ako po si talulot
"ang talulot ay isang parte sa bulaklak na madalas pagsukuban ng mga maliliit na insekto"
noong una kong makita ang website na ito nabighani ako sa tulang "ang pluma ay aking dugo" ni dmagsalita. nagnakaw ako ng kaunting oras para malibot ang kabuuan ng kung sinu-sino at anu-ano ang nilalaman ng bago kong nadiskubre at nawika ko sa sarili, nais kong manatili. kaya' sinunod ko ang proseso upang ako'y maging miyembro. sabi ko nakahanap din ako ng himlayan, nakahanap din ako ng lundayang akin lang, para sa aking mga diwa na matagal nang di lumilitaw dahil iba ang kinakalinga sa ngayon. iba ang mundong nais tahakin malayo sa malaya kong musa.
kung kaya't di ako nag-atubili at halos maka-isang araw akong nagsusumite ng tula at nang kung anupaman. ngunit ngayong araw iba ang aking nalaman.
hindi lang pala ito isang blogsite. ito ay isang medium ng pagtutulungan. nabibighani ako sa pagkritiko ng bawat manunulat sa kapwa manunulat o ng isang makata sa isang makata. Maganda man ito o negatibo mas mainam na katuwang sa pagkatuto sa larangan ng paglikha.
naaliw ako sa mga bagong nag-iwan ng marka sa aking mga pahina.. at salamat sa pagbisita...
sana sa mga susunod na araw, marami din akong maging kaibigan dito. bago pa lang ako.nawa'y magustuhan niyo din ang inosenteng makatang ito.
si talulot nga pala ay totoong umiibig sa mga tula, sa kalikasan, kasaysayan, sa pagkakaibigan at sa pagtutulungan. isa rin siyang manlilikha ng awit, mahal ang musa ng kanyang musika. pinalilibutan siya ng mga pangarap at balang araw. nais pa rin niyang matuto sa panulaan. mahal niya ang panitik ni Vim nadera, Cirilo Bautista, A.G.A, natuto sya sa lilim ng Unibersidad ng Pilipinas BAguio at sa kasalukuya'y sinusunog ang mga kilay sa pagbasa ng batas sa tahimik at luntiang lalawigan ng Palawan habang kumakayod sa Tanggapan ng Panlalawigang Taga-usig (hay bakit kasi nagpakahirap). ngunit tumitigil sya upang lumanghap ng mga rosas, tumawa sa baybay, maglakbay sa may kabundukan at umawit hanggang sa malagot ang hininga.
minsan daanann niyo din ito: soundclick.com/talulot
hinahangingtalulot.blogdrive.com
at sana imbitahin niyo din ako sa friendster o sa multiply: talulot162004@yahoo.com
at kung meron kayong facebook: princesatalulot@gmail.com
salamat.
"hinahangin ang talulot na
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
uy salamat ha...
welcome to
welcome to filipinowriter.com society, talulot!
kahit di ko alam sa wikang Pilipino ang 'welcome'
wala kasi akong diksyonaryo na pwedeng hanguan ng salitang tuliro
para pasayahin ang isang bagito sa site na ito
pero gayunpaman nagpasya ako na magpayo
kahit kaunti lang makapagbahagi ng naranasan ko...
ang mag ingat sa masasakit na salita na maaaring mamutiktik dito
kapalan ang dibdib sa puna
at babaan ang loob sa puri
huwag lamang ipagkanulo ang lahi.
sa gitna ng kasiyahan ng pagkatagpo ng kanlungan
huwag sanang kalimutan ito'y internet na kinasasadlakan din
ng mga taong halang ang dila at matutulis na daliri
sa pag type ng salita sa keybord na lubhang
nakababahala.
Rom
www.blah-blahblogs.com
kailangan ko po yan.... salamat
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
salamat sa pagpapaalala. napakahalaga talaga ng pagpili ng bawat salita
lalo na iyong nakakasakit sa kapwa. napansin ko nga po dito sa ilang blog na nakita ko.
ngunit gaya ng sabi ko po, nais ko pong matuto. at kailangang kapalan talga ang dibdib sa puna. parang sa creative writing class namin sa UP, akala namin ok na iyon pala, bagitong bagito pa din. pero mas maganda nga po iyon, para machallenge magbasa at linangin ang sarili.
salamat po ha...... mag-iwan muli kayo ng iyong marka....
salamat po!
"hindi lang pala ito isang blogsite. ito ay isang medium ng pagtutulungan. nabibighani ako sa pagkritiko ng bawat manunulat sa kapwa manunulat o ng isang makata sa isang makata. Maganda man ito o negatibo mas mainam na katuwang sa pagkatuto sa larangan ng paglikha." I quote
natutuwa po ako sa sinabi nyong ito.salamat po!
(maging ganito nga po sana parati dito.)
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
hi talulot
UP Baguio ka graduate? nice meeting you here, my Mom was a Brent girl in high school pero sa manila nag-college one of my ninangs is teaching there sa UP me, mga six months pa lang ako dito at pauwi uwi din ng manila to visit my Dad some weekends and it feels like an extended vacation all throughout I guess I'm a manila girl by heart. I hope to get to know you more through your poems ang galing mo gumawa ng poems laging may indak sa mga linya you must be a musician by heart tama ba?
hello, naimbag nga adlaw...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
opo, 2003. brent school wow! we used to have basketball practices there sa varsity. ano name niya? baka kilala ko. UP Baguio is just one small community, madali makilala ang isa't isa.
wag u alala, masasanay ka din sa baguio. dati ganyan din ako. di lang ako makauwi evry now and then dati kasi ang layo ng palawan (hehehe) ngayon namimiss ko na siya. siguro pagkagradweyt ko dito babalik ako jan.
opo, iam. nagtatry ako ifuse ng husto ang poetry at music pero mahirap minsan
kasi, they want na radio friendly ang linya.. hehehe..
sana nga po, makilala ko kaung lahat.
Pangarap ko makarating ng
Pangarap ko makarating ng baguio.. isang beses lang ako nakapunta at hindi na naulit pa... gusto ko manirahan doon at makapag trabaho...
Nakita ko na ang blog mo.... nagiging idol na kita... para sa akin medyo hawig ka kay bituin escalante ung kumanta ng kung ako na lang sana.. pabotirong singer ko un... saka ung kanta niyang kung ako na lang sana...
Sana lalo mo pang maabot ang iyong mga pangarap... ang galing mo kasi...
Salamat talulot....
Jonsdmur
rakista daw ako sabi nila
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
naku, nagulat naman ako. kasi paborito ko si bituin at yang kantang iyan...
wala naman ako sa kalahati niya (ang galing galing niya di bah), kasi nilabelan ako dito na rakista huhhu... salamat..
hallo
Pasensya na ha pasulpot sulpot lang ako kasi nasa work ako. Tumira ako ng 2 years sa Baguio ang daming taga-baguio ah ano ba yan hehehe ako nagteach daw ng kalokohan sa isang matinong universidad hehehe work lang tapos layas na din pahgtapos ng contract taga Urdaneta ako Pangasinan nakarating na din ng Palawan dyan sa Puerto Prinsesa ang ganda dyan writer's paradise kaya siguro panay ang sulat mo ng kanta
talaga
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
wow, san ka nagteach? gusto k din sana magteach kaso, na-insecure ako sa
grades ko kaya bumalik ako sa palawan. urdaneta, nakapunta na din me dun (heheh syemps nadaaanan) namimiss ko na ang baguio...
opo writer's paradise nga dito...lalo na kung mahilig sa kalikasan, kaya nga nagdesisyon lahat ng songwriter dito na bumuo ng grupo, nagsisimula pa lang din ang grupo namin na paunlarin ang musikang palawan.. sana nga magpatuloy kami dito.
pero babalik talaga ako ng baguio.
welcome ka dito.. thanks.
hello dyeppri
kaya ako nabighani, negative or positive comments man iyon, though sometimes may hurt you, will always be given to let you learn
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Nice meeting you talulot..
Nice meeting you talulot..
Nacheck ko yung multiply account mo... 
Wala lang kasi me headset or speaker ngyon.. di ko tuloy narinig yung awitin mo.. di bale next time...
Magaganda ang mga sulatin mong mga tula..
Labis mo akong napapahanga...
naunahan mo'ko...
lam mo knna lng umga naisip ko sna tanungin ka kung ano yung talutot hehe...now i know-.;.
isa ako s mga humahanga sau.
hello love...
katuwa naman...welcome ka dito. salamat.. nasa avatar/pic mo ako hehehe....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."








Salamat sa pagpapakilala...
Salamat sa pagpapakilala... huwag kang mag-alala marami kang makikilala dito at higit sa lahat marami kang ma-i-inspire sa iyong mga tula...
Kahit na inaaway ako
kahit na ipinapahiya ako
Kahit na nagmumukha akong tanga
Magbubulagbulagan ako
dahil ayaw ko ng gulo