Alpha-Omega: Alamat ng gunaw at resureksyon

| |

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;}

Mas malakas na ang taghoy kaysa sa dasal,

hindi na naririning ang tinig

ng mga obispo’t magdarasal.

Mabilis na bumabalik ang pahina ng kasaysayan

mula sa robotics, Nazi, patungo kay Virgin Mary

at sa huli’y nakaluhod muli ang mga taong sinasamba ang Olympus.

At sa iyak nga nila’y naawa si Zeus.

Ang langit ay nagpaulan ng mga

b          u          l           a          l           a          k          a          w

Subalit ang liwanag nila’y para lamang fireworks sa Bocaue,

o poporong may sindi.

Hindi na nakatugon ang mga wishing stars

sapagkat sila’y nilamon na ng Bermuda,

at naging disco light habang sumasayaw si Amelia.   

 

Hinimod ng alon ang natitirang pag-asa ng sanlibutan

Gusto na ring maging hari ni Neptune.

At ngayon nga’y naulit ang alamat ng simula:

binato ng langit ang dagat,

nagalit ang dagat,

nagkadelubyo,

humupa ang away,

ang mga bato’y naging pulo.

at noon nga’y tinuka ng ating mga kaluluwa

ang lumulutang na kawayan upang muli tayong maging mga anak

nina Maganda (at Malakas).


sinta isaac's picture

...jc

 

pinanabikan ko ang iyong mga tula,

kay tagal mong nawala...

 

Hindi na nakatugon ang mga wishing stars

sapagkat sila’y nilamon na ng Bermuda,

at naging disco light habang sumasayaw si Amelia.- nakakapagsulat lamang ako ng ganitong klase ng tula kapag lumilipad ako pagkatapos makipagtalik sa damo,

 

at naiisip ko na mahaba haba na ang trapiko ng mga bituin sa langit kaya naabala ang pagkahulog ng aking bulalakaw.

 

Maligayang pagbabalik. 

 

Matagal din akong nawala dito... parang isang libong taon na ang lumilipas mula noong huling beses akong tumambay sa lugar na ito. 

 

mag-iingat ka palagi.

 

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

Salamat man. Kaso me

Salamat man.

Kaso me pangamba pa ako. Gusto ko talagang magsulat ng transgresibo parang kay j.luna o yung sa'yo. Pero may takot pa ko sa paggamit ng salita eh.

 

See you in fb :)

 

Pagtatalik at pagsusulat: Isang paghahambing

Ang pinakamasiklab na romansa at orgasmo ng isang manunulat ay ang makaulayaw ang mga salita at makagawa ng isang akda; ang luwalhati niya'y ang mabasa ang kaniyang likha!

-