Ako ay Pilipino.

Oo. Pilipino ako. Kahit hindi ako nakatira sa Pilipinas, kahit hindi ko masasabing purong Pilipino talaga ko sa dugo, lumaki naman akong Pilipino. Sa isip, sa salita at sa gawa.

Madami na rin akong blogsites na napuntahan at nasalihan. Pero pakiramdam ko hindi pa rin naririnig ng mga tao ang saloobin ko. Magtagalog man ako o mag-Ingles, kulang pa rin.

Minsan, hindi ko alam kung ano bang kulang. Kapag nagsulat ako ng mas malalim, nakakatakot na baka hindi masiyahan yung mga kabataan sa panahon ngayon. Kapag nagsulat ako ng mababaw, hindi dama ung emosyon sa bawat salita. Kapag tagalog, puro Pilipino lang ang makakaintindi. Kapag Ingles, tinatamad basahin ng mga kapwa ko Pilipino.

Napatingin kang muli sa huling pangungusap. "Kapag Ingles, tinatamad basahin ng mga kapwa ko Pilipino." Totoo naman di ba? Ewan ko ba. Hindi naman tayo bobo. Sa katunayan nga, mga Pilipino ang sinasabing pinakamagaling pagdating sa Ingles sa buong Asya. Naniniwala akong totoo. Pero bakit hindi natin pinapakita? Tayo mismo natatawa kapag nagkakamali yung kapwa natin. Konting maling spelling, konting mali sa grammar. Kaya ayun, nauuwi sa takot. May phobia ba sa pagsasalita ng Ingles? Kung meron man, pakiramdam ko malaking porsyento ng mga Pilipino ang meron. Hindi ko naman sinasabing lahat tayo eh mag-Ingles at kalimutan ang ating sariling wika. Ang akin lang eh hindi ba't maganda kung kahit paminsan-minsan eh maintindihan tayo ng mga kalapit nating bansa?

Sinasabi nilang maraming talento tayong mga Pilipino at talaga namang matatalino. Pero kulang ata tayo sa "lakas ng loob". Masyado tayong abala sa pag-intindi sa sinasabi ng ibang tao kaya nauunahan tayo ng takot. Masyado tayong nagpapaapekto sa mga opinyon ng mga taong wala ng ginawa kundi magpababa ng kanilang kapwa.

Hindi ako sang-ayon sa ibang Pinoy Jokes. Yun bang nakakatawa kasi tanga ung Pinoy na bida. Sa puntong 'to, iniisip mo na siguro na KJ ako. Pero isipin mo sa totoong buhay, kailangan bang maging inosente at walang alam sa mundo ang isang tao para makapagbigay ligaya? Kailangan ba mahulog muna sa hagdanan o madulas sa balat ng saging bago ka humagalpak sa tawa? Bakit kailangang maging nakakasakit muna bago ka mapatawa? Katulad na lang ng ibang Jokes kung saan kailangan maging mali-mali ang grammar na Pinoy na character para maging katawa-tawa yung biro.

Isa pang puna ko, kadalasan ang SONA o State Of the Nation Address eh Ingles. Aminin na natin, marami tayong kababayang bagama't nakapag-aral eh hindi kasing galing ng presidente pagdating sa pag-iIngles at malaking porsyento pa rin ng mga Pilipino ang hindi makaintindi ng nasabing wika. Kung ang SONA eh para sa mga Pilipino, bakit kailangang Ingles ito? Kung ang mga batas na nasusulat eh para sa taumbayan, bakit kailangang isulat ito sa wikang banyaga?

Marahil nga eh masyado pa kong bata para sa mga bagay na yan. Pero kahit ganito, alam ko ang importansya ng wikang Filipino. Alam ko ang kahalagahan nito. Alam kong talentado ang mga Pilipino. Alam kong mayaman ang bansang Pilipinas at alam kong maipagmamalaki kong ako ay Pilipino.


paruparongberde's picture

 "Kapag Ingles, tinatamad

 "Kapag Ingles, tinatamad basahin ng mga kapwa ko Pilipino"

I dont think so, i guess u need to provide statistical basis for that claim.

So what is your point in elaborating those observations? like:

Kapag nagsulat ako ng mababaw, hindi dama ung emosyon sa bawat salita. Kapag tagalog, puro Pilipino lang ang makakaintindi. Kapag Ingles, tinatamad basahin ng mga kapwa ko Pilipino.

Hindi ko naman sinasabing lahat tayo eh mag-Ingles at kalimutan ang ating sariling wika. Ang akin lang eh hindi ba't maganda kung kahit paminsan-minsan eh maintindihan tayo ng mga kalapit nating bansa?

TRUE but you are questioning the president in using english during the SONA isnt it inconsistent in your line of thought? isnt it that the presidet just would like to be understood by foreign dignitaries on that very moment?

but anyway welcome to FW where you can write and say everything you want and by doin so you open yourself to possible criticism :)

 

 

 "Dont shake the roof for the mess of your preferences, Life is a matter of choices, choose and keep the best before somebody picks it"

reply :)

Una po, mas maganda siguro kung sa tagalog tayo mag-usap. :)

"Kapag Ingles, tinatamad basahin ng mga kapwa ko Pilipino"

Statistical basis? Hindi pa ba sapat ung araw-araw na nagrereklamo ang mga kamag-aral ko kapag magbabasa ng Ingles? Hindi lang po yan base sa opinyon ko, basa yan sa pang araw-araw kong nararanasan. :) At maniwala ka man o hindi, hindi lang sa eskwelahan yan nangyayari.

 Pangalawa, ang sinasabi ko naman na dapat tayong mag-Ingles eh para naman maintindihan ng ibang lahi eh yung mga articles na nagpapakilala ng galing ng Pilipino o yung pananaw ng isang Pilipino pagdating sa isang bagay. Pagdating sa SONA, bakit kailangan Ingles eh para lang naman yun sa mga Pilipino? Kahit maintindihan ng taga Japan bibigyan ba nila tayo ng pagdagdag sa pondong pang-edukasyon? Magkaiba naman yung nagsusulat ka o nagsasalita para iparating sa buong mundo kesa yung nagsusulat ka o nagsasalita para sa mga kalahi mo. Tulad nitong site na to, alam kong mas makakabuti kung magsasalita ako ng tagalog dahil puro Pilipino naman ang makakabasa nito. Pero hindi nangangahulugang bawal ako mag'Ingles. Ganun din yung gusto kong ipahiwatig. Hindi naman bawal mag'Ingles yung Presidente pero mas makakabuti kung tatagalugin niya dahil majority ng mga nakikinig sa kanya eh Pilipino. Matanong ko lang, kung ikaw ang presidente magugustuhan mo bang maintindihan ka ng mga tinatawag mong "foreign dignitaries" kumpara sa mga kapwa mo Pilipino? :)

Salamat po sa pag'comment at pag'welcome. :D Mas nakakatuwang magsulat kung naiintindihan ka ng tao at napaglalaban mo yung paniniwala mo. Pero dahil hindi naman tayo pare'pareho, ginagalang ko ang opinyon mo.

paruparongberde's picture

 Kapag Ingles, tinatamad

 Kapag Ingles, tinatamad basahin ng mga kapwa ko Pilipino.

 bakit binasa mo ang komento ko na sinulat ko sa englis? well, pwede mong sabihin na oo binasa mo pero tinamad ka pero tingin ko hindi kasi nagpaliwanag ka pa nga.

Sige pagbigyan, mag-usap tayo sa tagalog. Kapag sinabi natin na statistical basis ang mga kamag-aral mo na naobserbahan mo ay hindi sapat upang maging batayan ng premise mo.

At maniwala ka man o hindi, hindi lang sa eskwelahan yan nangyayari.

Muli wala kang basehan dito. roughly 86% of Filipinos know how to speak and able to read and understand english. at base ito sa estadistika.

Pagdating sa SONA, bakit kailangan Ingles eh para lang naman yun sa mga Pilipino?

I wonder kung nakapanood o nakapakinig ka na ng SONA tama nag-iingles ang presidente pero diba tina translate naman nya ito uli sa tagalog? bigyan mo ako ng presidente na nag SONA ng buong english aber..c'mmon. and i'll show you proof that you are wrong.

napag-usapan na rin lang natin ang statistics baka lang gusto mong basahin ang site na to sa ibaba para lang sa karagdagang kaalaman mo...kaibigan.

http://www.csmonitor.com/World/Asia-Pacific/2010/0510/For-Filipinos-English-proficiency-is-fading

"Dont shake the roof for the mess of your preferences, Life is a matter of choices, choose and keep the best before somebody picks it"

:)

Sa totoo lang, pinadaan ko lang ung mata ko sa sinulat mo. Hindi ko nilagay yung puso ko sa pagbabasa. Hindi ko sinasabi to para ipagtanggol ung sinabi kong tamad mga Pilipino magbasa kapag Ingles, pero sinasabi ko to kasi totoo. :)

Una, huminga ka muna ng malalim. Sineseryoso mo na ata eh. :) Biro lang naman.
Pangalawa, hindi naman ito thesis o report na kailangan maging totoo bawat salita mo. Kumbaga parang essay to, kung saan sinusulat ko ung naoobserbahan ko at pinaniniwalaan ko. 
 
Kung base sa experience ko, at naobserbahan ko eh tamad ang mga Pilipino magbasa ng Ingles. Sana igalang mo yun. Hindi naman kita pinipilit paniwalaan ako eh. Sinasabi ko lang yung nasa loob ko. 
Sa SONA, hindi mo ko naiintindihan eh. Siguro kasi magaling ka mag-Ingles kaya okay lang sayo kung Ingles ang SONA. Ngayon yung ipinaggigiitan mong may translator, ano naman? Bakit kailangan pa ring Ingles? Hindi ba mas madali kung tagalog? Hindi na kailangan ng translator, hindi na madadagdagan ang papaswelduhin. Lalaki yung pondong para sa edukasyon o para sa ibang bagay na mas importante.
Dun sa binigay mong 86% ng mga Pilipino eh nakakapagsalita at nakakabasa ng Ingles, para saan yon? Wala naman akong sinabing hindi marunong ang mga Pilipino. Sabi ko tinatamad.
Uulitin ko, hindi to report, kaya hindi kailangan tama bawat salita ko. Hindi mo rin naman masasabing kasinungalingan ang sinasabi ko dahil base yan sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao. At hindi kita pinipilit na ayunan lahat ng sasabihin ko.
Ginagalang ko yung opinyon mo, pero kung ipagpipilitan mo na kailangan ko ng statistical basis sa bawat isusulat ko, bakit hindi ka gumawa ng article na sarili mo hindi ba? Yun lagayan mo ng statistical basis, kasi yung ang gusto eh. At dahil bilang kapwa mo Pilipino, igagalang ko yun. :)
paruparongberde's picture

I wonder kung nakapanood o

I wonder kung nakapanood o nakapakinig ka na ng SONA tama nag-iingles ang presidente pero diba tina translate naman nya ito uli sa tagalog? bigyan mo ako ng presidente na nag SONA ng buong english aber..c'mmon. and i'll show you proof that you are wrong.

 

TAMA ka di mo nga binasa ng maayos ang komento ko kasi di mo naintindihan, wala akong binabanggit na translator tulad ng sinasabi mo, marapat na basahin ng maayos bago sumagot?

Pangalawa, hindi naman ito thesis o report na kailangan maging totoo bawat salita mo.

sa literary composition kasi ang essay ay opinyon ng author however, if it is analytical like your approach you should based it on facts so that when somebody put it to test, it will not become irrelevant. or else wala ng magkaka interes ng mga gawa mo sa susunod bakit? kasi lahat ng sinasabi mo WALANG KATOTOHANAN at sarili mo lang ang sina satisfy mo ang tawag dun "self serving"

okey iginagalang ko ang opinyon mo and i rest my case. at hindi ko na rin babasahin ang mga opinyon mo sa susunod

 

 

"Dont shake the roof for the mess of your preferences, Life is a matter of choices, choose and keep the best before somebody picks it"

Walang ang sinabing

Walang ang sinabing translator pero sabi mo tina-translate? :)

Mukang matalino ka, common sense. Pano matatranslate kung walang translator? Kusa na lang? Astig. :)
Hindi pagbasa ng opinyon na iba? Hindi ba pinapatunayan mo lang na hindi ka open sa iba't ibang ideya?

Pilipinong SONA?

Pagdating sa SONA, bakit kailangan Ingles eh para lang naman yun sa mga Pilipino?

Tanong ko lang kung 'Pilipino' o Tagalog ang SONA:

Sa tingin mo ba, maiintindihan ng Sugbuanong guro na nagtuturo sa Liguasan Marsh ang Pilipinong SONA, ng buong-buo? O ng Ilocanong teacher  sa dulo ng huling barangay ng Enrile, Cagayan? O kaya ay sa bundok ng Samar?

Alalahanin mo na kahit saan ka magpunta, napaliligiran ka ng wikang Ingles mula sa balot ng kendi hanggang sa pagtuturo sa high school hanggang sa mga karatula sa tindahan at highway. Hindi rin nagbabago gaano ang Ingles, di tulad ng Tagalog sa ngayon. Sa isinulat mo nga ang daming salitang tinanggal mo ang unlapi: 'ginagalang' sa halip na 'iginagalang', bilang isang halimbawa lang.

Tagalog ang SONA, oo. Maganda. Pero ilang probinsiya ba ang nagsasalita ng Tagalog, 10? 11? Ilan na ang wika ay Cebuano: 12? 18? Buong Mindanao halos. Hindi ba mas maganda kung sasabihin ang SONA sa isang wikang mauunawaan ng halos lahat ng Pilipinong nakapag-aral ng kahit kaunti?

Tanong lang naman...

Sherfie sherp's picture

Napansin ko lang medyo

Napansin ko lang medyo contradicting ang mga ideas dito sa blog mo sir. 

To speak english or not?

Personally, ayoko din talaga ng english eh. :D But of course madaming advantages  if bihasa ka sa wikang yan. Magiging globally competitve ka nga sabi nila.

Pero may binabagayan din naman yan, kung nasa Pilipinas ka at alam mong Pilipino ang kausap mo, bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo sa pag-eenglish? Yung sa SONA, agree ako sayo. Since State of the NATION address nga yun, mas okay nga kung Filipino sya idedeliver kasi para naman yun sa mga pinoy.

"Sinasabi nilang maraming talento tayong mga Pilipino at talaga namang matatalino. Pero kulang ata tayo sa "lakas ng loob" ." 

---Hindi ako sang-ayon. Marami sa atin ang mas PINILI na huwag matuto ng wikang ingles. Kusang loob kung baga. Kaya ang pagsasalita ng wikang ingles ay hindi nakukuha sa pagkakaroon ng lakas ng loob ginoo. :) Mayaman ang Pilipinas sa iba't ibang dialekto, at may mga mangilan ngilan pa rin na pilit pini-preserve ang mga ito sa kani kanilang lugar, nguni't nakakalungkot mang isipin dahil na din sa pagkakaroon natin ng Wikang Pambansa, kaya unti unti ng nakakalimutan ng iba ang sarili nilang mga dialects.. Nasasayangan lang ako [personally].

 

"Mas nakakatuwang magsulat kung naiintindihan ka ng tao at napaglalaban mo yung paniniwala mo. Pero dahil hindi naman tayo pare'pareho, ginagalang ko ang opinyon mo." -- :DD

 

ASTRONAUT na nahulog sa lupa. <3

Astronaut na nahulog sa lupa ..

Haha, siguro nagka'ideya ka na kung gaano kagulo ang utak ko. Pero gayunpaman, lahat na sinasabi ko eh base sa paniniwala ko. :)

Dun sa lakas ng loob, tama yung point mo. Kaso ang sinasabi kong kakulangan eh hindi lang sa pagsasalita ng Ingles kundi yung pagbabahagi din ng ibang talento sa mga banyagan. Pasensya na kung hindi ko nalinaw ang sarili ko. :)
Para dun sa Wikang Pambansa, naniniwala akong kaya tayo nagkaroon nun eh para pag-isahin ang lahat ng Pilipino. Kung lahat marunong magtagalog, hindi na kailangan itranslate pa sa Bisaya o sa Cebuano ang mga importanteng dokumento o batas o kung ano pa man. Pero tama ka, dahil rin dun nakalimutan na ang ibang diyalekto. Tulad mo, nanghihinayang din ako. Hindi talaga puro mabuting epekto lang ang makukuha sa isang bagay, pwedeng meron ding disadvantages. :)
Nakakatuwang pareho tayo ng opinyon sa paggalang sa ideya/opinyon ng isang tao. :)
Hindi porke't nagsusulat ako eh kailangan na kong ayunan ng tao. :)
Sherfie sherp's picture

Time out!

 Pwede naman kayong magpalitan ng mga opinyon ninyo ng mahinahon. Kailangan nyo lang intindihin ang gustong ipahiwatig ng bawat isa. :DD

 

Going back,  "Para dun sa Wikang Pambansa, naniniwala akong kaya tayo nagkaroon nun eh para pag-isahin ang lahat ng Pilipino." 

Maybe somehow. Pero not totally. Nagka-isa nga ba? Hmm. I guess not. Correct me if I'm wrong, binase ang wikang filipino sa tagalog di ba? Bakit sa tagalog? Bakit hindi sa bisaya? cebuano? etc. May discrimination ba? Hmm. 

Proud ba ako sa salitang Pilipinas? o Pilipino? Ewan ko. Basta ang alam ko hindi ko pa rin matanggap na kinuha ang mga salitang yan sa isang banyaga na sumakop sa atin at nagpahirap sa mga ninuno natin.  [looking back sa history].

 

Oh well, medyo nalilihis na ata ang landas ko sa issue. PEACE on Earth na lang po. :)) 

 

ASTRONAUT na nahulog sa lupa. <3

Walang mali sa sinabi mo.

Walang mali sa sinabi mo. :)

Aminin man natin o hindi, marami problema. Parang walang katapusan. Parang kahit kailan hindi magiging isa. Kasi iba-iba nga ng paniniwala eh. Kaso hindi naman lahat nag-gagalangan. Sa simple pagmamaneho na lang sa daan, hindi marunong magbigayan, karamihan gusto sila ang mauuna. O baka sabihin mo kailangan ko ng statistical basis dito ha. Pero ikaw? Hindi mo ba napapansin un? Sa daan pa lang di na magkasundo. :)
Tama ka ulit. Malaki sa pagkatao natin eh galing sa mga mananakop. Mula sa dugo, na nabahidan na ng dugong banyaga hanggang sa apelido, mga bisyo, mga pangalan sa pagkain halos lahat na. Siguro hindi lang natin alam pero marami na rin yung nawala sa talagang kultura at tradisyon natin, ung kultura at tradisyon bago dumating yung ng mga banyaga. Pero sa kabila nun, alam natin sa parte ng nakaraan yon eh pinaglaban naman ng mga Pilipino yung ating kalayaan diba? :)
Hehe, okay lang. Kahit kung ano-ano pa yang pag-usapan. Ang mahalag naman dun ginagalang natin ung opinyon ng bawat isa.
Sherfie sherp's picture

"O baka sabihin mo kailangan

"O baka sabihin mo kailangan ko ng statistical basis dito ha. "

--sige daw. bigyan mo ako. just kidding. :) Pilosopong sagot, gusto kong mauna sa daan esp if naka motor ako kasi ayokong malanghap lahat ng polusyon na nanggaling sa sasakyan sa harap ko. >< Acceptable?

 "pinaglaban naman ng mga Pilipino yung ating kalayaan diba? "

--Pilipino ba ang nakipaglaban? Bakit Pilipino ang tawag sa kanila? E nung nakipaglaban sila hindi pa tayo nasasakop. Hmm. Ng dahil jan bigla na namang lumabas ang pagka-matanunging bata ko. :D

You think, our "ancestors" na as you said nakipaglaban sa mga dayuhan, ay gustong tawaging Pilipino? Hmm really, historians should consider another point of view before "baptizing" our brave ninunos as Pilipino.. Gusto kaya ni Lapu lapu na tawagin syang Pilipino? Oh well, binabagabag ako ng aking mga katanungan. Someone please enlighten me. LOL. 

 

ASTRONAUT na nahulog sa lupa. <3

Sherfie sherp's picture

Time out!

 Pwede naman kayong magpalitan ng mga opinyon ninyo ng mahinahon. Kailangan nyo lang intindihin ang gustong ipahiwatig ng bawat isa. :DD

 

Going back,  "Para dun sa Wikang Pambansa, naniniwala akong kaya tayo nagkaroon nun eh para pag-isahin ang lahat ng Pilipino." 

Maybe somehow. Pero not totally. Nagka-isa nga ba? Hmm. I guess not. Correct me if I'm wrong, binase ang wikang filipino sa tagalog di ba? Bakit sa tagalog? Bakit hindi sa bisaya? cebuano? etc. May discrimination ba? Hmm. 

Proud ba ako sa salitang Pilipinas? o Pilipino? Ewan ko. Basta ang alam ko hindi ko pa rin matanggap na kinuha ang mga salitang yan sa isang banyaga na sumakop sa atin at nagpahirap sa mga ninuno natin.  [looking back sa history].

 

Oh well, medyo nalilihis na ata ang landas ko sa issue. PEACE on Earth na lang po. :)) 

 

ASTRONAUT na nahulog sa lupa. <3

Starblaze's picture

prrrrtt! anong kaguluhan

prrrrtt! anong kaguluhan to?? sinong pasimuno? hala dapa! ikaw babae luhod! ehehehehe!

kaya ang gulo ng mga Pilipino simpleng bagay pinapahaba..ikaw mag english ka, ikaw mag tagalog ka, ikaw mag bisaya ka. walang pakealamanan..pwede kang kumain ng nakahiga, ikaw nakadapa oh diba?

kulit nyo...

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

hahaha, ang kulit mo :)

hahaha, ang kulit mo :) salamat napatawa mo ko :D

hmm....:)

 

 

Nice one starblaze...hehehehe

keNNedy's picture

pa-comment;)

...sang-ayon ako sa sinabi mo tungkol sa SONA, pwede naman talagang gawing sa wikang tagalog nalang yun kasi para sating mga Pilipino yun.

 

..at hindi talaga ako fan ng wikang Ingles, ang gulo-gulo kasi?? ang daming rules! nakakaloka! pero kelangan nating matuto ng wikang ito dahil hindi lang naman tayo ang tao sa mundo;)

 

 

Starblaze's picture

pwedeng makigulo?

"You think, our "ancestors" na as you said nakipaglaban sa mga dayuhan, ay gustong tawaging Pilipino? Hmm really, historians should consider another point of view before "baptizing" our brave ninunos as Pilipino.. Gusto kaya ni Lapu lapu na tawagin syang Pilipino? Oh well, binabagabag ako ng aking mga katanungan. Someone please enlighten me. LOL. 

 

Kaya lang naman tayo tinawag n "pilpino" dahil sa pangalang Pilipinas tulad din ng amerikano sa bansang "Amerika". well, it is part of history the "winner in the battlefield set the rules" kung nanalo sana si lapulapu sa digmaan eh di sana hindi Pilipino ang tawag satin ngayon kasi tinawag tayong Pilipinas dahil sa hari ng Espanya na si King Philip.  Kung nanalo sana si Lapulapu baka ang tawag atin ngayon eh Lapulapunio or Lapulapunians or Lapulapunista. Pwede ring talakitok or Bisugo.

Kidding aside, di naman importante kung ano pa ang maging katawagan ang importante eh kung ano ang nasa puso mo at kung ano ang ipinaglalaban mo. Di naman kasi pwedeng sabihin na "dugong Pilipino" ang nananalaytay sa ugat natin. Whee?? lokohin mo lelang mo..we are mixtures of diff. species. may mga dugong intsik, aleman, amerikano, arabo etc etc. but then they are called Filipinos. bakit? kasi dahil yan sa umiiral na batas dito. pwedeng naturalized or natural born citizens. pure filipino blood? i dont think so..

Noong panahon ni pres. marcos gustong baguhin ang pangalan ng bansa from Pilipinas to Maharlika ayon na rin sa paggalang sa adhikain ng mga kapatid nating muslim subalit di ito naipasa. bakit? kasi traditionally ang mga maharlika daw ay mga uncircumsized! at ayaw ng mga mambabatas na tawagin tayo ng ibang bansa na "supot". see? that is true history na hindi naisulat sa ating mga history books.

 

tungkol naman doon sa sinabi ni factshit este factship sa mga nag-uunahan sa kalsada tama u dont need statistical instrument to determine all those things. pero meron kasing economic significance which is the cause and effect of this scenario. Kung malawak sana ang ating mga highways tulad ng sa ibang mayayamang bansa eh di sana walang nag-uunahan. Kung fully financed lang sana ang mga mas transport system natin it will unclog the worsening traffic situaition in the country. Kung maayos lang sana ang traffic enforcement eh di walang mga nag ba violate ng mga traffic rules.

Importante and wikang Filipino? Oo naman kase un ang identity natin. Pero wag naanting questionin ang mga gustong magsalita ng banyaga kasi karapatan nila un wala naman kasing nagbabawal eh. Kung magsalita man ng englis o tagalog angpresidente sa SONA ay hind big deal yun..ang mahalaga ay kung makatotohanan ba atmay sense ang kanyang sinasabi. Kung ag english man sya waht the heck? napaunlad nman nya ang bansa..nagtagalog sya what the heck din? tagalog nga ala namn punto at patuloy pa ding walang asenso..does it make sense? ewan ko lang tanong natin ki lapulapu....

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Sherfie sherp's picture

"winner in the battlefield

"winner in the battlefield set the rules" --

Yung mga taga south hindi naman talaga nila na-conquer, nasama langsa bentahan ng wala man lang kamalay malay. So does it mean na may karapatan talaga [kaming] magprotest sa Phil govt? Sabi mo nga "ang importante eh kung ano ang nasa puso mo at kung ano ang ipinaglalaban mo."

 

"see? that is true history na hindi naisulat sa ating mga history books."

--Madami. Madaming madami ang kulang sa mga histoty books na yan.

 

And now, I also rest my case na din. :)  

Peace be upon the earth. :D 

 

ASTRONAUT na nahulog sa lupa. <3