ANG AKING PLUMA (by Galatea)
Ang Aking Pluma
Tatas ng dila'y 'di mapigil
Subalit tila may hindi masabi
Hindi maipaliwanag
Emosyon.
Damdamin.
Bakit?
Walang kasagutan?
Tila.
Ngunit paano umiyak?
Paano humibik?
Paano ang lumuha?
Hinawakan ang pluma
At sa pagtama
ng dulo nito sa papel
Bubuhos ang emosyon
Bubuhos ang damdamin.
Puso'y nasa aking pluma
Sinusulat niya'y ako
pagkat...
Ako...ang aking pluma
Iisa.
Sa emosyon.
Sa damdamin.
Tahanan ko'y nasa aking pluma...
ayos lang. medyo busy sa
ayos lang. medyo busy sa school. sa pagkanta. sa lahat. hehe.
ikaw? kumusta? may bago kang kanta?
wala pa rin ako.
ngiti parati. ;)
-Galatea
meron nga heheh. busy
meron nga heheh. busy din sa skul. weh) heheh narinig mo na ba ung new song?
ito ung link--
http://soundclick.com/share?songid=8749530
di bale makakaraos ka rin yan!
nasasabik sa araw nang ang mga musa'y babalik
ha talaga? yung dati kong
ha talaga? yung dati kong kanta. wala pa ring title. wala pa ring video. hehe. sige papakinggan ko yan.
sasama ka kina Luca?
-Galatea
naku hindi na ako
naku hindi na ako makakahabol march 9 pa ako sa manila. sayang nga eh.
hmmm sana marinig ko na ang dati mong kanta. ingat palagi!
nasasabik sa araw nang ang mga musa'y babalik



musta ka na
musta ka na galatea?
nasasabik sa araw nang ang mga musa'y babalik