Andrea V

lonely probinsyana's picture

Andrea V

by: lonely probinsyana

 

Ano bang kasalanan ko,na sayo'y nagawa?

Isa lang naman akong makata,nakikinig sa'yong mga salita

Dahil ba ginagamit ko ang aking mga mata,pag kausap ka?

O dahil ba gamit ko rin ang puso ko patungo sa'yong letra.

 

Naging malungkot na ang bawat araw ko

Hindi rin nababawasan ang tinta ng panulat ko

Ang papel na sinusulatan ay tila nang blangko,

Wala akong maisulat dito dahil wala ang 'yong kwento.

 

Kinausap ko ang iyong mga kaibigan

Tinanung ko sila,kung saan ang inyong tirahan

Dahil nais ko sanang makita ka,kaya pupuntahan

At sinabi nga nila sa akin,sinagot ang aking katanungan.

 

Hindi ko pinatagal ang oras at pumunta ako sa bahay nyo

Kumatok ako sa pintuan at pinagbuksan mo ako,

Nag-iisa ka at tila may lumbay sa mga mata mo

Parang dinudurog ang puso ko,hindi naman tama toh.

 

Waring kagigising mo lang dahil magulo ang 'yong buhok

Parang nais kong hawiin ang buhok mo,nang pumunta ka sa isang sulok

Nakapasok na nga ako sa bahay nyo,ngunit nais ko pa ring kumatok

Sa pangalawang pintuan naman,na parang puso ko'y tinutusok.

 

Tinanong mo ako kung nais ko ng maiinum

Sa wakas ay bumuka din ang bibig mong kanina pa nakatikom

Umuo ako sa'yo,kahit wala akong nalilikom

Salita mo ang hinahanap ko na wari'y paghuhukom.

 

 


Similar entries