Adlaw, Damgu, Bulan

Mapapapatingala sa langit na tila bulak

Mapapahigit ng hinga, sabay sa pagkumpas ng  palad

May nais maabot, makapa.. sa tumatagos na sikat ng araw

Habang mainit na likido, sa sulok ng mga mata’y nag uumapaw

Nakakapanghina...

Dadaing, tila di na makayanan pa

Mapapamura, mananahimik,

mayat-maya ay luluha

Sabay agaw ng dilim sa liwanag ng pag pikit

Papasukin ang mundong di ko matanto kum bakit;

 

Nais kong humimlay nang may ngiti

Habang dama, ang pag duyan ng yong bisig

Sa pag lapat ng katawan, nais kong ako’y iyong saluhin

Ng buong pagmamahal at walang halong pagtatanging, pilit

Kilalaning muli ang pag indayog ng katawan sa ritmo ng  puso

Pakawalan ang galit na sa kalayaa’y gumagapos

Ang init ng pag-ibig minsang pang pa apuyin

Maging ang lamig sa kahon, ng kalungkutang sa puso'y isinilid

Muli’y nais kong madama ang labi mo saking tenga

Nais marinig ang pangalan ko sa bawat pag indayog nating dal’wa

Sa bawat igtad, nais kong  ibulong ang sagot sa daing ng pag suyo mo

Ang paanyayang mulit-muli kitang angkinin ng buong-buo;

 

At sa pag mulat ng mga matay kasamang mawawala

Ang lahat ng init ng yakap mong saki’y nag paluha

Dilat nakong hihimlay muli sa lamig ng pag-iisa

Kung saan walang matang susuyod sakin ng may pagpapahalaga

Pipikit, didilat, tatayo saka mapapa higit ng pag hinga sa kawalan

Kasabay ng pag bura ng hangin sa asul na ulap,

Na unti-unting hinahalinhinan ng nag aapoy na buwan.

 

 

 

 

 


journeyman's picture

Ang galing!

 

Muli ay natinag ang aking damdaming umiibig... umaasam ngunit mananatiling bigo. Kasi naman eh...

 

"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."

CLOSET WRITER's picture

ARAW. PANAGINIP. BUWAN.

ARAW. PANAGINIP. BUWAN...
malungkot isiping
ang pag-ibig ko'y
walang patutunguhan...

very poignant. makes me sad :(

.....

Yupz it's ARAW>PANAGINIP>BUWAN tagalog translation ng bisaya na ADLAW>DAMGU>BULAN.

Ito ang daily routine ng mga pusong nag papantasya na muliing makasama sa pag indayog ang minamahal nila.

,..at nakakalungkot ngang isipin na ang pag-ibig ay wala ring patutunguhan, dahil ang lahat ay hanggang panaginip lang.

 

araw at ang panaginip, ano yung isa?

Muli’y nais kong madama ang labi mo saking tenga

Nais marinig ang pangalan ko sa bawat pag indayog nating dal’wa

Sa bawat igtad, nais kong  ibulong ang sagot sa daing ng pag suyo mo

Ang paanyayang mulit-muli kitang angkinin ng buong-buo;

wonderful!

Francheska's picture

uy may talent

hahaha p're koy may talent ka palang ganito ha, hehehehe. galing naman, inspirado ka ata.

:-)

Ganda mo,ah.

I feel like I'm falling 4 u p're,..Tongue out

Salamat at na appreciate n'yo,..sinubukan ko lang pakawalan 'yong naglalarong salita sa papel ng utak ko.

Sarap pa lang maging "ako", sa bawat kong tula.

Francheska's picture

hahahaha gagsky ka

 

di tyo talo p're koy. hahahaha. Tongue out

pakawalan mo lan ng pakawalan, hanggang sa wala ng matira sa loob mo at ikaw ay isa ng hallowgirl.

...

Bwahahahah alam ko sis.

Echuz lang, oi binalik nya ang pic..wink lang ng winkWinkTongue out!!!

jonsdmur's picture

wow...

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

galing mo rin pala sa tula...

sulat ka pa...

musta na mga nobela mo.....

Godbless....

na miss kita.... prend....

jons

!!

Miss you too Prend.

Nobela? Chuckz set aside ko na muna, baka mag ka tres ako,eh.

Salamat sa appreciation.

Inaantay kong nobela mo na para sa mga les, ang lesbian version ng "HIRAM LANG" ba yun?!!

sinta isaac's picture

...

ang lagay ng pag-ibig sa sisidlang tinatawag nilang puso, sa puso ko o sa utak ko?

parang mas gusto kong sabihin na ang pag-ibig nasa loob ng liver, nasa atay ko, nakadikit doon at nagtatago. alam mo ba na kung mahirap mag pa heart transplant at komplikado ang operasyon sa puso, mas komplikado kapag liver mo na ang o-operahan, sa puso, malalaki ang karayom na ginagamit, kasi kasing kapal ng balat ng sapatos ang palibot ng puso, pero kapag sa liver, maliit na karayom ang kailangan, at habang tinutusok nila ang liver mo para ayusin ang komplikasyon nito, nakakabuo sila ng mga bagong sugat... tusok, tahi, sugat. napakasensitive kasi ng liver.

ganoon kasi ang pag-ibig. minsan kahit anong subok ang gawin mo para tahiin at paghilumin ang sugat nito, patuloy ka lang sa pagdurugo.

hindi ko naman magawang sabihin na ayoko ng magmahal, dahil alam ko na habang buhay ang mommy at daddy ko, habang nasa tabi ko ang pamilya at mga kaibigan ko, patuloy akong magmamahal ng magmamahal.

ang pag-ibig ay hindi lamang sinasaklaw ng romantikong pamantayan. hanggat nais mong makita ang dapithapon, hanggat napapangiti ka tuwing ikaw ay humihinga, hanggat kaya mong magdasal at kausapin ang diyos, patuloy kang magmamahal.

ang mga bagay na 'yan ang naisip ko habang binabasa ko ang tula mo. maraming bagay na may kabuluhan ang naging totoo sa isipan ko.

magandang pagkakasulat pinxu.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Tenxu_

Salamat sa pag pasada mo ng tingin dito sa tula ko.

Sugat, ayoko ng sugat talaga. Kasi ayoko sa dugo, kasi hinihimatay ako. Except lang yong dugo dahil sa (.) natin.

Maraming bagay ang maihahambing sa pag-ibig.

At sa sinabi mo,may nabuong kunklusyon sa mapurol kong utak;

Na ang tuluyang paghilom ng sugat ay nakasalalay sa pag inda ng sakit ng mas malaki pang sugat.

Pero kahit na ganon ang pagmamahal ng iba ang pumupuno sa kahungkagang dulot ng taong ating minahal,.

Luca's picture

LIVER LOVER

totoo ba na dati hindi naman talaga heart yung simbolo ng love, kundi liver (o pancreas)?

hehehe, pero feeling ko nga liver dapat.

kasi ang sarap magpakalasing kapag sawi ka sa pag-ibig.

haaay... magiipon nga ako ng Liveraide 

wag kang pipikit...