AHOI!!! FW NEWBIES!!! OVER HERE!!!
Simulan ko lang tong thread na to para sa inyo, post lang kayo dito.
Kaibigan...Kwentuhan tayo....
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
ilakip nyo na rin ang links ng mga na-post nyo na dito para mabasa din naten.
Open din sa mga old para masaya...hehehehe....
Uy starter... heheh...
Naunahan ako nag-iisip pa kasi ako wala ako maisagot eh hehehe...
Yup!! Si Ms. Rhea Stone po ang isa sa mga hassler tumula dito sa FW.
Nababasa ko mga posts nya kaso di ako makapag-comment...
Isa sa mga natutunan ko sa kanya yung... DIAMOND POEM... (^___ ^)
Sabi ko isang araw na hindi magulo ang utak ko magt-try ako gumawa nun... hehehe...

newbies din.
hello newbie din ako dito, pano ba gawin yang kumikislap-kislap na I am ----something na signature mo ba? mabilis at masakit sa mata, pero nakakalibang siya at akoy na-impress...heheheh
;-)
Hello, Check ka ng gif
Hello,
Check ka ng gif signatures sa google.. =)
Attach mo lang sya sa html.

Ako tol newbies sali ako
Ako tol newbies sali ako ha
1. komiks
2. lahat maliban sa komiks
3. madami, madami din
4. sa personal wala pa pero dito wala din
5. Elvis is alive
ako si hekto ma'am ha lagay nyo sa slumbook salamat po.
Hello po...
Nabasa nyo na ba yung NOW HIRING na ginawa ni Sir Hekto?
Naaliw ako dun... Nag-apply nga ako eh... hehehe...

ako naman! ako naman!
1. short story / maikling kuwento, lalo na flash fiction.
2. uber-habang mga nobela
3. madami na akong nabasa. madami din akong nagustuhan.
4. in person? ala pa eh.
5. motto: life is short, so try to live longer. he he...
http://katya14.multiply.com/journal
Kamusta... =) Ako naman
Kamusta... =)
Ako naman sana makasama ulet sa mga gatherings... lagi kasing wala ako sa timing heheh...

eto ang sa akin, hehe
actually mas mahilig ako magbasa at mag-comment pero pag nai-inspire paminsan-minsan, sumusubok din magsulat.
1. Kung isusulat ko, tula or maikling kwento, kung babasahin ko; nobela para hindi bitin, hehe
2. mga tulang post-modern, no offense meant...
3. lagi ako nagbabasa d2 at too many to mention ang mga nagustuhan ko.
4. wala pa, mas sina kislapalitaptap, diwa at adaengkantada pa lang dahil matatagal na rin kaming magkakakilala, pero kung sa mga inabutan ko d2 sa FW, wala pa.
5. di ko matandaan kung saan ko nakuha ito, sa church song yata"
"Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang. " - PANANAGUTAN
me blog ako para sa mga interesado pero karamihan naman ng gawa ko andito na rin e: countrywriter78.blogspot.com
Salamat!
napadaan lang...
Ako din.. Certified
Ako din.. Certified LURKER... =)

1. Ano ang pinakagusto nyong
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
- Nobela
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
- Sanaysay
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo? -Sumasali lang ako sa mga flamewar at naghahanap ng mga mahahabang thread.
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
Yung mga taga-PNU (Rhea Stone at Amaranta)
Si Chrisaq (kasama sa Bookay Bookstore at kachongkee-an)
Si Richard Bernal ewan ko kung ano name niya dito, basta may comment siya sa isang tula ko (katrabaho)
Si Kislap Alitaptap at ang dalawang gabing pamorningan namin sa UP Fair sa piling ng mga hot monay.
Sila Rom, Jondsmur, Adlesirc, Pmel, Teena, Yolak69, RJ Santos, Ped Xing, Noel Barcelona, Purple Ink
Si Axel Pinpin, salamat sa libreng CD
Si Dino Manrique aka Noid, nakilala ko sa mag:net katips. Hiatus ako sa FW nun tapos pinakilala sakin nila Kints, tapos dun ko natuklasan na siya ang boss chief ng FW.
Si Al Dimalanta nung nag-emcee ako ng gig ng mga punks sa Malibay nung 05, tumugtog dun ang banda niyang Throw pero hindi kami nakapag-usap ng personal.
Si tunay na lalakeng Giselle Espino, na laging pagdumadaan sa Bookay ay tiyempong wala ako (balita ko may jamming na nagaganap ha).
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!) ilakip nyo na rin ang links ng mga na-post nyo na dito para mabasa din naten. Open din sa mga old para masaya...hehehehe.... Greetings to the Filipino Writer members ›
Isa sa mga batikan...
Isa sa mga batikan... Kamusta kuya j.luna... =)

1. Ano ang pinakagusto nyong
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
*Tula at maikling kwento.
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
*yung mga kwento na mahahaba.. hehehe
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
*Marami eh...
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
* meron na.. si kislap, kuya rom, ate teena, pmel, adelsirc, ruthie at prettyfhe.
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
* live your life to the fullest!!! (sana .... hehehehe)
Hello aireen, sana ay
Hello aireen, sana ay mameet din kita... =)

:)
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
Haiku. (porma yata ito at hindi sangay) Ang favorite features ko ng isang akda ay irony at violence. Mahilig din akong magbasa ng mga true-to-life stories, lalo yung mga tungkol sa serial killers.
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
Sestina (porma pa rin ito) Ayaw ko ng mga fanfiction kasi di ako mashadong makarelate.
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
gusto ko yung mga gawa ni sinta at natutuwa ako sa tono ni bobosijuan (parang sabog lagi) di pa ko mashado nakakalibot e.
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
hindi pa, or at least di ko alam na FW pala sila. pero yoko ng mga general meeting gusto ko one at a time, para intimate, unless workshop siya.
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
"ang true love ay isang solo performance, masuwerte ka na lang kung may audience participation."
"don't do anything you'll regret, don't regret anything you did."
http://www.filipinowriter.com/user/luca/track
hello purple ink! kishtkisht
wag kang pipikit...
Napanood ko ung mga
Napanood ko ung mga videos ng FW eyeballs.. feeling ko tuloy kilala na kita... (^.^)

1. Ano ang pinakagusto nyong
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
>>>tula, maikling kuwento, nobela...
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
>>>hhhhmmmmm pag sabog ako gusto ko lahat, pag hindi naman ako sabog, tsongke ulit para gusto ko lahat... (ano daw? cool ba ako)
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
>>>naku madami na din ako nabasa, at dahil sa sabog ako that time eh gusto ko lahat...
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
>>>WALA!!!
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
>>>motto? hhhmmmm... wala ako nun eh...
palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...
http://bobosijuan.blogspot.com/
Sana makasalamuha mo
Sana makasalamuha mo din sila balang araw... ng hindi sabog harhar... peace! (^.^)

hey, hey, yow! <(='.'=)>
Yow ate purple ink.. ate pur.. pur.. purle innnnkkk. wiiweeeet! ahaha. hehe. Usta na? aym hir der, en ebriwer agen. Ngayon lang ako ulet nakapaglagalag dito sa site. whaha
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
Gusto ko ng mga maikling kwento, sanaysay, nobela kasi kapag natapos ko sila ng buo eh pakiramdam ko ang saya-saya ko.
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
Wala naman.. lahat trip ko
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
Naka, napakadami. Tu meni tu mensiyon ( linyang panis sa slumbook)
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
Ay nakow, napakasayang tanong nyan. Madami-dami din sila, yung karamihan ang bait-bait-bait-baiiiitttt, kapag tulog. whehe. Yung iba, parang gustung-gusto kong ipagbabalik sa mga lunggang pinaggalingan nila.
Mga nakilala ko na ng personal:
Si Kuya Spike na macho at laging nagpapaka-shy type sa picture kahit hindi naman mahiyain. haha. Mabait na kuya-kuyahan at galante (wiiiweeet!) -sumisipsip lang ako. haha
Si kuya na Yolak (kaloy) na kahit paiwarang na maglakad kapag nakatungga eh may mga kasaysayan pa rin ang pinagsasabi. Masasabi kong may prinsipyo siya sa buhay. (oi, pakibati na lang ako kuya sa iyong labidabidabs hehe)
Si Kuya Rom na kapag nasa site, kala mo eh laging makikipagrambulan pero sa personal, napakalumanay ng boses, napakaamo ng mukha at nakikita ko ding isa siyang mabuting ama.
Si Ate Teena na laging nakangiti. Masayahin at panatag maging kasama. Bagay na bagay sila ni Kuya Rom (wuuuu, yeh)
Si Kuya Jons na tatahi-tahimik sa EB eh nuknukan naman ng ingay kapag kaming tatlo nina ate melai ang magkakasama. di ba Ate Adlesirc? whehe (yiiiih)
Si Ate Adlersirc, na madaming alam sa iba't-ibang bagay. Mahilig sa research at palaging may komento.
Si Ate Purple Ink na kadaldalan ko nung mga oras na naghihintay tayo sa splash island. Napakahinhin, napakaganda, napaka simple at napakaadorable. kaya ililibre niya ako. haha.
Si Lei pink na kaklase ko sa totoong buhay. Dorm8 ko na ubod ng kulit. Buti na lang hindi kami nagkakasawaan ng mukha dahil pati sa pagtulog, duty at klase e magkasama kami.
Si Ate "labs" Melai na Co-writer slash pinsan slash guide slash bestfriend slash kabarkada slash karelasyon ko. ahahaha. Yow, alabyah! rakenrol
Si Ate Pauline na parang ate slash nanay na namin ni ate melai. Napakabait at gustung-gusto kong tao. Isa din siya sa mga dahilan kung bakit hindi ko pa binibitiwan ang site.
Si Manilyn na taga-bicol (tama ba?) hehe. Medyo wala na din akong kontak sa kanya pero sana okay lang siya ngayon.
Si Marco Liwanag na ka-friendster ko, at supplier ng quotes sa cp ko. haha.
Si Ate Love na talaga namang patatawanin ka sa mga nakakawindang na hirit.
Si Ate Fhearl na nami-miss ko na. Paborito niya ang naruto. at kabatak pagdating sa anime.
Si Kuya Dyeppri Ang pinaka antigo sa site. (jowk lang kuya. hehe. ang cute ng anak mo. arbor! yeh)
Si Ate Rose na kasalukuyang nawawala. Ate rose...yuhuuu.
Si Orthochild, at balintuna na hindi ko alam kung nasaan lupalop na.
Binabati ko din ang nanay ko, tatay ko, mga kapatid, kababayan, katutubo , kamag-anakanko, ang aking pusa, aso, stuff toy... mabuhay kayo! Yeh!
Para sa'yo ang laban na'to.... para sa'yo ang laban na 'to whohoho-hooo. Dis payt es poryu...por da pilepinow pipol! haha adik.
5. ano ang motto nyo sa buhay?
Motto ko? Pay as you order.
(^.^)
haha...eloi miss ko na kayo... God Bless =)

nakikigulo kahit walang karapatan
1.Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
Normally po, lahat wag lang yung di ko maintindihan ang tema.
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
Yun pong di ko na maintindihan ang tema, di pa malinaw kung tula ba siya o nobela o ano (hehehe)
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
Magagaling po halos lahat. Si Melai, dyeppri, tbdtbd925,etc.. malikot ang isipan at magaling na panday ng mga salita.(wordsmith). Ano kaya tinitira ng mga yan? Joke...
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
At one time or another. pero di nila alam. Naks. wala pa po actually. I'm just a wanna be.
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
Work is love made visible.
And if you cannot work with love but only with distaste, it is better that you should leave your work and sit at the gate of the temple and take alms of those who work with joy.
(khalil Gibran)
Siguro po ay tumitira
Siguro po ay tumitira sila ng sandamakmak na tinta ng ballpen dahil hindi sila nauubusan ng isusulat.. heheh... hula ko lang.. =)

newbie! hello po sa inyong lahat
ako po ay kadalasang nagsusulat sa ingles pero kamakailan lang ay nagpupursigi na akong magsulat sa Filipino.
ako po ay dating nag tatrabaho sa showbiz industry sa pilipinas, kung tutuusin ay nagtagal ako doon sa loob ng kulang kulang isang dekada. naranasan ko ang kultura ng pelikula at telebisyon na "mainstream", naki tsismis ako tungkol sa mga artista, nakahalubilo ko ang mga producer, manager, at direktor. pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, namalayan ko na lang isang araw na mas gugustuhin ko pang magsulat na lang.
mabuti na lang at may website na tulad nito, na pinag iipon ang mga manunulat at mga mahilig magsulat. malugod kong binabati ang lahat ng mga miyembro! sana ay makilala ko pa kayo nang mas mabuti sa mga darating na panahon
sisimulan ko ang pakikilahok sa website na ito sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba:
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura?
ang pinakamadalas kong basahin ay mga nobela. daan daang nobela na ang nabasa ko mula nung pagkabata ko. gaya ng karamihan, ang unang awtor na kinahiligan ko ay si Stephen King. horror ang una kong kinabaliwan. pero sa pagdaan ng panahon nahilig na din ako sa iba pang mga genre.
naging sumunod kong paborito ang mga nobela ni Gabriel Garcia Marquez.
pero hindi pa din ako tumitigil sa pag tuklas ng mga bagong awtor na pwedeng basahin. nitong mga huling araw nakahiligan ko naman ang mga libro ni Greg Bear, isang science fiction writer.
ikinalulungkot ko na wala akong paboritong pinoy na nobelista. sa ibang pagkakataon ko na lang sasabihin kung bakit.
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
ang pinaka ayaw kong sangay ng literatura, para lang makapagsabi ng saloobin ko, ay "advertising copy". sabi kasi ng ibang kasama ko sa media, ang "advertising" daw ay isang uri ng sining. hindi ako naniniwala.
maraming ads ang nasa pormang tula, kanta, o di kaya essay. para sa akin kahit anong sinulat mo na pang engganyo lang ng ibang tao para bumili ng isang produkto ay hindi masasabing sining. ito ay "marketing" lamang. kasi hindi ito naglalaman ng "truth". maaring meron itong mga "facts", pero ibang iba ang "truth" sa "facts".
pero hindi nangangahulugan na walang "magandang" advertising copy. meron. kaya lang, hindi sila sining.
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
ikinalulungkot ko na ngayon pa lang ako magbabasa nang husto dito sa FW. pero dati pa ay may mga nabasa na akong mga reviews dito, kahit pasulyap sulyap lang ako. dati kasi akong nag re review ng mga pelikula, kaya mas na iinteresado ako agad kapag may review.
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
hindi ko lang po sigurado kung may nakasalamuha na akong member ng FW dahil sa mga nakilala ko sa cinemalaya, cinemanila, at kung anu ano pang mga independent film festivals. pero sana ngayong susubukan kong bumisita lagi dito sa FW magkakaroon na ako ng mas maraming pagkakataon pang maka kilala ng mga miyembro dito.
5. ano ang motto nyo sa buhay?
ang motto ko po sa buhay ay..."anything is possible".
Sana po matapos ng
Sana po matapos ng isang taon ay masaya kayo dito sa FW... =)

Hello, Bago lang po ako...
Hello,
Bago lang po ako... Pinakagusto ko tula, pero sanay ako sa English. Madalas kong ginagawa ay Haiku.. Gusto ko yung may limitasyon ang ginagawa ko para sakto lang ang gusto kong ipahiwatig, kagaya ng Haiku at Sonnet. So far isang sonnet pa lang ang nagagawa. Haiku? mejo madami na... Gusto kong material ang mga bagay na associated sa Gabi/Night, di alam kung bakit... Yung muna...
Kamusta, madami dito
Kamusta, madami dito ang gumagawa ng mga Haiku at Sonnet. Madami ka matutunan mula sa kanila at madami ka din maiibahagi sa amin... =)

Ako rin po bago lang.
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
- Wala naman po in particular. Basta pinakagusto ko pong basahin e yung mga hango sa tunay na buhay. Dahil chismosa ako. Hehe joke lang.
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
- Wala rin in particular. Siguro hindi lang ako ganun ka-inclined sa pagkagusto ng current events kaya hindi ko naaappreciate ang mga ganung klase ng sulatin.
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
- Opo at marami na. Sa dami nila hindi ko na mailista. Basta po nagugustuhan ko, nag-iiwan ako ng comment.
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
- Hindi po in real life e. Pero ang mga maraming beses ko nang nakausap ay sina Dugz, Luca at Sinta. :)
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
- Motto ko siguro ay yung tagline sa blog ko na naka-signature sa ibaba.
ilakip nyo na rin ang links ng mga na-post nyo na dito para mabasa din naten.
- Kakaunti lang po sila at personal kaya hindi ko minumungkahi na basahin niyo,pwera na lang kung chismosa din kayo tulad ko. Pindutin niyo lang po yung manhater.xxiv sa itaas nito at pindutin ang view recent blog entries.
Salamat po.
http://forcedengineer.wordpress.com
hehe... chismosa ako at
hehe... chismosa ako at bibisitahin ko yan... (^.^)

hello, bago lang po ako.. :)
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
===>tula, maikling kwento, at nobela...
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
====>para po sakin wala hanggat makakapukaw ng interes ko
ay aalamin ko talaga ang kwento.. he he:)
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
====>hindi pa po lahat,, pero sa mga nabasa ko po na ilang kwento,, masasabi ko pong magagaling po ang lumikha at ang gaganda po ng mga kwento,,, sana ay makagawa ako ng kwento na maiibigan ninyo..
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
====>wala pa po dahil bago lang po ako...ngayong araw pa lamang ako miyembro ng FW
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
====>hindi po ito moto pero naniniwala po ako dito "seasons are change and so does my mind"
ilakip nyo na rin ang links ng mga na-post nyo na dito para mabasa din naten.
====>sorry wala pa po...:(
Balang araw ay
Balang araw ay magkakaron ka din ng blog balitaan ko kami ah... =)

1,2,3,4,5
1. Tula, Maikling Kwento at Sanaysay (basta hindi lalagpas ng 600 words)
2. Nobel na hindi lalagpas ng 1 inch ang kapal ng libro. (lagi ako busy ako mag-isip)
3. Mga tula lang ang binabasa ko... hirap talaga ang mata ko against monitor
4. Konting reply lang sa comments then... yun na!
5. "Kung gusto n’yo lang sumikat kaya kayo nagsusulat. Kalimutan n’yo na ang pangarap na yan. Dahil kung ‘yun lang ang motibasyon n’yo, laging walang laman ang magiging akda ninyo." ~ Tata Ferdie Jarin
Kung gusto nyo land din
Kung gusto nyo land din magkapera kaya nagsusulat.. kalimutan nyo na din yan heheh...

lurker lang
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
short story!
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
wala naman. lahat okey.
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
Isa akong LURKER mula pa nung high school at college na ako ngayon. Naabangan ko pa yung mahahabang Jon Royeca discussions/threads non. Sa dami ng nagustuhan ko di ko maalala
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
isa nga akong LURKER ngayon ko lang ginamit to, naka-comment ako sa isang post ni jluna matagal na yun lang
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
if you're going to eat poison eat it down to the plate. chever.
Pareho tayu.. LURKER...
Pareho tayu.. LURKER... heheh...

Napadaan lang po after 1
Napadaan lang po after 1 year... hehehe... Kamusta na po???


















!
1. Ano ang pinakagusto nyong sangay ng literatura? (e.g. tula, maikling kwento, sanaysay...etc.)
---> tula
2. Ang ang pinaka-ayaw nyo?
---> lahat po ay gusto ko
3. Nakapagbasa na ba kayo dito sa FW? Alin ang mga nagustuhan nyo?
---> opo, ang haba na nga po ng track (http://www.filipinowriter.com/user/rhea-stone/track) ko e.
4. May nakasalamuha na ba kayo na FW Member? Sino-sino sila?
---> opo, si Ginoong Amos Tarana, si Binibining Yiennarda, si amaranta luna, at si j luna.
5. ano ang motto nyo sa buhay? (Harharhar...slumbook!!!)
---> reading maketh a full man, conference a ready man, and writing an exact man (mula po kay Ginoong Francis Bacon)