Ala-ala ng aking matalik na kaibigan
Noong first year hayskul ako, may isang transferee na ang pangalan ay hitomi Fukui. Isa siyang Japanese na may lahing Pilipino,kagagaling lang niya mula sa Japan. Biyernes, november 5, 2004 nagpunta siya at ang kanyang mommy sa iskul namin para mag-enroll.Lunes, november 7, 2004 ay pumasok na siya sa iskul namin. Halos buong klase ay gusto siyang kausapin ngunit hindi ito gaano nakakaintindi ng tagalog maski Ingles. Lahat ay interesado sa kanya maliban na lang sa akin, hindi ko alam kung bakit. Ngunit marahil ay ayoko lang makipagsabayan sa iba kong klasmeyt na nakikiasyosyo sa kanya. Mga ilang araw din siyang lumiban sa klase, siguro ay namimiss niya ang dati niyang mga klasmeyt sa Japan.
Pero hindi nagtagal ay naging close pa kami sa isa't isa. Masayang masaya ako kapag nakikita ko siyang natutuwa sa mga simpleng bagay na dito lang niya nakita sa Pilipinas. Tulad na lamang ang madalas naming pagfoodtrip, sarap na sarap siya sa quell egg (pugo) at sago't gulaman. Nakakatawang isipin na dahil dito ay mas tumibay ang aming friendship. minsan ay nagkakaroon din kami ng di pagkakaunawaan at tampuhan, pero sandalian lamang iyon dahil alam namin sa isa't isa na masaya kami kapag magkasama kami sa mga kalokohan. Mabilis siyang natuto at makapagsalita ng mga salitang tagalog. siya ay napakahusay lumangoy, sa katunayan nga ay siya ang nagturo sa akin ang tamang paglangoy. Madalas kasi ito mag-aya magswimming, buti na lang mura ang entrance fee malapit sa amin. naikwento pa nga niya sa akin na madalas daw siyang pinanglalaban ng iskul nila bilang representative sa swimming contest.
Pabalik-balik siya sa japan upang magbakasyon at makasama ang pamilya niya doon dahil sa bahay na kanyang tinutuluyan ay mga lola, tita at pinsan lamang niya ang nakatira. ang mommy niya ay hindi ay bumalik sa japan matapos niyang i-enroll sa iskul namin siya. Noong sumunod na pasukan ay hindi na ito nag-aral pa dahil kahit mabilis siya makapick-up ay nahihirapan pa rin siya mag-adjust sa ibang bagay. Mula doon ay hindi na kami masyado nakakapagbonding, ngunit binibisita ko siya sa kanilang bahay at sinusupresa naman niya ako dahil may mga bagay siyang inireregalo sa akin bilang tanda ng aming pagkakaibigan.
Nang magbabakasyon na ay lumipad na siya sa Japan upang ipagpatuloy na ang kanyang pag-aaral. labis akong nalungkot ng mga araw na hindi ko siya nakikita. lumipas ang dalawang taon at bumalik siya dito sa Pilipinas upang magbakasyon. ito ay nabalitaan ko lamang nang makasalubong ko ang pinsan niya. katatapos lang namin grumaduate ng fourth year hayskul noon, ako at ang dalawa kong klasmeyt ay nagpunta sa bahay nila. laking tuwa ko nang makita ko siya.
"Hi! Hitomi kamusta ka na?" tanong ng klasmeyt ko na si sharizze.
"Ok ako" ang matipid na sagot ni hitomi, marahil ay nakalimutan na niya magsalita ng ilang tagalog na salita.
"Naaalala mo pa itong best friend mo?" tanong muli niya na itinuro ang daliri sa skin.
"Ophalyn" ang matipid niyang muling sagot.
Sandalian lang ang pag-uusap namin ng mga oras na iyon. Marahil ay naiilang pa ito, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako nang pagkalungkot. sobra ko siyang na-miss ngunit hindi ko alam kung na-miss din ba niya ako. hindi kami nakapagbonding ng mga oras na iyon dahit busy ito. Iyon ang huli naming pagkikitamdahil bumalik na rin ito sa Japan. Pero hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya at wala namang dapat pagsisihan dahil isa siya sa mga taong nagbigay kulay sa buhay ko at pinahalagahan ko nang lubos at minahal bilang isang matalik na kaibigan. punong-puno ng masasayang araw ang aming friendship na kahit ano man mangyari ay dadating din ang araw na magkikita kaming muli at pupunuin ng maliligayang ala-ala ang mga araw na kami ay nawalay sa isa't isa. Ito ang mga ilan sa mga ala-alang naiwan niya sa akin bilang matalik na kaibigan... [:


