"ALAM mo ba...??"
Alam nyu ba ang feeling ng gusto mong magmahal pero hindi mo magawa? dahil siguro sa hindi tamang oras o hindi tamang paraan o hindi lang talaga sa tamang tao. Gusto mo siyang makasama sa araw-araw pero hindi pwede, syempre hindi naman kayo.
Alam nyu ba ang feeling na alam mong mahal ka nya pero sobrang hindi mo tlaga masabi na mahal mo din siya? yung tipo bang paginiisip mo siya ay parang may kung anung umiikot sa iyong tiyan at parang sasabog na ang puso mo sa sobrang sakit.
Alam nyu ba ang feeling ng pagnakikita mo siya ay gusto mo siyang lapitan at kausapin ng walang katapusan pero hanggang ngiti na lang ang ginagawa mo? dahil siguro ayaw mong iparamdam sa kanya na namimiss mo na siya ng sobra sobra.
Alam nyu ba ang feeling ng matutulog ka na lang sa gabi siya pa rin ang huling naiisip mo? siguro umaasa ka na lang na sana kahit sa panaginip ay maging kayo na.
Alam nyu ba ang feeling na mahal niya dati ang kaibigan mo pero ngayon ikaw na ang mahal niya? parang ang hirap din isipin ang sitwasyon, dahil pakiramdam mo hindi tama ang mga nangyayari.
Alam nyu ba ang feeling na hinihiling mo na sana may manligaw na lng sayong iba para hindi na sa kanya nakabaling ang atensyon mo? naghahanap lang ng panakip-butas, kawawa naman ang taong iyon.
Alam nyu ba ang feeling na hindi mo na mababago ang sitwasyon ninyong dalawa pero hanggang ngaun pinapanalangin mo na sana mahal ka pa din niya hanggang ngayon? sobrang iniisip mo na sana sa huli ay kayo pa rin ang magkatuluyan kahit na imposible ito.
ang hirap.... :(


