Ako'y Isang Bulag, Pipi at Bingi
( Heto yong salin sa Tagalog nang orihinal na poem kong I am blind, mute and deaf )
Minahal ba kita
dahil ba, ikaw ay isang dyamante
dahil ba, ikaw ay isang ginto
dahil ba, ikaw ay isang nakakaakit na tala
na ang mundo'y sa'yo ay nakatingala
Dahil ba, ikaw ay isang awit
na nakakahalina sa aking kaluluwa
sa kadahilanang kapanglawan ay aking langit
at ang awit lang nakakagising sa kaluluwa ko
at sa pagising taglay ang aliw
Di lahat ng yan ay ang katwiran
dahil ako'y di makakita at makarinig
Kung ano pa man ang dahilan
Minahal kita kahit papaano
Kung ano pa man ang dahilan
Minahal kita dahil ikaw ay ikaw
Kung ano pa man ang dahilan
Maski na ano ang sinasabi ng mundo laban sa'yo
hindi ko pinapakinggan
Puso ko lang ang aking pinapakinggan
Ano man ang iyong nakaraan
Wala akong masasabi, dahil manhid ang aking dila
Ano man ang iyong karimlan
Itago mo, mata koy di mapilit na sumilip
Dahil sa kung ikaw ay nangalap sa karimlan
ako ang iyong magiging lampara ng iyong buhay
alay ko ang aking katawan, puso at kaluluwa
Ency Bearis
Not a poet, only compose poems for the art of poetry.
Thanks
Salamat at nagustuhan mo yong tula o ang sinasabi ng tula.


Ayuz
Gusto ko ang sinasabi ng tula. :) Kung facebook lang ito, pipindutin ko ang 'like' button. Kaya lang walang ganung button eh, kaya sinasabi ko nalang.
-----
Ore Wa Tensai . Com
http://orewatensai.wordpress.com
Dahil nagaadik sa salita ang Balahura.