AKO, ANG SAGOT SA KAHIRAPAN.
Submitted by mcleri on June 19, 2008 - 11:30pm.
Filipino | Miscellaneous Literature
Hanggat naghihirap ang aking bayan,
ako'y mananatiling naghihirap kailanman
dahil ako ang ugat ng kahirapan
sa pamamagitan ng aking
pamamagitan sa mga tao
ng mundong aking ginagalawan.
ang lahat ng ginawa,
ginagawa at gagawin ko
ang dahilan ng kahirapan.
ako na parang ikaw.
kahirapan
dulot ng kawalang bahala
sa aking lipunan,
sa aking bayan.
maari akong magdahilan,
lubos marahil ito'y mga hamak salita nga lamang.
ngunit alam kong sa likod ng dahilan
ako'y may magagawang paraan,
at kung hindi ko gagawin ang makakayanan.
mananatili ang kahirapan...
...at mananatiling ako ang dahilan.
-Macario Lamat
mcleri


