Aishteru

franzsorilla's picture

 

Nangako akong iibigin siya magpakailanman… at handa akong tuparin ang pangakong ‘yon. Pumuti man ang aming mga buhok… kumulubot man ang aming mga balat… kahit na lumabo man ang aming mga paningin… humina man ang aming mga buto… Mamahalin ko pa rin siya… Hanggang sa kabilang buhay…

 

Ikaw ang abogadong inihanda ni Enrico para sa ‘kin? Hmm… siguraduhin mong makakalaya ako rito… ayokong mabulok sa bilangguang ito… Ikaw? Naniniwala ka bang ako ang pumatay kay Nerissa? Aba dapat lang hindi! Sa tingin mo ba’y magagawa kong patayin ang sarili kong asawa? Kailangan mong malaman ang totoo... At ako lang ang makakapag-sabi sa ‘yo nito…

 

Pinanganak ako sa kalagitnaan ng ikalawang pandaigdigang digmaan… 1943 sa Calumpit, Bulacan… Ang sabi ni Ina, ginahasa raw siya ng mga sundalong Hapon. Ganoon din ang nangyari sa mga kapatid at pinsan niyang babae. Hay. ‘Di ko rin masisi si Ina kung bakit malaki ang galit niya sa mga Hapon, sundalo man o hindi… Nang maipanganak ako, hindi siya nag-alinlangang lumahok sa isang grupo ng mga rebelde laban sa mga Hapon. Marami raw siyang napatay… at… isa na roon ang sarili kong ama…

 

Si Nerissa’y kasabay kong ipinanganak. Anak rin siya ng isang sundalong Hapon ngunit hindi libog ang dahilan ng pagtatalik ng kanyang mga magulang… pag-ibig… Sa kasamaang palad, namatay ang kanyang ama at ‘di siya nagawang dalhin sa Tokyo. Ngunit nag-iwan naman ng sulat ang Hapon kung saan nakapaloob ang address niya na kung saan maaari silang kupkopin ng kanyang mga kapatid.

 

Bata pa lang kami ni Nerissa, matalik na kaming magkaibigan kahit na magkasalungat ng paninindigan ang aming mga ina.

 

Noong kaarawan niya, naganap ang isang bagay na hindi na sana nangyari pa… mag-aalas nuwebe na ng gabi at nasa loob pa rin kami ng isang abandonadong bahay… Labis na nag-alala  ang aming mga ina para sa ‘min. Katorse anyos pa lang kami no’n.

 

Alam ng lahat na nililigawan ko si Nerissa ngunit hindi kami matapos-tapos dahil lagi kaming pinaghihiwalay ng kanyang inang napakastrikto. Mapipigilan mo ba ang dalawang taong nagmamahalan? Kahit na sabihin mong musmos pa ang kanilang puso’t isipan, totoo ang kanilang nararamdaman… tunay silang umiibig sa isa’t isa. Sa loob ng abandonadong bahay, sinuot ko sa kanya ang isang laket na kung saan nakadikit ang aming mga letrato at nakaukit ang aming mga pangalan. Nagtapat ako ng pag-ibig at nagtanong kung kaya niya ba ‘kong samahan sa isang paglalayag sa ilog ng oras patungo sa karagatan ng kabilang-buhay… kung maaari niya ba ‘kong samahan hanggang sa pagtanda… Umoo siya at naglapat ang aming mga labi… simbolo ng aming pagmamahalan… ngunit…

 

Hindi namin inaasahang papasok sa bahay na iyon ang aming mga ina…

 

“Nerissa! Ikaw bata ka! Hindi ba malinaw ang usapan nating hindi ka makikipag-relasyon sa kahit na sinong lalaki rito? Ang kapal ng mukha mong suwayin ang utos ko at sumama sa bastardong ito!”

 

“Marcial! Anong sinabi ko sa ‘yo? Huwag kang makikipag-relasyon sa isang Hapon! Kung maaari ay magalit ka sa kanila! Saka mo ako suwayin kapag kaya mo nang buhayin ang sarili mo! Halika rito!”

 

Sinabi ko sa kanilang mahal namin ang isa’t isa… ngunit nagpumilit sila…

 

“Hindi Nerissa! Ako ang magdidikta sa ‘yo kung sino ang dapat mong pakasalan! Katorse anyos ka pa lang at lumalandi ka na agad?”

 

Sinampal siya ng kanyang ina. Bilang ganti, tinulak ko ang kanyang ina palayo na labis niyang ikinagalit…

 

“At anong karapatan mong itulak ako? Anak ng kasalanan!”

 

“Eh ikaw? Anong karapatan mong saktan si Nerissa?”

 

“At bakit? Anak ko siya! Pagmamay-ari ko siya’t karapatan kong gawin ang kahit na ano sa kanya! Kahit na ikamatay pa niya!”

 

“Ngunit tao rin siya! Nasasaktan! Bakit hindi mo siya hayaang gawin kung ano ang gusto niyang gawin? Nagmamahalan kami!”

 

Sinampal niya ‘ko… ngunit nagawa kong magbitaw ng mga salitang sumampal din sa kanya…

 

“Ano! Gusto mong ipagsigawan ko sa buong bayan na kaya nakipag-relasyon ka sa Hapon at nakipagtalik sa kanya ay dahil takot kang saktan at patayin nila? Akala mo maniniwala kaming ginawa mo iyon para sa pamilya mo? Pero hindi! Ang iniisip mo lang ay ang sarili mo! At kaya mo dadalhin doon si Nerissa ay para makakuha ka ng pera! Ginagamit mo lang si Nerissa para yumaman! Pero akin siya… Hindi ko hahayaang mangyari ang gusto mo!”

 

Hinawakan niya si Nerissa at kinaladkad palabas ng abandonadong bahay.

 

“Marcial!”

 

Nagpupumiglas si Nerissa… Inaagaw ko siya mula sa kanyang ina ngunit pinipigilan ako ni Ina.

 

“Bitawan mo ‘ko Ina! Nerissa!”

 

“Marcial”

 

Umuwi akong bigo at umiiyak… Wala nang pag-asa para sa ‘min… Hindi na namin magagawang baguhin pa ang nakaraan… Hindi kami para sa isa’t isa ni Nerissa… Ilang linggo matapos ang gabing iyon, nag-usap kami… sa abandonadong bahay…

 

“Marcial… patawad… ‘di ko nagawang ipaglaban ka…”

 

“Wala na bang pag-asang hayaan tayo ng iyong inang lumigaya?”

 

“Wala na Marcial. Matindi ang naging galit niya sa ‘yo matapos ang away niyo… At saka… hindi rin naman ako magugustuhan ng ina mo… Malaki ang galit niya sa mga Hapon…”

 

“Pero Nerissa… mahal mo naman ako ‘di ba?”

 

“Oo Marcial… hinding-hindi kita ipagpapalit…”

 

“Ipangako mo na balang araw, magkasama tayong muli at ikakasal…”

 

“Oo. Pangako ‘yan. Ikaw lang ang nag-iisang taong minahal at mamahalin ko.”

 

“Nerissa…”

 

“…”

 

“Ano sa tingin mo ang magiging buhay mo sa Tokyo?”

 

“Mahirap… Hahanap-hanapin ko ang mga ala-ala ko rito… ang ingay ng pista… ang siksikan sa misa… ang saya ng perya… ang dumi ng kalye… at ikaw… kasama ng bahay na ‘to…”

 

“Nerissa?”

 

“Ano ‘yon Marcial?”

 

“Pa’no mo sasabihin sa Hapon ang ‘Mahal kita’?”

 

“Aishteru”

 

“Aishteru Nerissa…”

 

“Mahal din kita Marcial…”

 

Nagyakapan kami… Naglapat ang aming mga labi sa huling pagkakataon…

 

Nang dumating na ang sasakyang maglalayo kay Nerissa mula sa ‘kin, ‘di ko alam kung anong gagawin… Hahabuli ko ba siya? Pipigilan ko ba siya? Itatakas ko ba siya? Uupo na lang ba ‘ko? Hindi ko ba siya titingnan? Pansinin ko kaya siya? Ngunit… Pinili ng aking katawan na manahimik na lamang… at huwag siyang tingnan… Masakit para sa ‘kin ang mawalan ng taong minamahal… Ngunit… Tila may isang tinig na bumulong sa ‘kin… Paano kung hindi pa huli ang lahat? Lumabas ako ng bahay. Ilang metro na ang layo ng sasakyan mula sa ‘kin… Tumakbo ako sa kabila ng matinding sikat ng araw… Nagawa kong lapitan ang sasakyan… Sinisigaw ko ang kanyang pangalan ng buong lakas habang umaagos ang luha mula sa ‘king mga mata. Kinakatok ko ang bahagyang nakasaradong bintana ng sasakyan… Ngunit hindi niya ‘ko tinitingnan o kahit pinapakinggan man lamang… Hanggang sa nadapa ako… Natumba… Napagulong ng bahagya at napatirapa sa maruming kalsada… Sinuntok ko ang lupa… Iniwan na ‘kong tuluyan ni Nerissa…

 

Iniwan niya ‘ko… Iniwan…

 

Sinubukan kong muling simulan ang buhay ko na kung saan wala si Nerissa. Nag-aral ako ng kolehiyo at nagtapos bilang guro. Matapos no’n ay nagturo ako sa isang paaralang pang sekundarya sa Maynila. Doon ko nakilala si Corazon, ang ina ni Enrico, na agad rin akong iniwan at namayapa. Naisip ko… kung hindi kami nagtagal ni Corazon, ibig sabihin ba nito ay para kami sa isa’t isa ni Nerissa?

 

Nagtapos si Enrico ng kursong Medisina at naging magaling na manggagamot. Siya ang nag-alaga sa ‘kin… Hay… nakapag-asawa na’t lahat-lahat, bitbit-bitbit pa rin niya ‘ko at ‘di nagsasawa sa pag-aalaga…

 

Ang tagal kong hinintay si Nerissa… Halos maubusan na ‘ko ng pasensiya… Subalit naging mabait sa ‘min ang tadhana. Muli kaming nagkita… Sa panahon at lugar na ‘di namin inaasahan… Nagkita kami…

 

Sa sementeryo kung saan namin inilibing si Corazon, nagkita kami ni Nerissa… Doon rin kasi sa sementeryong iyon inilibing ang mga labi ng yumaong asawa ni Nerissa na si Koichi. Sa gulang na animnapu, magagawa mo pa bang umasang muli mong makikita ang katangi-tanging taong minahal mo noong iyong kabataan?

 

Nang magkahiwalay kami ni Nerissa, nakilala niya si Koichi. Kasing-edad lang namin siya. Naging magkaibigan sila’t naging maganda ito sa paningin ng kanilang mga magulang. Pinagkasundo silang dalawa at ‘di nagtagal ay kinasal rin. Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Sakura, Reiko at Ichiro at sila’y kasalukuyang may mga sariling pamilya na… Hinayaan nilang mag-isa si Nerissa… walang asawa, walang ina, walang kamag-anak, walang anak… Mga impokrito sila… mga walang utang na loob… Iniwan siya ng kanyang mga anak. Hindi binigyan ng kalinga’t pagmamahal… Kesyo raw lupasay na ang katawan, malabo na ang paningin, mahina na ang pandinig, iniwan na siya… kinalimutan…

 

Naabutan ko siya sa sementeryo na labis ang pag-iyak… naghihimutok sa galit… nang yakapin ko siya, hindi niya ‘ko nakilala kaagad ngunit nang banggitin ko ang aking pangalan at hawakan ang laket na suot-suot niya, nanumbalik sa kanya ang lahat na pinagdaanan naming dalawa…

 

Pinuwang ko ang espasyo sa kanyang puso. Ako’y tumayo bilang kanyang magulang, kapatid, asawa’t anak… Muling nanumbalik ang dating Nerissa na aking nakilala…Pinakilala namin ang isa’t isa sa aming mga anak… Ayos lang kay Enrico ang balak naming pagpapakasal. Tutal, biyudo’t biyuda na rin naman kami… Ngunit ang mga anak niya’y nagmatigas… Sino ba sila? Mas nakakatanda para pagbawalan kami?

 

“Mama! You are going to wed at that pathetic age? You should be ashamed of yourself!”

 

“Ichiro-san! Please understand us. I told you our story before over and over again… We love each other. Why can’t you understand? I already love him before I met your father and I never let my emotions for him be gone.”

 

“Yes, we know that! You love each other but everyone is against to your relationship and that is why you didn’t end up as married couple. But can we blame those who opposed you? Do you think that everything you did is correct? Ma, having a relationship with your family’s enemy at a young age is very irresponsible!”

 

“Sakura-san! It has long been over! All of them died! Wouldn’t you just let us wed and be happy once and for all?”

 

“Mama! The two of you are already old for this! Do you know what others will say if they knew about this? You are so pathetic! You’re a disgrace!”

 

“Reiko-san!”

 

“You dishonored us… you dishonored Chichi… You dishonored our family!”

 

Iniwan kami ng mga matapobre niyang mga anak sa restawran na pinagkainan namin. Mga walang hiya sila. Sarili nilang ina hindi nila nagawang pagbigyan upang lumigaya. Wala na ngang ibang hiling si Nerissa kundi ang pagsang-ayon nila sa kasal namin eh. Wala silang kwentang mga anak…

 

“Nerissa! Nakalimutan mo na bang anak mo lang sila?”

 

“Marcial, hindi tayo maaaring gumawa ng mga desisyong sa atin lang!”

 

“Pero ang punto ko, anak mo lang sila! Kaya mo silang patayin o ibenta kung gusto mo! Hindi ka ba natuto sa ina mo? Buong buhay mo hinawakan ng ibang tao ang puso’t isipan mo… lagi na lang sila ang nasusunod. Pwede naman siguro sa pagkakataong ito, ikaw naman ang magdesisyon para sa sarili mo.”

 

“Marcial!”

 

“Pwede tayong magpakasal nang tayo lang. May sarili na silang buhay. Wala silang pakialam!”

 

“Pero”

 

“Nerissa, mahal kita… at pakakasalan kita.”

 

Nagtanan kami… umuwi kami ng Calumpit. At doon kami tumira sa abandonadong bahay na lagi naming pinupuntahan noon upang magkita ng walang nakakaalam. Binili namin ang lote at tinayuan namin ng panibagong bahay ngunit pareho ang disenyo. Nagpakasal kami at doon nanirahan… habang ninanamnam ang mga huling sandali ng aming buhay…

 

Anong hitsura ng kasalan?

 

Kinasal kami sa katedral doon sa Calumpit… Napakaganda… Ginto ang tema ng kasal… Akala nga ng mga usiserong nakikinuod eh ika-limampung taong anibersaryo na namin… Hindi nila alam na ngayon pa lang kami ikakasal sa isa’t isa… ngayon pa lang manunumpa sa harap ng Diyos na magsasama hanggang sa huli naming hininga…

 

Naisip naming mag-duet ng kanta habang siya’y naglalakad sa gitna mula sa pintuan ng simbahan at ako naman itong naghihintay sa kanya sa altar…

Unforgettable that’s what you are
Unforgettable
though near or far
Like a song of love that clings to me
How the thought of you does things to me
Never before
has someone been more
Unforgettable
in every way
And forevermore
that’s how you’ll stay
That’s why, darling, it’s incredible
That someone so unforgettable
Thinks that I’m unforgettable too
Unforgettable in every way
And forevermore
that’s how you’ll stay
That’s why, darling, its incredible
That someone so unforgettable
Thinks that I’m unforgettable too…

 

Habang sumasayaw kami nung reception na, natanong ko sa kanya…

 

“Ano nga sa Hapon ulit ‘yung katagang ‘Mahal kita’?”

 

“Nakalimutan mo na?”

 

“Oo naman… Hindi naman ako natuto ng Hapon at saka apatnapu’t anim na taon na ang lumipas…”

 

“Ay sus! Eh pa’no kung hindi na tayo nagkita? Hindi lang ‘yun ang makakalimutan mo… pati rin ako at ang mga ala-ala nating dalawa… maglalaho rin…”

 

“Hindi naman… Ikaw… Laging nasa puso’t isipan ko lang… Gabi-gabi, inaalala ko ang mga pinagdaanan natin… Araw-araw, tinitingnan ko ang mga letrato mo… Paano kita makakalimutan?”

 

“Ay naku! Binobola mo naman ako eh…”

 

“Hindi… Totoo ang mga sinabi ko sa ‘yo… So… Ano sa Hapon ang katagang ‘Mahal kita’?”

 

“Aishteru”

 

“Boku mo aishiteru Nerissa-san”

 

Napangiti siya… Alam ko talaga ang sagot… Alam ko nga rin ang tugon ‘di ba? Ngunit gusto kong marinig sa kanya mismo ang salitang iyon… Aishteru…

 


 

Tingin mo masaya na kami? Hindi… Hindi pa… Hangga’t nabubuhay ang mga hayop na ‘yon… hindi pa…

 


 

Mayroon kaming tatlumpung ektaryang lupain sa Norzagaray na hindi namin alam ni Nerissa na pinagpiyestahan na ng mga peste niyang mga anak…Nang malaman namin iyon, sinugod namin ang mansiyon at buti na lang ay hindi nasayang ang aming pagod at nadatnan namin ang mga magkakapatid.

 

“Walang hiya ka!”

 

Sinampal ni Nerissa si Sakura nakahilata sa sofa sa may sala ng mansiyon.

 

“I am still alive and yet you three have no shame to divide this property and claim yours! How dare you? And what a wonderful idea! Reside in my own mansion? What do you think of your mother? Sakura, I am already old but it doesn’t mean that I am so weak that I don’t have the capability to hurt you! I can still hit you as long as I want. Remember that you are still under my will. You have no choice but to follow my orders!”

 “Mama!”

 

Dumating si Reiko mula sa ikalawang palapag ng mansiyon. Inawat niya si Nerissa sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang mga braso subalit ang galit na galit kong esposa ay nagpupumiglas at nagawang itulak ang kanyang sariling anak pababa.

 

“At isa ka pa! How dare you look at me and touch me after saying all those words against me and Marcial? Reiko! Look at you! You should be ashamed of yourself. You are a pathetic woman… sleeping with her husband’s brother!”

 


 

“Get… out… of my house! We will see each other in court. I will reclaim what is mine and you will get nothing! Magsama-sama kayong magkakapatid sa putikan dahil tiyak lalagapak ang mga buhay niyo! Wala kayong mahihithit sa aking pera ni piso, wala! Layas!”

 

Kinaladkad niya ang dalawa palabas at nadatnan niya si Ichiro na papasok ng mansiyon mula sa bukid. Sinarado niya ang malaking pintuan ng mansiyon… Pinaglaban niya ang aming lupa at sa huli, napasaamin itong muli. Agad niyang hinanda ang kanyang Last Will and Testament na kung saan nakasaad na si Enrico lang ang tanging heredero ng lahat ng ari-arian namin.

 

Isang araw, pinapunta ng Gobernador si Nerissa sa kanyang bahay. Ang sabi ko, sasama na ‘ko sa kanya subalit nagpumilit siya. Sumakay siya ng kotse ng nag-iisa at umalis. Iwinagayway ko ang aking kamay, tanda ng aking pamamaalam… Ewan ko… malakas ang kutob kong… may ‘di magandang mangyayari noong araw na iyon…

 

Malalim na ang gabi at wala pa si Nerissa. Wala akong natanggap na tawag mula sa kanya. Tumawag sa ‘kin ang Gobernador at tinanong niya kung nasaan na ba si Nerissa at bakit wala pa siya roon… Labis ang pag-aalala ko… Hinanap ko siya kasama si Enrico… Ang bawat kalsada… Ang bawat bahay… Ang bawat gusali… pinasok namin na may pag-asang naroon siya sa loob.  Nagpunta kami sa mga ospital… sa mga istasyon ng pulis… subalit wala kaming napala… Inikot namin ang Calumpit at Norzagaray… subalit wala…

 


 

Mag-uumaga na ngunit madilim pa rin ang langit dahil sa ulan.

 


 

Nang pauwi na, dumaan kami sa ibang kalsadang malapit sa Hacienda. Nadatnan namin sa may tabi ng daan ang isang kotseng sunog ang ilang bahagi, butas ang mga gulong, tadtad ng mga bala… umuusok… walang laman… puno ng dugo ang paligid… Bumaba ako kahit na malakas ang buhos ng ulan. Hinanap namin sa paligid ng kotse ang katawan na nagmamay-ari ng mga dugong iyon. Hinanap namin si Nerissa…

 

Nakita ko sa tulong ng flashlight na aking hawak ang isang bangkay sa may tabi ng puno… malayo sa pinangyarihan ng krimen… marahil ay tinapon ang kanyang katawan doon upang walang makakita… o hindi naman kaya’y sinubukan niyang tumakas ngunit nahabol siya’t walang awang pinaslang… Parang sa aking tainga ay may isang tinig na bumubulong… nagsasabi sa akin kung saan ako tatapak… kung saan ako lilingon… kung saan ako pupunta… At doon nakita ko nga si Nerissa… Niyakap ko siya… Pinagluluksaan ko siya… Ipaghihiganti ko siya…  =END= 

 


franzsorilla's picture

!!!!!!!!!!!

 dis one is a tragic tale of love......

they met

they split

they met again.....

then death caught them

 

<<FrAnZsOrIlLa>>

nikol's picture

nice. made me think of the

nice.

made me think of the person i really wanna be with.

franzsorilla's picture

:(

 dis is originally a happy ending... but i changed it as i type it to our computer.... i later made it sad and morbid...... it will be unrealistic if none of them will die so i made it that way...

<<FrAnZsOrIlLa>>