Ako ay pilipino vs. Dost scholarships

Ang hirap talaga ng abala. Madaming bagay ang hindi umaayon sa mga pangyayari. Isa na rito ay ang pagsasabay ng dalawang scholarship contests ko. Ang "Ako ay Pilipino" contest ng Inner Wheel Clubs of the Philippines at ang pagsusulit ko para sa DOST scholarship ay parehong gaganapin sa ika-9 ng Nobyembre. Sa oras na ito ay lubhang nagdurugo ang puso ko dahil sa sangkaterbang problema ang hinaharap ko. Gusto din ng mga kapwa ko mag-aaral na ako ang manguna sa aming grupo sa paligsahan na binuo ng English department(Speech choir). Sa mga nakakabasa, ano ang uunahin ko? Alam kong mas may pag-asa akong makamit ang inaasam kong tagumpay pag kinuha ko ang pagsusulit ng DOST pero determinado naman ang aking guro na ilahok ako sa Ako ay Pilipino contests. Kayo? Ano ang uunahin nyo? Ako? bahala na, basta ang importante ay mailabas ko ang lahat ng makakaya ko para kahit hindi magwagi ay masasabi kong wala akong pagsisisihan sa huli.