Ako si Sisa

|

Ssshhhh.. wag kau maingay… natutulog na ang asawa ko… baka saktan na naman niya ako kapag nagambala ko siya…

Nag aalala na ako sa mga anak ko… Dapat uuwi sila ngaun… subalit malalim na ang gabi ay hindi pa din sila dumarating… sandali… nanjan na pala sila…

Oh basilio, nasaan ang kapatid mo?

Bakit naiwan ang kapatid mo sa kumbento? Buhay pa ba siya? Sige magpahinga ka na… kumain ka na ng hapunan. Hindi ka nagugutom? Sige magpahinga ka na lamang alam kong pagod ka.

Alam ko na… pupunta na lamang ako sa simbahan bukas… ako na lamang ang dadalaw sa kanya…

Tao po, padre , tao po.. Maari ko po bang makita ang anak ko? Anu po? May sakit ang kura? Saglit lang naman po ang hinihiling kong oras… nais ko lamang pong Makita ang aking anak sapagkat hindi siya umuwi kagabi.

Hindi! Hindi magnanakaw ang anak ko! Hindi niya magagawa iyon. Nais ko lamang Makita ang anak ko…. Marahil ay maralita kami pero hindi kami magnanakaw… hindi nya ginawa ang ibinibintang ninyo…

Parang awa nyu na… wag ninyong akong kunin… wala sa akin ang kwarta… hindi iyon kinuha ng anak ko… parang awa nyu na… maawa na kau sakin….

<aarte na tila hinihila, babagsak paluhod… mababaliw…>

Nasaan na ang mga anak ko? Basilio, Crispin…

Ikaw nakita mo ba ang mga anak ko?

Baka napansin mo sila… maaari bang sabihin mo sa akin kung nasan sila?

Parang awa mo na ginoo… ituro mo… Maawa ka na sakin

Basilio… Crispin…

Basilio… Crispin….

Jeazelle Salunga

my Sisa monologue..


Jack A. Alvarez's picture

There is nothing new to our senses tungkol kay Sisa

Sisa is indeed one of the most controversial character in the novel Noli Me Tangere.

Kung ito ay gagamitin mo sa isang monologue, although di naman importante ang authenticity ng akda dahil there is nothing new to our senses tungkol kay Sisa (sikat siya sa Noli) kaya kailangan lang ang galing ng acting.

Naging tragic at so madrama lang ang portrayal ng kanyang buhay kaya mananatili siya sa puso ng mga Pilipino. At minsan rin parang ginagawang katatawanan ang role na ito at pati name nya and result looks so cheap dahil nga sa paglalarawan ng pagiging baliw. Pero para sa akin sa makabagong henerasyon sana bigyan natin ng kakaibang Sisa ang mga audience, sa panahon ngayon dapat ipakita na kung isa kang matapang na babae hindi ka mababaliw. Uphold women empowerment. 

 

http://jackofspades01.multiply.com/

dyeppri's picture

:)

LOL!!!!

 

sira pala ang ulo nito...Sealed

 

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

sinta isaac's picture

...jea

 

may naalala ako dito sa post mo.

 

Noong high school ako'y miyembro ako ng teatro, pero dahil adik adik ako noon, hindi ko namalayan na nakalista pala ako sa contest para sa diyaskeng monologue na 'yan para sa Noli me tangere, gusto ko sanang umatras kaso ang sabi ng adviser namin, nakakahiya daw na walang representative ang mga taga dulaan, kaya sa loob ng dalawang oras bago ang contest ay nagpraktis ako at gumawa ng monologue ko bilang si sisa, parang ganito ang ginawa ko sa isinulat mo, tapos pinalitan ko, kasi nakornihan ako, ginawa kong rebolusyunarya si sisa, baliw pero rebolusyunarya, inayawan ng adviser namin.

ang ending, nag impromtu ako ng monologue bilang si Elias. 

 

Cliche na si sisa kasi. Sa sobrang cliche, gasgas na gasgas na ang kwento niya, sa sobrang gasgas, hindi mo na makita ang totoong kahulugan.

 

Isip ka na lang ng ibang subject.

 

 

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

salamat...

hmm... tapos ko na kasi gamitin yan... 

for recitation purpose lang kaya hindi ko na pinaghandaan...

 

ang reason ko talaga ng pagpost nyan dito ay para kung may maghanap ng monologue... may mapagbasehan sya... nung ako kasi wala ako mahanap eh...

 

sana lang kung may magkakainteres gumamit ng gawa ko... sana magawa nyang creative... 

 

pero sa totoo lang... para sakin si sisa ang halimbawa ng isang mabuting ina na hanggang huli eh hinahanap pa din ang anak nya...

 

parang nanay ko... lahat gagawin para sa anak... ang kaibahan lang... matibay mentalidad ng nanay ko...

 

 

~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~