Unang Burador*

kislapalitaptap's picture
|

Unang Burador
Ni Kislap Alitaptap
01 Marso 2009
0022 Oras

Mga pantig na buhol-buhol,
Mula sa isipang nagmamaktol.
Isulat mo ng walang paghahatol,
Kahit iyong kamay ay tumututol.

Kahol ng Kahol, ‘di naman nauulol,
Patlang ay punan ng walang pagpuputol.
Hayaang umabot, hanggang rehiyon ng Bikol,
Mga pahina ng pantig na buhol-buhol.

Pagdating ng Bikol at may nais pa ring humabol,
Hayaang mga pahina’y umabot, sa probinsiya ng Bohol.
At kung sapat na, ang mga pantig na buhol-buhol,
Tumutol man ang ‘yong kamay, iguhit mo na ang hatol.

Kung nais mong magsulat ng akdang sumisipol,
Dapat ay matuto kang humawak ng palakol.
Mga pahina’y sibakin at isilid sa ataul,
Walang saysay ang haba, kung ito nama’y…bulol. #

*Write in White Heat, Edit in Cold Blood

Kislap Alitaptap

kislapalitaptap's picture

pangalawang...

...palit ko na ito ng pamagat.

kung may maimumungkahi po kayong maaari nitong maging pamagat, pakipaabot lang po.

sala-salamat!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Rhea Stone's picture

!

 

 

 

Manong Kislap,

Eto na, nabasa ko na...

 

 

 

Nagustuhan ko ang paggamit mo iba’t ibang lugar upang mailarawan ang pagsusulat:

Hayaang umabot, hanggang rehiyon ng Bikol,
Hayaang mga pahina’y umabot, sa probinsiya ng Bohol

 

Dahil para sa akin, ang pagsusulat ay isang paglalayag ng isipan sa kung saan-saang lugar at madalas ay hindi natin namamalayan kung saan na pala ito nakarating.

 

Naniniwala din ako sa ideyang inihayag mo sa huling saknong. Kung gusto mong mapasipol ang mga mambabasa mo sa iyong gawa ay matututo kang humawak ng gunting (ayoko ng palakol, masyadong mabigat yun) hindi lamang ng panulat. Naniniwala kasi ako sa sulat lang nang sulat hanggang sa mawalan na ng laman ang iyong utak ngunit pagkatapos ng iyong paglalayag dapat ay magaling ka rin sa paggupit (gamit ang gunting o palakol o kahit chainsaw pa yan) ng mga ideyang hindi nararapat na mapabilang sa iyong akda.

 

Sabi nga ni kumareng Louise Brooks:

Writing is 1 percent inspiration and 99 percent elimination.

 

At sabi pa ni kumpareng Justice Brandeis:

There is no great writing, only great rewriting.

 

Kaya’t ang masasabi ko lang ay:

Kung ang isang manunulat ay napagod na sa paghawak ng panulat ay parang napagod na rin siya sa paghinga at mawawalan na rin ng saysay ang lahat.

 

 

Kaya’t pabayaan lang maglayag ang iyong utak!

At galingan mong humawak ng itak*...

 

 

 

 

*Itak naman ang gamitin kung mapurol na ang gunting, palakol, at chainsaw

 

kislapalitaptap's picture

Sapul!...

...hahaha!

sige, kahit anong gamitin sa pag-edit ng Unang Burador. ang mahalaga ay wag kang manghinayang sa hindi mo maisasama para sa ikalawang burador, ikatlo, ikaapat at...

pinalitan ko na rin ang pamagat Ate Reya ng : Unang Burador, para mas Asteeg!

Tagni!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org