alas

|

ngayong gabi,
sinasamsam ko ang iyong gunita
sa makitid kong mga labi
na walang ibang kayang ibigkas
kundi ang ngalan mo

ngayong gabi,
pinupuspos ang puso
ng iyong alindog
ang pagtipa mo sa aking hubog-
isipang nagpatihulog
sa kamay mong dumadaloy
makinis at walang pag-iimbot

ngayong gabi
ang iyong himig ang
kasiping, kaniig
katabi, kapiling
ang tinig mong malamyos
at kasabik sabik
parang lamig sa aking pandinig

ngayong gabi
nilamon ako ng gabi
nalunod ako sa diwa
ng iyong larawan
ng iyong titik
ng iyong pagmamasid

hindi ako makaahon
sa iyong pananahimik
ngayong gabi-- oo ngayong gabi lang

huli na ang iyong kabanata.

 

talulot

tumakas saglit. nagpakulong eh. naghahanap ng dalaw.

paalam ulit babalik na ako sa aking bartolina....


alcor eldioan's picture

Hindi ko lubos na

Hindi ko lubos na naintindihan kung baket "alas" ang naging pamagat. Sorry bobo ako. Baket po ba?? 

Starblaze's picture

siguro huling alas na nya yun

siguro huling alas na nya yun kasi nga naka kulong sya..jejejejee! alas in bicol means snake

layo ng konti

sa mabibilog mong binti

bawat ulos napapangiwi

napapakagat labi

masakit daw sa una

medyo sa pangalawa

sa pangatlo'y okey na

pang-apat ay ligaya

hmmm teka ma post nga eto hehehe

 

 

 

 

Starblaze "Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

alcor eldioan's picture

ang cute po niyan ah. haha:)

al-el

Starblaze's picture

na post ko na

hehehe na post ko na may add on pa hehehe...

cute naman ng nek nim mo..al el...diba ma - el hahahaha

 

 

Starblaze "Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

alcor eldioan's picture

:)

haha. loko ka po mister/miss or boss starblaze. 

normal lang ka-l-an ko hindi extreme.

ayun. :)