AKTIBISTA
... at sa lansangan, mas pinili mong manahan
Dala ang mga plaka, sigaw mo ay katarungan
Kapakanan ng nakararami, laman ng iyong isipan
Karapatan ng mamamayan, pilit mong ipinaglalaban
Sa iyong duwelo, boses ang puhunan
Tanging iniisip, maiparating sa pamahalaan
Ang problema ng bansa, at hinaing nitong bayan
Na lalong pinalalala ng mga uhaw sa kapangyarihan
Sa iyo'y walang puwang, ang anumang katiwalian
Ang kaban ng bayan, kamo'y para sa mamamayan
Mga buwaya sa pamahalaan, iyong kinakalaban
Walang pakialam, buhay ma'y malagay sa alangan
Sa mga ugat mo'y dumadaloy, ang dugong makabayan
Kakayahan ng kababayan, mas angat sa dayuhan
Ang tanging hiling lamang, ay suporta ng pamahalaan
At galing ng Pilipino, ay mapapatunayan
Ang nakaraan ng bayan, ay lagi sa kamalayan
Isang bukas na aklat, na hindi malilimutan
Kagitingan ng mga bayani, na buhay ang pinuhunan
At pagdanak ng dugo, para sa hangad na kalayaan
Kaya't ngayon ay kinakalampag, itong ating pamahalaan
Pilit pinapaalala, ang masalimuot na nakaraan
Taginting ng batingaw, ginigising ang pamunuan
Ang pagpapapagamit sa dayuhan, sadyang walang patutunguhan
"Prinsipyo ay buhay, ang nakaukit sa isipan
At ang dignidad, ay higit pa sa kayamanan
Bitbit kahit saan, ang tunay na karunungan
Ang mulat na isipan, at pag - ibig sa bayan
Ikaw nga ang boses, nitong ating bayan
Mapanuri mong mga mata, ay dapat na tularan
Hindi patitinag, kahit na kay kamatayan
Buhay ay iaalay, basta't para sa mamamayan
(lipat ko lng ditosa blog ko)
Tama ka
Tama ka ang buhay ng aktibista ay ganyan ang masakit pa ay ang panghuhusga ng mga taong sya mong ipinaglalaban.
Salamat kasama
taas kamaong papugay sayo kasama at sa iyong tula.
- serve the people -
ayos. bagay ang titulo.
ayos. bagay ang titulo. aktibistang-aktibista. mahusay!
...
ang mahirap sa isang aktibista, huhusgahan ka nila. imbes na pakinggan ka at hangaan sa ipinaglalaban mo, kaiinisan ka nila at hahanapan ka pa ng dumi. (base sa karanasan)
salamat sa inyong mga comment
salamat sa lahat ng nag comment.... sa totoo lang ang tulang ito ay umusbong mula sa aking paghanga sa isang kaibigang hanggang ngaYON ay naniniwala na ang Pilipinas ay para sa mamamayang Pilipino.... Bok... alam mo n naman na ito ay dedicated ko sa yo... salamat sa regalo ng pagkakaibigan at sa mga aral na naibigay at patuloy nitong ibinibigay sa akin.... sa lahat ng mga aktibista.... mabuhay kayo......!!!!
Papugay sa iyong kaibigan
Jorlem, ipabatid mo nalang ang aming pag-hanga sa iyong kaibigan...
Alalahaning mag-ingat san man tutungo, tatlong taon akong namuno ng isang samahan sa kabikulan, naging tanyag, itininakwil ng iba, pinag-hahanap. Dalawa sa pumalit sa akin ay nakamit ang kamatayang walang kasing tamis-ang mamatay ng nagsisilbi sa bayan.
Ngunit, datapwat, subalit...isiping parati na kasabay ng kabataan ang kapusukan sa mga bagay-bagay. Marami pa tayong di nalalaman, buksan ang mga mata ng tuluyan, at tanungin ang sarili ng paulit-ulit kung ang landas bang tinatahak ang dapat kalagyan.
May pamilya na ko ngayon at nagsisilbi sa isang multinasyonal na kumpanya, oo huwad ata akong maituturing at takwil sa paniniwala, pero may sarili akong laban na mas dapat pagtuunan ngayon - ang aking pamilya.
salamat muli sa tula at sa iyong inspirasyon!!!
makakaasa ka....
makakaasa ka n sa muli naming pagdadaupng palad ay ipararating ko sa kaniya ang papuring inyong ibinigay... ndi man ako isang aktibista, dahil sa kaniya, namulat ako at natutong umunawa sa mga tulad niyang ang tanging hangad ay maipaglaban ang karapatan ng mamamayan.
kung ano man ang iyong nagin karanasan, alam kong hindi naging madali para sa iyo ang kahapon. alam ko ang pagtalikod mo sa iyong pinamumunuan ay hindi isang pagtataksil at lalong hindi isang karuwagan... kaya lamang sa buhay talaga, may mga bagay na dapat tayong isuko hindi dahil gusto natin kundi dahil sa mga taong mahal natin....
kung anu't anuman ang iyong pinagdaanan, ang aking paghanga ay binibigay ko sa iyo dahil alam ko sa isang bahagi ng kahapon andon ka din sa bingit ng kamatayan para sa bayang iyong ipinaglalaban....
aktibista
aktibista rin ako sa sarili kong pananaw pero di ko ito dinadala sa kalsada na alam kong wala naman mapapala kung di magpagod at magsayang ng oras. kaya kung nagnanais ka talagang maglingkod sa bayan subukan mo maging politiko at ipakita ang nais mong pagmamalasakit sa bayan wag yung magpuna nalang sa iba.
kaya sa mga lider ng aktibistang ayaw at takot maging leader ng isang bayan at tumakbong politiko matatawag kong posser lang... sensya na kung masakit pero ito ang nasa isip ko! saludo ako sa mga leader ng aktibistang pumapasok sa politika, dahil alam ko maaring isa sa kanila ang makakagawa ng malinis na gobyerno.
aktibista reply
iginagalang ko ang opinyon mo. kaniya-kniya talaga tayo. pero ako hindi ako bilib sa mga taong pumapasok sa politika. para sa akin, kung nais mong maglingkod sa bayan, maraming paraan bukod sa politika. kung tlgang malinis ang hangarin mo, hindi mo na kailangan ng posisyon. Ang kalagayang politikal ng ating bansa ay mas malabo pa sa kalagayan ng ilog pasig. Kung aasa lang ang mamayan sa gobyerno, panigurado mamatay silang dilat ang mga mata....
naalala ko lang ang isang
naalala ko lang ang isang maikling kwento ng isang batang umiibig ng totoo sa kanyang bayan kahit di sya tibak....
"hinubog ako sa unibersidad na paktorya ng mga taas kamao. ang mga estudyanteng laman ng kalsada, hiyaw pang masa.
ngayon ang iba sa kanila ay nasa pamahalaan, ang iba nama'y nasa lansangan pa rin. ang iba nama'y nasa unibersidad pa rin.
inukit sa akin ang magmahal sa bayan. sa kahit anong paraan maaaring pag-ukulan ko ng serbsiyo sa kapwa ko.
sa tinagal ko sa unibersidad na iyon maka-tatlo lang akong nakasama, minsan dala ko lang ang gitara ko at himig, kumakanta para sa kanila.
pagkatapos noon, nanunuod na lang ako sa lansangan. hindi na ako bumalik. dinama ko ang mga linya ng aking mga inaawit.
"pagkat tayo'y magkapatiran sa isang malayang bayan."
iniisip ko siyang mabuti. pagtapos ng hiyawan nila sa mga rally, kami naman ang mga humahakbang at tumalikod. di na sumama sa kanialng agos, paos kami nilang itinuturing. sabi nila sa amin wala na raw kaming sariling opinyon at walang malasakit sa kapwa.
"hindi na ako sumali. kasi, kailangan ko pang magturo sa mga batang paslit na humhanap ng kalinga. kailangan pang pumunta sa mga bundok upang magbulontaryong maging guro ng mga highschool na katutubo. at kailangan kong magtapos para mas marami akong matulungan.
hinubog akong maging 'aktibistang' hindi lang laway ang puhunan."
lahat tayo kailangan ng bayan natin... sa lahat pamaraang magagamit natin ang ating mga galing para sa kanya.
at salamat sa tula mo na pinapaalala ang pangangailangan niya...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
para sa lahat
para sa lahat ng MLKMZ followers
STR-STP pa rin!
awitin ang internacional!
pagbati mula sa DELTA











Sakto
perfect..
i remember once in my life i stand for what I believe is right. Ganyang ganyan noon ang feeling ko. =)