Alaala ng Aking Ama!
Sa pagpanaw ng aking ama,
kalungkutan ang syang nadama,
na kahit mapa-hanggang sa ngayon ito'y aking dala-dala.
Mga alaala nya'y mananatili sa pusong nangungulila, sa pagmamahal ng isang ama.
Naalala ko pa, nung ang tatay ay nabubuhay pa, mga payo niya sa akiy minsa'y minasasama ko pa.
Subalit ngayo'y parang musikang hinahanap-hanap, marinig lang muli ang atinig nya.
Pagiging magiliw at palabiro niya'y nagbibigay saya sa aming pamilya.
Subalit ngayo'y, nakakabinging katahimikan ang syang nadarama.
Hilig ng aking ama sa halaman ay hindi matatawaran.
Pagbubungkal ng lupa ang kanyang libangan.
Naisin ko man na makita muli ang kangyang mga ngiti, sa tuwing siya'y nagtatanim,
ay hindi ko na masisilayan pang muli.
Amang nagturo sa akin kung paano pahalagahan at pagyamanin ang kanyang pinaghirapan,
ito ngayo'y magsisilbing sandigan,
upang harapin ko ang aking kinabukasan.


makoy
may naalala ako na makoy din ang pangalan, ganyan din sa poem mo, hindi niya naaappreciate ang tatay niya.