Ang Aking Buhay

Kai's picture
|

ang kalangitan ko ay puros panimdim

at ang palamutiy ulap na madilim

ang hihip ng hangiy awit nasa libing

ay tinatangisan ng mga bituin

 

alapaap kung bakin aking natamasa

ay puno ng hilahil at luha ang bunga

o ang kariktan ay langit ng dusa

at ang buhay koy storyang walang lasa

 

maging anga agos ng aking batisan

ay nangatuyo nat luha ay nasaan?

ang malilim na puno sa aking likuran

ay nangamatay dit bulok nang datnan

 

awit ko ngayoy lamay na malungkot

na sinasayawan ng puros himutok

wala ng luhat puso ay bulok

maging ang wakas ay hapdi padit kirot

 

sa buhay kong walang buhay, paalam

ningas akong malamig ang alab

kasuyo koy panitik na maalam

sirang pangarap sa aking paghimlay

 

paalam din kung may nagmamahal

sa natatangi, dakila ang magtagal

iilan lang ang may mukang natural

karamihay hayop, karamihay hangal

 

 

Kai