alam nyo, kahit na madami kang pera, kung wala ka namang freedom, wala din
Naniwala ako sa sentence na yan nung na-realize ko na parang mas mahalaga pa yung pera ng parents ko kesa sa akin, yung tipong iiwanan na lang nila ako ng pera tapos bahala na ako dun. Kahit pa sabihing malaki. Freedom . Sana kung may kalayaan lang akong sabihin yun sa kanila ng hindi nila isusumbat yung mga pagpapapansin na gingawa ko, para malaman o ma-alala nila na
"hey, im here, youre son. im going 14 this aug.24"
pero, hindi naman ako galit eh. kailangan ko lang ng kalinga nila. pra sa aking ama na piloto at sa aking ina na isang nagtatrabaho din sa ibang bansa, kahit na ito ay ibang bansa na,, wala na akong alam.
wala ka naman talagang mabibili sa pera. oo nga yung mga materyal, pero kumukupas at nawawala din yan.
itatanong ko sa iyo, mabibili mo ba ang pagmamahal?
alien ka kapag sinabi mong oo.
mabibili mo ba ang kalayaan mo?
noong unang panahon pwede yun.
at
mabibili mo ba ang oras para mabalik dun sa mga gustong mo pang baguhin?
hindi na diba?
mahalaga din yun. oo. pero kasi, napansin ko, SUMASAMBA NA UNG IBA SA PERA. NAKAKALIMUTAN NA NILA SI GOD. OO NGA NAGSISIMBA AT NANANALANGIN KA
pero kapag may problem lang,,...... tungkol sa pera.
pero, ayus lang din ng may pera, napapaligaya mo din yung mga taong nasa paligid mo dahil sa mga gamit na nabili mo ng dahil sa MONEY.
kanya-kanya opinion yan. yun ang mga opinion at hinaing ko. para sa unang post ko.
yeah!! gusto ko nang umuwi sa pilipinas.
Freedom...???
Freedom of Speech ba ang hinahanap mo?
"Naniwala ako sa sentence na yan nung na-realize ko na parang mas mahalaga pa yung pera ng parents ko kesa sa akin, yung tipong iiwanan na lang nila ako ng pera tapos bahala na ako dun. Kahit pa sabihing malaki. (ang pera na iniiwan sayo?)
That means, lahat ng freedom nasa yo nga eh, kasi walang magbabawal sayo kahit ano pa gawin mo sa buhay mo, kasi nga lagi silang wala, unless kinukulong ka sa bahay, at di ka allowed lumabas? Yun ba ibig mo sabihin? or freedom of Speech?
"Freedom . Sana kung may kalayaan lang akong sabihin yun sa kanila ng hindi nila isusumbat yung mga pagpapapansin na gingawa ko, para malaman o ma-alala nila na....
"hey, im here, you're son. im going 14 this aug.24
Na confuse lang ng konti dito, Hey I'm here! Of course You are son! ganun ba ibig sabihin nun?
I know di nabibili ang Pag-ibig hijo, pero alalahanin mo, kung mabait kang tao, at totoo, me matatagpuan kang mga totoong kaibigan. Basta ba wag mo lang silang niyayabangan. and one day makakahanap ka ng true love na malapit na daw maging obsolete accdg to other people. Mahirap kasi, pobre kana, wala pa nagmamahal sayo? Patay! mamamatay kang dilat ang mata- then cold hearted pa. Atleast kung rich ka, kahit mamatay kang loveless, yung coffin mo, for sure platinum na, then me mga disenyo pang mga swarovski crystals...o diba bongga..
Alalahanin mo nalang na, Me mga bata sa kalsada na walang pera, pulubi, nakatira sa Squatter, biktima ng Sex Slavery, gustong mag aral, pero di kaya ng magulang, I think, they would be happy to be in your place. Ang mabuti pang gawin mo na lang, mag aral ng mabuti, habang me pera kayo, then pag matanda kana, ipalanghap mo sa mga anak mo ang tunay na pagmamahal ng mga magulang. Hindi yung kung ano anong gadget ang binibili sa mga anak..pero kulang sa atension at kalinga..
Anyways- Advance Happy Bday Potpot...Okay lang yang mag emote ka, kung ang matatanda nag e emote, ikaw pa? hehehe
PS:
Your tagalog is better than mine....
Nokarin ka going? Munta ka there?
natagpuan na pala...
si POTPOT! okey lang yan BIGBOY... madami ka palang pera, pautang naman... hehehe
yung mga anak ko... kala ko eh di ko nabibigyan ng pagmamahal at atensyon since na kinalakhan na nila ang pagiging OFW ko... pero sa tuwing mag-uusap kami sa skype eh lagi silang nagpapasalamat sa pagmamahal at atensyon na ibinibigay ko.. kahit daw malayo ako sa kanila eh ramdam nila ang presensiya ko.. not because of the PSP, Wii and other gaming console na binigay ko sa kanila... hehehe... but because lagi kong sinasabi sa kanila kung gaano ko sila kamahal... na kaya ako nagtitiis dito sa ibang bansa ay para sa kinabukasan nila...
so, para sa iyo POTPOT na kabertdey ng aking nag-iisang anak na lalake... advance hapi bertdey! isipin mo na lang na mahal ka nila... dahil talaga namang mahal ka nila...
... bata-batuta... malaki ang batuta...
realize
salamat sa pagbati ng happy bday. thank you po ulit. iba kayo sa parents ko. may care sila pero bihira silang umuwi. pero, masuwerte pa din pala ako. kulang lang talaga ako sa alaga. minsan naiisip ko, masarap ang maging bata. kaya lng, magfo-14 na ako. patanda na, hehhe.. sana nga po sa bday ko andito sila. kahit isa lng sa kanila.
thank you....
realize
salamat sa pagbati ng happy bday. thank you po ulit. iba kayo sa parents ko. may care sila pero bihira silang umuwi. pero, masuwerte pa din pala ako. kulang lang talaga ako sa alaga. minsan naiisip ko, masarap ang maging bata. kaya lng, magfo-14 na ako. patanda na, hehhe.. sana nga po sa bday ko andito sila. kahit isa lng sa kanila.
thank you....
realize
salamat sa pagbati ng happy bday. thank you po ulit. iba kayo sa parents ko. may care sila pero bihira silang umuwi. pero, masuwerte pa din pala ako. kulang lang talaga ako sa alaga. minsan naiisip ko, masarap ang maging bata. kaya lng, magfo-14 na ako. patanda na, hehhe.. sana nga po sa bday ko andito sila. kahit isa lng sa kanila.
thank you....
nabasa ko din yung http://www.filipinowriter.com/kwento-ng-buhay
sana kahit anu pa man ang dinaranas mo... hindi mo maisipan na magrebelde...
isipin mo na lang... hindi ka nag iisa... yung iba... mas malala pa ang dinaranas...
~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~





first
i cant believe it. i wrote a whole tagalog article without asking someone else. thats because i really really want to do this thing.