Ako ay Pilipino

MrToinks's picture
| |

 

Ako ay Pilipino sa puso't isipan
Aking lahing pinagmamalaki magpakailanman

Mahal ko ang aking kapwa pati na ang bayan

Kaya't hindi ko ipagpapalit ang bansang sinilangan

 
Juan de la Cruz ang aking pangalan
Barong Tagalog ang aking ipinagmamalaking kasuotan

Filipino ang aking wikang kinalakihan

Na ipinagtanggol ng mga bayani noon pa man.
 
 Nirerespeto ko ang bansang Pilipinas

Kaya't pagiging makabayan aking ipinamamalas

Kalayaan ang pinagmulan ng aking lakas

Upang mapigilan ang digmaang marahas

 
Paggalang sa watawat, aking nakasanayan
Bilang pagpupunyagi sa ating Inang Bayan
Kaya't sa aking mambabasa, may nais akong malaman
Pagiging Pilipino, inyo bang pinatutunayan?

ako

gawa ko itong tula na ito noong high school pa ako.


Sherfie sherp's picture

Puro makabayan ang mga usong

Puro makabayan ang mga usong posts dito ha.

"Kaya't sa aking mambabasa, may nais akong malaman

Pagiging Pilipino, inyo bang pinatutunayan?"

No comment. It's complicated ang status ko ngayon. @@

 

Anyways, Medyo common na ang ideas/thoughts na pumapaloob dito sa tula mo. Pero nagandahan naman ako. Magaan basahin at onsidering sinulat mo to nung nasa high school ka pa lang. Galing. 

 

ASTRONAUT na nahulog sa lupa. <3

MrToinks's picture

hehehe.

 napansin ko nga din po eh..

tula ko po kasi iyan noong hayskul..

 

 

 nakita ko sa notebook ko, tapos ipinost ko na dito. hehehe.

 

maraming salamat sa pagbabasa. 

>,< 

 

 

>>kahit ang mga germs, may karapatang mabuhay!!<<