Alas Tres ng Hapon

dyeppri's picture
| |

 ............................................................///////////////////////////////////......++++........................

Alas Tres ng Hapon ( o Kahit sa Anong Oras na Iyong Pamamaalam)

 

Pulutong ng mga kaluskos sa nahahating araw

ang dumilig sa tigang na lupa---sinipsip ng ugat

ang mga pasakit.  Habang tinutunaw

ang alaala sa pumasan ng walang hanggang bigat.

 

Sakabilang dako:

 

Mataimtim na nagpipiyesta ang mga bulate

sa pila ng mga sumasayaw na langgam,

ang hinihintay na pag-usbong ng balwarte

ay  igugulong na sa agam-agam.

 

At sa dako pa roon:

 

Tinatangay ang mga layang-layang sa  hangin

sa namumulang kalawakan. Liliparin ang kalayaan,

hahayaang  malimutan ang nagsitalon  sa bangin.

.

.

.

.

.

Bangin sa pagitan ng mga hangarin.

 

 

dyeppri

paalam kapatid...haggang sa muling pagkikita.


Similar entries