AKO 'TO. WALA NG IBA.
-Ako yung taong hindi mahilig ipakita ang aking tunay na nararamdaman...tinatakasan ko ito, iniiwasan. MADAYA raw ako sabi ng karamihan. Pinipilit na ngumiti at tumawa... PRETENDER? Siguro nga pero hindi PLASTIC. Sa katunayan prangka akong tao. Natatakot lang ako na ma-misunderstood. Ako rin yung tao na maraming plano sa buhay. Nagpapaka-busy. Kaya walang time sa sinasabi nilang LOVE. Isa na rin yun sa mga reason ko kung bakit nananatili ako sa aking katauhan na BORING sa paningin ng iba. Malungkot akong tao hindi dahil sa kadahilanang hindi ako mahal ng aking pamilya o wala akong mga kaibigan...hindi, mahal nila ako lalo na ng aking Mama at Daddy. Almost 14 years din bago ko narealize na mahal pala ako ng aking mga magulang...Malungkot ako hindi dahil sa kanila. Basta hindi sila yung dahilan. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano yun. Naiinis ako sa aking sarili sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na nagpapahina sa aking pagkatao, mga bagay at pangyayari noon at sa kasalukuyan... Pero pilit kong pinapatatag ang aking sarili. Lumaki akong matapang at palaban. Matigas ang puso ngunit mabait. Tulad ng iba naging masaklap din ang aking buhay dito sa mundo. Ilang taon ko ring hiniling sa Diyos na sana bawian na n'ya ako ng buhay subalit sa aking pagtanda taon-taon imbis na dahan-dahanin kong patayin ang aking sarili...hiniling ko na lamang sa kanya na ibigay na lag ang mga nalalabi kong buhay sa aking mga magulang , mga kapatid, at mga kaibigang tunay na nagmamahal sa akin...at tirhan ako kahit anim na taon para mabuhay ng masaya dito sa mando kahit magulo at mapatunayan na may silbi pala akong nilalang...kahit hindi nalang anim, kahit ilan basta magkaroon lang ng kabuluhan ang pananatili ko sa kanyang paraiso. SERYOSO AKO. Hindi ako nagbibiro... Pinagsisihan ko na ang mga nagawa kong kasalanan...hanggang ngayon. Tinutulungan ko ang Diyos na parusahan ang aking sarili. Hindi ako bulakbol at suwail na anak. Sa katunayan, wala akong bisyo. Never kong inattempt na subukang gawin 'yon. Hindi ako lumalabas kasama ang aking mga kaibigan. Madalas akong nag-iisa. EMO! Sabi nila. Hindi ako emo, nais ko lang mag-isa. Kailangan ko lagi ng privacy para makapag-isip. Kahit privacy lang hindi nila maipagkaloob. Maingay dito, magulo doon. Saang sulok ng daigdig pa ako makakapag-unwind, makakapag-relax. Masama akong tao. Dahil sa sumasagot ako sa magulang ko sa tuwing pinagsassabihan at pinapagalitan nila ako dahil aking katamaran. Katamaran isa sa mga problema ko sa sarili na hindi ko malabanan...noon. Pero hindi na ngayon. Mas lalo pa akong bumait at sumipag, alam ko yun pero sila hindi. Tingin ng karamihan sa akin wala akong silbi, lalo na ang pamilya ng Mama at Daddy ko. Kaya mas lalo pa akong nagsusumikap sa buhay nang sa ganun mapatunayan kong mali ang mga paratang nila sa akin. Bahala na sila kung anuman ang gusto nilang isipin. Basta ako ito... Pagbabago? Ang hirap magbago, lalo na kung hindi bukal sa iyong sarili at napipilitan ka lang. Pagbabago. Makakamit mo iyon kapag gugustuhin mo talaga pero hindi buong-buo. Dahil kung ano, kung ano siya. Hindi mo na magagawang ibang tao iyon. Parang pangarap, ngunit malaki ang kanilang pinagkaiba parang tao. Ganun. Ganoon talaga ang buhay. Misteryo. Nakapaloob sa bawat isa. Misteryoso. Ako raw 'yon. Sabi ng karamihan. Tahimik kasi akong tao. Hindi palakwento. Masayahin. Oo. Minsan? Madalas? Pareho. Basta alam ko, sumasaya ako kapag nakakakita ako ng mga taong masaya. Pinipipigilan ko ang aking sarili na huwag mainggit dail wala namang dahilan para kainggitan yun. May nagsabi sa kin minsan, isang mabuting kaibigan...sabi n'ya, 'Hindi raw dapat ako mainggit...hayaan ko lang daw sila.' Minsan lang ako humingi ng payo sa isang kaibigan...hindi tungkol sa pag-ibig kung hindi tungkol sa pamilya. Lagi kong bukambibig ang aking pamilya. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit ako malungkot ay dahil sa malayo ako sa aking mga magulang at mga kapatid. Nasa side ako ngayon ng auntie ko, kapatid ng papa ko. Kasama kong naninirahan ang tatlong brat na anak ng auntie, si lola, lolo, isa ko pang pinsan na brat din, tatlong housemates-dalawa rito katulong ng auntie ko ang isa ay anak ng isa sa mga katulong n'ya...kasama ko rin ang aking nakakatandang kapatid na babae. Pareho kaming nag-aaral sa kolehiyo. Same school. Nagtataka ako rito sa ate ko, simula nung dumating at tumira ako sa bahay ng auntie namin hindi na n'ya ako kinakausap...samanatalang ako kinakausap ko s'ya. Hanggang sa mapagod ako at sinabayan ko na lamang ang pagtrato n'ya sa akin. Nag-de-deadmahan kaming dalawa. Kahit na ganun, kapatid ko pa rin s'ya, kapatid n'ya pa rin ako. Naiilang lang siguro s'ya sa akin. Ayoko ng isipin yun... Simula rin nung tumira ako rito...naging mas kumplikado ang buhay para sa akin. Hindi dahil sa iba na ang paligid na kinagisnan ko noon, kung hindi dahil sa ibang pamilya na ang makakasalamuha ko sa araw-araw...hindi sila ganoon kabait para sa akin. Ewan ko kung bakit. Basta ayoko sa pamilya ng Daddy ko. S'ya lang at si Mama ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako hanggang ngayon at dala-dala ang apelyidong kinakahiya ko simula nung makilala ko kung anong pamilya meron ang Daddy ko. Madamot sila! Mapagpangggap.
Itutuloy...


