Ako Na Lang Mag-isa (Para kay D)

kislapalitaptap's picture
| | | |

Ako Na Lang Mag-isa (Para kay D)
Ni Kislap Alitaptap
15 Pebrero 2009
2338 Oras

At Ako na lang mag-isa…

Ang naghahanap ng kaitsura,
Sa harap ng pilak na kutsara.

Ang nagsusulat sa pisara,
Na wala namang nagbabasa.

Ang pumupunit sa palara,
Habang nasa tabi ng gitara.

Ang nakakakita sa mukha,
Na akin din namang mukha.

At Ako na lang mag-isa…

Ang humaharap sa pag-iisa,
Nang maglaho ang romansa.

Ang nakikipagtalik sa pag-asa,
Ng sambayanang nag-aalsa.

Ang lubusang nagpaparusa,
Sa diwa kong ‘di mabura;

Ang maglingkod sa masa,
Buhay ko ma’y magsara.

At bakit nga ba…
Ako na lang mag-isa? #


Awit ng Petiburges - Bong Ramilo

Kislap Alitaptap

kislapalitaptap's picture

ang...

...pagdating sa sangandaan, sa buhay ng isang dati ng nagpaalam.

kung muli ba siyang magpapaalam ngayon, o, mananatili na lang muli sa nakaraan.

...naghihintay na sila doon.

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

anakngfaraon's picture

sabi nga sa isang lumang tv commercial

 

....kung saan ka maligaya, suportahan taka.

 

 

http://katya14.multiply.com/journal

kislapalitaptap's picture

yun nga ate eh...

sana nga ay maging maligaya si D sa kanyang haharaping kapasyahan sa buhay. salamat ng marami!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Rom's picture

sangandaan

 

 bro alay ko sa iyo ito.

 


Sangandaan - Sister Stella L

kislapalitaptap's picture

Brom...

 ...salamat sa alay mong Sangandaan. 

sana nga ay umabot ang awit at ang tula na ito sa kanya. 

andito na ko sa Far Out Place.

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

aaahhhhh..

aaahhhhh.. sangandaan!!!!

ang mga kantang may tama sa puso ko.... 

 

salamat dito kua..

may naalala tuloy ako.

tugtugin natin yan kua om pag nagkita tau

 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

aireen's picture

hmmm.... emo ang dating mo

hmmm.... emo ang dating mo ngayon kislap!!!Laughing

sapul!!!

ako na lang ba mag-isa? nyahahha

cheers!

aireen

aireen's picture

Para kay

Para kay D?????

 

hmmmmm....

cheers!

aireen

kislapalitaptap's picture

upo para kay D...

...as in Donatello. siya kasi yung pinakapaborito kong karakter sa kolektib ng TMNT.

may naisip ka bang ibang tao? hahaha!

salamat, nakauwi na ako.  

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

aireen's picture

hahahaha... nakakatuwa ka

hahahaha...

nakakatuwa ka naman... para kay D..hehehe

ganun umuwi k na...Frown

ang bilis naman!?!

 

kislapalitaptap's picture

hahaha! anong nakakatuwa dun...

...upo, umuwi na ako kaninang madaling araw. lunch time eh andito na ako. kapagod nga eh, para sa tatlong gabi nba sunod-sunod na walang tulog. 

Si D ay si D. at siya ay kapatid nina cD, ni vcD at ni dvD. 

Asan na ba si D?

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

aireen's picture

sayang naman.. sana

sayang naman.. sana napakilala ko sau si chef d' donatello.. tsk! tsk!

hahahaha

Di bale next time bawi ako sayo!!

Kala ko kasi magtatagal ka here..

hanggang sa muli kislap!!

 

cheers,

aireen

kislapalitaptap's picture

sayang nga...di mo sinabi ng mas maaga eh.

...pag gumagawi kasi ako ng manila, mabilisan lang lalo na kung wala naman na akong mga iskedyuls. 

sige, itatanim mo sa puno ng onion leeks yang pangako mo na babawi ka next time. sana sa pagdating ni Ispayk!

Tagni!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Rhea Stone's picture

!

Naisip ko ang pag-iibigan nina Ka Alma (Ala) at Ka Poli (Tony) sa kwento ng Gerilya ni Norman Wilwayco pagkatapos kong mabasa ang iyong tula. Ang mga kataga sa iyong tula ay bagay sa karakter ni Ala sa huling bahagi ng kwento.

Si Ala ay mag-isa nang haharap sa paglilingkod sa masa, makipagtalik sa pag-asa, magsulat sa pisara, at iba pa dahil pinili ni Tony ang mabuhay ng normal:

Di ko pa alam eh. Baka sa Batanes, sa Bohol, o baka umuwi na lang ako sa amin sa Surigao at mag-aral ulit ng surfing. (Gerilya, pahina 168)

... saan man makarating si Tony, magtagumpay ito, mahanap ang matagal nang hinahanap, makamit ang matagal nang inaasam. Isa siyang mabuting tao. At minahal niya si Tony nang higit pa sa pagmamahal sa isang asawa o katipan. Minsan sa buhay niya, minahal niya ito bilang kasama sa mapagpalayang kilusan. (Gerilya, pahina 169)

kislapalitaptap's picture

Oh talaga...

...may ganyan ding eksena sa Ang Gerilya ni Iwa. Di ko pa nababasa ang book. pero kumuha na ako sa bookay para makatulong sa pagpapalimbag ng aklat. 

salamat sa ilang pasilip na bahagi ng aklat ni Iwa.

hanggang sa muli!

kuha ka na rin pala ng aklat ni Iwa na Ang Gerilya. Suportahan natin siya!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Rhea Stone's picture

!

Sige po! Isasama ko sa listahan ng librong inoorder ko sa bookay.

Nabasa ko na yung book. Binigay sa akin ni Vima yung link tapos download ko.

Pero mas mabuti sana kung bibili ako ng hard copy para malagyan ko ng mga marginal notes.

 

Salamat!

kislapalitaptap's picture

sige...

...ipakalat mo pa yung  balita hinggil sa aklat ni Iwa.

salamat ng marami ate rhea!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

j luna's picture

Kislap, Vima, Rhea

Maraming-maraming salamat sa pagsuporta sa aklat ni G. Norman Wilwayco.

Mula sa akin at sa pamilya Bookay, malaki ang pasasalamat namin sa inyo lalo na sa pagtitiwala at sa layuning mailimbag ang isang librong walang atrasado at kapitalistang publisher ang naglakas loob na ilimbag. Salamat sa pagsuporta, hindi lamang kay Iwa, kundi sa abante at progresibong panulat na hindi namamatay at patuloy pang sumusulong.

Mabuhay kayo!

Kislap, text text pag nasa kamaynilaan ka uli.

Nawa'y patuloy din kayong sumuporta at bumisita sa:

http://www.absurdrepublic.blogspot.com

---------------------------------------------------------------
http://www.dagangkanal.blogspot.com changes lives!

kislapalitaptap's picture

Wasak!

walang hanggang anuman!

tang-ina! sino pa ba ang mga magdadamayan, kundi tayo-tayo na rin na nakakaunawa sa ASTIG na maiaambag ng panulat sa pagbabago ng lipunan.

Sige, Bro, pag nakabalik ako diyan, kita kits. parang gusto ko matulog sa bookay eh.

tagni!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

  bakit malungkot ang tula

 

bakit malungkot ang tula natin ngayon, Kislap? 

di katulad ng maalab na tulang ibinahagi mo nung biyernes... wag kang mapagod Kislap lalo na kung maganda ang layunin mo.  kung nasa tama ka, kahit wala kang kasama, majority ka na... 

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

kislapalitaptap's picture

naguguluhan...

...lang siguro. sana nga ay myling umalab ang apoy sa bantayan. 

salamat sa suportang moral ate ruthie!

Sapul! 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

wen, ading!

 

nasa Baguio ka na pala.  hanapin mo na lang si Manong at makipagkwentuhan ka sa kaniya para di ka na mag-iisa. 

alwadam ngaruden! 

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

kislapalitaptap's picture

naisulat ko ito...

...nung gabi na pabiyahe na ako ng madaling araw na iyon. 

nagkataon na aktibista siya at medyo nagkakaproblema din sa pagkilos.

kaya nung ipabasa ko ang tula sa kanya ng gabing iyon, nagulat at natakot siya.

kasi, daw bakit ko nabasa ang nasa isip niya...

sabi ko pagusapan nila ng kolektib niya ang problema...

 

.....

 

at yun na.

 

ito talaga ang pinakamalupit na kalaban sa pagkilos... ang internal.

 

 

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

ah, okay...

 

dun pala nagmula ang tula. :) 

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

kislapalitaptap's picture

kachat...

...ko kasi siya sa facebook eh. 

kaya nagkataon lang. pero hindi ibig sabihin ay ganun lang yun. nagkataon lang na pareho kami ng nararamdaman.

Sapul!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

kislap alitaptap...

 

 

wag ka nang malungkot, my friend, ayan, dumidilim na ang ilawan mo.  :)

 

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

 

wow a bong ramilo song!!!!

PETI-B!!!!!!

kinanta ito ni sir toto, kislap. noong konsiyerto namin... =)

 

gusto ko itong song na ito....

at as always kislap... mapagpalayang tula!

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

kislapalitaptap's picture

eto na nga po...

...yun ate! narinig ko din po sa mga yupi pips na kinakanta din ito ni toto. mahusay talaga umawit si sir toto. may ginawa pa nga siyang awit na tungkol sa human rights. inawit niya yung awit na yun noong dec. 10, 2008, sa harap ni Oble.

sana nga ay mapalaya ng tula na ito ang mga katawang nilimot na ng laya.

 tagni!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org