Alam ko...Linggo ngayon..
Oo, linggo ngayon. Pero di man lang ako nakapagsimba. Huli kong pasok ng simbahan nung April pa, i forgot the exact date basta April yun. Yung dumayo pa kami ng Pakil, Laguna para magsimba. Hindi ko na rin alam kung kelan ako huling nakapag communion. Hindi ko na din kasi maalala kung kelan ako huling nag confess kaya di ako tumatanggap ng communion. Napadaan kasi sa may simbahan yung tricycle na sinasakyan ko kaya bigla ko lang naisip.. Oo nga pala..
Linggo nga ngayon, pero andito ko sa Office. Pero di naman ako nagwowork. Iniisip ko luging lugi na sakin yung company. Haha.. Mula nung magpanggabi nga ako, wala na kong ginawa bukod sa nag pa exam at nag-orient ng kunti.. Ako na ang nagmimistulang DJ... dahil nga sa nakalagay yung office namin sa may production area kaya rinig nila yung sounds ko. At bongga, kagabi meron pa silang mga request sakin hahaha.. Pangarap ko din yun nung bata pa ako. Ang maging Disc Jockey. Yun nga yung nilagay ko sa Year book namin nung High School eh para maiba naman.. Puro kasi mga nurse pangarap nila, o kaya architect , engineer, soldier, teacher, Computer Programmer at kung anu ano pa para maiba naman kaya nilagay ko Disk Jockey..
Sana next sunday magawa ko man lang pumasok sa church..ang tagal ko ng di nakakarinig ng Homily..
Oy hindi nman sa ayaw.. busy
Oy hindi nman sa ayaw.. busy lang kasi. Naiinis nga ko.. dati active ako pagsimba.. naturingan pa kong scholar ng madre at nangarap na magmadre rin.. kaya lang nagyon..ayun.. Ayoko na nga lang ireason na busy ako.. kasi baka pano kung si God naman kaya ang maging busy at wag na nya ko pakinggan no? ambad ko na nga eh.. andami ko na atang kasalanan,.. di na ko nakakapag confess... meron akong homily na narinig dati galing dun sa isang pari na bago pa lang.. sa simbahan pa yun ng antipolo kasi dun ako nagstay sa tita ko sa antipolo nung college days eh... sabi nya.. naalala nya raw yung lola nya dati.. pala mura daw yun. At kahit kelan di nya nakitang nagcare sa kanya nung bata pa sya.. one time.. galing daw syang palengke..highschool na sya nun.itago na lang natin sya sa pangalang Pedring.. Pagbaba nya raw ng jeep.. galing palengke.. di nya napansin may kasunod na another jeep kaya nahagip sya.. nabundol in other words tapos bago daw sya nawalan ng malay narinig nya lola nya na nataranta.. "Hoy! tulungan nyo ko.. daliiii! puntahan natin si pedring dali.....sayang... naku! sayang yung maling!" ... hindi daw pala sya yung kinabahala ng lola nya.. yung maling na pinamili nya hahaha.. nakalimutan ko na yung aral dun sa story sorry.. ang naalala ko lang yung story na mismo..hehehe
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
^^v
grabe kalungkot naman iyon at the same katakot na rin. Hindi naman napapagod at nagiging busy si God sa atin.^^v naniniwala ako sa kanya.
Kaya nga.. naisip ko lang..
Kaya nga.. naisip ko lang.. na dapat talaga naglalan tayo ng isang araw para magsimba.. alam mo ba naiingit ako sa mga Iglesia.. kasi buti pa sila talagang hindi pwedeng hindi sasamba sa loob ng isang linggo.. samantalang tayo.. tulad ko.. di man lang magawang sumilip.. nagsa-sign of the cross na lang ako pag napapadaan sa simbahan.. para kahit papano maiisip ni Bro, kahit busy ako or nagbibusy busy-han lang di pa rin ako nakakalimot..
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
^^v
tama nga naman iyon. Kahit hindi tayo nagsisimba basta nasa puso nating ang Diyos matutuwa siya noon^^v
Tama! naalala ko.. dati
Tama! naalala ko.. dati nagdadasal pa ko ng Angelus.. at Rosary (pag rosary may kodigo ako di ko memorize mga misteryo eh) nagyun di ko na nagagawa..
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
^^v
same as you. nakokorot nga ako ng nanay ko kung nakakalimutan ko ang mystery ng araw na iyon^^v. Kapag nakalimutan ko ang isang line sa angelus... pabulong na lang ang ginagawa ko^^v
Hahaha.. dun kasi sa first
Hahaha.. dun kasi sa first job ko.. sa St. Scho - Marikina nagwork ako sa HS Admin..lagi nag-i-angelus dun ,yung naka mike pa , rinig sa buong campus. Kaya dapat memorize pero minsan me kodigs para sureness na di magkamali...hehehe naalala ko tuloy yung makulit kong pinsan na maliit.. pag tinuturuan namin magdasal... Sa ngalan ng ama.. tapos sasagot naman yung maliit na angel na yun.. "ngalan ng ama..".. tapos Ama namin..sasagot ulit ng... "ama ninyo.." paulit ulit.. laging ama ninyo sinasabi nya kapag ama namin yung sinasabi hahaha..kulit nung bulilit na yun eh..
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
^^v
hehehe kakatuwa naman yung pinsan mo.^^v. Ganoon talaga kapag catholics schools. May misa nga rin minsan silang ginagawa eh
Oo nga every first
Oo nga every first Friday ... all girls pa naman dun.. nakakabakla yung mga istujante.. ang gaganda... hahaha
" Love is like heaven, but it hurts like hell."
^^v
siguro dati girls schools iyon pero balita ko co-ed na ata sila pero still continue pa rin ang ganoong systema
Yung St. Scholastica's
Yung St. Scholastica's Academy sa Marikina all girls pa rin yung St. Scholastica's College yun po co-ed na sya.. gang preschool to HS lng nmn sa marikina.. yung kaibigan ko na (pabulong..yung love ko echos!) nagmadre.. galing yun St. Scho grade school to college at ayun pumasok na rin dun sa kumbento..
" Love is like heaven, but it hurts like hell."




^^v
bakit ayaw mong pumasok sa simbahan. Ako nagsimba po ako kanina^^v. Kulit ng pari. nagpapatawa at yung boses niya... parang feeling ko kanina bukas pa matatapos ang homily