-hangang talaga dahil tinanggap at pinayagan ng isang kilalang pahayagan. Samakatuwid, IN sa masa ang ganung obra.
Teka, ask ko lang bakit hindi ko na ma-view yung "Ang tunay na tula, bow.." Wala lang po, naitanong ko lang.
Sige po.. Merry x-mas na lang. Sana maging masaya po tayong lahat. Godbless.
pahabol pa
sa nagsabing halaw ito sa kantang "si annie batumbakal"--- hay...buti pa kayo alam ninyo 'yon. kasi nung ginawa ko ito , hindi ko naman naisip yung kantang 'yun e. ang dami talagang Madam Auring sa panahon ngayon hehe..
ah basta merry x-mas nalang. at sana'y mag-enjoy na rin kayo sa tula kong ito na UBOD, SAKSAKAN, PINAKA, NAPAKA- PANGIT! pwe!
Hindi mo nga naisip iyon,
Hindi mo nga naisip iyon, pero naroroon iyon sa isip mo.
Narinig mo na kasi ang kantang iyan. Kaya nang isulat mo na ang tula mo, may nagsilbing "liwanag sa dulo ng lagusan."
ano po?
narito sa isip ko pero hindi ko naiisip iyon? gulong-gulo na ang kokote ko kuya. Kuya tama po nadinig ko na nga yung kanta, pero sa totoo lang hindi ko kabisa yung lyrics nun. Hango lang po ito sa experience ng friend ko. At hindi na ako nag-isip ng kahit anong kanta o sumilip man sa " liwanag sa dulo ng lagusan" na sinasabi ninyo. Teka saan po ba 'yung lagusan? hehe..
meri x-mas po!
Meri x-mas din. 'Yong
Meri x-mas din.
'Yong lagusan, meron niyan ang bawat tao. Lalo na ang mga manunulat.
Kukote iyan.
At mapalad ka dahil laging gumagana ang sa iyo. Hindi katulad ng kay kuwan na ang tanda na, parang ewan pa rin.
hala!
eh sa gusto ko po kokote e, parang botete at kamute hehe. naku kuya sino bang kuwan 'yan? Ano ba 'yung kuwan? salitang ano po ba iyan?
Saka ano po yung parang ewan? hay...pasko naman. magmahalan na po tayo hehe. Saka kuya baka yung si kwan na kina-kwan ninyo e mas makwan pa sa akin...mas matalino. kasi ako po average lang haha! pero totoo, mas madalas gumana ang KUKOTE ko sa kalokohan nga lang hihi.
isang malakas na kuwan! sa'yo kuya. Godbless.
magsisi ang mga bulaang makata!
hi Jha merry xmas.
naku ha ingat ka ng pananalita dyan kay maestro Jon Rukeya di mo ba alam na paham, at pantas yang kausap mo? ingat ka dapat sana manikluhod ka kung kausap mo siya, ay maswerte ka nakakausap mo siya kasi madalas nasa langit yan, bihira lamang bumaba sa lupa. nag-alay ka na ba ng bulaklak sa paanan ng rebulto nya? kung hindi pa aba'y ano pang hinihintay mo?
hindi mo ba nadarama ang himala? nababasa niya at nasasaklawan pati isip mo? kita mo kahit hindi naman annie batungbakal ang iniiisip mo siya alam na alam niya na yun ang laman ng isip mo? galing ano? sadyang kasamba-samba talaga yan. eto pa ha, di ka pa naman niya nakakausap, tula mo pa lang nababasa niya alam na alam na agad niya kung anong nasa isip mo habang ginagawa mo ito.
tangna ke galing talaga! isang himala ito ng kalangitan na pinadala dito ang makatang sugo ng ating panahon. kaya't kayong mga bulaang makata diyan na gumagawa ng pekeng tula magsisi na kayo sa inyong mga kasalanan sa harap ng sugo ang mesias na si Jon E. Kureya.
nalalapit na ang katapusan!!!!
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Naku po, Kuya Rom. Mukhang
Naku po, Kuya Rom. Mukhang nanganganib ang buhay ko ngayon. Nakalimutan ko ang lugar ko dito sa lupa, at nakipagtagisan ako ng katangahan sa kanya.
Mahal na Poong Jon E. Yureka! Maawa po kayo sa kaluluwa ko!
:D
* * *
virisimilitude.
ako nga nagpipinitensya na ngayon kasi malaki talaga ang pagkakasala ko blasphemy pa. sukat ba namang tawagin kong tanga at gago ang kataas taasang diyos ng tula? haaay, lalamunin ako ng dagat-dagatang apoy habang nagsu swim-swim sa kumukulo-kulong mantika.
hinahampas-hampas ko ngayon ng lumang garter ng panty ang likod ko habang pinipitik ng lastiko ng dulo ng hinlalaki ko para lamang madama ang sakit na dapat talaga sa makasalanang tulad ko.
sana patawarin ako ng diyos-diyusan natin panginoong Jon E Yureka.
virisimilitude. hahaha!
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Masmatindi pala ginagawa mo,
Masmatindi pala ginagawa mo, Kuya Rom. Akala ko, okey na pag hindi ako kumain ng hapunan. Naku, dapat yata hindi rin ako mag-almusal, sayang naman yung mga tira-tira ng Noche Buena. Pero para sa mahal na poong Jon E. Rakeyu (may katunog ha), gagawin ko 'yun!
:D
* * *
pssstt RJ!
kaya mo 'yun? isang himala nga! ang alam ko kasi masiba ka at makapal ang mukha mo pagdating sa pagkain e hihi.. Mukhang masarap ang noche buena ninyo ha. Isang masarap na KUDOS sa'yo RJ!
God bless.
Eto nga't hirap na hirap na
Eto nga't hirap na hirap na ako, Ate, eh. Pagkain! Pagkain!
Hinde... kailangan tiisin! Para sa kapatawaran ng Panginoong Jon E. Kureya! Kakayanin!
Aja!
:D
* * *
hi kuya Rom
gandang alon! merry x-mas din po kuya.
Nag-alay ng bulaklak? hindi pa ako nakakabili, mamaya pa lang po hihi..
Himala? opo naramdaman ko na kagabi (totoong may himala!) Nagsisisi na'po ako, Patawarin nawa ako. Pekeng tula pala ang tawag dun?
NALALAPIT NA ANG KATAPUSAN!!!???? Ay, 'wag naman! Boring ang buhay 'nun tsaka yung mga pekeng tula na 'yan e part pa rin ng malayang kaisipan. Kung may batas siguro na magpapahinto talaga dito, eh wala naman.
hay naku, kain muna nga ako ng tirang ube halaya. gusto ninyo? hihi..
God bless po sa lahat.
hi jha!
wala lang...daan lang ako to greet you a very merry christmas to you and your family!
for your ID and business card needs, please visit
Hello Ate Missy (Ate talaga?hhahaha!!)
Miss ko na yung kulitan natin ah!!heheheh!!
BELATED MERRY CHRISTMAS. Pero syempre babatiin din kita ng HAPPY NEW YEAR!!
Ibati mo na lang ako sa pinakagwapo at pinakamabait mong asawa (teka kilala ko ba yun??hahahah, joke lang, mukhang may kaaway na naman si Kuya Rom, hehehe)
Basta wish you all the best sa inyong pamilya, basta kita kits tayo sa April. Oo nga pala may regalo ako sa iyo, ang regalo ko ay pagpipindutin ko ang mga ADS mo sa blog mo, hehehehe, iyan na ang pamasko ko sa iyo!!
Ingat lagi!!
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
hey Spike!
o sya, antayin ko ang regalo mo sa akin ha
hehe!
at saka subscribe ka na din para mas masaya sa lahat ng blogs namin ni Rom ha ;-)
wala yun kaaway, exchanging of ideas lang yun hehe enjoy nga, habang binabasa ko mga comments nyo lahat e pati yun kina j luna, rj santos, etc
o sya, happy new year sa iyo from all of us
and see you sa april! pasalubong ha hehe
ingatz,
teena
BlogIt: the online writing marketplace, go to: http://www.blogit.com/Blogs
NAPAKAPANGIT NA TULA
Hahahaha, nagulat ka Jha no, hehehe, joke lang, kaw pa eh halos magka wavelength ang utak natin!!
KURIKIRIKUPKUP CHEKINEKNEK (Merry Christmas daw sabi nila nanay at tatay). Sa mga hindi nakakaalam magkapatid po kami ni Love at kami ay mga aliens.
Hayaan mo pagyumaman ako love, o tumama sa lotto (yung tipong magmumukhang maralitang taga Lungsod at hampaslupa ang mga Lopezes, at mga Gokongwei) eh ibibili kita ng BMW at mansyon ngayong pasko. eh pero ngayon babatiin na lang muna kita ng MALIGAYANG PASKO AT MALIGO KA SA BAGONG TAON este MANIGONG BAGONG TAON.
Ibati mo rin ako sa pamilya mo at natutuwa ako na may nakikilala akong babaeng version ko. hahahah (at ako naman ang lalaking version mo)
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Alien!
Spike ano ba yun MALIGO AKO SA BAGONG TAON?haha!
KURI-KURI-KURIKONG MAY-CHIKENINI-AKO ('yan naman ang bati ng tatay at nanay ko sa'yo hehe..)
Spike ayoko ng BMW. Ayoko din ng mansyon. Ipasyal mo na lang ako sa rebulto ni maestro, mas matutuwa pa ako. Wala kasi nun sa planeta natin haha! (saan nga ba 'yun itinayo? teka, naitayo na ba?)
Your sister,
DORA (ang babaeng niyog)
God bless.
Mukhang love na love ka ni Jon ah
Hindi kaya isa sya sa masugid na manliligaw mo na binasted mo dati kaya mukhang may galit sa iyo yang si Jon (peace tayo jon, hehehe)
Iba kasi ang kagandahan mo Love yung tipong mala ATHENA, hahahha!! yung may melamine (gatas pala yun) kaya ang daming nabibighani sa kagandahan mo.
Basta pag uwi ko hindi pwedeng hindi kita makita ATE DORA.
At para sa iyo RJ: TIKITIKIBASANGKILIKILI (sabi ng nanay at tatay ko, Hapi New Year daw)
INGAT
DORO ( ang batang inodoro)
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
siya kaya 'yun?
hindi me sure ka spike..kasi natatandaan ko noon, Oo tama! natatandaan ko na.May binasted ako na suitor ko. Teka, bakit naman siya maghihiganti sa akin e ganito lang naman ang sinabi ko sa kanya:
NAPAKA-PANGIT MO! ANONG MAPAPALA KO SA'YO? HINDI KA TAO, HINDI KA RIN HAYOP AT LALONG HINDI KA ISANG BAGAY...ISA KANG KULANGOT! KULANGOOOOOT!
p.s.
spike, hindi na IN ngayon ang pagpuna o papuri nang hindi gumagamit ng salitang NAPAKA. Ganito dapat: Love, NAPAKAganda mong talaga. (napaka-kapal din hehe!)
God bless.
Ayos talaga! Oo nga naman.
Ayos talaga!
Oo nga naman. Ate Jha, ang ganda mo kasi! Biruin mo, from a long time ago, na-trace ka pa hanggang dito sa FW. Haba ng hair mo, Ate! Hahaha!
Kuya Spike, TIKITIKIBASANGKILIKILI rin sa 'yo. Tsaka ito pa: BOOMTARATTARATBOOMTARATTARAT (Pamasko ko?).
Hahahaha! :D
* * *










ai ako din may kilalang
ai ako din may kilalang ganyan..matagal na gamutan yan..dapat tlga nirerehab na yang mga adik sa chat na yan..hehe...just kidding..actually, d msamang magchat pero di nmn kelangang mging adik ka dito..mganda rin ang chatting xe ngka2roon kau ng communication ng lab ones moh..pero wg lang ggmitin sa kalokohan and wag nyo nang hintaying may masirang relaxon just because of chatting...get it?...kei tc.