Ako si Cocoy, a virgin boy (2/2) comedy/fantasy
Pasasalamat: Lubos po aking pasasalamat sa lahat ng sumuporta ng part one ng Cocoy, a virgin boy...higit sa lahat sa MTRCB, dumaan po kami sa masusing pag-aaral at kami po ay nakapasa...RATED A..... Maraming maraming salamat po....
Paalala:
Ang mga eksenang hindi kapanipaniwala ay sinadya ng may akda at ang mga teknikal error ay kusang sinadya ng may akda. (para di-halata ang kanyang pagkakamali. harharhar
Paunawa:
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit sa
kuwentong ito ay pawang KATOTOHAN at hinango sa tunay
na buhay. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay
na buhay ay talagang SINASADYA. harharharhar
Parental Guidance is NOT recommended.......harharharhar in tagalog patnubay ng magulang ay ‘di kinakailangan.
Ako si Cocoy, a virgin boy! Comedy/Fantasy
A BIG, BIG boy in a BIG big world in a BIG big city in a BIG, big town
"Waaaaaaaaaa! Mag-twetwenty-one na ako pero hanggang ngayon VIRGIN pa rin ako."

Sa pagpapatuloy:
Binuksan ni Cocoy ang bayong at kinuha ang itim na aklat at doon muli niyang binasa ang nilalaman nito
"Narinig ko ang sumpang binitiwan ng katipan ni Ruben."
"Ano?" gulat na bigkas ng ating bida.
"Ang magiging anak ni Ruben kay Isa ay magkakaroon ng isang napakaliit na patotoy."
"Sumpa? Hindeeee!" Lalong lumaki ang mata ni Cocoy.
"Pero mawawala ang sumpa kung makokontra ito ng isang albularyo o ng isang magkukulam.."
Napanganga ang ating bida sa nabasa.
"Dapat maibigay na ni Cocoy ang kanyang pagkalalaki bago sumapit ang kanyang ika-21 kaarawan dahil kung hindi tuluyan nang mawawala si patotoy at dapat mahal siya ng babae at tanggap si patotoy...dapat munang lumaki si patotoy bago ibigay ang kanyang pagkalalaki."
"Waaaaaaaaaa! Mag-twetwenty-one na ako pero hanggang ngayon VIRGIN pa rin ako," malakas na sigaw ng ating bida.
"Hindi! ‘di ako papayag....oh, patotoy dyutay ka na mawawala ka pa...oh, hindi...."
Napahinto ang ating bida at nag-isip na parang may naalala.
"Tama! Oh, my lolang mangkukulam este albularyo you're my savior," nabigkas ni Cocoy habang kinukuha ang papel sa bayong. Gusot-gusot ito habang kinukuha niya sa bayong. Binasa niya ang nakasulat at nakasulat doon ang tirahan ng matandang albularyo.
Kinabukasan ay hindi na nag-aksaya pa nang panahon ang ating bida kailangan na niyang bumalik ng Iloilo para puntahan ang matandang albularyo.
"Good bye Manila! Ako'y babalik na
Sa aking mahal na probinsiya
Ako'y ‘di na baling
Tawaging lalaking dyutay....."
Masayang naglakad si Cocoy nang makakita siya nang isang nagtitinda ng balloons.
"Wow, kuya dami mong balloons pahawak naman," masayang sabi niya sa tindera ng balloons at ng kanya itong hawakan.
"Yahoooooo! Good bye Manila..." sigaw niya habang nililipad nang maraming balloons.
"Hoy, lobo ko ibalik mooooo," sigaw ng wala nang nagawang tindera sa nilipad na si Cocoy.
Dalawang araw ang paglalakbay ng ating bida ng marating niya probinsya ng Iloilo. Ibinaba siya ng maraming lobo sa Isla ng Virgin Island at nag patuloy sa paglalakbay si Cocoy hanggang mahanap niya ang tirahan ng matandang albularyo. Sa madaling salita agad niya itong nahanap.
"Cocoy mabuti at napadalaw ka sa akin." Sabi ng matandang albularyo.
"Lola huwag niyong sabihing buntis na naman kayo."
"Hihihihi, hindi....may mens ako apo ko.... hihihihihihi."
"Oh, lola I need your help.....tulungan ninyo po ako..." pakiusap ng ating bida na halos lumuhod na sa harapan ng matandang albularyo.
"Hihihihihhihi, alam ko kung ano ang pakay mo, hihiihhiihihih," masayang sabi nito sa ating bida.
"Lola naman kung makatawa kayo parang kayong mangkukulam hihihihihihi."
Umusok muli ang ilong ng matandang mangkukulam este ng albularyo pala.
"Hindi ako mangkukulam....albularyo akooooooo," malakas na sigaw nito.
"Albularyo nga po kayo eh, mukha naman kayong mangkukulam hihihihihi."
Nagpamaywang ang matandang albularyo at humarap sa ating bida.
"You are making a fool of yourself but... you are. Please stop that. It's for your own good. Okay?" mataray na sabi ng matandang albularyo.
At si Cocoy ay natahimik para sa kanyang ikabubuti. Napansin ng ating bida na maraming tao sa labas ng bahay kubo ng albularyo.
"Lola bakit ang daming tao sa paligid at sa akin nakatingin?"
"Mga fans mo ‘yan Cocoy, hihihhiih."
"Wow! Dahil ba sa pagiging super hero ko sa manila?" masayang sabi ni Cocoy habang kumakaway sa mga taong sa kanya nakatingin.
"Hindi, dahil sa little patotoy mo, hihihihihihi."
Wow! Sikat na sikat na si Patotoy sa buong Iloilo...
"Oh, patotoy kaka-shy ka......" paiyak-iyak na sabi ni Cocoy.
Sa pagpasok niya sa bahay ng albularyo agad na kinuha ng matandang albularyo ang gamit sa pag gagamot.
"Ano ‘yan?" lumaki muli ang mata ng ating bida nang makitang may malaking itak na dala ang matandang albularyo.
"Hihihihihhi, apo ko ilabas na si patotoy hihihihihiih."
"Waaaaaaaaaaaaaaaa! Ayokoooooooo!" sabay hawak ni Cocoy sa gising na si patotoy.
"Huwag kang matakot.....hubad na....hihihihihi... hubad na Cocoy," pangisi-ngising sabi ng albolaryo.
"Bakit may hawak kayong itak?"
"Ah, eto ba? Wala lang props lang ‘yan apo ko hihihihihihihihi."
Dahil sa kagustuhan ng ating bida na mawala ang sumpa agad itong naghubad sa harapan ng matandang albularyo.
"Apo ko nasaan si patotoy at ‘di ko makita?"
Waaaaaaaaaaaaa! Sa sobrang liit ni patotoy ‘di na makita ng matandang albularyo.
"Lola, eto po...." Sabay turo kay patotoy.
"'Yan ba si patotoy? Akala ko kuto ang nakikita ko hihihihihihihi."
"Lola, bunga ng sumpa ang paghihirap kong ito..."
Kumuha ang matandang albularyo ng isang palanggana at pinatakan ng kandilang itim at si Cocoy naman at tahimik na nanonood.
Itinaas ng matandang albularyo ang kanang kamay.
"Ang..na...ang..na...sulapukan....
Sumas...kitot....mo..ko...mo...ko...."
Habang tumitirik ang mga mata nito sa orasyong binibigkas. Napanganga ang matandang albularyo at lumundag sa tuwa.
"Hihihihihihihii! Alam ko na! alam ko na ang magiging solusyon diyan," pasayaw sayaw na sabi ng matanda.
"Talaga! Lola sabihin na ninyo sa akin ang solusyon..." masayang sabi ng ating bida.
"Ang solution ay dapat....ay...ah....ah..." sabay kapa sa puso nito.
"Lola anong nagyayari sa inyo?" gulat na sabi ni Cocoy
"Ah......u....." nangingisay na daing ng matanda.
"Lola, lola huwag....maawa kayo....."
At biglang natumba ang matanda.
"Oh, hindeeeeeeeeeeeeeeeeee!"
Patay ang lola sa sobrang tuwa
"Lola........bakit ninyo ako pinabayaan? Huhuhuhuhuhu
Walang nagawa ang ating bida kundi tanggapin ang katotohanang patay na ang savior niya. Napansin niya na may nakaukit sa dingding ng bahay kubo nito at ang nakasulat
Cocoy, ‘pag ako ay namatay puntahan mo si ka-Erming sa ika-walong isla.patawarin mo ako kay tagal kitang hinanap para sabihin ang solusyon.
Nagmamahal.... Ang katipan ni Ruben.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaa! ‘kaw pala ang nangkulam sa akin...hayop ka... sabi ko na nga ba mangkukulam ka...."
At si cocoy ay lumabas ng bahay at pinagmasdan ang sinunog na bahay kubo....sinunog ang bahay sa sobrang galit at siya ay umalis patungo sa ika-walong isla...
At sa kanyang pag-alis
"Buhay pa kooooooooooooooooooooooooooo! Help!"
Kawawang mangkukulam na litson ng buhay samantala ang ating bida ay patuloy sa paglalakbay papunta sa ika-walong isla. Inabot na ng madaling araw ang kanyang paglalakbay hanggang may nakita siyang isang matandang lalaking nagwawalis sa kalsada.
"Manong sa diin man ang ika-walo nga isla man?" tanong ni Cocoy sa matandang lalaki.
"Malayo pa ang ika-walong isla madadaanan mo pa ang witchcraft country."
Waaaaaa! Pati ba naman ‘dito nauso ang witchcraft at si Cocoy ay muling naglakad hanggang sa makakita siya nang isang taong sumasayaw sa ilalim ng poste ng meralco.
"Aba, manong ano gawa mo dira?"
Humarap sa kanya ang lalaki
"Sinasamba ko ang panginoong poste ng meralco auuga... auuugaaa...aringring...." At pasayaw sayaw na umikot sa poste ng meralco.
"Ow, this is it! nandito na ako sa tinatawag nilang witchcraft country," masayang sabi ng ating bida.
Paalala: "Nirerespeto po ng ating may akda ang witchcraft. Ang ano mang kahulugang nilagay sa kwentong ito ay walang kinalaman sa tunay na kahulugan ng witchcraft at nang paniniwala nito. Patnubay ng magulang ay kailangan harharhar"
Si Cocoy ay muling naglakad nang naglakad hanggang pumalag si patotoy.
"Uy, patotoy time to dyingle na...opppppps hindeeeee.!" Nagulat ang ating bida sa kanyang nakapa.
"O, my patotoy bakit lalo kang lumiit o, hinde....." at si patotoy ay masayang dyumigle nang biglang.....
"Ikaw nga! Ikaw nga!" malakas na sabi ng isang matandang lalaking nakabahag. Sa gulat ni Cocoy ay agad niyang itinago si Patotoy.
"Sino ka? Huwag kang lalapit....." pag-babanta ni Cocoy sa lalaking nakabahag habang ang mga kamay ay nakataas animo'y isang karate kid.
"Mga kasama dumating na ang pinagpala." Malakas na sigaw nito at laking gulat niya nang nagtakbuhan palapit sa kanya ang buong tribo nito.
"Oh, hindeeeeeeeeeeee!" at tulad ng dati
TAKBO COCOY TAKBO
Pero walang nagawa ang ating bida dahil agad siyang nahuli ng buong tribo. Siya ay binuhat at dinala sa kanilang tribo. Ang tribo at napapaikutan ng mga bahay kubo. Ang mga lalaki ay nakabahag samantalang ang mga babae ay naka suot na parang damit ng isang igorota. Lahat ay masaya sa pagdating ni Cocoy at siya ay pinatayo sa gitna ng kanilang tribo. Ang pinuno ay lumapit kay Cocoy at nagsalita.
"Mga kasama dumating na ang pinagpala! Dumating na ang Pinagpala!" malakas na sigaw ng pinuno.
"Hubaran ang pinagpala! Hubaran!" sabay sabay na sabi ng buong tribo.
"Ow, my goodness maawa kayo, huhuhuhuhu!" maiyak-iyak na sabi ng ating bida habang pilit siyang hinuhubaran at tumambad sa lahat ang gising na si patotoy at siya ay pinaharap sa buong tribo.
"Sambahin ang pinagpala!" sigaw ng pinuno
"Sambahin!" sagot ng lahat habang nakataas ang dalawang kamay.
"Sambahin si patotoy!"
"Sambahin!"
"Purihin si Patotoy!"
"Purihin!"
Wow! Grabe na ‘to, to the highest level...si patotoy ay isang pinagpala...sinasamba ng tribo.
"O, hindeeeeee!" daing ng ating bida.
Agad na pinaupo ang ating bida sa isang malaking upuan na naka pwesto sa gitna ng tribo at ito ay wala pa ring saplot sa katawan. Mababakas sa mukha ng ating bida ang takot ngunit nang makita niya ang mga masasarap na pagkain na ihahain sa kanya ay nawala ang takot sa kanyang mukha.
"Wow! Sarap! Daming pagkain...uhmmmm takam..takam...takam.."
Natigilan ang ating bida nang mapansin niya ang isang babaeng mukhang igorota ang damit at may dalang malaking litson.
"Wow, sarap ng litson! Pero mas masarap yata ang babaeng nagdadala." Pasimpleng sabi ni Cocoy sa magandang binibini.
Lumuhod ang magandang binibini at
"Ikinalulugod ko po ang inyong sinabi mahal na pinagpala. Matagal ko na kayong gustong makita at maging kabiyak ng aking puso ngunit ako'y nag-aalinlangan na baka ako'y ‘di mo magustuhan." Sabi ng binibini habang nakaluhod sa harapan ni Cocoy.
Palakpakan ang mga tenga ng ating bida sa narinig.
"Binibini, ikaw din ay aking pinapangarap." Tumayo si Cocoy at tumama si patotoy sa mukha nang nakaluhod na binibini.
"Bathalang patotoy sinasamba kita."
Waaaaaaaaaaaaaaaaa! Lupet! ‘di na papalampasin ng ating bida ang FIRST TIME niya. First time niyang may humawak sa kanyang patotoy na hindi natakot.... Nalungkot si Cocoy nang tumayo na ang magandang binibini at umalis matapos sambahin si pinagpalang patotoy.
Kaya si Cocoy ay kumain nang kumain.....at pagkatapos kumain ng masarap na litsyon ay lubos ang kaligayahan ng ating bida nang bumalik ang magandang binibini.
"Magandang binibini, pwede po bang malaman ang inyong pangalan?" magalang na sabi ng ating bida.
"Ako si Bukay, ang anak ni pinuno. Masaya ako at pinapansin ako ng isang pinagpala dahil gusto ko ang isang pinagpala." Tumibok ang puso ng ating bida sa narinig.
TOGTOGTOG......sabi ng kanyang puso.
Habang si Patotoy ay taas noong nakatingin kay magandang Bukay ay nagulat si Cocoy ng kumuha si gandang bukay ng isang palangganang may tubig.
"Anong gagawin mo diyan." Takang tanong ni Cocoy kay Bukay na may dalang palangganang may tubig.
"Kailangan ni pinagpalang patotoy na maligo...kailangan siyang basbasan."
WHAT A JOY! Si patotoy paliliguan ni gandang Bukay...grabe na ‘to... ‘di na carry ng ating bida.
"A SMALL small boy in a BIG big world in a BIG big city in a BIG big town."
Pakiramdam ng ating bida isa siyang tunay na pinagpala...
O, kay sarap ng buhay sa piling ni Bukay.........
Lumipas ang mga araw ay patuloy pa rin sa pagsamba kay patotoy at nagkaroon ng love team ang ating bida.
COCOY LOVES BUKAY
"Ano? Sumpa? Naku, matutulungan kita diyan?" masayang sabi ni Bukay sa ating bida nang sabihin niya ang tungkol sa sumpa.
"Malapit na dumating ang aking kaarawan, kailangan munang lumaki si patotoy bago ko sayo ibigay ang aking pagka birhen."
Lumaki ang mga mata ni Bucay sa sobrang tuwa.
"Kapag lumaki si pinagpalang patotoy lalong lalakas ang kapangyarihan nito at mapalad ako at ako ang napili mo para sa inyong pagka-birhen."
"Dahil mahal kita Bukay."
"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal ako."
Napanganga si Cocoy sa narinig.
"Nasa Milan ba tayo? Claudine kaw ba ‘yan?"
Natigilan si Cocoy sa pagbibiro nang makitang pumunta si Bukay sa pinakamataas na bahagi ng bangin.
"Bukay...." Lumapit ito sa binibini dahil nag-aalalang baka ito mahulog sa bangin.
"Bakit ayaw mo akong paniwalaan...mahal kita at tanggap ko kung ano ka kahit hindi ka pa maging isang pinagpala. Ayoko naaaaaaa"
"Bukay huwaggggggggggg....huwag kang tumalon.."
"Ha, tatalon? Hindi ako tatalon no? di pa nga tayo nagkaka-baby."
"Kaw, talaga....ummmmmp." paglalambing ni Cocoy kay Bukay at sa ‘di sinasadya kanya itong naitulak sa bangin...
"Waaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ng dalaga.
"Bukayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy"
Malakas na sabi ni Cocoy sa nahulog na si Bukay. Ang ating bida ay tumayo malapit sa bangin at
"Paalam Bukay." Mahinang sabi ni Cocoy at ito ay tumalikod na.
"Tulongggggggggggg!" malakas na sigaw ni Bukay habang nakasabit sa puno.
Tumakas ang ating bida mula sa mga sumasamba kay patotoy. Naisipan ni Cocoy na magmadali sa paghahanap ng solusyon para mawala ang sumpa dahil dalawang araw na lang ay kaarawan na niya. Tuluyang mawawala si patotoy kapag hindi mabawi ang sumpa at hindi niya maibigay ang kanyang pagkalalaki sa babaeng mahal at tanggap si patotoy.
Ang ating bida ay naglakad nang naglakad hanggang sa makarating sa isang kuweba at sa pintuan ng kweba ay may nagbabantay.
"Lola, sino po kayo?" magalang na bati ni Cocoy sa matandang babaeng nakaputi. Humarap sa kanya ang matanda at ito ay nag salita.
"Ako si tuyang ermitanya.... nakatira ako sa isa ka kuwiba, siling nila aswang ako... pero indi ina matu-od. Siling pa gid nila bu-ang ako, hihihihihihihihihi! Pero ako ay isa lamang ka tawo na wala hilig sa politika...hilig ko lang ay mag-swimming hihihihihihi.!"
"Lola, ako po si Cocoy. Ano po meron sa loob at mukhang maingay?"
"Halika Cocoy, halika, pasok ka....may debate sa loob ng kweba."
Nagulat ang ating bida nang makita ang grupo ng mga ermitanyo. Sila ay nagtatalo at may pinag-uusapan.
Paunawa
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa
kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay
na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay
na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang
po ng aking malikot na imahinasyon.
"Naniniwala ako na ang mangkukulam at albularyo ay iisa?" malakas na sabi ng ermitanyong nakapula.
"Tama!." Sagot ng karamihan.
"Ilang beses ko nang sinasabi sa inyo na ang witchraft ay isang uri ng Old Religion na nag-ugat pa sa Europa. Sa Tagalog, ito ay kilala sa tinatawag na pangungulam Ang witchcraft ngayon ay kilala na sa pangalang Wicca- a modern version of witchcraft based on the old earth religions of Europe gets, ninyo.") Nanlilisik na ang mga mata ng ermitanyong naka-eyeglasses sa sobrang inis.
"Wow! Mukhang maganda ang usapan. Sino kaya ang paniniwalaan sa kanila." Malakas na sabi ni Cocoy at lahat sa kanya ay nakatingin.
"Sandali! Bakik tayo sa usapan. Marami ng tao ang gumagawa ng ilang pagsamba. Ibig kong sabihin sa paniniwala ng isang magkukulam o albularyo." Umuusok na ang tenga ng ermitanyong naka-pula.
Tumayo ang isang ermitanyo.
"BTW, albularyo is different from mangkukulam." Agad na sabi ng ermitanyong naka-eye glasses.
"Tama! Dahil yun din ang sinasabi ng bolang kristal." Sabi ng isang ermitanyo.
"Pwede ba huwag lang kayong umasa sa sinasabi ng bolang kristal." Agad na sabi ng ermitanyong naka-pula.
Agad na tumayo ang isa pang ermitanyo
"Excuse me... dalawang taon kong pinag-aaralan ang witchcraft at hindi lang ako bumabatay sa bolang kristal...." Agad na sagot ng ermitanyong naka-eye glasses.
"At saan ka pa bumabatay sa mahiwagang kawa?"Sagot ng isang ermitanyo.
"Hindi! Sa internet..." proud na sagot ng ermitanyong naka-eye glasses
Nagulat ang lahat nang sumingit ang isang ermitanyo.
"Ang sinasabi lamang ng aking kaibigang ermitanyo ay kung dapat nga bang mapabilang ang witchcraft....." sabi ng isang ermitanyong naka-gown.
"Habang tumatagal lalong sumasaya ang mga usapan hihihihihih." Masayang sabi ni Cocoy habang nanonood ng debate ng mga ermitanyo.
"Hihhihihi para kang narrator apo ko hihihihihihi." Masayang sabi ng ermitanyong naka-gown habang pinagmasmasdan ang ating bida.
"Hindi narrator baka moderator ahhaahahahah." Patawang sabi ng ermitanyong kalbo na siyang ikinainis ng ermitanyong naka-gown
"Oo na, gawin nating moderator ang narrator...kalbuhin kaya kita diyan, kalbo! grrrrrrrrrrrr!"
"Wow! Paganda nang paganda ang labanan dito... sino kaya ang mananalo?" malakas na sabi ng ating bida at laking gulat niya nang sinigawan siya ng isang ermitanyo.
" Hey, Please stop that. It's for your own good. Okay?" mataray na sabi ng matandang ermitanyo.
At si Cocoy ay lumabas ng kweba para sa kanyang ikabubuti.
Habang ang mga Ermitanyo sa loob ng kweba ay
"Let be peace on earth...." At sila ay masayang nag-yakapan.
Gabi na ay patuloy pa rin ang paglalakbay ni Cocoy hanggang maisipan niya ang dumaan sa kabundukan ng Isla at nagbabakasaling doon ay makita niya ang daanan sa ika-walong isla na kanyang pupuntahan.
Nagulat ang ating bida nang masilayan niya ang isang napakagandang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok at kaakit-akit ang mukha.
"Sino ka? White lady ka no?" matapang na sabi ni Cocoy sa babae.
"Ako si Ada ang engkantada."
Napanganga ang ating bida sa kanyang natuklasan. Hindi niya akalain na totoong may enkantada. Lumapit siya sa Engkantada at humingi ng tulong.
"Mahal na ada tulungan n'yo po ako, baka pwede n'yong gamitan ng magic ang aking patotoy."
Malakas na tumawa ang engkantada.
"Ikinalulungkot ko Cocoy hindi kaya ng magic ‘yan...pero maitururo ko sayo ang daanan patungo sa ika-walong isla."
"Talaga po!" mahinang sabi ni Cocoy.
"Lumakad ka lang nang lumakad hanggang makarating ka sa isang isla, ang isla ng Sicogon at doon makikita ang pinaka magandang bulaklak." Sabi ng engkantada at ito ay biglang naglaho at si Cocoy ay muling naglakad nang naglakad hanggang makarating sa isla ng Sicogon.
"Wow! Ang ganda ng Isla." Lumaki ang mata ng ating bida sa karagatang kanyang nakita at lalong lumaki ito nang pumunta siya sa hardin dahil nakita niya ang napakagandang pulang rosas.
"Uy, ang gandang rosas." Akma itong pipitasin ni Cocoy nang bigla nagulat ang ating bida sa natuklasan. Bumuka ang bulaklak at lumabas ang mata nito at bibig na parang isang ulo ng tao.
"Ako si Rose ang reyna ng mga bulaklak."
Nagulat ang ating bida sa nagsasalitang bulaklak hindi siya makapaniwala. Naisip ng ating bida na humingi na lang ng tulong sa magandang bulaklak at baka ito ay makatulong sa kanyang hinahanap ang ika-walong isla..
"Tulungan mo ako. Paano ako makakapunta sa ika-walong isla."
"Sundan mo lang ang mga petals ko na nakakalat sa buhangin at mararating mo ang Ika-walong Isla." masayang sabi ng rosas.
At si Cocoy ay muling naglakbay hanggang sa narating na niya ang ika-walong isla.
"Nasaan kaya ang bahay ni ka-Erming?" napangiti ang ating bida nang makakita siya ng isang bahay kubo at agad niya itong pinuntahan. Isang matandang lalakeng kuba ang kanyang nakita.
"Hihihihhihi! Kumusta? Alam kong ikaw si Cocoy?" agad na bati ng matandang kuba.
"Isa kayong albularyo?" sambit agad ni Cocoy
"Hindi, isa akong mangkukulam."
"Ha! Mangkukulam? Lahi ninyo ang dahilan ng paghihirap kong ito." Gusto nang sakalin ng ating bida ang matanda pero ‘di niya nagawa dahil......
"Mangkukulam ang tutulong sayo?"
"Ha, paano?" takang tanong ni Cocoy.
"Cocoy, halika pumasok ka. Ako si Ka-Erming ang kapatid nang nagsumpa sayo."
Naupo sila sa isang malaking arenola at doon ikinuwento ng matanda ang tunay na pangyayari.
"Pinagsisihan ng kapatid ko ang sumpang binigay niya sayo. Matagal ka niyang hinanap para sabihin kung paano mawawala ang sumpa at para na rin humingi ng tawad. Kahit ako ay hindi ko alam kung paano mababawi ang sumpa, siya lang ang nakakaalam....siya lamang hihihihihi."
"What! Pano ‘yan kailangang mabawi ang sumpa."
Kawawang patotoy hindi na lalaki ang patotoy dahil patay na ang lolang mangkukulam. Muling naalala ni Cocoy ang sinasabi ng itim na aklat.
" mawawala ang sumpa kung makokontra ito..
dapat munang lumaki si patotoy bago ibigay ang kanyang pagkalalaki."
Biglang nakakita nang bombilya sa utak ang ating bida.
"Lolo, alam ba ninyo kung saan ang kapatid ninyo." Tanong ni Cocoy sa matandang kuba.
"Hihihihhi, ang aking kapatid ay nasa kabilang isla..." masayang sabi nito.
"Lolo, patawarin ninyo ako dahil SINUNOG KO ANG KAPATID NINYONG MANGKUKULAM." Malakas na sabi ni Cocoy.
Umusok ang tenga ng matandang kuba sa narinig. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit.
"Hayop ka, humanda ka sa akin, waaaaaaaa."
Tulad ng dating eksena ....... TAKBO COCOY TAKBO
Sa galit ng matandang mangkukulam
"Kinukulam kita, kung gaano kaliit ‘yan ganyan magiging kalaki..."
A BIG BIG boy in a BIG big world in a BIG big city in a BIG big town
Napahinto sa pagtakbo ang ating bida nang biglang pumalag si patotoy.
"Ah, oh, patotoy...what's happening." Gulat na sabi ni Cocoy nang mapansing lumalaki si patotoy.
"Yes! yes! yes! this is it, heto na.....opppppps....teka, bakit parang...hindeeeeeeeeeeee!"
Sigaw nang ating bida nang mapansing si patotoy ay isa ng dambuhala.
"Oh, hindi!" at si Cocoy ay naglakad habang yakap-yakap si patotoy.
What a hell! Si patotoy naging super giant at hindi na carry ng ating bida dahil sa sumpang binitiwan ng kubang mangkukulam......
Dahil sa bigat na nararamdaman ng ating bida ay naisipan niya na puntahan si ada na isang engkantada.
"Anong maipaglilingkod ko sayo. Cocoy?" malambing na tinig ang kanyang narinig.
"Tulungan ninyo ako." agad na sabi ni Cocoy.
Lumapit ang engkantada at nginitian ang ating bida.
"Dapat ka pang matuwa dahil na solve mo na ang unang sumpa. Nakontra na ang sumpa at lumaki na si patotoy. Ang kailangan mo na lang ay ibigay ang iyong pagkabirhen sa babaeng mahal at tanggap ka." Agad na naglaho ang engkantada matapos ang kanyang eksena.
Natulala ang ating bida. Isang araw na lang ay kaarawan na niya. Mawawala si patotoy kapag hindi niya maibigay ang kanyang pagkalalaki sa babaeng mahal siya at tanggap si patotoy. Naalala muli ni Cocoy ang kanyang love team pero natigilan siya dahil si gandang Bukay ay nahulog sa bangin.
Napatingin si Cocoy sa langit at napansin niyang bilog ang buwan. Naisipan ni Cocoy na tawagin ang kaluluwa ni Bukay.
"Bukay, magpakita ka. Hindi na ako takot sa MOMO."
Mula sa kanyang likuran ay biglang lumitaw si Bukay.
"Cocoy!"
"Waaaaaaaaaa! Multo!" matagal na hindi naka-galaw ang ating bida sa sobrang takot.
"Hindi ako multo Cocoy. Buhay ako dahil sumabit ako sa isang puno noong nahulog ako sa bangin. Sa tulong ng engkantada kaya tayo nagkita.
Natauhan ang ating bida sa narinig at agad itong lumapit kay Bukay at isang malakas na sampal ang kanyang binitiwan.
PAK!
Nagulat si Bukay sa ginawa ni Cocoy.
"Buhay ka nga, Bukay I miss you. Si patotoy lumaki na.." sabi ni Cocoy habang yakap yakap si patotoy.
"Natutuwa ako Cocoy dahil lumaki na si pinagpalang patotoy." sabi ni Bukay habang hawak ang pisngi sa pagkakasampal ni Cocoy.
Sa tuwa ng ating bida ay tinangka niyang yakapin si gandang Bukay ngunit hindi niya nagawa dahil sagabal si dambuhalang patotoy.
"Oh, my patotoy bakit huhuhuhuhu."
9:00 PM Sa kubo ni Bukay.
Hindi mapakali ang ating bida dahil pagsapit ng alas dose ay kaarawan na niya.
"Hindi! Hindi ako papayag na mawala si patotoy." Sabi ng ating bida kay gandang Bukay.
"Anong gagawin natin." Agad na sabi ng binibini.
"Ayon sa sumpa kailangan kong ibigay ang aking pagkabirhen." Lumapit si Cocoy kay gandang Bukay at hinawakan sa dalawang balikat.
"Kailangan ko ng ibigay sayo ang aking pagkabirhin."
Lumaki ang mata ni Bukay at pinagmasdan si Patotoy.
"Ayoko, Cocoy....ayoko....hindi ko kayaaaaaaaaaa!" malakas na sabi ni gandang Bukay habang iniisip kung kakayanin si Patotoy.
Tumalikod si Cocoy at naging malungkot ang mukha.
"Okay lang, kung mawawala si Patotoy mas gugustuhin ko pang mamatay."
Wow! Nag emote ang ating bida...
Lumapit si gandang Bukay at hinawakan ang balikat ng ating bida.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa humingi tayo ng tulong sa bulaklak ng isla."
Nagkaroon ng pag-asa ang ating bida at hindi na sila nag aksaya pa ng oras agad silang pumunta sa Isla kung saan naroon ang reyna ng mga bulaklak.
"Magandang umaga sa isang magandang bulaklak." Bati ni Cocoy sa reyna ng mga bulaklak.
"Welcome back Cocoy at sa iyo rin binibining Bukay. Anong maipaglilingkod ko?"
Lumapit si Cocoy sa magandang bulaklak at ito ay kanyang hinawakan.
"Ano ang dapat naming gawin para mawala na ang sumpa."
"Isa lang ang solusyon diyan dapat mo nang ibigay kay Bukay ang iyong pag-ka birhen."
Kumunot ang noo ng ating bida sa narinig.
"Paano? Hindi kaya ni Bukay ang dambuhalang patotoy." mabilis na sabi ni Cocoy.
Tumawa ang magandang rosas.
"Hihihihi may solusyon Cocoy."
"Ano?" sabay na sabi nina Cocoy at Bukay.
"Kung malaki si patotoy kailangan palakihin ang petchay.'
"What! Oh, my God!" napanganga si Bukay sa narinig. Hindi siya papayag na basta na lang lumaki ang kanyang petchay.
"'Yun lang ang paraan Cocoy. Magmadali na! Mamaya na ang iyong kaarawan."
Lumapit si Cocoy sa nagulat na si Bukay.
"Ayoko....ayoko.....ayoko..." sabi ni Bukay habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
Lumapit si Cocoy kay bukay at hinawakan niya ang kanang kamay nito.
"Parang awa mo na. Kailangan ko ng tapusin ang sumpa bago sumapit ang aking kaa-."
Hindi na natapos ni Cocoy ang kanyang sasabihin dahil si Bucay ay tumakbo palayo sa kanya.
"I'm sorry Cocoy!" sigaw ng binibini.
Nasaktan ang ating bida sa ginawa ni Bukay. Lumakad si Cocoy palayo sa reyna ng mga bulaklak habang yakap yakap si patotoy. Ilang oras na lang ay ika-21 na kaarawan na niya at ayon sa sumpa tuluyan ng mawawala si patotoy.
"Patotoy paalam mawawala ka na." malungkot na sabi ng ating bida at tumulo ang kanyang mga luha.
Sa kanyang pag-lalakad nakakita siya ng liwanag. Si ada na engkantada ang kanyang nasilayan.
"Lagi na lang nag-iisa
Lagi na lang nangangarap.....
Kailang kaya...puso ay iibig
Kailan kaya...makakamtam ang isang halik."
Lalong napaiyak ang bida sa awit ng engkantada. Ang kanyang mga luha ay tuluyang umagos sa kanyang mga mata.
"Kailan kaya puso ay iibig...kailan kaya....ahahahahaha...ahahaaaaaaaaaaaa..."
"Oh, patotoy..." mahigpit na niyakap ni Cocoy ang kanyang dambuhalang patotoy habang patuloy sa pag-eemote.
"Kailan kaya.....ahahahahaa...ahahahahahahah."
Huminto ang engkantada sa pag-awit at ito ay lumapit sa ating bida.
"Sundan mo ang mga petals sa buhangin at iyong makakamtam ang tunay na kaligayahan." Sabi nito at bigla na lang naglaho.
Matamlay na sinundan ni Cocoy ang mga petals na nakakalat sa buhangin at sa dulo nito ay may isang bahay kubo. Agad na pumasok ang ating bida at nagulat siya sa kanyang nakita.
"Cocoy, Cocoy...." Si Bukay na nakahiga sa isang kamang punong-puno ng petals ng rosas.
"Bukay, nagbalik ka...." Lalong nagulat si Cocoy nang tinanggal ni Bukay ang kumot nito.
"Wow! Ang laking petchay..." sigaw ni Cocoy
"Cocoy, are you ready na?" malambing na sabi ng dalaga.
"Go! Go! Go!" agad na sabi ng ating bida.
"Bubuka ang bulaklak
Papasok si Cocoy
Sasayaw ng cha-cha
Ang saya-saya."
"Yes! Uuuuuuu, a, e, I, o, u..." tanging nasambit ng ating bida.
I'm a BIG BIG boy in a BIG BIG world in a BIG BIG city in a BIG BIG town
Pakiramdam ng ating bida ay isa siyang malaking nilalang sa isang napakalaking mundo
12:00 AM
Dahil sa nangyari ay nakaligtas si Cocoy sa sumpa. Ang dambuhalang patotoy ay muling lumiit pero hindi na kasing liit nang dati at lubos itong ikinatuwa ng ating bida. Kumalat ang balita sa buong Isla, sa buong Iloilo at sa buong Pilipinas. Dahil sa balita ay muling naalala ang kanyang pagiging super hero at lalong sumikat ang ating bida.
Sa TV Patrol
"Ang ating superhero na si Cocoy ay kinulam..ito ay kanyang nilabanan at nawala ang sumpa."
Sa The Buzz
Boy Abunda: Natutuwa ka raw dahil nawala na ang sumpa. Gaano na kalaki si patotoy ngayon?
Cocoy: Lubos ang aking galak Kuya Boy dahil sa wakas lumaki na ang aking patotoy....
Boy Abunda: Wow! Pwede bang malaman kung gaano?
Cocoy: Pwedeng-pwede po... tatlong pulgada po.
Boy Abunda: hahahahaahahahah
Cocoy: Natutuwa na po ako kasi dati isang pulgada lang hihihihihihihi.
At si Cocoy leave happilly ever after.
Hanggang sa sumapit ang.....
DECEMBER 21, 2012 - World End Date
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! End of the world naaaaaaaa!"
In a year 2012 ay may trahedyang naganap.
Ang dagat ay naging lupa, ang lupa ay naging dagat
Ang araw ay naging buwan, ang buwan ay naging araw.
Ang mga planeta ay nag-iba ng posisyon...ang pluto na ang malapit sa araw, sumunod ang Saturn pero ang Earth nanatili sa ika-tatlong pwesto.
Sa trahedyang naganap ay may nakaligtas at walang iba kundi si Cocoy....
"Waaaaaaaaaa! Patotoy, New world na ganyan ka pa rin waaaaaaaaaaaaa!"
Abangan sa Book 2 pagkatapos ng TIMAWO............
jonsdmur
Paunawa
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa
kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay
na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay
na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang
po ng aking malikot na imahinasyon.
Salamat sa komento.... sa
Salamat sa komento.... sa totoo lang 2 version ko to... ewan ko ba at biglang pumasok sa aking isipan gawing pantaserye ito... nanood kasi ako ng dyesabel at akoy natuwa kaya binago ko... pumasok kasi sa aking isipan na ulitin ang ibang eksena habang pabalik siya ng iloilo... kapag nag katime uli me baka ibahin ko ang ilang eksena.. hai... ang isang nobela ko inaayos ko uli.. ung Doon lang... marami me ginawang pag babago... sana maayos ko na rin...
Salamat sa mga komento.. kasi nakakatulong yun para sa ikagaganda ng isang nobela... sa isang manunulat kailangan din natin malaman kung ano swak sa panlasa ng readers natin.. masaya ako kasi nagustuhan mo ang part one... kung baka sa movie nagustuhan mo ang part 1 kaya ka nanood ng part 2... kumita na rin ung part 2 kasi pinanood mo dahil sa part 1...
Salamat uli sayo... isa ka sa mga mahusay magbigay ng komento dito... nasasabi mo lahat ng positive ang negative side ng isang akda....
Thnks...
jonsdmur
comment
na-enjoy ko naman siya from the beginning up to the end…
Malinaw naman ang pacing ng kwento… kaya lang napansin ko parang may paulit-ulit lang na isyu, katulad nung albularyo-mangkukulam... kunbaga, walang bago…naulit lang, magkaiba lang ng scenario. Medyo nag-decline din yung humor para sa akin. Ewan ko kung bakit. nakakatawa pa rin siya pero hindi na kasing-taas ng energy noong first part. Pero natawa talaga ako sa lalaking sumasayaw sa poste ng Meralco at sa conference ng mga sosyal na ermitanyo..hehehe.
Tapos parang may kulang pero di ko matukoy. basahin ko ulit siya ng buo tapos sasabihin ko sa iyo kapag napinpoint ko na kung ano ang kulang... baka kasi naguluhan lang ako...
Aabangan ko pa ang mga susunod mong kwento…pati sequel nito. keep writing.
Best regards,
melay
hihihihihi! im happy sa
hihihihihi! im happy sa komento mo.... sige na bilisan mo na mag review uli.. gusto ko kasi malaman kung saan part pwedeng ibahin... binabago ko pa ang mga pwedeng baguhin sa unang nobela ko from part one to end.... kaya minadali ko itong tapusin si Cocoy...
Saan kayang part ang pwedeng palitan... napansin ko rin na parang bitin ang ending... o umikot ang kwento.... heheheeheh
Ayon sa aking paunawa... lahat ng yan ay sinasadya ko lamang heheeheh joke...
Thnks sa komento at aabangan ko ang muli mong komento... and suggestions...jonsdmur
Salamat Bhelle sa oras na
Salamat Bhelle sa oras na iyong binigay para basahin ang aking kwentong Cocoy.
Salamat salamt salamat
Natutuwa ako sa komento mo....
Jonsdmur
Well...
Well, sa akin naman... okay naman yung kwento dahil bilang manunulat, madali mo namang ma gets ang gustong iparating ng writer sayo, nakakatuwa nga siya e... Pero kung sa mga taong nagbabasa na lang sa site na ito, medyo may kulang, hindi ako magaling pero napuna ko lang na masyado mong minamadli ang flow ng story para mareach mo kaagad ang climax kaya nakalilimutan mo minsan na bilang novel writer ay kailangan natin ang kabuuang diskripsiyon at pagpapaliwanag sa mga readers ang pangyayari lalo na sa time ng pag change ng topics and location... Actually, nagawa mo naman ito pero medyo may kaunting kulang pa...
Honestly, nakakatuwa talaga yung kwento, buti na lang 'di ako pinansin ng kasamahan ko sa work na tumatawang mag-isa! (Haha!)
Maraming salamat jonsdmur!
Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusulat....
thanks so much fhearl sa
thanks so much fhearl sa komento mo.. tama ka nga... minadali ko na naman kasi... medyo nabawasan ang narrator at description... mabilisan kasi ang gawa... heto aayusin ko pa... salamat sa komento... nice to see ur next novel....
Ang tagal mo yatang nawala.... busy pa ba sa work... inaabangan ko na mga next stories mo.... jonsdmur
Maganda din ang part 2
Maganda din ang part 2 halata lang na minabilis mo sa paggawa... medyo nahabaan ako at habang humahaba nawawalan ng konting gana. pero ok naman i give you 6tickets! (parang movie review lang!) ehehehe
Salamat sa komento mo.. tama
Salamat sa komento mo.. tama nagmamadali talaga ako... gusto ko na kasi na i-post. Sa komento mo nalaman ko na naman kung ano babawasan ko.. mga bubura na namn ako ng ilang eksena... thnks sayo.... jonsdmur
Mukha...
Mukha yatang marami na ang nagkomento mo jons ah...
Wala na akong maikokomento pa at nasabi na nilang lahat ang dapat masabi...salamat po.
keep on posting!
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...
salamat sa pagbasa... ako'y
salamat sa pagbasa... ako'y natutuwa..... jonsdmur
pasasalamat: Lubos ang aking
pasasalamat:
Lubos ang aking pasasalamat sa pagbasa niyo sa aking maikling kwento... sa lahat ng mga nagbigay ng komento.... salamat... isang matamis na ngiti ang aking binibigay...
Muling paalala hindi ito ang true 2 life story ko heheheheh
Thanks sa inyong lahat.... mabuhay po kayo..... jonsdmur
<(='.'=)>
Ayus ah. Pero yong mga sasabihin ko, nasabi na nilang lahat hehe. Medyo naulit nga yong issue sa witchcraft pero ok lang. nakakatawa pa rin..
Hindi ko na-take yong usapan sa kweba.. haha! May mga scenes sa one at wo na bumenta sakin. Yong iba, nag-paiba talaga ng takbo ng story. Yong tipong iisipin ko- "nasaan na nga ba ako? Ano nga bang nangyari sa kwento?"
pero nakakatawa pa rin... ahahaha! Madaling araw na pero tumatawa pa rin ako mag-isa dito..
thnks sa komento.... wow,,,
thnks sa komento.... wow,,, new pic ha....sino kaya ang tinanggal mo sa pic? naiwan pa ang buhok heheheh thnks sa pag basa... buburahin ko ang ilang eksena heheeheh jonsdmur.....
thnks sa komento.... wow,,,
thnks sa komento.... wow,,, new pic ha....sino kaya ang tinanggal mo sa pic? naiwan pa ang buhok heheheh thnks sa pag basa... buburahin ko ang ilang eksena heheeheh jonsdmur
finally nabasa ko din ang
finally nabasa ko din ang katapusan. Ok naman ah kahit recycled ang jokes funny pa din naman. busisiin mo na lang next time para hindi ka ma-technical. thanks for entertaining us with cocoy's exploits!
Hapy hapy ako at nabasa na
Hapy hapy ako at nabasa na ninyo ang aking life story heheheeh waaaaaaaaaaaa..... salamat po sa komento... ang ganda naman ng pic ninyo... mukhang malamig sa paligid...
God bless... jonsdmur
wek...
haha! Nagbagong buhay na kasi ako. (kaya?) Yung picture eh kuha sa book signing ng precious hearts. May kasama akong writer dun saka isa ko pang kabarkada, saka si Ate Melay...
Yung kwento, hindi mo naman talaga kelangan palitan yung scenes. Konting ayos lang yun okay na. Medyo kailangan lang lagyan ng bigat yung climax kasi medyo diretso yung flow ng emotion. Di ko maramdaman at makita kung nasaan na yung pinaka-climax. Pataasin mo pa kuya ng konti.
Iyon lang. hehe. But all in all nagustuhan ko yung story. At natatwa pa rin ako hanggang ngayon sa usapin sa kweba! Haha!
<(='.'=)> Si eloi lang 'to, busy sa pagkakalat.
Thnks uli sa iyong
Thnks uli sa iyong komento... ganda ng pic mo ngayon kasi nag matured looks mo.. heheheheh lumabas ang iyong pagiging dalagang pinay... before kasi ung pic mo parang nasa 16 ka lang hiihhihihih..... Gud luck sa exam... jonsdmur
c",)
Naminaw ko sa imong storya... nindot kaayo, lipay gyud 'ko! dayon pa sa pagsulat para maingon nila tanan brayt gyud ang bisaya! Where in the south are you from? I was just assuming that you're from the south naa'y bisaya dialogue in your story parang mixed ilonggo and cebuano ba? anyway, I had fun reading your stuff!
Ako isa ka bisaya... lipay
Ako isa ka bisaya... lipay gid ko kay nabasa mo ang akon nga masterpiece hehehehe... yup.. I'm from Iloilo... subong ari ko sa Laguna... diri me ga work...
Salamat sa pagbasa... thnks jen....
San pala province mo? baka one nation one country tayo heheeh... Keep in touch....
jonsdmur
Thanks to you... yup may
Thanks to you... yup may relatives din kami sa CDO... Nice to hear you...
Thnks..... jonsdmur
Well, first off, I am a
Well, first off, I am a Bisaya myself, a bumming writer based here in Visayas. I quit Manila after some years of study. And if you care to know, lipay pud ko to read your comment, written in some broken phrases in our language, expressing a real delight ni Inday which is benignly elctrifying.
In a side note,
Well, as you must have known, there's nothing more to prove for the Bisaya on how good they can write. We have Rudy Villanueva aka Renato Madrid to name one from Cebu [or any of your favorite Bisayan writers for that matter]. If you've read any of his collection of stories, written both in Cebuano and English, or his two novels [Devilwings and Mass of the Death of an Enemy, the latter got its setting in the south, specifically, Carcar], you might agree with me that he is a complete writer, may even be the best one here in the Visayas if not the country, that even a saint would bow to him first before said saint would bow to an angel. The point is not just to "dayon pa sa pagsulat para maingon nila tanan brayt gyud ang bisaya!" We have passed that line baby. It should be: go strive for more or even better go try to trump those awesome sonofbitches!
I liked also this part pero
I liked also this part pero mas funny ang part one. over all iba ang kwentong ito nakakatuwa. Taga iloilo ka ba kuya? ang la traidora di ko pa gaano nababasa kasi inuna ko to.
Unique ang pagkakasulat ng kwentong ito. hindi malaswa ang dating. parang comedy sexy film ng pinas. ok sa akin to.
thanks so much dahil na-entertain mo ako sa story mo.
for me isa itong ARTS
okey.....
well jo...okeylang ang kuwento..honestly medyo boring so hindi ko totally nabasa ang kabuuang kuwento.... but then its okey coz masyadong malawak ang naging view mo... thats good...
continue your work lang para maimprive pa ability u....
it makes me smile too.thank you...
Godbless...
Salamat kaibigan.. joylyn is
Salamat kaibigan.. joylyn is my best friend mula pa sa Iloilo.. Collage barkada ko rin siya.. Siya rin ang nagbabasa ng mga nobelang isinulat ko dati.. tanda ko pa sa yellow pad ko pa isinusulat.. sana happy ka dahil sa pc mo na nababasa mga akda ko? heheeheh masaya ako dahil binigyan mo ng time at naging member ka na ng site na ito...
Yup ang part 2 ang medyo nahirapan ako at aayusin ko pa ito. Salamat sa iyong komento.
Good luck sa career at sa gards sa aking inaanak... layo kasi di ko mapadala regalo sa bday niya hihihihihi bawi na lang ulit...
I'm happy dahil naaabot mo na mga dreams mo... wish u luck sa abroad.. buti ka pa? ako heto ganito pa rin... sana makagawa ako ng nobela about sa freindship natin... miss ko na rin ang friends natin dati....
aabangan ko ang kwento ng love story mo... kapag bored ka sa ibang bansa bumisita ka lamang sa site na ito...
Miss u frends..
jo
frend, sana ang susunod?
frend,
sana ang susunod? nakakdi-stress ang kwento kahit na lolost ako sa adventures ni cocoy.. hehehe nakakatawa pa rin.....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
malapit ko na gawin ang next
malapit ko na gawin ang next chapter nito.. naudlot kasi nang ayusin ko ang la traidora.. ilang eksena kasi sa part 2 kinuha ko sa wicthcraft blog ni melay...
Sa next chapter nito original lahat ihihihhihi lalo na ang mga linya....
Hope your okay!
Jonsdmur










Eh!!!
Maganda yung unang bahagi ng kwento kasi medyo maaayos yung batuhan ng linya at nakakatawa, yung part 2, eh parang ang gulo gulo. Lalong naging paligoy ligoy ang istorya. May mga linyang wala namang bigat at dating. Parang naging OA yung kwento. Di ko alam kung najojologsan ako pero kasi parang yung mga jokes sa unang part ay ginamit mo uli dito (binago mo lang yung dialogue). Ika nga nabenta na yung jokes na yan kaya di na ngayon bumenta sa akin.
Sabihin natin fantasy yan at malayo sa katotoohanan pero parang may kulang pa rin eh. Parang walang patutunguhan yung istorya, walang malinaw na structure. Kumbaga sa kwentuhan, paligoy ligoy at kung saan nagpupnta ang usupan, kaya ang nangyari nagtulugan na lang. Medyo masyado lang siguro akong na-OA yan. Pinilit kong habulin ng imahinasyon ko ang mga kwento pero wala eh bawat basa ng istorya iba na naman ang setting, ibang karakter na naman!! Pati yung paglalarawan medyo sumobra rin! Medyo di siguro nagswak sa panlasa ko ang ikalawang bahagi ng kwento mo.
Pero on a positive notes, nakakatuwa kasi napakalawak ng imahinasyon mo, natutuwa ako kasi overflowing yung ideas at lahat ng mga experiences mo ay pinapasok mo sa istorya. Tingin ko rin may future ka sa mga novel, kasi sa mga ideas mo.
Yun lamang po, salamat
Spike