"Andres"

Yuco's picture
| |

"Andres"

Ika-29 Nobyembre 2010
11:31 PM

Humimlay ka na ba
sa punit-punit na
pahina ng ating kasaysayan?
Tuluyan na bang naging usok
ang nagliliyab mong himagsikan?
Daan taon na ang nagdaan,
tuluyan mo na ba kaming iniwan?

Sana hindi pa....
Sana hindi napagod ang
pistola at bolo mong hawak,
Dahil ang kalagayan ng bayan
ay tulad parin ng dati,
Ang mga buwitre at buwaya
ay patuloy paring naghahari,
Pang-aalipin nila ay nag-iba
lang ng kulay at tawag.

Siguro nga hindi lang kita nakikita,
Siguro nga hindi lang kita nadarama.
Dahil wala ako sa kanayunan,
Kung saan malimit marinig,
ang iyong sigaw at pangalan.

 

 

YUCO

Medyo mabilisan tinapos ang tulang ito, sa pagnanais na maihabol sa kaarawan ni Gat Andres. Matagal naring nagpaikot-ikot at nagpabalik-balik sa isipan ko ang mga linya at katagang ginamit. Ngayon ko lang na isulat, nailabas sa pamamagitan ng tula.

Sana nabigyan ko ng kaunting kulay ang kaaraawan ni Gat Andres Bonifacio. kahit sa simpleng tula lamang.

Salamat. 


Jack A. Alvarez's picture

O ikinumpara mo lang ang kanyang kagitingan

Dun sa last stanza, bakit sa kanayunan lang ba ang kabayanihan? Bakit sa kanayunan lang ba ang paghihimagsik? O ikinumpara mo lang ang kanyang kagitingan sa mga rebeldeng may hawak na armas?

Sana maihatid natin sa makabagong henerasyon ang makabagong interpretasyon sa kabayanihan ni Andres Bonifacio.

 

 1. sa punit punit na

di ba dapat may gitling

2. pahena ng ating kasaysayan?

pahina ba ito?

 

3. Pang-aalipin nila ay nagiba

di ba dapat may gitling

 

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

Yuco's picture

:-(

Pasensyan na Jack at an dami kong nakaligtaan :-(

di ko na kasi na-review kagabi pagkatapos ko i-submit, tulog kaagad. Nabago ko na po.
 
Sa last stanza, ang "kanayunan" ay ginamit ko bilang simbolo. Maaring lugar kung saan naroon ang kaguluhan, kahirapan o pagsasamantala sa ating mga kababayan.

Sana nakatulong ito.

Maraming salamat sa puna at komento

 

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko

Yuco's picture

Answer

 Dun sa last stanza, bakit sa kanayunan lang ba ang kabayanihan? Bakit sa kanayunan lang ba ang paghihimagsik? O ikinumpara mo lang ang kanyang kagitingan sa mga rebeldeng may hawak na armas?

Hindi lang ito tungkol sa kabayanihan, kundi ang paghahanap sa diwa ni Bonifacio sa puso ng ating mga kababayan - nananatiling buhay pa ba ito o hindi na sa ating panahon.

Ang panghuling stanza ay paglalahad ng narrator sa tunay na estado nya, Inilahad kung bakit hindi nya makita ang presensya ni Bonifacio, dahil sa Walang panahon para makilahok at kumilos para sa bayan. 

"Dahil wala ako sa kanayunan" 

Habang ang mga nakasaksi o nakaranas maging biktima, wala silang ibang makitang solusyon kundi yakapin at lalong pasiklabin ang nasimulang apoy ng himagsikan ni Bonifacio. Sila ang maituturing na makabagong anak ng bayan. Walang takot at handang mag-alay ng buhay para sa bayan.

Salamat Jack :)

Ayaw Matulog ng Keyboard Ko