Ang Aking Paaralan ay Sumisimbulo din sa Bulok na Lipunan

baby star's picture

Ang Aking Paaralan ay Sumisimbulo din sa Bulok na Lipunan

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

 

Sa unang taon ko sa paglipat ng paaralan (mula sa pribado tungo sa publiko) ay napansin ko na ang hindi pagkakapantay-pantay ng aking kinalalagyan. Iba. Hindi kagaya ng dati.

Kung noon ay panatag ang kalooban ko, maaliwalas ang lahat at sa isang iglap ay binago ito. Ang liwanag ay nabahiran ng karimlan. Nang katotohanan na hindi nahihirati ang lahat sa kagandahan at may roon parating likod ang takip silim.

Nagmatyag ako. Walang sawang nagmasid sa unang araw sa paaralang ito. Pinapakiramdaman ang bigat ng pagbabago. Para akong “allien” ngunit hindi naman dahil naiintindahan ko ang salitaan nila. Hindi ko lang talaga maunawaan ay ang tunay na mensahe.

Dalawa ang mundo sa paaralang ito. Taas at ibaba. Ngunit masmarami ang nasa ibaba.

Bumagsak ako sa seksyun 4. Sapagkat ang suma-total kong grado sa dating paaralan ay otsentay kwatro (84%) lamang. Hindi na masama sa sa isip-isip ko dahil umaabot sa apat na po ang bawat baytang dito. Ang kinalalagyan ko ay nasa katamtamang lugar lamang. May makulit at may masipag din mag-aral. Sa unang linggo ay medyo masipag si titser sa amin at mukhang nagpapasikat. Natawa lang ako. Ngunit ngayon tila nagtatamadtamaran na siya at pinapaubaya na sa amin ang pag-aaral sa bawat takdang aralin. Sulat lang kami ng sulat. Sulat ke sulat. Wala siyang alam gawin kundi ang burahin ang barnis sa matigas na upuan at magbulatlat ng maliit na kwaderno. Basa at sulat din siya at tila may kwenekwenta na wala namang kwenta sa amin. Minsan ay pinangahasan ko iyon buksan dahil talaga namang nahihiwagaan ako. Eh, puro pangalan na may kaakibat na numero lang pala iyon tsaka petsa. Ewan. Siguro listahan ng pautang niya sa five-six.

Kailangang baguhin ito. Bilang estudyante sa klase ay kailangang mag-isip ako ng paraan. Itago ko kaya ang listahan niya at sunugin. Sirain ang upuan at lamesita nito. Lagyan ng surot ang kanyang yuniporme. Hay... wala akong maisip na hindi ako mapapahamak. Wala. Mag-aral na lamang at ng umusad ako sa pinakamataas na seksyon.

Ang seksyon na tinitingala ng bawat isang mag-aaral kasama ng mga magulang nito. (Mare, daig ng anak ko ang anak mo dahil nasa sekyon 1 siya at ang sa iyo ay seksyon 2 lamang)

Bago magtapos ang klase ay nagtatanong ang ilang titser ko kung may katanungan pa daw ba kami bago dismisin. Sige nga at magtatanong ako. Ah, iyon pala ang paraan upang mabitiwan ni titser ang maliit na kwaderno niya. Gusto pala niya ay tinatanong siya at hindi lang kami puro OO ng OO sa kanya. Mula noon ay lagi akong may baon na katanungan sa klase na dahilan upang mag-aral na din si titser ng kanyang takdang aralin.

Minsan narinig ko ang tsismisan ng mga guro ng may ipagbilin si titser na kunin sa faculty, dati rati ay mula seksyon 1 hanggang 3 lamang tayo kinakailangang mag lecture ngunit ngayon ay pati na sa section 4 dahil matatanong na din ang mga estudyante duon. Anak ng tupa naman. Obligasyon naman nila na turuan ang lahat ng mag-aaral at hindi na kailangan pa na ayudahan sila. Papano na lang kaya ang nasa dulong seksyon. Kaya pala hinati na din nila ang bawat klase sa row 1 hanggang row 4. Mabuti n lang nasa una ako.

Mahirap maging bobo dahil masgagawin kang bobo sa eskwelahang ito. Tulad ng lipunang giagalawan ko na mahirap maging isang mahirap. Hindi ko naman masisisi si Papa dahil hindi niya ginusto na mawalan ng trabaho ng magsara ang kanilang pabrika.

Sa susunod na taon pinapangako ko na seksyon 1 na ako.


yolak69's picture

aral lang...

Sabi nga ni insan 'ang pag-aaral ay parang byahe lang...masarap tulugan'. Lolz

On the other hand, biktima din ako ng ganyang sistema, first year hi-school ako nasa Science Oriented tapos biglang lipat sa public, buti nga kayo ngayon may kwarto eh, kami sa Room Tree lagi, as in sa ilalim ng puno.

Pansin ko lang, malalim na pakakaintindi mo sa mga bagay, biruin mong ikumpara ng mo kagad estado mo sa lipunan? Ano gatas mo nung bata ka? :) Payo ko lang ngayong alam mo ng bulok ang sistema, ayusin mo nalang buhay mo at pag-aaral. Wag mo muna isiping bulok kinakain mo, importante may laman tyan mo. Go for section 1 girl!!! Goodluck!

 

Cheers!

baby star's picture

salamat po yolak...

"Pansin ko lang, malalim na pakakaintindi mo sa mga bagay, biruin mong ikumpara ng mo kagad estado mo sa lipunan? Ano gatas mo nung bata ka?" - yolak

dahil bukas po ang aking mga mata at hindi pakikipaglandian sa mga boylets ang inaatupag ko.ha!ha! Sabi ni Papa ay isang taon lang naman daw ako dito sa public school pero sabi ko naman ay ayos din ito sa akin ng masmalaman ko ang buhay-buhay. Political Science po ang balak ko kunin sa college. Saawa ng Diyos ay kakayanin ko po ito. salamatKiss

yolak69's picture

Pol Sci???

Astig!!! Pol Sci din ako, pero please isipin mo muna kung ano talaga kakalagyan mo after nun. If you plan to pursue Law it would be better to take up Legal Mgt instead or if you are good in Math take up Accountancy. CPA ka na abogado ka pa.

Masarap lang pakinggan Pol Sci, magaling daw maki-debate, magaling daw magsulat at karamihan ay aktibista. Oo mamumulat ka sa mga bagay-bagay, pero ang totoo sabi ko nga, nasa sayo yan kung pano ka mamumulat. Di lang sa kurso. Nagsisisi ako ngayon at kinuha ko Pol Sci, sana 2 year course nalang vocational pa, nasa abroad na sana ko ngayon at may kwintas na ginto. Unfortunately, wala pa sa amin na Legal Mgt at that time at di din ako magaling sa Math, kaya eto, call center bagsak ko. But next year, if time permits, ill pursue law. Goodluck again!

 Cheers!

 

baby star's picture

salamat po ulit X:o)

iisa-isahin po lamang natin sungkitin ang mga bituin sa langit at balang araw ay mahuhulog ng kusa ito sa ating mga kamay--->target ko rin po yang abogasya. thanks!Kiss

BABY STAR BASAHIN MO!

bago lang ako nag graduate sa highschool at alam ko ang takbo ng public school kasi sa pampublikong paaralan ako nagtapos. Di naman siguro dapat ihalintulad ang paaralan sa gobyerno isa pa ang pinanggalingan mong school ay pribado..mahal yan diba? kaya di mo nakikita..ang tunay dahil kung di mahal ang binabayaran nito diyan, kung magkatulad lang sana ang binabayaran niyo at ng pang publikong paaralan makikita mo na halos magkatulad lang ang pribado at public.

Star bilang estudyante kayo mong ipakita o iparating ang iyong saloobin sa iyung guro..sa tamang paraan..tanungin mo siya sa harap ng maraming estudyante..kung bakit ganun siya..maaring may problema ang tao.. o ano man yan.. kaya kailangan nating magtanong muna bago natin siya hatulan..

Bilang estudyante dapat agresibo tayo..ngunit huwag maging bastos.. kung alam mo lang kung anong hirap ang pinag daanan ko bago ako naka graduate sa 4th year halos..di ko na mapigilan ang sarili ko na  huwag ipahiya ang teacher ko sa math...dahil sa pang gigipit niya...binagsak niya ako simula sa 1st hanggang 4th grading kahit matataas ang kuha ko sa mga gawain namin..

kung ako sayo isumbong mo ito..sa principal na ganito ang mga ginagawa ng mga guro... na para sa iyo ay nakaka discourage... di naman siguro lahat ay ganun di ba? kung di makikinig sayo ang principal ..idiretso mo na sa Deped tingnan ko lang kung di mangatog ang tuhod nila..

tayo ay puwedeng magsalita...ipakita mo ito...sa mga program tumula ka, kumanta ka na gamit ang sarili mong kanta..para patamaan siya..ganun rin naman ang ginawa ko....tumula ako pinatamaan ko siya..valentine noon.. Kaya marami ang naka pansin ng itula ko ito ay parang galit daw ang boses ko pero maganda naman daw...kunti lang ang naka intindi noon ang naka gets...pero di nila maka paniwala sa ginawa kong iyun kasi di ako natakot..

kung iisipin andun pa ang mama ko guro rin..pero kahit siya di niya alam na ginigipit ako.. nalaman niya lang yun ng sinabi sa kanya ng adviser ko na binagsak ako sa math... but you know alam na ng adviser ko yung mga pinanggagawa ng unggoy na yun... kaya sa huli di ko na mapigilan pumunta ak osa principal isinumbong ko... pinatawag niya ang math teacher ko... at alam mo inaway pa ako dun sa loob ng office at sinabing wala daw akong hiya.. gumagawa daw ako ng kuwento.. but then..di pa rin siya nakalagpas.. dahil noong huling pananakot niya sa akin ay na record ko sa cell ang mga sinabi niya..kaya wala na siyang nagawa at pinagsisigawan niya na lang ako..without thinking andiyan ang principal at sinabi niya pa na bastos ako.. ito lang ang sagot ko " kung bastos ako dapat di na ako gumagalang sa inyo, dapat sinigawan ko na kayo..ngunit hindi ko yun ginawa SIR!.. kasi may respetu ako..tulad ng sinasabi sa 12 points of scout...at sinabi ko pa kaya rumarami ang tiwali kasi di pa nga nakakaakyat sa itaas humihirit na...

ipapatanggal sana siya ng  school pero ng nabalitaan kong namatay ang ama niya.. lumapit ako sa principal kasi di pa naman lahat...nakakaalam eh!sa nangyari... ako na mismo ang humingi  ng chance para kanya..sabi ko lang sa principal na pag ginawa niya pa yun... ay di na sa principal dadaan kundi diretso na sa Deped kaya sumang-ayon ang principal namin... minsan lumalambot ang puso ko.. hehehe

kaya kung ako sayo...tumayo ka at ipakita mong di mo gusto ang ginagawa nila. dahil may karapatan ka!mahaba pa sana ang story ko sayo but then ddon na lang kasi mahaba narin ito hehehe!

have a nice day sulat lang ng sulat!

god bless!

Rom's picture

di lang ikaw ang nakakaranas ng ganyan

 

wala na ang dating pagtingin sa PUBLIC SCHOOL noong unang panahon. dati kapag galing sa public school magagaling at matatalino. ngayon parang chicken and egg na di na alam kung kanino nagsimula ang kabulukan sa gobyerno ba, sa teacher o sa estudyante.

i have a similar experience as yours here:

http://www.filipinowriter.com/what-is-happening-to-the-world-today

pero sa anak ko nangyari. sana lang ang mga estudyante ngayon laging mapag masid at mapanuri, hindi itinuturo sa paaralan ang pagiging critical sa lipunang ginagalawan ninyo, sana kusa ninyo itong matutunan.

 

salamat

Rom 

 

 

www.blah-blahblogs.com