Aklat ng Buhay

|

ikaw
ako
tayo

nangangarap
naghahangad
nananaginip

masarap isipin
masarap balik-balikan
masarap alalahanin ang nakaraan

"Ayokong lumisan ngunit kailangan
bawat araw ako'y tumatanda
nadaragdagan ang kulubot sa mukha
rumurupok ang buto, humihina.

Nais kong tumakbo, tumakbo nang tumakbo
tumakbo hanggang mapagod ako
nais kong tumakbo sa katotohanan

Tuwing susubukan ko
sa huli'y bigo ako.
Wala akong maalala."

Araw-araw ko siyang naririnig
Bumubulong sa dumaraang hangin.
Siya ang nasa kuwadrong nakasabit sa may dingding na di maalis sa 'king paningin
ngunit hindi ko siya kilala.

Kailan ko lang naipagtanto, matanda na siya
tumanda nang di nagiging bata
nag-iisa, nangungulila
Malungkot napakalungkot
Kalungkutan ang kanyang kaaway

nangangarap
naghahangad
nananaginip

Nais niyang ibalik ang panahon,
magpakasaya kahit minsan sa buhay na di naranasan
ngunit wala na...
hindi na babalik pa ang napunit na pahina.

Abegail Y. Gatdula