Alingawngaw ng Panaginip

| |

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

Ipinilagay ko na kailangan ng ating mga ninuno ang pag-aalingawngaw ng kanilang boses upang malaman nilang kahit pa kunwari lang ay hindi sila nag-iisa. Patunay iyon na sila ay buhay at kinatha ng sarili nilang isip. Echo na siyang nagpapadaling isunod ang hakbang o maging anumang kilos mula sa lumipas na posisyon, dahil upang malaman ng tao na siya’y may nilalandas, kailangan niyang diinan pa ang kaniyang yapak. At pag madiin na ang kaniyang yapak, hudyat iyon kumilos pasulong.

 

Para sa modernong taong hindi na nagtatago sa kuweba ng sinaunang panahon, umaalingawngaw pa rin ang bakas ng kanilang danas sa pamamagitan ng pagkukwento. Maaaring mag-iwan ng marka ang daliring dumaan ngunit, hindi ito makapagpapakita ng pinagdaanan at tataluntunin pa ng daliring dumapo. Nasasakripisyo ang nararapat na textura hindi lamang ng pandama, kung hindi rin ng interpretasyon. Interpretasyon na maaaring sa haba ng panahon ay walang pagbabago.

 

Masasabi ko ba ngayon na napaka swerte ko na at ako ay may trabaho, nakpagtapos ng pag-aaral at tinaguyod ng maayos ang pamilya, na kahit noon ay nakaranas ng kahig isang tukang pamumuhay. Siguro hindi. Kahit naman sino ay maaari mangyari sa kanya ang mga ito.                                                                                          

Isang araw alas otso ng umaga na ako nakauwi sa bahay galling trabaho. Dahil sa pagod, bagsak agad ang katawan ko sa higaan.

  

               Sa isang sulok ng madilim na lugar, isang bata ang aking nakita. Batang kakakitaan ng bakas ng poot, galit at hinanakit sa kaniyang mukha at damdamin.

Hindi lang ito ang unang beses nakita ko ang batang iyon. Hindi ako nagkakamali, siya ang batang nakatira sa bahay na barong-barong na nasa gilid ng kalye ng baryo namin noon. Isang bahay na maingay, magulo at nakakatakot. Siya ay may pamilyang hindi nagkakasundo, lagging nag-aaway at sila ay watak-watak. Siya ang bata na nakaupo sa gilid ng kanilang bahay. Tahimik, nakatulala parang may kinukubli na kung ano. Hindi ko maintindihan. Hindi ko malaman.

 

               Nilapiatn ko siya. Nalaman ko ang kaniyang kuwento ng magsabi siya sa akin. Apat silang magkakapatid. Panganay siya sa magulang na hiwalay na hindi pa nakakapag-usap nang harapan. Naipapadaan ng kaniyang mga magulang ang habilin at hinanakit para sa isa’t-isa sa kanya.

 

Noong apat na taong gulang pa lamang siya, madalas pagkatapos maghapunan nagbabatuhan na ang kanyang mga magulang ng mga pinag-kainang plato. Hindi naman siya natatamaan ni mariringan ng pagtutol. Andun lang siya sa likod ng pinto, nanunuod sa paghampas ng bubog sa sahig. Wala siya nagawa, hindi man lang niya naawat. Sa sinabi niyang ito bigla kong nadama ang galit niya na tumagos sa buto’t laman ko.

               Sa likod ng pintong nagugurlisan ng paghampas ng mga plato ay ang murang pag-asam para sa mapayapang kahinatnan. Hindi man ito nakukwento sa mga kalaro o naipang hehele sa nakababatang kapatid, isa pa rin itong pagpapasuko sa kanilang mga lumalaban. Siya ang pintong hindi nila namamalayang nananatiling nakatindig, nilalabanan ang naidudulot nilang pagguho, bilang pangongonsensya. Ngunit sa tagal ng panahon, sa dami ng mga platong naubos, at pag-uulit ng mga maaanghang na salita, wala sa kanilang nakaramdam. Hindi nila nakikita ang pintong kanilang namarkahan ng mga alingawngaw ay tumatanda, lumalaki at nagkaka-isip.

               Hindi ako nag-iisa sa aking problema, may kasama ako. Maaaring ikaw, siya at sila na may kinikimkim ring galit. Hindi lang ako nakararamdam ng sakit. Marami kami, hindi lang ako pati ang nakita ko. Lahat kami ay nakadanas ng magulong mundo. Kaya hindi kataka-taka na marami sa amin ang napapariwara at nagrerebelde ngunit hindi lang ito ang paraan para makabangon, magsumikap, magsipag, mag-aral ng mabuti. Iyan ang dapat gawin. Kaya kung ikaw man ay isa sa amin, tumayo ka, ‘wag mawalan ng pag-asa, hindi ka nag-iisa.

  

               Mula sa dilim, nabasag ako ng katahimikan na dati ko pang kinukubli, kasabay ng pagkabasag ng batang aking nakita sa dilim. Nawala siya ng parang bula, kasabay ng pagkamulat ko sa dilim ng nakaraan. Sa aking pagdilat, liwanag at katahimikan ang aking nasilayan.

  

               Mga istorya ito ng mga kabataang napapariwara ng landas at tumatakas mula sa pananakal ng mga magulang at pamilya. Takot harapin ang katunayang wala nang mababalikang buo at mapayapang pamilya. Wala kasing hirap ang pag-abswelto sa winasak na pagkabata, lalo na sa panahon ng pagbalik-tanaw at sa pagbigay ng interpretasyon nito.

Naisasalba ang gunita, ngunit ang sakit ng alaala ay mananatili sa isip na sariling pamilya ng may likha.

 

     Ako ang batang nalugmok sa dilim. Ako ang batang may kinikimkim na hinanakit. Hinanakit na kailan man ay hindi ko mawawaglit.  

      

 

         

Eboy Cornejo

iTo aY isAnG sAnAySaY tungkOl sA iSaNg PanagInip nA nAgbAliK sA first person point of view ng kAnyAng nAkaraan..

akO ay iSaNg studeNt sA University of the philippines-diliman.. malikhaing pagsulat major...


good

ang ganda ng kweto