ALAS DIYES NANG GABI (ni Allanjohn Andres)
-
on the wall he slashes…
a single worded poem
comprised of four letters.
Paul Simon. A Poem
on the Underground Wall
Ang langit ay nakataob
na mangkok, mabigat
na nakadagan
sa buong lungsod
ngayong alas-diyes nang gabi.
Lalong sumisidhi
ang hapdi ng Disyembre
ganitong walang dyaket
na suot ang kaluluwa,
at ang sikmura ay ginigisa
ng pumapait na gutom
at pag-iisa. Sa lilim
ng diskuwentadong ganyak
ng gusaling pinupulikat
isang musmos, kuyom
sa magkabilang palad
ang tungkos ng bulaklak
na kanina pa,
kaninang-kanina pa,
naubos ang halimuyak,
ang ngayo'y nagsasaboy
ng halakhak
sa moradong bangketa.
Ang gayak niyang kamiseta
ay kasingnipis ng luha.
Napanis na
sa kaniyang dila
ang lasa
ng huling agahan
habang sa nagdedeliryong lansangan
ay walang madalumat na dasal
o pangaral
kung paano napaparami mag-isa
ang mga tinapay at isda.
Isinandal ng bata
ang kaniyang mukha
sa salaming umaapaw
sa palamuti. Sanggol
na nakangiti, naliligiran
ng mga laruan
at bulaklak na basahan
ang naroon sa panig
na tila walang pighati.
Sa kabilang panig, nakatingin
ang bata. Nakatingin
nang taimtim,
nang walang babala,
lumapit ang bantay
anyong naghahanap
ng away. Saka siya itinaboy
palayo, malayo
sa mga taong mababango
ang baong laway at buto.
Sa halip na tumalima,
tutop ng palad ang bunganga
at sapo ng kamay
ang idinahak na plema’t laway,
ipinahid
ng paslit
ang likidong
malagkit
sa ibabaw ng salamin.
Saka siya natawa, tila
noon lang niya nadama
ang ga-langit-sa-lawak
na tuwa, samantala
sa kaniyang paa
tumatahak nang tahimik
ang patak-patak na pula,
maliliit at sariwa.
Alas diyes
nang gabi.
Lalong sumisidhi
ang hapdi ng Disyembre.
Naks! Prends na tayo
Naks! Prends na tayo pare!
AWRIGHT! Tenkyu.
;-)
Kabilang sa mga huli kong "inupuan" at nilapatan ng rebisyon. Pahintulutan niyo po ang muli kong pagpapabasa. Maraming salamat.
'ngayong alas-diyes nang gabi'
angkop ba dito ang 'ng' o 'nang'?
;-)
Pagbati po sa inyo, Sir Jack.
Sa totoo, medyo may kalabuan rin sa bahagi ko kung alin ang angkop sa dalawa (nang vs. ng). Gayunman, habang naghihintay ako ng kasagutan sa usaping ito, pinipili ko munang gamitin ang "nang", hindi sa kung anupamang dahilan, bagkus ay inaayunan ko lang ang dati nang nakasanayan (actually, kinukutuban na rin naman ako na baka mali ako pagdating sa bagay na ito. kumbaga, matigas lang talaga ang ulo).
Salamat pala sa paglalaan mo ng panahon doon sa dalawa ko pang trabaho. More power din sa inyong pagsusulat.
Nag-search ako sa google
may nakita ako:
alas-dyes na ng gabi
at
alas-dyes ng gabi
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
;-)
Jack, salamat sa tip at dito sa iyong pagtutuwid.
kaya ako bumabalik dito
kaya ako bumabalik dito sa FW para makapagbasa ng mga tulang katulad nito :) at oo, talagang late akong mangalkal ng mga tula dito ....
;-)
Maraming salamat, Boss!
ang pagbabalik
gusto ko yung persona na ginamit mo rito 'tol.
kaso nga lang sa tingin ko mas maapreciate ng husto kung medyo
iaalagwa ng konti sa 'pambatang' indayog ng pananalita gayung
bata naman ang persona. opinyon la-ang yon...
Kumusta na!
Sir, salamat sa pagsusuri at sa mungkahi mo. Maganda ngang ensayo 'yang binabanggit mong exploration sa pagpapalit ng tono (at mukhang di maiiwasan, pati na rin ng punto-de-bista)nitong partikular na akda. Para sa akin, ang magiging malaking hamon nito ay kung paano babaragin ng speaker ang distansyang nananatili sa pagitan niya at ng materyal na, in the process, ay susi para sa epektibong shifting ng boses at pagpapahayag alinsunod sa pananaw (or at least, sa level ng pananaw) ng subject matter. Kung magkakagayon, Rom, rekisitos ang major overhaul sa tulang ito at, sa halip na magrebisa, mukhang mas magiging madali sa kaso ko kung ia-apply na lang ang nasabing approach sa panibagong trabaho na may kagaya ring paksa.
Welcome back, Rom! Walang dudang ikaw nga 'yan, haha!
ayus yun! kapag nagrebisa
ayus yun! kapag nagrebisa kasi minsan nanganganak ang akda ng mas marami o mas maganda.
nagtambak na ang mga panaginip kailangan nang isulat kaya nagbabalik.
;-)
Manawagan na rin tayo para magsipaglabasan yung ibang old-timers. Nakaka-miss yung mga dating bakbakan dito. Kumbaga kay Totoy Golem, paminsan-minsan dapat ding i-reclaim yung mga naiwang teritoryo.
simulan na!
hehe...tama ka. sige kapag nasimula nang magpost ng mga bagong akda mula sa mga lumang tao, simula na yan.








hanep!
okey a... astig ang paggamit mo ng internal rhyming scheme at cutting ng mga linya sa mga stanza.
ang tulang ito ay nagpaalala sa akin ng kwento ng the little match girl, isa sa mga paborito kong kwentong pambata. parang ito yung adult version, mas vivid.
may cameo pa si paul simon, hehe...
keep it up!
I'd love to turn you on...
Videoke the Radio Star