Akala ko LOVE!

PinkCath's picture

4 months na ako sa Oman, ang bilis ng oras parang kasing bilis ng MRT tren na na-mi-miss ko ng sakyan.

Malungkot pa rin, hindi talaga ako sanay na nag-iisa at walang ibang makasama kundi mga Local. Ang hirap pa, hirap nila kausap limitted na nga lang ang good english ko in two minutes, bagal pa nila maka-getz. Need ko tuloy magdagdag ng ilan pang minutes... hay! more, more, more practice.

Nag aral naman ako ng Arabic pero bawal naman kausapin ang mga students ng Arabic, dapat english, Dapat English! hindi nga sila gaanong marunong noon, kaya back to basic... english barok as what it was then nung nasa pinas pa ako't kausap ang mga students ko sa public high school (teacher ako ng IT). 

Oooooops, 32 na pala ako di ko namalayan, kakatapos lang ng birthday ko. At this time daw dapat double na ako. Bakit kasi may ganung rule pag age 30+ kana dapat may dyowa, dapat may papa, dapat may ka-relationship, our dapat may asawa na... What to Do?

What to do? laging tanong ng mga students dito pag di nila gaanong na iintindihan ang lesson (kailan ba nila naintindihan?). What's the matter for this? tanong naman nila pag di maka-connect sa internet! What's the matter with them? kung di lang dahil sa dami ng umaasa sa akin sa pinas, nag tyaga nalang sana ako sa 11K na sahud ko. kapalit nga naman ng 60K na sahod dito.

Ano nga ba topic ko kung ba't ko ito naisulat? scrool up, Akala ko LOVE!

May kweto nga pala ako, kaya ako nag log-in sa FW after a long week of absence. May seminar kasi at the same time wala talaga ako maisulat, di naman ako writer di tulad ni Sir Lemmor na mahilig talaga gumawa ng tula at kwento... pati ba naman tae ng Camel may story, may poem!

anywayz and round-about... may kasama ako dito sa work, lalaki as in... napapansin ko lagi nalang syang nakatingin sa akin pagnagkakasabay kami kumain sa canteen. Until finally na introduce kami sa isa't isa. tukso dito, tukso doon. Bagay daw kami, sa laki daw ng Pilipinas sa malayong lugar pa daw kami mag-kikita. Kaya para daw talaga kami sa isa't-isa, sabi nila.  Dalagang dala kasi ako at binata sya. Pa hard to get kunti, di dapat pahalata na pwede na sya sa panglasa ko, ako pa ba ang pipili binata naman sya, may trabaho pa. 

Okey naman ang aming working-relationship, masaya lang at least may kunti akong ngiti sa malungkot na work and place... lagi nalang syang tumitingin sa akin pero ayaw naman magsalita. Ako na kaya ang manligaw, pwede kaya?

Mahiyain kasi sya parang takot sa babae, sa isip-isip ko sana naman Lord di sya Gay. 2 years ang contract ko dito, matatagalan pa akong makahanap ng iba kong basyo pa ang lalaking ito. Kaya kong may pagkakataong magkalapit o magkasama kami move na ako, ako ang unang babati, ako ang unang kakausap. Kung sa bagay nasa Oman naman kami dito kung lalaki ka dapat kausapin o batiin ka muna ng babae bago mo sya pwede batiin o kausapin. "When in Oman do what the Omani do... ika nga" lusot #1

Lately naging malapit naman kami (Sucess!). Minsan nag-yayaya rin syang mamasyal o kumain sa labas at syempre ang Papa John's pizza ang favorite ko doon nya ako unang niyaya kumain, Monday noon kasi buy 1 take 1 ang pizza! hahahaha

Last monday nga nandun na naman kami, kumakain kami ng pizza ng tumitig sya sa akin ng ubod tamis, para bang may sasabihin. Parang gusto na nyang mag-tapat ng Pag-ibig. Pwede, 14 noon date ni kupido... hay! parang gusto na nyang magsalita, sa sobrang excitement mapapaihi pa ata ako. (excuse me ha cr lang ako, pa cute na sinabi) sa cr, ayos to death, memorable dapat diba? maganda dapat moment ko na to!

Pagbalik ko sa upuan... "Cath" sabi nya "Yes?" sagot ko.

"Cath may sasabihin sana ako sayo..." (nakikinig mode, close kunti ang eyes)

"nakakahiya man, baka pwede ako makahiram ng kahit 50rials* sa sahud may malaki-laki lang kasing babayaran sa pinas. Kung pwede lang naman"

"OO ba, ikaw pa! ("parusa!" bulong ito)" sagot ko.

"Thank you Cath ha!" sabay ngiti sa akin... ganting ngiti mode naman ako...

PakSyet! Akala ko LOVE!

*computation 50 rials x 113 pesos = Php 5, 650.00


Lemmor Setneuf's picture

si C ba ito o si N?

 sino sa dalawa? bakit di ko to alam?

"di tulad ni Sir Lemmor na mahilig talaga gumawa ng tula at kwento... pati ba naman tae ng Camel may story, may poem!"

 ano naman ito? wag mo akong ibuko, matitino lang post ko dito.... harharharhar... at please Lemmor nalang wag na lagyan ng sir, kaya tayo na pagsasabihan ng mga canadian at australian na kasama natin dito sa trabaho na tayong mga pinoy laging general ang tawag sa isa't-isa di personal...

Musta musta nalang... di na gaanong maka-gimik, dito na si mrs!

 

 

"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

-Lemmor-

Lemmor Setneuf's picture

aga pa!

at sabay pa tayo on-line sa FW... kung sabagay wala gaano gawa ngayon, midterm exam kasi... Dinner sa hauz wednesday, may licence na! 

 

"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

-Lemmor-

PinkCath's picture

okie

 mali ka dun sir. si S po ung, si Secret :)

hirap kasi tawag ng name lang sa bossing. hehehehe

punta kami sa wed, yahoo may car ka na nyan license driver ka na.

gawing chat room daw ba ang FW, bakit kasi wala tayo YM pati FB after office hours lang pwede gamitin? hayz.

 

 

simpleng pinkCath lang po!

Jason D. Lasconia's picture

 SAMPLE:  1.May kweto nga

 SAMPLE:

 1.May kweto nga pala ako,

2.May kweto nga pala ako,

MAY GANITO KA RIN PALA,

GANYAN BA ANG RIGHT GRAMMAR NA SINASABI MO!!??

WHAT TO DO..?? Foot in mouth

PinkCath's picture

HAHAHAHAHA!

Baka naman spelling ang gusto mong sabihin.... punahin...

Sorry di ko sya papalitan, para sumikat ka naman..... marami-rami din akong mali dito un lang ba nabasa mo... o iyon lang ang alam mo....

Pati ba naman sa pagpuna mali pa rin? Kuya sorry kung nasaling ko ang sugat mo, pero basahin mo sana ng maigi ang blog ko at tingnan kung sino ang pinatutungkulan... bago mag-react.

 

Hanggang sa muli....

 

simpleng pinkCath lang po!

 

simpleng pink cat ka lang?

simpleng pink cat ka lang? kung simple ka lang di ka sana nangingialam sa mga  sinusulat namin. Kung tunay kang writer di dapat mga paninira ang kinocomment mo. ikaw rin naman ay nag simula sa pagiging wrong grammar na writer di ka rin perfect. So mind your own F***** BUSINESS !!!!!!!!!!!!!

sinta isaac's picture

...

pareng dexter, kaya nandito ang site na ito ay para magtulungan na linangin ang kakayahan ng isang taong may hilig sa pagsusulat, ang problema kasi sa mga pinopost ninyo na My life on paper ay isang senyales ng hindi ninyo pagbibigay respeto sa site na ito. Sa panunuri at pagbibigay ng komento, pukpukan 'yan,pero hindi ibig sabihinay naninira na o sinisiraan na ang post mo,mag-ingat sana tayo sa mga term na ginagamit natin.

 

ano ang inaasahan ninyong i-komento namin samy life on paper n'yo? kung hindi lang isa, dalawa o tatlo ang may post na ganoon. Nakakainis kasi parang hindi ninyo ginagalang 'yung site. Bumira na lang kayo ng bumira na hindi ninyo man lang pinag-aralan kung anong klaseng environment ba mayroon ang site na ito.

 

mag-isip nga kayo. hindi na kayo bata para ipaliwanag pa sa inyo ang kaliit liitang detalye ng mga dahilan ng maraming "kung bakit."

 

 

 

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

PinkCath's picture

ang Heart mo Kuya Dexter...

Kuya Dexter dapat mong malaman na nag-post ka ng isang blog (assignmet) sa “world wide web” lahat ng tao na may access sa internet na alam ang site na FW ay mababasa ang gawa ninyo . natural lamang na mag react ang ilang mga narito dahil nga may nilabag kayo sa panuntunan ng mga gawang dapat ilagay sa site na ito. Ang masaklap pa sa lahat ng nag post ng gawang gaya ng gawa mo ay may mali. 

Alam mo kuya Dexter, December ng 2010 ko pa nakita ang site na ito pero February 2011 lang ako nagkalakas ng loob na mag register at gumawa ng blog dito. Ang dahilan ay pinag-aralan ko muna ang site at kung ano ang meron dito.

Kung babasahin mo lang sana ng maigi ang blog ko makikita mo kung ano ang tunay kong hangarin para dito. At isa pa wala ka nga sa sample ko, kung maka-react ka naman. Ikaw ba spokesperson nila, kasama si kuya Jason?

Nag comment ako sa gawa mo, nag-advice pa nga akong e-edit mo dahil on-line noon ang pulis pangkalawakan (Rom)... pero inalis mo ang post mo. 

Hindi sa pakikialam kuya Dexter, ito'y pagpuna lamang na sana ay bigyan mo ng positibong pananaw!

Basa ka uli kuya Dexter, wala kasi akong nabanggit na writer ako...

simpleng pinkCath lang po!

"Basa ka uli kuya Dexter,

"Basa ka uli kuya Dexter, wala kasi akong nabanggit na writer ako..."

->hindi ka pala isang magaling na writer eh bakit kung makapanglait ka sa mga posts namin ay parang ang galing2x mu na sa pagsusulat !!? 

 

" Alam mo kuya Dexter, December ng 2010 ko pa nakita ang site na ito pero February 2011 lang ako nagkalakas ng loob na mag register at gumawa ng blog dito. Ang dahilan ay pinag-aralan ko muna ang site at kung ano ang meron dito."

bakit pa ba namin pag-aaralan ang mga isinulat ng ibang mga members dito ..? ang iniisip lang naman namin ay ang makapag-submit lang sa mga asignatura namin ! kung alam lang namin na ganyan kapangit ang mga ugali nyo ay sana hindi nalang kami nag post dito ..!! ..sana respetuhin nyo naman kami ..hindi yong kung mka comment kaayo parang ang galing niyo ..napara bang kung sino kayo ..hindi naman sa hindi namin gustong mag comment kayo ..ang sa amin lang ..if u want to make a comment it should   be in a constructive way ..

 T.T

PinkCath's picture

Kathleen, Kathleen, Kathleen....

Una hindi ko nilalait ang gawa nyo, sinabi ko lang na may mali... inilagay ko ito bilang sample para lamang malaman ng magbabasa ng blog ko kung ano ang ibig kong sabihin....

Ate Kathleen, kung ikaw ay bibisita sa isang lugar o sa isang bahay hindi mo naman basta-basta magagawa ang gusto mo, dapat ay suriin mo o alamin man lang ang kalakaran ng lugar o bahay na iyong pupuntahan. Dahil kung hindi ka handa maaring ikapahamak mo ito. Dapat mo ring malaman na hindi ka rin maaring basta na lamang mag-kakalat sa isang tahahang iyong pinuntahan. 

Marahil nga'y di tayo magkakaintindihan sa usaping ito, dahil nga iba naman ang iyong gusto. Ipinapakita iyan ng comment mo.

Pakibasa uli ate baka naman makuha mo ang ibig kong sabihin.

 

simpleng pinkCath lang po!

sinta isaac's picture

...okay kath

 

Ipaliwanag mo muna sa akin kung ano ang pagkakaunawa mo sa constructive criticism at tsaka ko bibigyan ng ganyang klaseng komento ang very popular na MY LIFE ON PAPER ninyo.

 

 

Okay?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

SInta, issue pa rin pala until now ang mga "assignments" dito. Tsk tsk. Online ka na lang sa FB magbolahan na lang tayo. Matutuwa ka pa. hahahahha

 

@kay pink: ganda ng kwento, panalo yung rials,natawa talaga ako hahaha. Good Job

PinkCath's picture

Salamat Cassandra!

Salamat sa pagbasa... 100 rials nga napahiram ko last month... hahahahahaha

 

"Ang mag mahal nga ba'y ganito?" (kanta mode)

 

 

simpleng pinkCath lang po!