ADVENT

talulot's picture
| |

Lamig nga'y dama na

kahit pagsibol unti-unting lumalantad.

Taglagas sa punong hiyang

inaaliw ang kulay

sa kalangitan.

 

Unti-unti, niyayakap ng

hangin, ang bawat pisnging

umaangkin. Sabik sa pagdiriwang

pagsilang mandin.

 

Manunubos na Sanggol

sa payak na Belen.

Tala'y nagpabatid na nang

sinag at hinayag ang bilin.

 

Upang lalong matunton

Banal na Landas. Simula

na sa paglakad, mga hari at musmos handa na

sa paglayag, mamasdan lamang

ang batang hirang. Walang

hanggang ganap--

Kaligayahan sa mundo

Kapayapaang natamo

mula sa Kanyang lingap.

 

Lamig ay dama na, ngunit

Init sa puso'y naghahari

sa bawat isa..

mula sa Sanggol ng pag-ibig.

Pag-ibig ng Langit.

 

 

 

talulot

before christmas-- let's prepare first for the advent season.....

simbang gabi na!!!!!

 

(2003 tula)