AKALA NILA AT HINDI NILA ALAM?

rose's picture

Akala nila Masaya ako, dahil lagi nila ako nakikita nakangiti

Akala nila wala akong problema " hindi kasi halata"

Akala nila marami akong pera, na isang hingi lang nila meron agad

Akala nila matapang ako, at akala nila kaya ko lahat gawin. 

Mataas ang tingin nila sa akin, akala nila perfekto ako

Akala nila lahat ng ginagawa ko tama, sa paningin nila

Ang hindi nila alam sa kanilang pag-aakala ay puro akala lang nila.

Hindi nila alam na sa kabila ng mga ngiti na yan ay may kalungkutan  

Hindi nila alam na minsan ay nagiging duwag ako,

Hindi nila alam na  hindi ko na maramdaman ang kaligayahan dahil manhid na ako .

Hindi nila alam na minsan mas maswerte sila dahil, May taong nagbibigay ng importansya sa kanila. 

Hindi nila alam, na marami akong hirap na nararanasan .

Hindi nila alam na hindi na nila ako kilala.

Hindi nila alam na hindi na ako ang dating ako.

Hindi nila alam na maraming takot sa dibdib ko .

Hindi nila alam na minsan nagiging mahina din ako.

Hindi nila alam na may takot din akong harapin ang magiging  buhay.

Hindi nila alam na kinakaya ko lahat para sa kanila.Alam kaya nila lahat ng bagay na iyan.? Hindi!.

 Dahil akala nila okey lang akoHindi na nila inaalam yan dahil alam nila , na nandito ako Para sa kanila.

Alam nila na hindi ko sila iiwan.

Dahil alam nila na gagawin ko lahat para sa kanila. 

Huwag na natin alamin , dahil kahit ako Hindi ko alam kung sino ako at ano ang gusto ko.

Dahil ang buhay ko ay parang isang tubig na, patuloy na umaagos sa agos ng buhay.

 

Fr: Anonymous!


Nice!

Good job anonymous... bagay na bagay sa mga breadwinner at ofw's.

Ikaw pala si anonymous...

Mukhang ikaw din naman nagsulat niyan e...

hehehehehehehehe!

dyeppri's picture

hello kay bb. rosal

Dehins cguro si bb. rosal nagsulat bah0-ligo nito kc 'di nmn siya marunong mag-tago sa gawa ng iba.

Comment lang po konti sa anonymous writer nito. "Di ko magets ang ibig patunguhan ng may akda sa takbo ng litanya. Nagse-senti ang dating na nagpapaawa pero wala naman dating. Teknikaliti eh hindi maganda pagkaareglo ng tinahak ng bawat salita. Parang zig-zag road ang daan. Tapos kulang sa phasing walang klaymaks. Walang bigat! Padabog ang dating ng mga salita na basta lamang nagpapahayag kahit na hindi maintindihan ang saloobin... kulang sa emosyon.

salamat.

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

rose's picture

Salamat Sa Commento!

Para sayo ginoong Dyeppri! maraming salamat po sa komento. Tama ka! sa style palang ng sulat hindi nga ako sumulat nito. he he he he anyway puro talaga sama ng loob ang taong ito. puro hinanakit . he he he gusto lang siguro niya ilabas ang sama ng loob niya kaya nagamit niya itong blog ko para mabawasan naman kahit konti ang nilalaman ng kanyang puso.

 Huwag ninyo nalang siya patulan hehe he he medyo nawawala na siya sa kanyang pag-iisip kaya ganun.

 anyway salamat pa rin kasi kahit walang emosyun at padabog ang pagkakasulat eh napansin din naman ninyo. hayaan ninyo makakarating kay anonymous yung mga comment ninyo. natutulog kasi siya sa ngayun eh. he he he

Sealed 

dyeppri's picture

aprub!

Walang anuman... Isa me kc sa mga Fans mo dito na nag-aabang sa mga bago mong akda.hehehe! 

cge po tahinik na lang me at hahanap na lang  ng ibang mga mababasa... Hayyyy... Atok na din po.  Ingatz... Mainit b dyan sa Qatar? Dito mainit eh kaya mainit mga gawa ko. Har..har..har. Tongue out

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

nkkinspire

hihihi well infairness mgnda,...mganda tlga..hehe

 

totoo nga un....

 

hmm