Alay sa Sambayanan

Dap-ay Sapata's picture
|

 

Alay sa Sambayanan

ni Dap-ay Sapata

13 April 2004/1955 hours

 

Ang tula na ito ay alay ko sa masa

Na puno ng pag-ibig at pag-asang lumaya

Karainga’y naririnig sa hangad na sagana

Sa bayang kagandaha’y winasak ng digma

 

Isinilang sa kahirapan ng bayang inalila

Sa usok ng lansangan at atrasadong kanayunan

Babangon ang katawan ng pinagsasamantalahan

Landas ng paglaban ang patutunguhan

 

Tatalikuran ang kahapon ng pag-iisa

Sigla at kapit-bisig sa pagtugis sa kaaway

Sa hangganan ng demokrasya’t tagumpay

Papandayin ang hanay, buhay man ay alay

 

Kaya’t mga kasama sa dakilang pakikibaka

Paglingkuran ng tapat ang aping masa

Mabuhay at kumilos kasama nila

Mag-alay ng buhay sa kanilang paglaya.#

 

Dap-ay Sapata