Alay Kay Inay

Jade Matanglawin's picture
| | | |

By JADE MALICDAN

Mother and Child

Sa aming buhay, kayo ang aming ilaw
Nagbibigay liwanag sa aming paglalakbay.
Gumagabay habang aming tinatahak
Itong mundo na sadyang magulong tunay.

Mga pangaral ninyo’y ginto ang nakapaloob
Tumatatak at mariin naming tatandaan.
Inyong mga paalala’y binabalik-balikan
Nagbibigay sigla’t lakas sa ’ming isipan.

‘Di maikaila ang pagdating ng bagyo sa’ting buhay
Ngunit kayo pa ri’y matatag na uma-agapay.
Kayo’y aming naging takbuhan at silungan
Isa kang dakilang Ina at matalik na kaibigan.

Isang napakalaking pasasalamat sa biyaya
Sa ating Poong Maykapal siyang lumikha.
Nagbigay ng mapagmahal at maalalahaning Ina
Upang kami’y lumaki na kaaya-aya.

Tawag namin sa inyo’y Ina, Inay, Nanay, o Mama
‘Di pa rin mapantayan aming pagmamahal, O Ina.
Iyong pagmamahal, sakripisyo’t, pag-unawa
Magpakailan man ay di malilimutang tuwina.

Nang dahil sa inyo’y marami kaming natutunan
Pagsubok ng buhay haharapin at pag-aaralan.
Sa tagumpay at pangarap na aming natamo
Kayo’y naging bahagi sa pag-abot nito.

Ang inyong pawis at dugo na ini-alay sa amin
Sa ami’y mananatili na walang kakupasan.
Para sa inyo Inay, ang aming pagpupugay
At ‘di magmamaliw na pagmamahal.


Jane's picture

nice

to tell u the truth im no good with tagalog.

 

i understood most of it and let me say u are a good writer.

 

 

angelica brigino's picture

how nice.

 nice poem. :]  for some reason, i can't make tagalog poems so i am innately amazed that you can.  XD  and i think that it's great you made this thing 'cause it's about time a mother's worth is realized and venerated.  and i can really feel for this poem - makes me nostalgic and stuff.  my mom just recently went to work abroad so i'm learning to live without her.  thanks for the pm and the link. :]

 

p.s.  hope you liked my comment! XD

 

p.p.s.  did you make that image?

 

---

 

travelling on the road to insanity, you find life.

Jade Matanglawin's picture

Of course YES

... yeahh.. Thanks for your comment.

If you can't make tagalog poems, I have a difficulty of making English poems also. I wrote this poem last May for the Mothers Day Speacial, luckily they published it into a regional news paper...

Writing poem for mothers is one way to make a TRIBUTE for thier love and didication...Kiss

'bout the pic, i jst pulled it out from the net...jejej 

angelica brigino's picture

wow.

oh sweet! you got published! that's like, every writer's dream! XD congratulations on that. :]

 

travelling on the road to insanity, you find life.

fhearl08's picture

Nice poem!

Hi Jade, this is really a nice and good poem...

Yeah! it's true naman talaga ang mga nilalaman ng poem mo dahil most of mothers talaga ay may pagpapahalaga sa kanilang mga supling but i don't know i can appreciate my mother... di pa kasi nawawala ang sama ng loob ko sa kanya.

Kung nasaan man siya ngayon, Diyos na ang bahala sa kanya, sana kung naalala pa niya kami ay sana yung totoong siya na, yung walang halong pagkukunwari... 

Anyway, thanks for a great poem for a great mom... 

Just keep on writing Jade and inspired every filipinowriter.

God Bless!

Ingatzkie!

 

 

Jade Matanglawin's picture

Diyos ang Bahala

You made me SMILE ate, and your probaby right in saying "DIYOS NA ANG BAHALA SA KANYA". Meron akong mga kakilala na may sama ng loob sa kanilang mga magulang pero kakaiba ka, NAPABILIB mo ako sa sinabi mo.

At sana ang pangyayaring ito sa buhay mo ay maging isang panulak upang ikaw ay maging isang Ina di-lang sa mga anak mo kundi sa aming lahat... Dare to make the difference ika nga...

 Godbless...Kiss

 

pAt Lang's picture

nice...

mgnda ang iyong tuLa...

nkakatuwa...gusto ko sya ipabasa sa mama ko...hehe...kakabati lang namin...hek...at talagang masaya ako na bati na kami...syempre nanay ko sya...at alam ko na masama akong anak talaga sa kanya...pero tanggap nya lahat ng kamalian ko sa buhay...at ako bilang ako...

masarap talaga magkaroon ng isang ina...hehe...drama ko...haha...

salamat pala sa pagPM...Smile

 ............blanko.......

Dont be offended by this question.........

(",)___dkarim::

 

napansin ko kasi sa picture mo na my katabi ka... siya ba nanay mo?

heheheh... napansin lang po... wil any way, ur poem s nice...

pang-alay talaga siya kay  nanay... eheheh...

keep up the good work....Cool

Jade Matanglawin's picture

Hmmm..

There's no reason to be offended by your question... Yep, its my mom.. Ill gonna post sana yung pic naming dalawa... pero for Privacy Reason kaya solo ko nalang..

Thanks Karim Laughing

marie's picture

in ur poem..

in ur poem, it really shows na mahal mo talagang mom mo.. which is cool!, kasi kokonti na lang sa mga lalaki ang talagang nagsoshow ng affection sa kanilang ina.. its good to see a mom & son na very close sa isat-isa.. na rare na lang sa ngayon..

DAKILA talgang mga INA! wala akong masabi sa pagmamahal nila...  

jonsdmur's picture

Wala na akong masabi pa

Wala na akong masabi pa kundi napakahusay mo. Maganda ang pagkakasulat mo sa tula. Maganda ang nilalaman nito... sadya kong naalala ang aking Ina na malayo sa akin ngayon.

Mahusay at salamat sa iyong tula...

Jonsdmur

serenity's picture

wow=)

heart warming. i can feel that you really, really love your mother.=)

 

Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness, that most frightens us.

RJ Santos's picture

sori po...

sori po... nag PM kayo sakin so na-curious naman ako. kaya lang po di ako close sa nanay ko kaya naasiwa lang po ako. nevertheless po, tuloy niyo lang po ang pagsulat. :)

RJ

batboy's picture

   hi, fisher. and i say

 

 hi, fisher. and i say fisher because with the message you sent me, you basically are fishing. for a comment, that is. what, is your ego still hungry? you've got lots of comments here already. which is why this all seems mildly interesting. either you are a social outcast, which drives your inner child to crave for praise and attention, or you're a pampered spoiled little prince in your own kingdom, which made you so used to being noticed and praised that when you do something, you want people to stop what they're doing, turn their heads and observe your every word, every line, every action. or, finally, you just have very little self-esteem. you're not contented with the idea that you know you've created something you can be proud of. you're not contented because you can't really convince yourself that you can be proud of what you did. so you seek gratification from others. you feed on the comments of those around you.

so i ask you, what would happen if there came a time when the readers of your work didn't agree with your view, but you yourself believe that that piece is the single, most courageous, true, and best piece you've ever written? you feel it deep down in your soul because your placed your self, your name in it, not just because you wrote it, and neither did you write it just to impress someone or to fill some blank space in a publication --- you wrote it because you wanted to change something, and you believed that you can. and, against all odds, you did your part and told the world your ideas. but they didn't agree. they laughed at you, mocked you. what would you do? how would you feel/ react? would you just change your opinion to fit with what the bandwagon believes?

i'd like to share a metaphor a friend once told me: "a bandwagon going the wrong way, no matter how many people are in it, is still going the wrong way." think about it. would you want to just jump in the bandwagon so you can save yourself from the risk of getting run over? or would you take your best shot at stopping the bandwagon in its tracks?

a writer should be like the sun. he does not go around and force his sunlight on the people, for he'd only end up frying them. it should be up to the people if they want to expose themselves to the light. wait for those who'd come on their own, and the reward you get, the sensation that courses through your mind, the whole experience, no matter what they say, would be much more meaningful and valuable.

  ______________

*vi veri veniversum vivus vici*

Wow

 Husay m tlaga grabe tagahanga m ako hah .walang kapantay tlaga ang mga nanay ntn sila ang ilaw ng tahanan,nalalapitan pag may problema,mas nakakaintindi sa atn diba.kuya galing m gumawa ng tula ahh pwde paturo naman hahahhha.................gudluck po galingan m sa pag gawa nyan.

Jade Matanglawin's picture

Salamat sa Pangaral

Sa lahat ng bumasa, at sa mga nagbigay ng komento at puna, maraming-maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong panahon at opinion.

Ilang buwan na rin siguro akong pasilip-silip dito at dalawang lingo na ang nakaraan ng mula ng ako ay nagrehistro sa site na ito, ang “filipinowriters.com”. Ito ay para matuto, makisalamuha, at makibahagi sa mga manunulat at mambabasa sa isang mas-malawak na saklaw at libel. Ako ay napahanga ninyong lahat sa site na ito hindi dahil nag-aayunan kayo, kundi nakita ko ang bahagiyan ng mga kommento at puna (positibo at negatibo) sa mga gawa ninyo. May mga kasama tayo dito na bihasa at ang iba naman ay nagsisimula pa lamang (kabilang ako doon), gayunpaman ay nadama ko ang pag-tutulongan dito sa pamamagitan ng komentaryo ito man at papuri, pauna, o kahit kunting pagbati.

Nung una pa lamang iniisip ko kung paano ako gagawa ng koneksyon o relasyon sa mga datihan, at meron akong nakitang gagamitin ang pagpapadala ng sulat sa mga Inbox ninyo. Maaring nakatanggap kayo ng isang pagbati, nakikipagkilala, humihingi ng puna, o inaanyayahan kayo na bumasa. Laking pasasalamat ko ng may nangyayaring ugnayan (sa inyo at sa akin, o tayo) sa pamamagitan ng inyong mga feedbacks, oo, nagdagsahan ang mga sinulat nyo sa aking mga post.

Maaring iniisip ninyo na ako ay nangigisda ng inyong mga kumento? Oo, tama po kayo. Aaminin ko na humingi ako ng mga komento sa inyo pero hindi dahil sa gusto kong magpapansin, hindi dahil gusto kong magyabang, hindi dahil gusto kung padamihin ang mag-comment sa mga post ko kundi ginagawa ko ito para Matuto. May ilan sa inyo na nag-sabing may kailangan na retasuhin at baguhin, may pumuna sa paraan ng aking pagsusulat at pagsasalaysay, may sumang-ayon at hindi, may nag-suggest ng reference book, may bumati, may nagbigay ng komento sa aking ugali, at marami pang iba. Ito ang mga hinahanap ko, dahil sa pamamagitan ng mga komentong ito ay natututo ako (at ang ilang mga mambabasa).

Ito ang aking obserbasyon: Sa tingin ko ay napansin din ninyo ito, sa pamamagitan ng mga kumento ay lumalawak ang saklaw ng usapan. Nadadagdagan din ang mga detalye tungkol sa paksa, o sa mga bahagi nito. Nagkakaroon ng kalinawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga argumento. May bahagian sa mga mambabasa at sa sumulat. At marami pang iba.

Kung susuwertihin ka at ang taong pinadalhan mo ng sulat upang basahin ang iyong kuwento ay makaka-relate malaki ang pag-asa na susulat dinyan ng isang kuwento na kunektado. Parang isang teknik kung saan ang hindi nila naisulat ay lumalabas unti-unti at di namamalayang nakagawa na sila ng makabuluhang kuwento. (Paki basa po ulit ang inyong mga comments sa mga storya na gawa ninyo).

Hindi nangangahulugang ako’y kulang-ng-tiwala-sa-sarili kaya di ako nakokontento sa mga gawa ko. Binabahagi ko lang ang aking mga likha at hindi rin sa kadahilanang sobra-ang-tiwala-ko-sa-aking-sarili. Kasama sa hangad kong matuto kaya gusto kong marinig ang kanilang komento dahil ako ay naniniwala na kapakumbabaan ang humingi ng puna, hindi ito pagmamayabang.

“It is better to have enough ideas for some of them to be wrong, than to be always right by having no ideas at all.” Edward de Bono/

Sa mundo natin di maiiwasan ang argumento, may magsasabing tama ka at meron namang magsasabing mali. Sa mga argumento nahuhubaran kung anu ang dapat at ang hindi. Ako po ay bukas sa anumang komento para sa ikabubuti at ikagaganda ng aking mga likha, mapalago ang kaalaman, at higit sa lahat ang mahubog ang magandang ugali’t pag-katao. Di-maitatanggi na meron akong mga pagkakamali at mga mga pagkakamaling ito ay maisasa-ayos sa tulong ninyo.

Di-sumagi sa isip ko na lahat ng mga gagawin at isusulat ko ay tama, na ito ang pinakamaganda, na ito ang gusto ng tao, Ito rin siguro ay dahil sa pagbibigay ko ng konsederasyon sa mga ibat-ibang pananaw sa buhay. Di ako perpekto, di ako kagalingang tao, at ang kakayahan ko ay limitado.

Sabi ng nanay ko:

“nu inpapas mo nan-kabaelam et egay mon nagaw-at nan arapa-ap mo, amum ay mang-akseptar. Tan san biyag tako et baken kanayon ay mangangabak tako wada nan abak geddan, ngem nan abak et makatulong geddan”.

Sa Pilipino, “ Kung ginawa mo ang iyong makakaya pero di mo naabot ‘yung pangarap mo, dapat alam mong tanggapin ito. Pagkat sa ating buhay, di lahat ng oras tayo’y panalo pagkat mayroon ding talo, pero nakakatulong din”

Bakit may pangalan ako sa mga komposisyon ko? Paano kung di sang-ayon ang mga mambabasa ko eh di nakakahiya na ako, pagtatawanan, pagtatabuyan, at magiging kawawa ako. Hindi ako naglalagay ng pangalan para makilala, o maging filler sa mga espasyo at alam kung ganun din ang iba sa inyo. Hindi porke binabatikos ka ay itatago mo ang iyong pangalan, kailangan mong humarap, at paninindigan ang iyong pangalan. Hindi rin naman siguro katanggap-tanggap na dahil ayaw kong gamitin ang tunay kong pangalan ay puweda nang sumulat ng anu-ano dahil para sa akin : tunay na pangalan, penname, o kahit palayaw man yan  iyan parin ay tumutukoy sa iisa..."ang sarili natin".

Timbangin ang katotohanan, huwag maging isang dahon na basta lang nilipad ng hangin at tinangay ng ilog. Kundi maging isang tubig sa ilog na patuloy sa pag-agos, na kahit itoy iyong harangin ay hahanap parin ng dadaanan patungo sa karagatan.  

Gusto ko pong sabihin sa inyo na wala akong hinanakit sa mga nagbigay ng mga puna. Muli po akong nagpapasalamat sa inyong mga paalala at tatanawin ko po ito bilang isang pangaral na di malilimutan…

“Sino pa ang magtutulongan kundi ang Pamilyang Filipinowriters din.”

marco liwanag's picture

I REMEMBER RIZAL

naalala ko sa tula mo ang pagtula ni rizal sa kanyang buthing ina.

maaus naman ang linya, nasubukan mo na bang ibigay ito sa ina mo???

"at umiihip ang hangin ng paglalambing

   ginintuang alpa'y nag-uumigting

   sa duyan ni inay naalala pa mandin

  ang pagmamahal niyang walang maaaring ipalit." 

 

 

C H I A R O S C U R O

 

Jade Matanglawin's picture

Ganun

Ipinabasa ko po ito sa kanya nung Mothers Day '08, naging supresa ko sa kanya at iniaalay ko sa mga inang nagmamahal sa kanilang mga anak.

SALUDO AKO SA MGA NANAY!

Napakaganda ng mensaheng pinaparating ng iyong tula Mr. Jade.  Talagang napakadakila at dapat nating kilalanin lahat ng mga sakripisyong ginawa sa atin ng ating mga ina...walang kapantay na pag-aaruga at walang halong pagkukunwari...

Thanx 4 reminding me how fortunate i am to have my nanay! Gudluck and Godbless!!