Alulod
Submitted by jakobus on July 22, 2006 - 12:46am.
Filipino | Poetry | innocence
Nakabibinging katahimikan,
naririto at nananahan.
Taal na panaghoy ng kalikasan.
Dito, ulan naghahabulan.
Taal na Nakabibinging ulan.
panaghoy Dito, naghahabulan.
katahimikan, ng Kalikasan.
naririto at nananahan.
Butil, patak, buhos, agos
ng ulan, patay nakamamatay!
Sa lagaslas nito'y walang alpas
Hindi akong kaluluwang alang husay.
Isa, sige, dalawa at hala!
Apaw . . . apaw . . . Tatlo, apat, lima?
Lintik! Alulod, ginawang takbuhan
nitong sa dibdib, hagupit ng ulan.
Sa bawat pintig, ulan, aray!
Bakit yaring buhay ang alay-alay,
Siya ring gawang daluyan
Bakit, oh ang puso ko! . . . ng kalungkutan.
Jaypee Pagdanganan

