Akadystopia

j luna's picture
| |

 

 

 

 

AKADYSTOPIA (o Ang Kuwento Ni Masungit), nobela ni j.luna

 

Lesson1-We Don’t Need No Education…-Pink Floyd (Mula sa The Wall)

 

Lahat kami ay dumalaw sa ospital noong hapong iyon. Malala na raw kasi ang kondisyon ni Bb. Cheng, at malapit na raw bawian ng buhay. Umaagos ang luha mula sa mga mata ng aking mga dating kamag-aral na nakapaligid sa kama ng matandang guro—Malamang ay ‘di na naaaninag, ni namamalayan ng kanyang napupunding ulirat kung sinu-sino ang mga naroon.

Ewan ko kung kaninong pakana ito, na pati sa huling hininga ng guro ay makakasama niya pa ang mga batang kinaaasaran niya—Sabi niya raw kasi, noong kalakasan niya pa, sa isang co-teacher na, “Mamamatay akong guro, at gusto kong bawian ng buhay sa piling ng tangi kong pamilya—ang paaralan.”, nakakagulat ding isipin na literal ang pagkakaintindi ng mga bobong kasama niya sa winika niyang ito.

*

Matandang dalaga si Ma’am, masungit at matandang dalaga. Kung may salita na maglalarawan kay Ma’am, iyon na yun, “Masungit” at “Matandang Dalaga.”

Filipino ang tinuturo ng guro, at ang pinagdalubhasaan niya ay kung saan bang parte ng katawan ng tao ang pinakamasasaktan pag-kinurot, at kung ano ba ang angkop nasalita ang makakawasak sa “self-esteem” ng mga makukulit nabata.

*

Galit si Ma’am sa maiingay na bata.

Galit si Ma’am sa makukulit na bata.

Galit si Ma’am sa mga natutulog sa klase.

Galit si Ma’am sa mga walang assignment sa pangngalan, pambalana, pangatnig etc.etc.

 

Mahigpit na ipinagbabawal ni Ma’am ang pagpihit ng ulo sa mga eksam, at ito ay sinusuklian niya ng pagpunit sa test paper.

Mahigpit ding ipinagbabawal ni Ma’am ang pagnguya ng chewinggum, na pinalulunok niya sa mga nahuhuli.

At higit sa lahat, matinding-matindi ang galit ni Ma’am sa mga estudyanteng ahit ang kilay, nagsusuklay, nagm-make up, at tumatanggap ng manliligaw, o di kaya’y maroon nang mga syota..

*

Ang leksiyon naming nung araw na iyon ay tungkol sa mga ponema, at ang aming teksto ay mga xinerox na halaw sa SEDP na libro na ibinibenta niya sa halagang talong-piso isa.

Ang hindi bumili ay may kotong.

Ang bawat isa ay inaasahang makasagot sa mga katanungan niya, matapos angapat at kalahating menutong pagbabasa ng Xerox at limang menutong nakakaantok napagn-nobena ng leksiyon…Ang isip ko nama’y nakapokus kay Lucille, na nakaupo, talong desk ang layo sa akin.

Ang cute niya, wika kosa sarili habang pinapanuod ko ang galaw ng kanyang mga labi, habang sinasaka nito ang bawat linya’t taludtod ng hand-out na pinapabasa sa amin.

*

Bad trip, nahuli ni Ma’am ang paghikab ni Lucille.

Pinatayo siya ni Ma’am sa silya at pinakanta.

Namula sa hiya si Lucille, at tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang umaawit siya ng kanta ni Regine Velasquez.

*Sinasabayan ko ang galaw ng labi ni Lucille.

Iniimagine ko na hinahalikan ko ang labing iyon. Tinatabingan ko nghand-out ang mukha ko para hindi Makita ni Ma’am kung sa’n ako nakatingin.

*

“Nakakaawa naman si Ma’am.”,

wika ni Abbey, habang pinagmamasdan naming ang gulay na maraming nakatarak na tubo at aparato sa katawan.

Ewan ko kung bakit sa kadami-daming p’wedeng pumasok sa utak ko, iyon pang sinabi sa akin dati ni Lou ang naisip ko…

“Virgin pa yang si Ma’am.”

*

Inutusan ako ni Ma’am na bumili ng fishball sa kanto, binigyan niya ako ng limang piso, wala man lang tip.

Pagbalik ko wala man lang thank you.

*

“Michael…”, tinawag ni Ma’am ang aking pangalan.

Patay! Di ko pa nababasa ang hand-out, busy pa kasi ako sa pakikipag-sex kay Lucille.

Putang Ina! Ginising ako ni Ma’am.

‘Di ko narinig ang tanong.

‘Di ako nakasagot.

‘Di ito pinalagpas ni Ma’am.

“Tayo at harap sa blackboard hanggang matapos ang klase.”

Napahiya ako. OK lang, nakangiti naman si Lucille.

Pero kahit na.

Nagmukha parin akong tanga.

*

“Takbo!”, sigaw ni Roy.

Nagtakbuhan kami, paglabas ni Ma’am sa faculty ng Filipino Department.

May hawak siyang walis.

Ang maabutan niyang nasa paligid ay inuuutusang magwalis ng departamento.

“May klase po ako.”, pangangatwiran ni Jeremy.

“Klase? Dib a recess ngayon?”, wika ni Ma’am habang hinahatak niyasakuwelyo ang nabitag kong kaklase.

*

Pagpasok ko salibrary, naghanap anko ng lugar na malayo sa mga mata ng mga tao pero malapit sa bintana.

Dito ako nagsusulat ng mga outline ng mga short story na ginagawa ko.

Biglang may tumapik sa likod ko.

“Hoy Michael!”, sabi ng babae sa likod ko.

“Sssssh…”, sabi ng librarian na napadaan.

Si Shen pala.

“Nag-transfer ako dito.Grabe, di ko alam na dito kapala pumapasok.”, sabi niya.

Balik freshman siya.. ‘Di na-carry ang mga grade niya sa dati niyang kurso.

*

Kuwentuhan kami, tapos kape sa luncheonette sa MB.

“Oy, alam mo ba ang nangyari kay Ma’am Cheng?”

“Ano?”, tanong ko.

“’Di ba gulay na siya nung gumradweyt tayo ng Highschool? Ngayon daw malala na talaga ang lagay niya.”

“Ano ngayon?”

“Wala lang, naalala ko lang.”

*

Buwisit, halos dalawang buwan ko nang hindi nakikita si Lucille. Nasan na kaya siya?

*

Pinagbasa kami ni Ma’am ng “Kuwento Ni Mabuti” , na makikita sa page 50 ng textbook na required naming bilhin sa halagang P250.00. Wala ang atensiyon ko sa pangit na kuwentong iyon, sapagkat ang aking mata ay nakatingin kay Lucille—Shit, ang pungay ng mga mata niya. Halatang puyat siya, kasi alam ng lahat na sobrang sipag niya sa pag-aaral.

Palakad-lakad si Ma’am Cheng.

Haaaayyy…Ang ganda talaga ni Lucille.

Nabasag ang katahimikan ng pinalo ni Ma’am ng patpat ang patungan ng kamay sa desk ni Lucille.

“Intrimitida! Sino ang nagsabi na pwede kang matulog sa klase ko?!”

Kitang-kita ko ang lahat.

Buwisit, hindi naman natutulog si Lucille, humihikab lang siya at napapapikit sa antok.

Natural lang naman yun, lalo na sa klase ni Ma’am na ubod ng boring.

Naghagikgikan ang mga estudyante habang pinaparusahan ni Ma’am si Lucille.

Nung isang buwan si Joseph ay nahuling natutulog, nung isang araw ay si Amanda, may tatlong buwan na ang nakakalipas nung nahuli ako ni Ma’am sa aking pagkakahimbing.

Nakakatawa ang mgaparusang ipinapataw.

Halos sumakit ang tiyan ko ng pinakanta si Joseph.

Pero, poot ang nadama ko nung pinatayo si Lucille sa silya at pinakanta.

*

Hindi siya ang tipo ng babaeng pinapahiya. Kagalang galang siya.

*

Hindi na nakita ni Ma’am Cheng ang pag-gradweyt ng advisory class niya na IV-Guijo, na-coma na siya matapos ang malagim na pagkakahulog sa hagdan ng Drilon Hall.

Dalawang linggo kaming walang klase, may dumadalaw kay ma’am na mga titser namin. Ang mga ka-department naman niya ay toka-toka sa pagbabantay kay Ma’am sa ospital.

*

Huling linggo ng klase, maayos na natapos ang periodical test, nakuha ang grade, at napirmahan ang mga clearance.

Dumating ang graduation: Walang Ma’am Cheng.

Hindi na umattend ng graduation si Lucille.

Naglaho siya matapos niyang makuha ang mga grade niya, Valedictorian.

Hindi ko na siya nakita pagkatapos noon.

*

“Michael, samahan mo ako.”

“Sa’n tayo pupunta?”

“Pinabili ako ng scramble ni Ma’am.”

“Sige.”

 

 

“Pare, gago ka!”

“Hindi naman ito malalasahan ni Ma’am e!”

“Putang ina mo!”

“Hahaha!”

*

Alas-siyete ng umaga ang simula ng klase namin, at ang classroom namin ay nasa annex 5, siksikan kami sa kuwarto.

Halos pitumpu kami sa section namin.

Adviser namin si Ma’am Cheng.

Pang-anim na section kami sa over-all ranking.

Siyempre, andun sa amin ang mga bobo, makukulit at maiingay na estudyante.

Andun din ang mga pokpok, adik at gangster.

Pero, hindi lahat ng mga estudyante ng 4-Guijo ay mga kupal. Mayroon ding galing sa higher sections nung 3rd year.

 

Ako ay galing sa 3-Active, ganun din si Xavier. Nagkataon lang na bumagsak sa dalawang subjectsi Xavier, ako naman, running for valedictorian daw kung pumapasok lang daw ako araw-araw at kung ‘di ako nahuhuling nagyoyosi sa CR.

Nandun din sa amin ang mga transferee, na bagamat ay matatalino ay ‘di naman puwedeng mapunta sa higher sections dahil limited lang ang slots dun, at hindi valid ang grade nila sa ranking ng eskuwela.

Kasama dito sila Lucille at si Odessa.

Hindi bagay sa section namin si Lucille.

 

Sa unang klase, madalas ay homeroom kami- lalo na kung lunes, kung saan kami ay inaatasan ni Ma’am na linisin ang classroom.

Bunot. Bunganga. Walis. Bunganga. Tapon ng basura. Bunganga. Floorwax. Bunganga. Punas ng basang basahan sablakboard. Bunganga. Siyempre. Pupungas-pungas pa kami dahil sa antok.

Bawal ang babagal-bagal, at bawal ang nagm-maganda.

 

Pag Martes hanggang Biyernes, klase kami: Pangatnig. Saway. Balarila. Pingot. Pagbasa. Bunganga.

Torture ang klase ni Ma’am- Ubod na ngang boring, ay sobra pang taray ni Ma’am.

Buti na lang at masipag pumasok ng maaga si Lucille: Ginaganahan tuloy akong pumasok at tiisin ang ubod na nakakabagot na klase.

 

Madalas magbunganga si Ma’am, lalo na sa mga estudyanteng nasa huling row sa likod.

Siyempre, dahil sa akala nilang ‘di sila napupuna ni Ma’am- dun nagkukumpulan ang mga bading at ang mga mahaharot na mahilig mag-make up, ang mga madadaldal at mga chismoso, mga antukin at lahat ng tamad mag-aral.

Sana dun na lang ako, atleast kahit paano ay makakapagnakaw ng idlip.

Pero, sa 3rd row ako-napapwesto malapit sa unahan.

Okay lang, malapit naman ako kay Lucille.

*

Kaklase ko sa Ekonomics, Isyu at Proseso si Tricia. Tuwing oras ng klase dito, lalo na pag-boring ang prof, nagtatabi kami sa silya at madalas naming pinagk-kuwentuhan yung highshool days namin.

Hindi ko siya naging kaklase sa 4-Guijo, pero naging teacher niya ng 1st year si Ma’am Cheng.

Iba talaga ang nostalgiang hatak ni Ma’am, buong sem na yata naming pinaguusapan ang mga kapalpakan ng inutil na ngayon na matanda, pero hindi parin kami maubusan ng mga anekdota, kutya at lait para sa mahal naming maestra.

“Okay, according to Karl Marx, the working class…blah blah..”

“Naaalala mo pa ba si Xavier?”

“Gago, naging syota ni Melai yun, bakit?”

“The modes of production…”

“Hihihi.Blahblahblah…”

“Si Ma’am, galit na galit…Hihihi…Blahblahblah…”

“Blahblahblah..Tsktsktsk. You two at the back! Stop talking!”

“Sir, pinaguusapan lang namin yung gagawin namin para sa film showing project mo.”

“Mamaya na yan. Lesson tayo ngayon.”

*

Si Adrian ay isang bading, tulad ng ibang kasing edad niya na nasa puntong pagdadalaga, natuto si Adrian na maglagay ng kolorete sa mukha.

Madalas, pag-oras ng mga boring na klase, sila ng mga babae sa huling row ay abala sa pagsusuklay at pagbubudbod ng Pond’s Face Powder sa mukha.

Ang mali ni Adrian nung araw na iyo ay nung subukan niyaang pasensiay ni Ma’am.

Habang tinatalakay ng guro ang “Impeng Negro.”, narinig niya ang hagikhikan sa likuran, at sinawing palad na nahuli niya si Adrian na parang espasol ang mukha dahil ‘di niya pa napapahid at naikakalat ang pulbos sa kanyang mukha.

Pinikot ang tainga, napaigtad ang bakla. Hagikhikan ang mga bata. Kinuha ng maestra ang pulbos sa kamay ni Adrian at binuhos ang laman nito sa ulo ng kawawang nagdadalaga. Nagmujha siyang Mt. Fuji na may snow sa tuktok, naging kahawig niya ang espasol at durog na pulburon.

*

Sa lobby ng ospital, nagkita kita ng mga ka-batch kosa 4 Guijo.

Guro na si Jed.

Magm-masteral na si Maximiliano. Nagtuturo sa highschool si Emmanuel.

Ganun din sila Migs, Jobelle, Adrian at Serafin.

Teacher sa elementary si Xavier, at si Menggay ay nagtuturo sa mga mongoloid at autistic. Sila Ronnie ay nagtuturo sa isang pribadong montessori.

Si Shen ay kasalukuyang nagaaral sa unibersidad na pinag-gradweytan ko, 2nd year Educ major siya, matapos magshift mula sa Comm Arts. Ako ay nagtuturo ng Creative Writing sa isang eskuwelahan na progresibo at eksklusibo para sa mga batang nalilinya at may talento sa sining at anak ng mga wasak na magulang

Nakapagtataka. Coincidence ba ito?

Lahat kami ay guro, o mag-guguro.

Pero, di ko na iniisip yun kahit gaano ka-weird at illogical..

Ang tumatakbo sa isip ko ay kung nasaan basi Lucille.

*

“Astig ka Brent! Binili ka ng nanay mo ng celphone!”

“Wow! Kaya mong bumili ng load!”

“Brent, ano ang number mo?”

“Lucille, 09167840473.”

“Okay, text text tayo ha.”

 

“Brent, bakit ka umiiyak?”

“Michael, patay ako sa nanay ko.”

“Bakit pre?”

“Na-confiscate ni Ma’am ang celphone ko, pinapatawag sa opisang nanay ko.”

 

“Pare, was kang umiyak ang tanda mo na!”

“Pare, pinapatawag ni Ma’am ang nanay ko.

Hindi ang celphone ang problema ko!

Pag nagpunta si mama dito, iisa-isahin ni Ma’am ang lahat ng mga ginawa kong kalokohan dito!”

“Patay ka na nga.”

*

Labis na napahiya si Lucille sa ginawa ni Ma’am sa kanya.

Ako rin.

Labis akong nasaktan sa ginawa niya sa mahal ko.

*

Nagingteacher din ng kuya kosi Ma’am. Kuwento pa nga ay nagpapakain daw ito ng chalk sa mga estudyante.

Astig diba? Para siyang gago!

Ewan, basta ang kuwento ni kuya, “Miss Tapia” daw ang bansag nila sa guro.

Nakasalubong namin ni kuya sa SM si Ma’am isang araw.

Entra ni bb. Cheng, “O, Rex! Ang laki mo na pala ngayon! Graduate ka naba?”

Siyempre, tambay lang si kuya, kaya ang tanging nasabi niya lang ay:

“Ang ganda niyo parin ngayon Ma’am.”

 

Siguro ay succesful na tao nasi kuya ngayon kung di lang siya nagkaroon ng trauma at phobia sa pag-aaral at sa pagpasok sa skul.

*

Muntik nang ‘di nakagraduate si kuya ng hayskul dahil pinalakol siya ni Ma’am.

 

Kaya lang siya nakapasa ay dahil iniyakan siya ni mama, pinakiusapan at dinalhan ng isang kaing na prutas galing sa probinsiya.

*

Madami akong matataray at masusungit na prof sa kolehiyo, pero karamihan sa kanila ay hindi asal ang pinapakita kundi professionalism.

Kung mapapalabas ka sa klase, o di kaya’y mababara at mapapahiya-malinaw na ikaw ang may pagkakamali at hindi sila.

Sa loob ng klase, dun mo makikita ang lugar mo. Estudyante ka, professor sila-pero hanggang dun lang ang sakop ng kanilang authority.

Sa kolehiyo ko rin lamang nalaman na puwede kang sumagot at mangatwiran sa mga prof, lalo na kung nasa tama ka at siyempre pwede kang lumiban sa klase at mag-cutting ng di ka pakikialaman, basta ba makukumpleto mo ang requirements at makakapasa ka sa mga exam.

Sa college di mo na kailangang mag-over the bakod para makauwi pag-inaantok ka.

Sa college di ka pwedeng batukan ng titser.

 

Gets ko na kung bakit tumanda si Ma’am nang hindi nakakapagturo sa college. Mga bata lang kasi ang kaya niyang gaguhin.

*

Lunes, homeroom.

Martes-para kaming grade one. Inspection, kung 2x3 ba ang buhok mo; mapahaba lang ng kaunti, ukab.

Titignan din ni Ma’am ang mga kuko mo at pag mahaba- palo ng stik sa kamay.

Titignan ni Ma’am kung sobrang haba ang palda ng mga girls. Pag may violation gugupitin ang laylayan.

Pagkatapos ng routine inspection, utusan niya ang secretary na magsulat sa balackboard ng ubod ng habang selection mula sa libro. Chini-check ni Ma’am ang notebook tuwing Biyernes, kelangan kumpleto ang lecture mo kung ayaw mong mapatapon sa labas ang notebook mo.

Nakaupo lang si Ma’am sa desk gumagala-gala ang mga masusungit na mga mata, at alerto ang tengasa bawat kaluskos, bulong at ringing tone ng celphone.

*

Nag-online ako kanina, friendster.com.

New messages, approve ng ng invitations at basa ng mga bagong comment.

 

Kenny: Astig ka sir! Rock Rulez!!!

Cyco Brocka: Pare, pakisabi nga pala na available na for download ang “Gerilya” sa http://www.bookay.multiply.com. Gawan mo rin ng magandang shit yung “Mondomanila”.

Jennifer: ^___^, He is not just a good teacher, he is also a good friend and a wonderful lover.

Islawrence: Hoy Kupal!! Dalawang taon ka nang di nagpaparamdam ha!

Mitch Treze: You Rock Sir!!! Rak Rulez!!

Twilight Vampira: Emo rules!!

j.luna: Pare, wasak ka! Di ka na nagpaparamdam ha. Oo nga pala, astig ang translation ni Kit Kwe sa gawa ni Iwa na “Pulutan”. Taena, nabasa mo na ba ang”Responde”? May tinda kami sa Bookay-Ukay.

Adrian: Last time na nakita ko siya ay nung nasa hospital kami to visit an old teacher. He has changed a lot through the years. Mas abnormal na siya ngayon!! Peace Out Man! Rock On. Nice dreads nga pala.

 

Pagkatapos mag-approve ng invitations, nag-log out na ako.

Dalawang aton ko nang sini-search si Lucille Manawag. Pero wala talaga.

Microsoft word muna, encode ng lesson plan para bukas.

Log –in uli, sa facebook naman.

Porno. Chatroom. MP3 Download.

Log-out. Turn Off.

Boredom.

Tulog.

*

Naglalakad ako sa pasilyo sa pagitan ng mga annex, tangan tangan ko ang chalkbox, at ang compilation ng mga lesson plan na pinahiram sa akin ng aking CT na si Ms. Acosta.

Sa bawat room, bumabalik ang mga alaala.

A-6, dun ako nag 4th Year.

Dati sa ganitong oras si Sir Cruz ay nagtuturo ng walang kamatayang mga breed ng kambing at baboy, o di kaya ay ang iba’t ibang paraan ng marcotting , splicing at parte ng buto ng munggo sa kabilang building yung malapit sa CR, sa Perez Compound.

Kasi pag ganitong oras cutting ako at tumatambay sa gilid ng Perez, wala ako sa Annex 6. Dun ang mga firstyear na hinahawakan ni Cruz “panot”.

Napadaan ako sa A-6, first year na ngayon ang nkastation sa room na iyon.

 

“Ayon sa batas Tidings Mcduffie…”

Sabi ng guro, sumulyap ako ng saglit. Di ko kilala ang gurong ito, siguro bago.

 

Sa A-5, isang lumang mukha-Si Ma’am Narciso, na nagtuturo parin ng kasaysayan ng Pilipinas.

 

Nakarating ako sa Linda Cheng Building. Dito ako natoka sa mga 3rd Year. Dun ako sa room 105, manghang mangha ako—

Hindi sa mga pagbabago, kundi dahil sa kung bakit ipinangalan kay Ma’am ang kagalanggalang na gusaling ito.

 

Practicum ko na at dito ako natoka sa lumang eskuwela at dun pa sa bldg na alay kay Ma’am.

*

Nakakainis, Biyernes nanaman! Sa araw na ito, hindi kami kaagad pinapauwi dahil pinaglilinis kami ni Ma’am Cheng ng clasroom.

Ang mga babae ang taga walis at taga floorwax at ang mga lalake ang tagabuhat at taga-labas ng desk, taga-bunot ng sahig at taga-balik ng desk na inilabas namin.

Pagkatapos noon ay mayroong malas na inaasign na magtapon ng punung-puno naming trash can sa incinerator.

 

Napakasuwerte ko talaga,sa wakas ay makakasama koa si Lucille.

Kami ang na-assign na magtapon ng basura. Ang baho, pero okay lang. Kasama ko naman si Lucille e

*

Humagulhol si Adrian, at kinausap siya ni Joseph at ni Amanda.

Pinapatahan nila ito.

Naginit ang lo ni Ma’am, binato sila nito ng eraser.

“Magsilabas kayo, ang iingay niyo!”

Walang nagawa ang tatlo kundi ang lumabas na lang at magmukmok.

*

Sa daan patungo sa incinerator, sinolo ko ang pagbitbit ng ubod ng bigat at umaapaw na basurahang gawasa latang biskwit.

Feel na feel ko na bayani ako, na kinakarga ang lahat ng pasakit ng mahal kong prinsesa at siyempre, sino bang Kenshin Himura ang papayag na bumaho ang kamay ng kanyang Kaori.

Hindi umiimik si Lucille habang dumadaan kami sa Annex, DOST, Building Donated by Sen. FreddieWebb at sa lumang chapel.

Hindi ako maka-entra ng salita kasi nahihiya ako.

Palubog na ang araw, atang kulay orange na mga sinag nito ay nagpapatingkad sa maamong mukha ni Lucille.

“Putang ina mo Ma’am.”, wika kosa srili.

 

“Dito ka lang sa baba, ako na ang magtatapon ng basura sa sunugan.”, sabi ko kay Lucille. May halong pasikat ang tono ng pagsasalita ko. Tumingin siya sa akin, at nakita ko ang bakas ng ngiti mula sakanyang mapupulang mga labi.

Lumulubog ang sapatos ko sa bundok ng sunog na styro, dahon, tetra pack ng zesto, abo at kung anu-ano pang mabaho at mamasa-masang basura.

Nakarating ako ng tuktok, at dun ko binuhos ang laman ng aking tangang lata.

Tumingin akosa baba, andun pa rin si Lucille, abalang abala sa pagt-text.

Pagkababa ko, tumingin si Lucille sa akin, ngumiti siya-nagthank you, at nagpaalam.

Nauna na siya.

Ako nama’y dumiretso sa poso upang bombahan at banlawan ang basurahan.

Sa paglalakad ko pabalik, isa lang ang nasa isip ko—

Shit!!!

Ang tanga tanga ko talaga!

 

 

Lesson 2- The teacher stands in front of the class
But the lesson plan he can't recall
The student's eyes don't perceive the lies
Bouncing off every fucking wall
His composure is well kept
I guess he fears playing the fool
The complacent students sit and listen to some of that
Bullshit that he learned in school…

-Rage Against The Machine (mula sa Take The Power Back)

 

Naiinggit ako kay Sammy kahit nabasted siya ni Lucille.

Kahit paano’y naranasan niyang sabayan si Lucille sa jeep, sa canteen, sa hall. Naranasan niyang kargahin ang bag at ang mga libro ni Lucille.

Natikman niya ang masambit ang ganitong mga linya…

“Hoy!!! Mr. Michael Torres!!!!! Bkit hindi ka nakikinig?!!!”, binasag ni Ma’am ang malalim na pag-iisip.

Nakalimutan kong may klase pala kami. Namula ako sa hiya.

Pag-tingala ko ang maamong mukha ni Lucille sa aking pangarap ay napalitan ng nakakatakot at nanlilisik na mga mata at umuusok na ilong ni Ma’am Cheng.

Hinatak ni Ma’am ang tenga ko, at piningot ako paitaas, kaya’t napaigtad ako.

Ang hapdi, shit! Parang dinikitan ng apoy ang dulo ng aking tenga.

“Huwag ka nang uulit ha!”

“Opo, Ma’am!”

 

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

Pulang-pula na ako sa hiya.

Pag-upo ko, wala na akong nagawa kundi ang yumuko.

 

“Isa pa Michael, palalabasin na kita!”

*

“Taylo?

Present!

Torres…

Present…

Valencia

Ma’am absent po may sakit.

Yulo.

Present.

Zulueta.

Present Ma’am.”

 

“Ilabas ang libro ng “El Fili” at buksan sa pahina 90. Ang mgawalang libroay puwede nang lumabas.

Sekretarya, itala ang mga hindi nagdala ng aklat sa mga liban sa klase.”

“Lahat po ay may dala ng aklat Ma’am.”

“Mabuti.”

Biglang may mabahong sumingaw sa bandang unahan.

Halu-halong reaksyon. Tawanan. Pagkamuhi. Pangungutya. Pandidiri. May sumisigaw. May natahimik. May nagtuturuan.

Lumibot ang mata ni Ma’am na halatang-halata ang pagkainis sa namumuong komosyon.

“Ma’am si Torres po ang umutot.”

Nanahimik lang ako, alam kong wala akong kinalaman sa kaguluhang naganap.

“Ma’am, hindi ako yun!”

“Michael utot! Michael utot!”

“Magsipagtahimik kayo!”

Nilapitan ako ni Ma’am at binatukan.

“Lagi ka nalang nagpapasimuno ng kaguluhan! Hala! Lumabas ka at bukas dalhin mo ang iyong ina.”

“Po?”

Naghagakhakan ang buong classroom, pulang-pula na talaga ako at nanliliit.

Putang ina, pati si Luille tawa ng tawa.

Wala naman akong kasalanan e. Simula nang araw na iyon, di ko na nagawang kausapin si Lucille.

 

Habang nakayuko akong naglalakad palabas, dinig na dinig ko pa kung paano patigilin ni Ma’am ang sabay-sabay napagsigaw ng “Michael utot!”

 

“Magsipagtahimik kayo!”

“Aray!” pok!!

“Ma’am ‘wag po!” blag!

“Gusto mong ipatawag ko rin ang nanay mo?”

*

Sa gilid ng lumang stage nakita kong umiiyak si Lucille. Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako o kung hindi. Talunin ang hiya. Talunin ang takot. Talunin ang kaba. Iwasan ang kapraningan.

Ano kaya ang magandang entra?

Lucille, bakit ka… Pangit. Lucille, kumusta? Mas pangit, obvious na dehins siyang okay. Sa di kalayuna, may nauulinagan akong naggigitara ng “Torete”. Bukod dito, ang tahimik, pero rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko at ang mga yabag ng aking sapatos na papalapit kay Lucille.

“Torete…..Torete….Sa iyo.”

Gusto kong umatras. Ano ba Michael?

Iba na ang tinutugtog ng gitara, Aiza.

“Pagdating ng panahon…”

Ayoko na paero iba ang sinisigaw ng puso ko…

Lapit…Lapit…Lapit…Lapit.Lapit.

 

Habang paatras-abante, atras-abante ako sa paglakad , nagdadalawang isip kung lalapit ba ako o hindi, nakarinig ako ng sitsit mula sa lugar na kinauupuan ni Lucille, napalingon ako at pagtingin ko sa gawing iyon-nakita ko si Lucille na nakatingin sa akin.

Naglakad ako palapit sa kaniya.

*

Hindi pa natatapos ni Lucille ang kanta ay hindi na niya kinaya.

Tumalon pababa ng desk, kinuha ang bag at tumakbong palabas ng klase.

“Saan ka pupunta?!!!” , talak ni Ma’am. Gumuguhit sa mamula-mulang pingi ni Lucille ang luha. Hinabol siya ng kanyang bestfriend Odessa, hinawakan niyaang kamay ni Lucilleupang pigilan ito, subalit nakatakas sa kanyang kapit ang aking mahal. Tumakbo siyang palabas, habol hanggang pinto si Odessa, “Lucille!”, mangiyak-ngiyak din siya.

Natahimik ang klase, biglang nag-bell. Paglabas ni Ma’am, napansin kong may putting bagay na naroon sa kinatayuan nila Odesssa at Lucille, panyo.

Pinulot ko ito.

Nahulog siguro ni Lucille, nung pinipigilan siya ni Dess.

Pinulot ko ito, puno na ito ng alikabok, pero ang bangu-bango parin. Agad ko itong ibinulsa.

Sa wakas, sa pakiramdam ko’y isang mahalagang parte na ni Lucille ang napasaakin.

Lumabas ako ng classroom, at nag-cutting sa MAPEH 4.

*

Pagtuntong ko sa bukana ng classroom, binati ako ng adviser ng section na nakatoka sa akin, napansin ko agad ang mgaganitong eksena:

 

Mga estudyanteng nagwawalis ng alikabok, may nagbubunot at nagf-floorwax.

Naka-pamewang si Ma’am, habang pasigaw na mianamandohan ang kawawang mga bata na balisa.

Agad may lumapit sa aking estudyante, at binuhat ang karga kong mga gamit.

“O sige, pwede ka nang mag-klase.”

Tahimik ang mga estudyante, habang pinagmamasdan nila ako na nasa gitna.

Pagbigkas ko ng “Good Morning.”

Automatic na nagtayuan ang mga bata, at sabay-sabay na nagwika ng:

“Guuud Morning Ser…”

Patong ang kanang kamay sadibdib, parang magb-Bayang Magiliw.

Nag-bow at may pahabol pang :

“Mabuhay!”

Fuck! Ano ito? Nawindang ako dun. Naramdaman ko ang kaluluwa ni Ma’am na bagaman ay buhay pa at nasa coma, ay gumagala sa “Ma’am Cheng” Bldg.

*

Buti nalang at hindi ako bastusin sa klase. Kasi, kung lalampa lampa ako o kaya ay utu-uto, malamang ay dumikit nasa akinag tawag na “Michael Utot.”, pero tang-ina, di talaga dapat dumikt sa akin yung bansag na iyon, dahil putang ina, wala naman akong kasalanan.

Kung alam ko lang, malamang si Sammy yung umutot.

“Ano naman ang ginawa mo anak?”

“Napagbintangan po akong umutot.”

Hindi malaman ng ermats ko kung matatawa ba siya o magagalit, pero natural na iyo. Nakakahiya yata ang paratang sa akin.

“Anak, di mo na inisip ang kahihiyan natin.”

“Maaa…Wala nga akong kasalanan.”

*

“Bakit palakad-lakad ka Mike? May klase tayo di ba? Anong sabi ni Ma’am?”

*

Sabi ng CT ko dapat daw maging ‘firm” ako.

Shit! May demo pa. Pinakita niya sa akin kung paano mamingot ng estudyanteng patayu-tayo at palakad lakad sa gitna ng klase.

Nawala ang apat na taong lecture tungkol sa”Dangerous Minds”, “Dead Poet’s Society” at “Mr. Holland’s Opus”, na diniscuss at dinkdik sa aming mga utak ng aming mga mahal na prof sa Educ1-7.

 

Iba ang Theory….Iba ang Application.

*

“Buong Taon, wala na ayong ginawa kundi ang maghapi-hapi, dalawang linggo na lang at peryodikal niyo na! Pagbumagsak kayo, di kayo ga-gradweyt! At di ako manghihinayang na ibagsak ang mga katulad niyo!”

 

Eto na naman ang sermon ni Ma’am, tahimikang buong klase, pero walang nakikinig. Sawang-sawa na kasi ang mga tenga namin sa ganitong mga dialogue, kung kaya’t ayaw nang rumehistrosa mga utak namin ang mga dakdak ni Ma’am.

 

“Hoy! Ikaw Ned, bagsak kana sa summative, mag-aral aral ka at aba! Aba! Aba! Binibining Lucille na ubod ng maldita, subukan mo lang na mag-inarte uli, at baka gusto mongdi ka na makatuntongsa klaseng ito, Dalaga na e antukin pa!”

 

Napayuko si Lucille sa sobrang pagkapahiya. Buti na alng tahimik ang klase at walang bungisngis o bumulong man langsa takot na mapag-initan ni Ma’am.

 

Sobra na talaga si Ma’am, di niya ba titigilan si Lucille?

 

Pulang-pula na si Lucille, nakatungo, nagpipigil ng emosyon—awang awa ako sa kaniya, gusto ko siyang lapitan, akapin at paiyakin sa aking balikat, habang pinapatahan at hinihimas-himas ang makintab na buhok…”At ikaw naman Michael, tulala ka na naman? Gusto mo bang palayasin na kita?”

 

 

(The next parts are under revision and editing kasi supot at ang pangit. Kaya skip tayo ng mga apat na chapter….)

 

 

 

 

Mula sa ibang chapter ng Lesson 3….

 

“Tumahimik kayo!!! Mga putang ina niyo! Ang mga asal niyo!! Hindi kayo marunong makisama!! Sa tingin niyo ba madali itong ginagawa ko?! Puta!”

 

Blag!

 

Tumaob ang upuan matapos ko itong tadyakan. Sobrang galit na ako!

Tulala ang mgaestudyante, putang ina nilang lahat, kailangan pa bang murahin sila at gumawa ng eksena ang guro bago sila magpakaayos?

 

“Hoy! Ano yang tinatawa-tawa mo?”

“Sir, siya po kasi e. Siya po o.”

“Ano? Mangangatuwiran ka pa? Gago ka ha! Isa-Dalawa… Hindi ka lalabas?”

 

Putang ina!! Ano ba naman ito? Nakakainis, pa’no ko ba ih-handleang sitwasyong ito?

Nakakainis, ngayon pa nag-absent ang Ctko. Gusto ko nang manapak, manadyak, manuntok.

Mike…Mga bata yan. Cool down, hindi ka si Ma’am Cheng.

 

Kani-kanina lang ang ayos ng pasok ko, unang klase ko sa umaga. Pagpasok kosa pinto, binati agad ako ng mga papel na nagkalat sa sahig, magugulong bangko at ang sabay-sabay at sala-salabat na tinig at atungal ng mga munting halimaw nanakapaligid sa akin.

 

“Good Morning.”, no fucking reaction, tuloy ang tawaran sa palengke at bentahan ng DVD sa Raon at sa Poquiaps.

“Good Morning. Are you ready to start?”, no reaction, tuloy ang mob sa Mendiola at prayer meeting ng El Shaddai.

Tok! Tok! Tok!

Pinukpok ko ng patpat ang mesa upang makuha ang atensiyon ng mga bata, pero tuloy parin ang islaman sa Pulp Freakshow.

 

“Class! Please Keep Quiet!!”

 

May nagbabatuhan ng papel. Bungisngis. Ngawa. May nagpupulbos ng mukha, may palabas-labas ng kuwarto. Hagikhikan. Nararamdaman ko naang pisi ng aking katinuan na unti-unti ng bumibigay. Toktoktok!!!!!

Kinatok kong muliang mesa.

‘Tahimik!”, Saglit na tumahimik..”

“Turn your book on page 40..”, tumalikod ako upang isulat sa pisara ang topic namin para sa araw na iyon, nakarinig nanaman ako ng bulungan, at sa mga ganitong uri ng classroom ang isang simpleng bungisngis ay tulad ng isang maliit na crack sa dingding ng nuclear reactor na sa isang maliit na sirit ay biglang nagkaka-chain reaction—na bigla nalang SUMASABOG!

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ang ingay!!!!!!!!!!!!!!

Ang hirap manaway; gusto ko nang sumabog. Timpi.Timpi.Timpi.Timpi.

Mike, hinga ka ng malalim…Hinga…Hinga…Plok.

 

Tinamaan ako ng nakalamukos na papel sa mukha.

“Ano ba!!!”, nagtaas ako ng daliring naka-fuck you.

Natahimik ang lahat… Tulala.

“Ito kayong lahat!”

“Sir, masama yan!” , bulong ng isang kupal.

“Sa tingin niyo, anong mas masama? Yang mga asal niyo o ito? Mga walang hiya kayo, mga kupal!”

 

Shock silang lahat. Nagdilim ang paningin ko.

 

After five minutes, maingay nanaman ang klase.

*

Umiyak lang ako nang umiyak nung mga oras na iyon. Puta!!! Anak ng puta!! Hindi pa ako nanliligaw basted na ako… Shit!! Ang laki kong gago. Teka…Wala naman akong maling nasabi. Pero ang sakit.

Daig ko pa ang namatayan.

Wala na siya.

*

“Everything was beautiful and nothing hurt.”, sa’n ko nga ba nabasa ang mga linyang iyon? Sa “Slaughter House 5” ba ni Vonnegut? Ewan, ah ewan..

Hindi ko alam kung bakit biglang sumulpot ang mga linyang iyon sa aking isipan ng mga oras na yun.

Sige, magbatuhan kayo! Mag-ingay kayo! Magwala kayo! Huwag niyo kong galangin mga mutherfuckers!

 

”Everything was beautiful…

 

Wow, kung kukunan mo ako ng larawan, aakalain mong isa akong reporter sa gitna ng engkwentro sa giyera sa Iraq. Nanginginig na ako sa matinding galit at pagkamuhi.

Timpi.

Timpi.

*SORRY, UNDER REVISION*

‘Di kinaya ng mga sigaw ko ang sabay-sabay na koro ng mga bullshit na bunganga.

 

…and nothing hurt.”

 

 

 

 

(The next parts are under revision and editing kasi supot at di sumusunod sa logical flow. May mga 6 o pitong chapter na di ako sinama dito, inaayos ko pa, not to mention the fact na unfinished parin ang shit na to as of the moment. Di pa nap-proofread ito)

 

 

note:

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro na nagtapos ng BSE-English sa PNU.

Nagwagi na siya ng Genoveva Edroza-Matute award, at bagamat di niya trip ang "Kuwento ni Mabuti" ni Ma'am, ay lubos niya parin itong hinahangaan at rinerespeto.

Si j.luna din ay kumatawan sa NCR para sa essay writing sa isang contest ng Philippine Assoc of State Universities and Colleges nung nasa kolehiyo pa siya. Nung araw ng pambansang patimpalak ay lasing si j.luna, at di niya alam kung ano ang pinagsusulat niya at tinalo ang NCR ng mga taga ibang region..Okay lang, nagastusan naman siya ng eskuwelahan at may allowance pa.

 

Ang storyang ito ay isinulat ng unang bahagi ng 2006, nung siya ay nagtuturo pa sa isang pampublikong paaralan. Subalit di na naituloy ang proyektong ito nung siya ay nagpokus sa trabaho...

 

Mula ng gitna ng 2006-unang bahagi ng 2008, nagkaroon ng mahabang writer's block si j.luna at ang proyektong ito ay nabaon sa limot. Malamang ito ay dahil tumigil siya sa pagm-marijuana nung mga panahong iyon dahil laging may drug test sa dati niyang shit job.

Paminsan-minsan ay jumajamming siya sa bandang the Brockas, at dito niya nakilala si Cyco Brocka na kasalukuyang pinakamabangis na manunulat sa wikang Filipino sa bansa (sa prose ha).

Si j.luna ay isa ring UG na graffiti writer. Ang avatar niya ay isa sa kanyang mga likha na kanyang itinag sa Cavite.

Si j.luna ay agnostic at naghahanap ng mabait na girlfriend na masasakyan ang trip niya sa buhay.

Sa ngayon si j.luna ay isang writing instructor, binabayaran siya upang laiitin at lagyan ng kumento ang mga essay at thesis na pinapadala sa kanilang opisina.

 

Ang mga impluwensiya ni j.luna sa pagsulat ay sila Don Delillo, Faulkner at Edgardo Reyes. Wala pa siyang nababasa sa mga gawa ni Bob Ong (At wala siyang balak.)

 

 

eto nga pala ang larawan ng limang dakilang guro:

 

 

j.luna

j luna's picture

Damn...

Tinatamad akong magproofread ha.

jonsdmur's picture

Magaling! Magaling!

Magaling! Magaling! Magaling!

Salamat po sa pag-share...

Jonsdmur

j luna's picture

Salamat po sa orasat pagbasa.

Wasak,binasa mo?

Naka-draft yan sa isang notebook. Tapos naisipan ko lang i-encode ngayon. Akala ko ilang page lang, ang haba na pala ng nasulat ko dati.

Ang haba, tinype ko nalang yung mga kaya kong i-type, andaming mga nabago. Pero di ko pa ito binabasa uli, sumakit lang ang ulo ko e.

jonsdmur's picture

Nasa kalagitnaan pa lamang

Nasa kalagitnaan pa lamang po ako... At very satisfied ako... gusto ko ang writing style ninyo....

Godbless

j luna's picture

Salamat po.

Nahirapan lang ako sa non linear. Minsan kasi, di nagm-match sa sinusundan yung karugtong, kaya back and fourth na scanning and re-reading habang sinusulat.Tinamad tuloy ako.

May isa pa ako, multi narrative na non-linear din. Puro first person bawat paragraph. Di ko namaintain ang flow kaya inabandon ko.

Yun sana ang ip-post ko kasi yun halos natapos ko, pero ang haba nun. hehe...Salamat talaga ng marami sa pagbasa.

Pmel's picture

Taking me a while to finish this ... D:

But here allow me a comment:

Quote:
Bad trip, nahuli ni Ma’am ang paghikab ni Lucille.

Pinatayo siya ni Ma’am sa silya at pinakanta.

Namula sa hiya si Lucille, at tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang umaawit siya ng kanta ni Regine Velasquez.

*Sinasabayan ko ang galaw ng labi ni Lucille.

Iniimagine ko na hinahalikan ko ang labing iyon. Tinatabingan ko nghand-out ang mukha ko para hindi Makita ni Ma’am kung sa’n ako nakatingin.

*

“Nakakaawa naman si Ma’am.”,

wika ni Abbey, habang pinagmamasdan naming ang gulay na maraming nakatarak na tubo at aparato sa katawan.

Ewan ko kung bakit sa kadami-daming p’wedeng pumasok sa utak ko, iyon pang sinabi sa akin dati ni Lou ang naisip ko…

“Virgin pa yang si Ma’am.”

 

 

I took school here in the Philippines from kindergarten to Second Grade ... when I was in First Grade, when half of our class didn't do their homework, ALL of us, boys and girls, had to stand on the top of our tables, drop our skirts and pants and stand in our underwears in front of our teacher. It was humiliating.

What I didn't understand is, WHY my classmates were giggling like crazy, thinking it all for fun? The girls enjoyed it and the boys whistled at their panties with frills and hearts all over it.

 

*shakes head*

 

Added: It's because the teacher kept doing it that I started wearing shorts under my skirts ... but even then she made me pull that down ... so ... I had to go without. That way, I knew she'd have no choice but to let me keep my boxers ... go figure. 

 

I hated that part of my past. It's just so ... so ... stupid. D: 

 

j luna's picture

Huh?!

What school?

Fuck!That is child abuse.

No one is allowed or has the right to make a person strip or to humiliate a person in public. It is a violation of human rights.

Think about what it will do to the minds of the kids.

Even cutting someone's hair without his or her consent.

There is a thin line between authority and abuse and what they did to your class is definitely a crime.

j luna's picture

sick and disturbing

Kung sa states yan na CNN na sila at magkakaroon pa ng hearing yan...At makukulong pa sila.

Pmel's picture

My point exactly!

It IS sick and disturbing. My classmate, he was thrown a chalk to his mouth cause he kept talking while the teacher was speaking. I mean, it's the old times ... I don't know how different it is from the modern times ... but from the way you speak of the school curriculum, it seems that nothing has changed.

Teaching methods, curicculums, etc, needs improvements in public schools. I mean, strict methods like making you sit with books on your heads and stuff should be reserved to delinquents and not honest students. Just saying.

 

That old school is now gone, by the way, but the memory of it stays with me ... I can't shake it off.

j luna's picture

Sick and really disturbing.

Old school or new school...Child abuse is never justifiable.

Rom's picture

squatting

 

may classmate ako nung grade 4 ako, pina squat ng teacher ko in front of the class tapos hinubaran ng short pants as in wala pati brief. after the class pagka suot ng short niya tumakbo palabas ng room ang kaklase ko. di na nagpakita ulit. di na nag-aral iniwan sa school ang mga gamit.

tuwing makakasalubong ko siya sa street namin nagtatago. hiyang-hiya. hanggang nagtapos ako ng high-school at nakapag college hindi na nagpatuloy ng pag-aaral ang kaklase kong yun. 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Grabe yun.

Di lang psychological torture yun, may halo pang harassment ang dating sa bata. Traumatic yun. Tsktsktsk.

j luna's picture

By the way...

I forgot to thank you for the time and everything, I'm so happy that you took the effort to read this very messy draft.

Thanks so much, I appreciate it.

nikol's picture

...

pasingit.

 

mga estudyante ngayon, umiinom pa lang ng tiki-tiki may dugong aktibista na. di na uso pang-aapi "sa amin" ngayon kasi mahilig kami magreklamo. unahan lang yan sa pananakot.

 

london beckoned songs for money written by machines

Pmel's picture

What's a tiki-tiki?

I'm not much of a cocktail drinker ... unless it's godiva chocolate mixed drink. :3

 

 

 

 

 

What do you mean by, "unahan sa pananakot"?

j luna's picture

Unahan ng pananakot

United American Tikitiki...Pampalusog ng iyong baby. United american Tiki Tiki

j luna's picture

Supot ang Tikitiki

Chongki nalang...May sense pa.

Tantizm's picture

Anong batch ka grumadweyt

Anong batch ka grumadweyt sa PNU? 
 
PNU graduate din kc ako 
j luna's picture

2006..late na ko nag-college

2006..late na ko nag-college e.

Rom's picture

oks!

 Bro, gusto ko yung style ng pagkakalahad mo. patalon-talon kahit mabalahibo pa ito oks naman. di naman nawawala ang continuity kahit na non-linear siya. Gusto ko ang mala-pulp fiction na dating ng entrada ng bawat eksena, kahit rambol ang character naipapakilala pa rin hanggang makarating sa "dapat ay umpisa."

naisip ko nga ganito dapat ang treatment sa mga kwento kasi ngayon lang ulit ako nagbasa ng kwento kahit na araw-araw akong naka log-in dito sa FW (pwera lang kung mahina ang signal ng Globe broadband ko) ngayon lang ako pumirmi ng may halos isang oras na pagbabasa sa gawa mo, o sa mga kwento dito.

mahina kasi ang attention span ko, kadalasan comment lang binabasa ko at nakiki-ride on lang sa mga kumento. anyway, malagkit ang kwento mo parang suman, nadikit ako at nakikain ng konti.

mukhang gusto kong abangan yung parte na may matinding conflict na at makita kung paano ang treatment na ginawa mo. ganito rin ba? o may iba pa? epektib kaya ang ganito hanggang huli? sanay ako sa paggawa ng kwentong ibinubuhos mula bunganga hanggang makarating sa sikmura hanggang iihi sa inidoro. pero nakakasawa ang gayon. refreshing ang ganito kahit ginamit na din ng ilang manunulat ito, dangan nga lang iilan lang ang gumagawa ng ganito dito.

sige bro, abang-abang na lang ako sa susunod. galing! 

 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Salamat po.

Yup, halos lahat ng ginawa ko ay ganito ang style. Pero ito lang ang nagfocus talaga sa style na isa lang ang story teller.
Intertwined ang 4 na time frame dito.
Highschool, college, practicum at yung panahong nagf-flashback nalang sa narrator ang nangyari.

NAhirapan lang ako dun sa kung pano paghihiwalayin ang flash back at yung actual na nangyayari.

Salamat po sa sa pagbabasa.

Nung-iniiencode ko ito kahapon ang daming oks sana na parte, pero kelangan pa talagang ayusin kasi sa dami ng erasure at lapses, di ko na alam kung paano gagawin ko. Parang puzzle, kelangan maayos ko muna ang mga luma kong natapos na parte, bago ko gawin ang mga susunod.

j luna's picture

Oks.

Idol ko rin si Tarantino, malaki din ang nagawa sa consciousness ko ang "reservoir dogs" at "pulp fiction."

Rom's picture

fan din ako ni QT

 

hehe...pareho pla tayo bro, fan ako ni tarantino gusto ko ang mga character niya sa mga pelikula nya--pulp fiction, hostel 1 & 2 kahit yung portyaral niya as psycho killer sa from dusk till dawn.

ang ugali ko kasi pag nagbabasa lalo na ng libro tumatalon ako, binubuklat ko ang susunod na page kahit di pa tapos ang una, o kaya sinisilip ko ending--mainipin ako. sa ganitong treatment binibigyan ka ng glimpse na wala naman dun. dynamic ang pagbabasa, multi-frame nga. parang di binibigyan ng pagkakataon ang utak mo na humulagpos sa istorya, dumadami ang curiosity na kailangan i satisfy ng patuloy na pagbasa. ewan, may ADHD ata ako hehe.

nice one! 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Hehehe..

Tsaka mga pinoy ang idol ni Tarantino.
Influence niya ang films ni Bobby Suarez at Eddie Romero.
BAsically si Suarez, dahil sa Weng weng at Cleopatra Wong B-movies niya.

Kasalukuyan ding nagr-research si Tarantino ng tungkol sa kasaysayan ng pelikula sa pilipinas.

Ang major conflict dito ay yung sick na nangyari kay Bb.Cheng kung paano siya nalumpo. Gusto ko splatterpunk o kaya Tarantino ang treatment, yung kahit gaano ka-gross may black humor pa rin at justifiable ang tragedy dahil naa-outweigh ito ng causes (ex. justifiable ang violence sa Pulp Fiction dahil mas maraming lives na nasave kesa sa namatay etc. etc.).

Rom's picture

briefcase

 

totoo yun? ngayon ko lang ata nalaman ang trivia na yan tungkol kay tarantino. 

pre baka alam mo ito, ano ba talaga ang laman ng attache case ni Marcellus na binuksan ni Vince (Travolta) dun sa Pulp Fiction? nagliwanag nung buksan niya e tapos di na ulit nalaman kung ano ba talaga yun. may kinalaman ito sa pagbabago ng ugali ng mga tauhan e lalo na si Jules (Samuel jackson). 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

Parang gold diba?

Di rinereveal ni Tarantino ang laman nun. Yung ang ginamit nilang style para may air of mystery ang storya.

Yung shot ng adrenaline na pang-counter sa OD ng coke, di totoo yun, fictional yun.

Sa reservoir dogs naman may joke.

Yung eksena na may dalang labaha sa medyas yung isang character (yung ginamit niya sa pag-torture sa pulis). Absurd daw yun, kasi sino bang tao sa tunay na buhay ang magdadala ng labaha sa medyas.

Iba mag-isip si Tarantino...Tsaka yung mga tropa niya sa Grindhouse

Search mo yung film ni Takashi Miike na Sukiyaki Western Django.
Wasak ang role ni Tarantino sa opening ng film.

Rom's picture

  tingin ko hindi gold yun

 

tingin ko hindi gold yun kasi mabigat ang gold at wala sa character ni vince na mabigat ang binubuhat niya habang dala-dala yung briefcase.

cge search ko si takashi miike

salamat pre 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

j luna's picture

hehe.

Oo nga no.
Kahit sa audio-commentary kasi at sa mga info tungkol sa film di talaga nila ito rinereveal. Wasak talaga ang utak ni Tarantino. Ang galing.

j luna's picture

Hmmmmmmmmm...

Hindi kaya bumbilya ang laman nun? Umiilaw pag binubuksan ang lalagyan? nung '90s ko pa iniisip ang laman nun di ko parin magets kung ano yun.

j luna's picture

Baka eto ang laman nun.

nardo

anakngfaraon's picture

movie

out-of-sequence, parang "Eternal Sunshine of the Spotless Mind" ang dating.

 ayos!

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

j luna's picture

Salamat po.

Pagnatapos ito, saka mahuhuli ng reader ang sequence. Pero, balak ko ring pasukan ng mga parteng may-dead end o walang pupuntahan. Kung baga mga traps na relevant sa storyline pero labas sa story line.

Pero, mental block ako as of the moment.

Salamat po ng marami sa pagbabasa at sa comment.

Salamat.

meanmissy's picture

gusto ko po...

gusto ko po ang style ng ganitong pagsusulat para sa mga nababasa kong mga pocketbook..kasi yun pong ordinary way of writing nalalaman ko na po ang nagiging kalalabasan, at least ito parang may variety....

i also enjoy reading your works, am just a silent reader here in FW

 

thanks po! 

 

 

  

for business opportunities, please visit

http://tinymall.blogspot.com/ 

http://www.technoconvergingzone.com/ 

 

j luna's picture

salamat po.

Salamat po ng marami.

Compare nalang po natin ang story sa vase na pag-binasag. Kahit basag na, vase pa rin, pero distorted na. Parang cubist na painting, pero hindi.

Malaki rin po kasing influence sakin nung panahong sinusulat ko ang istorya si Robert Coover, na sobrang distorted na ang story (Parang pagpalipat-lipat ka ng channel sa TV).

Salamat po.

j luna's picture

Sana..

Sana makita rin ng dear readers ang expose nang education system sa kathang ito. Lahat ng binabanggit ko na scenario ay nakita ko nang nangyari nung nasa bullshit dep ed system pa ko.

JC Romualdo's picture

maganda..may K po talaga

maganda..may K po talaga kayo..

hahaha..

j luna's picture

Salamat po ng marami.

Salamat po ng maraming marami. Hindi po K...W po.

Wasak. Merry Wasakmas.

anakngfaraon's picture

wasak

mula nang matutunan ko ang ibig sabihin mo ng WASAK, ay di na maalis ang kawasakang ito sa isip ko.....

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

j luna's picture

Wasak..Pinagmulan ng Kataga...

"Wasak na Wasak"
-Lourd Ernest Deveyra, Radioactive Sago Project.

Tomato Kick isang sabado ng gabi...

j.luna: Khavn, tinatanong ni Joel kung san nanggaling ang wasak.

Joel Garduce: Oo nga.

Khavn Dela Cruz: Kay Corazon De Jesus.

j.luna: Di nga, bakit? hehehe.

Joel G.: (Puzzled)

Khavn Dela Cruz: Kasi wasak, winasak, devastated.

j.luna: (puzzled na rin)Huh?

Khavn: Tsaka sinabi ng Salbakutah, "Wasak na Wasak ang puso ni Nasty Mack."

-Wasak-

anakngfaraon's picture

RSP

yung sa RSP ang orihinal na konsepto sa utak ko ng wasak dahil sa malupit nilang music video ng Wasak na Wasak.  akala ko nga noon ay qino-quote mo lang ang kantang iyon.

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

j luna's picture

Wasak na Wasak..

Maaaring isa sa mga ito ang suspect sa term na iyon:

Si Lourd at Francis ng RSP, mga The Brockas (Khavn, Roxlee, Norman Wilwayco,Lav Diaz, John Torres, Tengal Drilon), mga indiesine at yung mga wasak sa mag:net at papaya.

Isang misteryo yun kahit kanino mo itanong .
Ewan ko, basta wasak.

j luna's picture

FESTIVAL NG WASAK

baka itong link na ito makatulong:

Fete-Dela-Wasaque

http://www.wasakfete.tk

spike_west's picture

Nicely Done!!

Mukhang batikan ka sa pagsusulat ah. Tulad ni Rom medyo short lang din ang attention span ko at hindi ako matyaga lalo na sa pagbabasa pero napabasa din ako sa isinulat mo. Kung di ko pa nakita yung magagandang review tungkol sa isinulat mo eh di ko talaga babasahin (mahaba kasi eh).

Ang style ng pagsulat mo ay parang pagfafast forward ng isang kwento. Kahit patalon talon ang bawat tagpo, mauunawaan pa rin ng mambabasa. Kalimitan gumagamit ka ng isang sentence lang sa paglalarawan, at kahit maiksi sapat na iyon para maisalarawan sa imahinasyon ng mga mambabasa ang istorya. Magaling bro, talagang bihasa ka sa larangang ito.

Bro napasali ka pala sa PASUC, galing din kasi ako sa isang state university eh, gusto ko sanang sumali dun kaso di ko naman nabalitaan yan na may pacontest para sa pagsusulat.

Ingat bro,

Spike

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

j luna's picture

Second Art Churva ng Pasuc

PASUC meet yun '04.

Di naman ako sumusulat ng essay, pero sumali ako sa school namin para excuse ako sa exam.

Ako nanalo sa school, tapos nilaban ako sa inter NCR, libre pakain, kaya sige go! sali parin.

Nung nanalo sa inter NCR, wasak pinadala kami sa Ilo-ilo, kasama ang mga Dance Troupe at mga Chorale.

Ako lang ang walang naiuwing trophy, pero sulit tagal ko nang gustong pakinabangan at perahan ang normal e. Libre gala, food tripo at ang dami pang chicks.

Pero, bad trip ako sa PNU, kahit debate team pa ako, o kung san san nila ako pinapadala, gustong-gusto parin akong ipa-kick out ni Rosas, buti di nila ko nahanapan ng butas, kundi di sana ako gagradweyt.

Salamat pare sa pagbabasa ng storya.
Yan din ang reason kung bakit mahilig ako magsulat ng mga 1 sentence na storya. Pinapractice ko kasi ang pinakamaigsing paraan na pwede kang maglagay ng pinakamaraming detalye.

Sayang lang talaga di ko naituloy ang proyektong ito. Mukhang matatagalan pa bago ito matapos.

j luna's picture

May dalawa pa.

May isa pa akong ganito..

Isang maiksing short story na nakapokus sa isang event lang pero non linear din.(Kasing haba lang ng karaniwan kong short story)

At isang parang ganito din, pero tungkol sa college angst.
Multi-narrative (1st person ng iba't ibang character,narrator na character din at may third person.) non-linear , tapos may one act play pa sa gitna. Nahirapan ako dun kahit halos kalahati na natapos ko. As in na-drain ako, then nung nagsulat uli ako tinabi ko na yun at sinulat ko na ang "Ang Kuwento Ni Masungit"

Salamat po.

Baka mangyari nalang dito, gayahin ko nalang si Kafka. Puro unfinished ang nobela niya pero swak.

j luna's picture

WASAK!!!

MERRY WASAKMAS sa lahat ng Nagbasa...WASAK! WSQ!! WASAQUE!

spike_west's picture

Non linear

 Yup, narinig ko na rin ang non linear writing na tinatawag, uhmmm si Bob Ong meron din syang nung non linear style na yan sa sinulat nya. Tungkol naman sa multi narrative ,medyo risky kasi yun, baka mag sama sama ang mga karakter, at malito ang nambabasa most especially kung kasama sa character ang narrator.

Maganda yung sinusubukan mo pa ang ibang uri pa ng pagsusulat, ako rin medyo nageexplore din ako kung paano ako makakalikha ng sariling kong style ng pagsusulat. Dapat hindi yung conventional.

Aabangan ko yung sususunod. Tulad din ng tula mo WASAK NA WASAK, medyo modern na kasi yung tula mo eh, saka parang pasigaw ang bawat letra ng tula, yung tipong "ITO ANG DAMDAMIN KO, BAHALA KAYO KUNG TATANGGAPIN NYO".

Hindi ko forte ang maikling kwento mas okay ako sa sanaysay.

WASAK NA WASAK KA BRO. ASTIGG

Ingat

Spike

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

meanmissy's picture

gusto ko...

mas gusto ko ang non-linear, mas naappreciate ko ang pagsusulat ng isang author, though alam ko sa part nang manunulat mahirap gawin yun kasi posibleng mawala sa train of thought ang pagsusulat..

 

thanks po! 

 

for business opportunities, please visit

http://tinymall.blogspot.com/ 

http://www.technoconvergingzone.com/

 

j luna's picture

Mahirap nga siya

kelangan kasing magmulti task.habang sinusulat mo binabasa mo rin. lalo na pag nagiinterweave ka ng dalawa o higit pang istorya.

Salamat po.

j luna's picture

Yun ang challenge

For example sa multi-narrative style ni Faulkner sa "The Sound and The Fury", hindi niya rinereveal kung sino ang speaker, malalaman mo lang kung kanino ang point of view sa bawat chapter sa paghuli ng character ng nagsasalita, o sa mga hint mula sa ibang chapter o sa mga sinasabi ng ibang speaker.

Di ako nagbabasa ng Bob Ong e.

Sa Nonlinear, masyadong 1960's pa ang style pero wasak kasi parang napaka-fresh para sa mga pinoy ang concept na ito.

Kay Vonnegut nga, di lang non-linear, simultaneous pang nangyayari ang lahat ng event.